The Rose and the Thorns
Kakaiba na ang katahimikan ng Class 4-F nang araw na iyon. Kahit sina James at Eljand, naging tahimik din matapos ang recess. Nagtanong si Armida kung ano na ang plano nila sa paparating na exam at Christmas presentation pero talagang na-silent treatment siya ng klase niya.
"Alam n'yo, kung parati kayong ganito, hindi kayo pagagalitan ng mga taga-faculty," sabi pa ni Armida habang nakatingin sa RN niya. "Maison, mag-take ka ng exam, ha? Ang baba ng grade mo."
Hindi sumagot ang estudyante niya.
"Jette, kinukuha ka ng faculty as this class' representative sa conference. Kausapin mo sina Sir Geo about this."
Hindi rin sumagot ang estudyante niya.
"Si Brent?" tanong pa niya at hinanap ang estudyante niya sa loob. "Hindi pa rin ba bumababa? Pakitawag nga sa rooftop. Babatuhin ko na ng granada yung tambayan ng mga 'yon." Tiningnan niya si James. "James, tawagin mo nga sa taas para makauwi na 'ko."
Hindi sumagot si James pero sumunod naman kahit malungkot.
"Sampu sa inyo, mababa ang GWA. Mga matatalino naman kayo. Ano 'to? Ano'ng balak n'yo? Gusto n'yo pa bang gr-um-aduate?"
Sabay-sabay silang napatingin sa bintana nang makitang naglalakad doon ang grupo ni King at nauna na si James papasok.
Napatingin sa relo si Armida at nakitang isang oras na lang at uwian na. Kaya nga pagpasok na pagpasok nina King, tumayo na agad siya at nagpamaywang.
"May sarili na ba kayong klase sa taas at di kayo matahimik dito sa room ninyo?" sermon agad ni Armida.
At gaya ng unang araw ng klase, sumenyas si Brent sa mga kaklase niya. Nag-urong na naman ng upuan at isinara ang pinto at bintana.
Napaawang na lang ng bibig si Armida at buong pagtatakang nakatingin sa grupo nina King.
Sinunod niyang tingnan ang buong klase niyang nakisama naman, at sa ilang saglit lang ay malinis na naman ang gitna ng 4-F room.
"Huh!" Napatawa nang isa si Armida at biglang nadismaya ang mukha niya habang nakatingin sa kisame ng room. Bigla siyang tumango na para bang naiintindihan na niya kung ano ang nangyayari kahit hindi niya talaga naiintindihan. "What are you gonna do, hmm?" mataray na tanong pa niya kina King. Hinubad niya agad ang suot na blazer at binato na lang sa mesa, hindi na tinawag pa ang kahit sino kina Eljand at James para ipahawak iyon.
Napahugot ng hininga ang grupo ni King at hindi alam kung aabante na ba para sumugod. Alam naman nilang hindi sila mananalo kay Armida.
Itinupi na agad ni Armida ang magkabilang long sleeves ng suot niyang pang-ilalim na white shirt at saka nagpamaywang.
"So, you're gonna fight me . . . again," seryosong sinabi niya sa kanila-iniisa-isa ang mga miyembro ng DOC. "May laban mamaya sa Xaylem. Baka gusto ninyong dito pa lang, pababain ko na kayo sa ranggo."
Pinalagutok ni Armida ang mga daliri sa kamay at sa leeg.
Napaiwas ng tingin ang mga kasama ni King maliban lang sa binata.
"Alam mo kung ano ang nakikita ko sa mga mukha ninyo?" tanong pa ni Armida. "Takot."
Naglakad siya sa gitna ng room para pagbigyan ang lahat ng estudyante niya. Kinuha niya ang panyo at itinakip sa mata.
"Ma'am, 'wag na . . ." narinig niyang pagtawag ni Eljand sa isang sulok ng room, nagmamakaawa ang tono nito.
"Sige, I'll give you a nice deal," sabi niya sa lahat. "Kapag natalo na ninyo ako ngayon, I'll stay hanggang graduation ninyo. Kahit magtulong-tulong pa kayo."
"Ma'am . . ." pagtawag ulit ng pagmamakaawa pero galing na kay James.
Kahit nakapiring si Armida, parang balewala rin dahil masyadong matalas ang pandama niya para kahit nakapikit, kabisado na niya ang paligid.
Naramdaman niyang pinaiikutan na siya. Hindi lang niya inaasahang pito ang member ng DOC pero nasa kinse ang umiikot sa paligid niya.
"So, I guess, hindi lang grupo ni King ang lalabanan ko ngayon," kompiyansado niyang sinabi at nagpamaywang. "Wala pa bang susugod? Kapag ako ang sumugod, magkikita-kita kayo sa clinic."
Naging tahimik ang mga estudyante niyang nakapalibot sa kanya.
Ilang saglit pa, naramdaman na niya ang dalawang papalapit na presensya sa kanya.
"Ma'am!" babala ni James.
Hindi man lang kumilos si Armida sa kinatatayuan. Iginilid lang niya ang ulo sa kaliwa para iwasan ang isang suntok. Sinalo naman niya ng kanang kamay ang paparating na sipa sa tagiliran niya. Marahas niyang binitiwan ang paang nasalo na malamang ay lalaki ang may-ari dahil sa pants.
Hindi pa man nakaka-recover sa unang pag-atake, may sumunod nang tatlong presensya pa.
Sinalag niya agad ang bagong suntok na paparating at ipinaikot ang kamay niya sa braso nito. Sinalo naman niya ang sa isa pa at pinag-untog ang dalawang iyon. Mabilis siyang napaupo at pinatid sa paa ang isa.
Pagtayo niya, may bagong atake na naman. Dalawang presensyang papalapit.
"You know I can't kill you, right?" inis niyang sinabi sa lahat.
Idiniretso niya ang palad at pinagdikit ang dalawang daliri. Kailangan na niyang pigilan ang ginagawa ng buong klase niya.
Pinatamaan na niya ang ibabaw ng kaliwang balikat ng isa at pinuwersa ang leeg nito para paralisahin ang katawan. Mabilis itong bumagsak at hindi na nakabangon pa.
Sinunod niya ang isa at pinatamaan naman sa batok at leeg. Ito na ang sumunod na bumagsak.
Sa dalawang sumunod na paparating na atake, hinintay niya itong makalapit at binira ng magkabilang palad sa itaas ng dibdib na naging dahilan para matigilan ang mga ito at mapaluhod habang hawak ang mga sariling leeg dahil sa kakulangan ng hangin.
"Ma'am, tama na 'yan!" pagmamakaawa ni Eljand.
"Ma'am!"
Patuloy lang ang pag-atake. Walang huminto kaya hindi rin tumigil si Armida.
Pinagbibira niya sa leeg ang sumunod na tatlo. At kung saan-saan niyang bahagi niya pinatamaan ang iba para sandaling maparalisa.
Wala pang limang minuto, bagsak na ang halos lahat. Ang naiwan na lang ay tatlong nakatayo.
"Haaay . . ." Inalis na rin niya ang piring niya at pagmulat niya ay nakatingin lang sa harapan niya sina King, Brent, at Chief. nagsipag-iwas ng tingin ang mga ito at halatang wala nang balak sumugod.
Nakikita niya sa peripheral vision niya ang mga napabagsak niyang estudyante at ang tahimik na iba pa.
"No'ng nasa edad n'yo 'ko, libong tao na ang nasa record na pinatay ko," nagtaas siya ng tingin. "Tingin n'yo ba, ganoon ako kadaling mapapabagsak?"
Marahas na ang naging pagbuga ng hininga ni King habang nakatingin sa labas ng bintana. "Kung aalis ka rin naman pala, sana hindi ka na lang dumating."
Saglit na tinitigan ni Armida ang mukha ni King na halatang dismayado sa nangyayari. Sinunod niyang tingnan ang buong klase niya.
"Sa isang buong linggo, walang teacher ang pumunta rito para pagalitan kami-para pagalitan ang mga classmate ko," pagpapatuloy ni King. "Walang teacher ang sumubok na pagsalitaan kami ng hindi maganda pagkatapos kang ipatawag ng principal."
"We all know nobody wants me here," katwiran na lang niya.
"But we do!" galit na sinabi ni King. "My classmates do! Ano? Gusto mo ba, lumuhod kaming lahat? Magmakaawa kami?"
Napabuga ng hininga si Armida at sumenyas sa kahit sino para linisin ang mga kalat niya. "Ayusin n'yo 'tong mga classmate n'yo. Baka makita tayo ng ibang teachers."
Tumayo na ang iba at pinaghahatak na ang mga bumagsak nilang kaklase.
"Ilang buwan na lang, ga-graduate na rin naman na kayo," seryosong sinabi ni Armida at naglakad na pabalik sa table. "It's not about me. It's about you, people."
Sinenyas na naman niya ang kamay para ipaayos sa lahat ng estudyante niya ang mga upuan. Sumunod naman agad ang mga ito-gaya noong unang araw niya.
"Wala namang kaibahan kung ako ang adviser n'yo or not," pagpapatuloy niya. "Kayo ang ga-graduate, hindi ako. Prove to those devils na hindi kayo hanggang dito lang." Tiningnan niya ang buong klase na tahimik na naman. "Hindi kayo ang best class na nahawakan ko, but with all your potentials, I know you'll come a long way. Don't settle for . . . this." Itinuro niya ang buong klase niya.
"Ma'am . . ." Umiiyak na yung dalawang estudyante niya sa harap. "Di na ba talaga kayo babalik . . . ?"
"May laban mamaya sa Xaylem," nakangiting sinabi ni Armida. "Pupunta kami ng Fuhrer. Ako na ang mag-aayang manood kayo sa laban namin."
Napasinghot-singhot ang dalawa. Hindi na umimik.
Sinilip na ni Armida ang relo. Hindi niya napansin ang oras, patapos na ang araw nila.
Malapit nang mag-uwian. Yung Christmas presentation ninyo, tapusin n'yo 'yon, ha? Nakipag-away ako sa director para lang makasali kayo. Hoy!" pagtawag niya roon sa kumanta noong nakaraang linggo. "Yung mga kumanta, kumanta na lang kayo. Mas maganda pa boses n'yo sa 'kin."
Binalikan niya yung mag-best friend. "Eljand at James, mag-aral kayo nang mabuti para sa exam n'yo, ha? Kayo lang yung mababa ang average."
Tinanaw niya yung cook niya sa likod na wala nang niluluto. "Chua, hindi na kasing-luwag ko yung susunod na teacher n'yo, itabi mo muna yung kitchen mo diyan sa likod."
Wala siyang natanggap na sagot sa estudyante.
"Ikaw, Havenstein, tigil-tigilan mo na ang pagtambay sa rooftop. "Alam naming lahat na matalino ka at maipapasa mo ang exam mo nang hindi pumapasok, pero walang magbabantay sa mga classmate mo."
Kahit si King, hindi rin sumagot.
Isinuot na lang ulit ni Armida ang blazer at inayos na ang bag niya.
"Ito na ang pinaka-disorganized class na na-handle ko. But we both enjoyed a nice week with each other," huling salita niya sa lahat. "Let's hope to see each other again someday, maliban kay Havenstein."
Biglang bumukas ang pinto ng room at napatingin doon ang lahat.
Naroon ang Director at si Sir Geo. Mga magpapaliwanag sa Class 4-F ng mga mangyayari pagkaalis ni Armida.
Kinuha na niya ang bag at tumindig nang diretso. "Nandito na pala ang mga magpapalayas sa 'kin." Inilipat niya ang tingin sa klase niya. Nakatingin na ito sa kanya at nag-aabang.
"Miss Hwong," pagtawag ng director sa kanya.
Tumango lang si Armida.
"Good bye, Class 4-F," paalam niya sa lahat-na tipikal na end of the class farewell lang sana, pero nakita niya ang buong klase niyang sabay-sabay na nagsitayuan.
"Ma'am!"
Sabay-sabay itong yumukod sa kanya bilang paggalang-tradisyon dapat iyon ng mga estudyante ng Byeloruss sa mga guro nila tuwing magtatapos ang klase na hindi naman sinusunod ng klaseng iyon.
Pero iyon?
Iyon ang unang beses na nangyari ang pormal na pamamaalam ng mga estudyante sa kanilang guro sa taon na iyon ng Class 4-F.
Nagulat ang director at si Sir Geo sa nangyari. Hindi sila makapaniwala nang ilipat ang tingin kay Armida.
Naglakad na ang babae patungong pintuan para makaalis na.
Nakangisi lang siya nang salubungin ang tingin ni Sir Geo. "If you want the lovely rose . . . respect the thorns. It's worth every drop of blood."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top