Touche
Alas-otso ng gabi, katatapos lang maghapunan ng tatlo. At talagang sinagad na nina Armida ang kakapalan ng mukha nila dahil si Josef talaga ang pinag-aasikaso nila sa kusina. Ito na nga ang nagluto, ito na ang nagligpit ng mesa, ito pa ang naghuhugas ng pinagkainan nilang tatlo at ng mga pinaglutuan nito.
"Kapag nalaman ni Xerez na inaalipin yung amo niya rito, ewan ko na lang kung ilang Guardian ang pumunta rito para pagsilbihan 'yang asawa mo," sabi pa ni Laby habang prenteng nakasandal sa couch at pinanonood si Josef na maglinis ng lababo. "Saan ka nakakita ng Fuhrer na inaalipin lang?"
"Hayaan mo siya, ginusto niya naman 'yan," sagot ni Armida na hayahay rin sa couch at umiinom pa ng grape juice na ni-request din niya kay Josef na gawin pagkatapos nilang kumain. Nakatingin lang din siya kay Josef na kasalukuyan nang nagpupunas ng mga plato.
Bigla tuloy niyang naalala ang battleground na pinuntahan nila nitong hapon lang.
"Alam ba ng authorities ang tungkol sa Xaylem?" seryosong tanong ni Armida.
"Natural," sagot agad ni Laby.
"May backer ba?"
"Mga Soliman ang humahawak ng Xaylem."
"Isidore Soliman?" tanong ni Armida nang ituon ang tingin kay Laby.
"Yeah. Kilala mo?"
"Naging client siya ng Elites before. And besides, isa siya sa pinakamaingay ang grupo. Ang daming issue ng pamilya niya. Teritoryo ba niya 'tong lugar?"
Nagkibit-balikat si Laby. "May part lang ng area ang kanya. 70 percent ng buong city, hawak ng Citadel."
"I see," sabi ni Armida habang tumatango. "Kumikita sila sa Xaylem sa mga pambatang laro nila."
"By the way, heads up lang," pagbabago ni Laby ng usapan habang inaabangan kung lalapit na ba si Josef sa kanila. "Nasa area yung kapatid ng asawa mo."
"Bakit daw?"
"Target yung anak ni Isidore Soliman. Utos ng President."
"Si Thompson?" takang tanong ni Armida at napatingin na naman kay Laby.
"May replacing action na sa top organizations dahil sa pagkawalan ng mga Zubin. Iniisip ng lahat na serialized ang nangyari."
"Serialized my ass," sabi pa ni Armida at ibinagsak ang batok sa sandalan ng couch. "Kung alam ko lang na bigtime pala yung matandang 'yon, e di sana . . ."
"We reviewed the recordings," kuwento ni Laby sa mas mahinang boses. "Nabawasan ng parusa si Cas since Zubin ang unang nag-violate sa truce. Ang balita ko sa Decurion ko, ilalabas na sa selda si Cas bukas at resume na sa activity ang office niya."
Napabuga ng hininga si Armida at matipid na ngumiti. Kahit paano, gumaan ang pakiramdam niya sa balita ni Laby sa kanya. Umayos na agad siya ng upo nang makitang tapos na si Josef sa ginagawa nito at nagpupunas na lang ng kamay nang lumapit sa kanila.
"Hindi pa ba kayo matutulog?" tanong pa ni Josef. "Maaga ang pasok bukas, a?"
"Why? Matutulog ka na?" tanong pa ni Armida.
"Malamang. Wala akong balak magpuyat, ako pa ang magluluto ng almusal natin bukas." Tumungo na sa hagdan paakyat sa second floor si Josef at saka lang nilingon ang asawa niya. "Ikaw?"
"Susunod ako," sabi na lang ni Armida.
"Okay." Tumango na lang si Josef at dumiretso na paakyat.
Naiwan na naman doon sa sala sina Armida at Laby.
Alangan pa ang dalaga sa gusto niyang sabihin pero sinabi na rin niya nang tumayo na si Armida.
"Si Shadow . . ." panimula ni Laby, ". . . Guardian mo na siya ngayon."
"Tapos?"
Bumuga ng hininga si Laby at tumayo na rin saka tiningnan si Armida nang may pag-aalala. "Iwasan mong ipahamak ang sarili mo. Kasi kapag hindi ka niya naprotektahan, parurusahan siya ng Credo." Naglakad na si Laby papuntang hagdan.
"And now, you're concern with him," nakataas na kilay pero nakangising sinabi ni Armida. "Bakit ba concern ang lahat sa kanya? At bakit concern ang lahat sa ginagawa ko?"
"Ask yourself why," tanging sagot ni Laby saka iniwan si Armida.
***
Mag-aalas-sais na ng umaga at handang-handa na ang tatlo sa pagbabalik-school.
Si Josef, may kakayahan namang magturo dahil na-experience na niyang mag-volunteer works noong may charity event sa company na dati niyang pinagtrabahuhan. Ang iisipin na lang niya ngayon ay kung paano niya pakikitunguhan ang lahat ng tao sa school na niya nang hindi siya nakakakuha ng atensiyon. Sinubukan naman niyang magpanggap na nerd sa long sleeve shirt na pinatungan ng vest at cream-colored slacks plus transition eyeglasses. Nag-wax pa siya ng buhok para slick at mukhang karespe-respeto. Ang kaso hindi niya na-achieve ang nerdy-mode. Nagmukha pa siyang model ng eyewear, expensive watch, at branded apparel.
Si Laby naman, dalawang taon nang university professor kaya inaasahan niyang mabuburyong lang siya sa loob ng classroom dahil sa mga ituturo ng mga teacher. Unless, may mangyayaring kakaiba, baka hindi siya makatulog. Nakapagtanong na siya about sa Black Web at tatlo sa mga suspect niya ay kapareho niya ng year. Naka-uniform siyang lumabas ng bahay at parang may sarili siyang school dahil hindi niya suot at gamit ang proper uniform ng Byeloruss.
Si Armida naman, walang kaide-ideya sa gagawin. Ano nga ba ang kalakaran sa high school samantalang ni hindi nga siya nakatapak ng first year. Ano kaya ang mga estudyante niya? Gaano ba sila kalala? Black suit and tie ang ayos niya. Black slacks at naka-heels siya na sobrang taas na halos kasing-height na niya si Josef. Naka-high pony siya at kulang na lang ng shades, mukha na siyang secret agent na bodyguard. Sinabi ni Josef na magpalit siya ng damit dahil mukha raw siyang Guardian sa Citadel, pero hindi siya nakinig. Kung makapagbanta naman kasi ang mga co-teacher niya sa section na tuturuan niya, parang kakabugin pati mga agent sa HQ. Mabuti nang porma pa lang, mukha na siyang manlulumpo ng siga.
Sumakay sa personal van niya si Laby na ang driver ay isa sa mga Guardian niya kasama ang isa pang Guardian. Must-have nga raw para sa VIP students ng Byeloruss ang butlers.
Sumakay naman sa kani-kanilang kotse ang mag-asawa. Sabay sabay na silang pumasok sa school.
-------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top