The Brain
Sunday. Alas-otso ng umaga.
Naghahanda ng breakfast si Josef habang si Armida naman ay nakayukyok ang ulo sa mesa.
Maya-maya, parang zombie na lumapit si Laby sa mesa at umupo sa upuang katapat ni Armida. Nakalupaypay ang mga kamay niya sa gilid at isinubsob na lang ang mukha sa mesa.
Amoy na amoy ang mabangong niluluto ni Josef. Fried rice, sunny-side-up eggs, sausages, at pancakes. Sabay-sabay niyang niluluto at sinamantala ang apat na lutuan ng stove nila. Ano pa nga ba ang aasahan sa kanya, sanay na sanay siya sa multi-tasking.
Makalipas lang ang ilang minuto, luto na ang almusal nila.
"Breakfast is ready, girls! Wake up!" masiglang sabi ni Josef habang inilalapag ang limang platong dala. Tatlong plato sa kanang kamay at braso niya, at dalawa naman sa kaliwa.
"Nahihilo ako sa antok, bad trip talaga," basag na basag ang boses ni Laby habang naduduling na tinitingnan ang platong nasa harap niya.
Kumuha ng isang baso ng gatas at dalawang mug ng kape si Josef at inilapag na sa mesa. Umupo na rin siya at parang robot na inayos ng pagkakaupo si Armida.
"Grabe," malat na sinabi ni Laby. Kinuha na niya ang kape at ininom.
"Uy, milk." Kinuha na agad ni Armida ang baso ng gatas at ininom ang laman.
Napataas na lang ng kilay si Josef. Ano nga ba ang meron at nagkakaganoon ang dalawa ngayon? At saka, ang tinimpla niyang gatas, para iyon kay Laby. At ang kape, para sa asawa niya.
Ano'ng nangyari?
"Armida, ayos ka lang?" tanong ni Josef habang sumasandok na ng pagkain niya.
"Hindi lang ako nakapagbabad sa bathtub," tinatamad na sinabi ni Armida sabay subsob ng mukha sa mesa.
"O, ikaw na bata ka," sermon naman ni Josef kay Laby. "Ano'ng problema mo? Late ka nang umuwi kagabi a. Uwi ba 'yon ng matinong babae?"
"Daddy, not now." Isinubsob na lang ulit ni Laby ang mukha sa mesa.
"Ugh! God." Sumuko na si Josef sa dalawa. Ayaw niyang painitin ang ulo niya umagang-umaga. Kakain na lang siya, bahala na sila.
"Hey." Itinaas ni Laby sandali ang kaliwang kamay para tawagin si Josef. Ibinaba na rin niya pagkatapos. "Alam ko namang mahal na mahal n'yo na ang isa't isa. Sana naman, kung gagawin n'yo 'yon, kaunting tahimik naman. Konsiderasyon na lang para sa 'kin." Umayos na siya ng pagkakaupo at sumandal sa upuan niya.
"Late na nga ako nakauwi dahil sa trabaho." Yung mukha pa ni Laby, lungkot na lungkot at talagang nagmamakaawa na habang kausap ang plato na may lamang fried rice. Para bang doon niya nakikita ang kausap na nasa tabi lang naman niya. "Pagod ako. Gusto ko ng pahinga. 36 hours straight, wala akong tulog, kagabi lang ang rest time ko magmula nang bumalik ako galing sa Citadel. Hindi madali ang ginagawa ko dahil madami 'yon. Six hours of sleep lang ang hinihingi ko, sana naman ibigay n'yo sa 'kin."
Patuloy lang si Josef sa pagsubo habang pinanonood si Laby na magdrama. Gusto nga niyang itanong kung ano'ng kasalanan ng sinangag sa kanya dahil iyon ang kinakausap. Tamang subo lang tuloy siya ng almusal niya habang patuloy sa pakikinig sa hinanaing ni Laby sa kawawang fried rice.
"Pero naman, for the love God, grabe kayo. Hatinggabi na hatinggabi, nagkakalabugan sa kabilang kuwarto. Halinghingan nang halinghingan. Tinalo n'yo pa yung mga pusa sa bubong. Por Dios por santo! Ala-una na! Patulog na nga ako tapos bubulabugin ako ng Aaahhh . . . Almost there. Aaahhh . . ."
"PFFFT!!!" Napabuga bigla si Josef ng kinakain dahil ginaya talaga ni Laby pati ang malanding ungol na bumulabog dito kagabi. "Ugk! Ugk! Ugk!"
"Sana naman, hindi na maulit, ha? Kasi kung kayo hindi tao; ako, tao ako. Kailangan ko ng tulog. Kaka-18 ko lang, utang na loob. Gusto pang lumaki nang maayos. Ayokong maging eyebags na tinubuan ng tao."
At parang walang nakaramdam sa pagkagulat ni Josef dahil wala pa rin sa sarili si Armida. Tuloy lang sa pagrereklamo sa fried rice si Laby.
"May trabaho pa 'ko ngayon, pero kailangan ko munang habulin ang tulog ko kasi two weeks na kong . . ."
"Oo na. Oo na. Sige, matulog ka na sa taas. Wala nang iistorbo sa 'yo." Tumayo na si Josef at itinayo na rin si Laby para papuntahin sa kuwarto nito.
". . . walang maayos na tulog. Ngayon na nga lang ako makakapagpahinga. May jetlag pa 'ko." Patuloy pa rin si Laby sa pagrereklamo habang naglalakad papunta sa kanto ng pader ng kusina.
"Oh come on." Napaikot agad ng mata si Josef dahil wala na talaga si Laby. Hilo na talaga. Nilapitan na niya ito at saka binuhat.
"Hoy, Armida. Isa ka pa, kumain ka na diyan," paalala ni Josef.
Buhat ni Josef si Laby paakyat sa kuwarto nito. Sana bukas nga yung kuwarto kasi kahapon ay naka-lock iyon.
"Daddy, five minutes." Nakatulog na si Laby habang buhat siya ni Josef.
"Haay, naku naman. Tsk, tsk, tsk."
Nakaabot na sila sa tapat ng kuwarto ni Laby. Bumaba siya nang kaunti para abutin ang doorknob. Pagbukas ng pinto, bumungad na naman sa kanya ang mga computer at isang malaking monitor. Hindi makalat sa loob, at walang makikitang kakalat-kalat na wires, pero pansin talaga ang mga computer.
Inilapag na niya si Laby sa kama at kinumutan na.
At dahil curious siya, inusisa na rin niya ang ilang nandoon sa table.
Ang daming folder, puro profile ng mga taong hindi niya alam kung pag-aabalahan pa ba niyang basahin o hindi.
"Busy as usual." Tumango-tango na lang siya at sinilip si Laby na mahimbing na ang tulog. Alam niyang sobrang busy ni Laby, kahit noong nasa MA pa lang ito. Malamang na doble pa pagpasok nito sa Citadel. "You better sleep well, kid."
Lumabas na siya ng kuwarto at bumaba na sa dining room para ipagpatuloy ang pagkain.
"Oy, Josef. Nasaan na yung bata?" tinatamad na tanong ni Armida habang tinutulak ng tinidor ang fried rice niya.
"Di ba, ang sabi ko, kumain ka na." Umupo na si Josef sa upuan niya at tiningnan lang ang asawa niyang tamad na tamad sa buhay mula pa kahapon. "May masama ba sa pakiramdam mo?"
Ang lalim ng buga ng hininga ni Armida. "Ewan ko ba. Nawawala ako sa sistema ko."
"I know you don't want to go to hospital, pero baka gusto mong magpa-check up?" ilang na tanong ni Josef.
"Nah, I'm good," sagot ni Armida at naghilamos ng mukha gamit ang palad. "Baka may epekto lang sa katawan ko yung nangyari last, last week sa mga Zubin."
"Or you're trying to contain yourself." Umurong paharap sa mesa si Josef at ipinatong doon ang mga braso. "Naiinis ka ba sa mga co-teacher mo? Baka na-s-stress ka sa kanila?"
Agad ang paikot ng mata ni Armida nang maalala ang co-teachers niya.
"I know you badly wanted to kill them, but—"
"Not gonna do it," kontra agad ni Armida at tiningnan nang may kaunting inis sa mga mata ang asawa niya. "As much as I want to, not gonna do it."
"A—haay . . ." Hindi na naituloy pa ni Josef ang sinasabi. Hindi na rin niya alam ang sasabihin. "I'll try to find a good stress-reliever for you, para hindi ka nagkakaganyan. I'll wake the kid later."
***
Ala-una na ng hapon. Kakatapos lang mananghalian ng tatlo.
"Armida, heads up ko lang, naka-enroll ako ngayon sa Byeloruss as exchange student," paalala ni Laby habang pinagkakasya ang sarili sa paghiga sa single couch at kinakalikot na naman ang Gameboy niya kasabay ng pagkalikot nito ng laptop na nakapatong sa center table.
"Ano'ng gagawin mo ro'n?" tanong ni Josef na nakaupo naman sa kabilang mahabang sofa na sa kanang gilid lang ng kay Laby. "Babantayan siya?" Kinuha niya ang kutsara kay Armida para makakain ng kinakain nitong ice cream. "Pahingi nga."
"Hahanapin ko yung nag-redevelop ng ginawa kong software."
Magkasabay na napahinto sa pag-aagawan ng ice cream ang magkatabing mag-asawa.
"Software mo?" tanong pa ni Armida. "Di ba, exclusive lahat ng projects mo before sa assoc? Bakit mo hahanapin dito?"
"Nah, that's not it," sagot agad ni Laby at tiningnan si Armida para sumagot. "I made a malware when I was seven. Sabihin na nating intentional ang pagkuha ko ng ilang confidential information."
"Bata ka pa lang, habit mo nang maghanap ng gulo, 'no?" sarcastic pang sinabi ni Josef at sumubo na ng ice cream kahit hawak naman ni Armida ang kutsara.
"Wait," pagpigil ni Armida sa usapan. "May issue before maglatag ng mandate ang MA tungkol sa isang hacker. Lahat ng agents at intel, sinubukang ipahanap siya. Bago lang ang malware at hindi familiar sa mga intel ng MA."
"If that's the same hacker eleven years ago, that's prolly me."
"Shit! That's—" Itinuro ni Armida si Laby at parang gigil na gigil siya sa naiisip niyang hindi niya nasabi.
"Yeah, Escadron Elite's failed mission. Naunahan kayo ng Congregation."
"Sanglant Congregation deserved the kid anyway," sabi agad ni Josef na panay ang subo ng ice cream. "Priority ng SC yung science geeks and intels."
"Then what happened to your malware?" pagpapatuloy na tanong ni Armida. "Akala ko ba, software?"
Ibinalik lang din ni Laby ang atensiyon sa Gameboy niya. "Lahat ng info na nakuha ng malware, automatically transferred sa isang prototype software."
"Alam mo bang bawal yung ginawa mo?" sermon pa ni Armida.
"Alam mo rin bang bawal pumatay?" balik agad ni Laby kay Armida.
"Aba, sumasagot ka pa—"
"O, easy." Umawat na si Josef at ibinalik sa pagkakaupo si Armida nang akmang tatayo ito.
"Existing pa rin ba yung software?" tanong pa ni Armida. "That's too dangerous. Na-hack ng malware mo ang satellite ng Assemblage."
"Addendum, lahat ng working satellite that time, hacked. Even the Citadel Control System."
"Whoah," napasubo na naman ng ice cream si Josef na parang magandang movie ang palitan ng usapan nina Armida at Laby. "You're definitely a genius, kid."
"At proud ka pa, ha," sarcastic na sinabi ni Armida na tumatango-tango pa.
"Of course! That made a history. That software is The Brain. 'Yan ang reason kung bakit ako ang hinirang na pinakabatang Zenith for the record. Ha-ha!"
"Excuse me!" kumontra na si Josef bilang pinakaunang Zenith na itinalaga.
"Ang sarap mong batuhin ng tsinelas, bata ka," inis na sinabi ni Armida na sumunod naman kay Josef.
Umayos na ng upo si Laby at hindi na pinansin ang mag-asawang nag-react talaga sa huling sinabi niya. Nakita niyang may signal ng user sa software kaya nag-check agad siya ng laptop.
"Dapat terminated na yung software mo," pagpapatuloy ni Armida. "Delikado 'yon."
"I know," sagot ni Laby habang focused sa laptop.
"And you really knew it?" tanong pa ni Josef kay Armida. "Gigil na gigil ka a."
"Of course!" inis pang sinabi ni Armida habang pinandidilatan ang asawa niya. "Don't tell me, hindi mo alam? E 'yan ang reason kaya mo nga siya ninakaw sa SC noon!"
Susubo pa sana si Josef pero hindi na naituloy. Gulat siyang tumingin kay Laby, lipat sa asawa niya, sunod kay Laby na naman, balik sa asawa niya. "So . . . we're talking about The Brain."
"Yes," magkasabay na sagot nina Armida at Laby sa kanya.
Sumeryoso na rin si Josef at ibinaba ang hawak na ice cream sa center table saka humalukipkip. "Now we're talking." Tiningnan na niya si Laby. "What happened to your software?"
"May bobong nag-redevelop ng software ko at ginawa pang accessible website."
"WHAT?!" gulat na sinabi ni Armida at tuluyan nang napatayo.
"Patingin nga," sabi ni Josef at kinuha ang laptop kay Laby. "Kid, this is not a good joke."
"Let me check din," seryosong sinabi ni Armida at nakitingin na sa screen.
"Uh . . ." Napatingin agad si Josef kay Laby na puno ng pagtataka ang mukha. "Ito na 'yon?"
Kahit si Armida, kumunot din ang noo sabay tingin kay Laby.
Paano ba naman, ang nakikita lang nila ay isang inkblot sa top page at isang white bar sa ilalim para mag-login. Plain red lang ang bakcground.
"May login pero isang bar lang?" tanong ni Josef.
"That's for password access," sagot ni Laby.
"Then what's the password?" dugtong ni Josef.
"See the inkblot? That's the password."
Tinitigan ni Josef ang inkblot. "What's this?"
"Image 'yan. Kapag nalaman mo kung ano 'yan, that's the password."
Simangot na simangot naman si Josef habang nakatingin sa monitor. "A giraffe?" tanong pa niya kay Laby.
"I took the idea from different person with the same view and made a Rorschach test."
"It's a . . . tree?" subok ulit ni Josef. "Mukha lang siyang natapong chocolate milk."
"It's a brain," sabi ni Armida at it-in-ype ang salitang brain sa bar.
Biglang tumunog ang laptop at bumukas nga ang site.
"What the—" gulat na tiningnan ni Josef ang asawa niya. "Seriously?"
Pinakatitigan naman ni Laby si Armida. Nagkrus pa siya ng mga braso at mga binti. "Alam mo bang sa mental ward ako kumuha ng idea para diyan?"
"Kinuha mo ang idea sa mga baliw?!" gulat na sinabi ni Josef. "Ilang taon ka no'ng ginawa mo 'to?"
"Iba ang pananaw sa mundo ng isang mentally dysfunctional," katwiran agad ni Laby. "Nagiging baboy ang mansanas, nagiging 17th century armor ang isang simpleng shirt, may mga nakikita sila na hindi nakikita ng normal na tao."
"Bakit hindi mo na lang sabihing baliw ako," sabi ni Armida.
"Matagal ka nang baliw," sagot agad ni Laby. "Kahit si Josef, kayang aminin sa 'yo ang bagay na 'yan. Hindi na dapat ipaalala sa 'yo."
"Alam mo, pumapatay ako ng batang matabil ang dila," sarcastic na sinabi ni Armida habang tinataasan ng kilay ang dalaga.
"Hindi na 'ko bata," sabi pa ni Laby. "And you see the inkblot as a brain?"
Sumandal si Armida sa upuan niya at tinantiya ng tingin ang dalaga. "You're the Brain. Bakit pa 'ko lalayo sa sagot kung obvious na ikaw yung sagot."
Nagusot ang dulo ng labi ni Laby at napatango. "That's good. You're using your brain. Wala sa itsura mo ang nag-iisip nang matino."
"Wala rin sa itsura mo ang nabubuhay nang matagal," sarcastic na ganti ni Armida.
"And this is so dangerous, guys, I admit," sabi ni Josef na nagkakalkal na pala ng laman ng website na nabuksan ni Armida.
Pagtingin ni Armida sa website, unang-unang nakita ng paningin niya ang malaking banner na may nakasulat na BLACK WEB in red parchment font at mga sapot ng gagamba in black and red design ang background.
"Akala ko ba The Brain? Bakit Black Web 'to?" nagtatakang tanong ni Armida.
"Kasi nga ni-redevelop. Makulit ka rin e." Itinuro ni Laby ang laptop gamit ang palad. "Try to check your profile."
"Yung local name ko lang ang registered sa agencies," sabi pa ni Josef at nag-search ng profile niya. "I had filed for One and of the Same Person documents for my Richard Zach name. And it's supposed to . . . no shit."
"What? What did—fuck." Kahit si Armida, nagulat sa nakikita sa screen.
Ang nasa search bar na inilagay ni Josef ay Rynel Joseph Malavega. Pero sobrang daming lumabas na hindi niya alam kung ikabibilib niya o ikakakaba.
"We got Ricardo Exequiel Malavega Zacharias for the first result," unang banggit ni Armida sa nasa screen. "And oh! This is cute." Napangiti nang bahagya si Armida dahil may picture doon ng isang batang lalaking nakasuot ng pulang tuxedo, brushed up ang buhok, at masyadong seryoso na parang ayaw pakuhanan ng picture at napilitan lang.
"That's my first photo before my father took me to Citadel," seryosong sinabi ni Josef.
"And your name? Really?" tanong pa ni Armida.
"I was literally born inside a Spanish country. Cas was there with my mother."
"Pero sabi ni Cas, registered ka sa Germany."
"Don't ask how."
"Tumatakas kasi sila," si Laby na ang sumagot kaya napasulyap si Josef sa kanya.
"Nakalagay rin ba rito ang dahilan, hmm?" sarcastic na tanong ni Josef.
"Nah," ngumiti si Laby. "Heard the history sa Citadel."
"And even Shadow is here," gulat na sinabi ni Armida na pumutol sa namumuong tensiyon sa pagitan nina Laby at Josef.
Pagtingin ni Josef sa screen, wala namang picture pero may search result at records tungkol sa mga artifact na ninakaw ni Shadow at ibinenta sa infamous artifact collector na si Richard Zach."
"You are selling your stolen treasures to yourself?!" di-makapaniwalang sinabi ni Armida.
"I was selling that to some auction houses and will bought that again under the name of the auctioneer. Hindi 'yon illegal!"
"But that's recorded!"
"Did the record says I stole it?"
"YES!"
"No—I mean—ugh! Whatever." Sumuko na lang din si Josef dahil kahit ano ang paliwanag niya, bumabagsak pa rin sa katotohanang si Shadow man o si Richard Zach, siya pa rin ang nagnakaw.
Inis siyang sumandal sa sofa at hindi na lang tiningnan ang screen. Baka lalo lang siyang mainis sa makikita niya. Kalkal na kalkal sa website na iyon ang buhay niya.
Gaano nga ulit kadelikado iyon?
"His Royal Highness Prince Joseph VI of Seaxan. Sovereign Knight."
Magkasabay na napatingin sina Josef at Laby kay Armida dahil sa sinabi nito.
"Sovereign Knight?" tanong pa ni Laby.
"Yeah. It was here," sabi pa ni Armida habang tinuturo ang screen ng laptop.
"Mga Serving Guardian lang ang binibigyan ng title ng Sovereign Knight."
Nagkatinginan bigla ang mag-asawa. Hindi nakaimik si Josef. Nagpigil naman ng ngiti si Armida.
"What the fuck did you do, Shadow?" takang tanong pa ni Laby. "Fuhrer ka na, di ba? Bakit ka may title na para lang sa mga Serving Guardian?"
"He overdid it," proud pang sinabi ni Armida kay Laby habang tumatango. "He's my Guardian."
Ang sama tuloy ng tingin ni Laby kay Josef na nag-iiwas ng tingin sa kanila. "Alam mo bang dinadagdagan mo lang ang magiging parusa mo sa Credo, ha? Kapag hindi mo nagampanan ang tungkulin ng isang Guardian sa Superior niya, parurusahan ka."
"I know."
"Bakit hindi na lang kayo magbaril sa ulo? Pinatatagal n'yo pa e!" inis na sinabi ni Laby sabay sandal sa upuan niya. bigla siyang nainis dahil ang dami na namang problema ng mag-asawa—sapat na ang dami para lalo siyang ma-stress.
Nag-type na naman si Armida dahil naubos na ang filtered relevant result para kay Josef.
"RYJO's profile was unrecorded," sabi pa niya sa kanila. "Kung existing ang profile niya rito, I'll consider it under Code Red."
Ilang segundo lang, lumabas na ang result.
Tahimik lang si Armida, hindi kumibo. Natahimik sa sala.
Wala pang isang minuto, nag-react na si Josef dahil hindi talaga kumibo si Armida. Kinuha na lang niya ang laptop at siya ang tumingin sa tinitingnan nito. Walang salitang umalis si Armida at pumunta sa kusina para uminom.
Maraming result. Inuna niya ang nasa top and filtered.
Nang makita ang article, kahit siya, hindi na rin nakakibo.
Nakalagay kasi roon ang isang comprehensive report tungkol sa Project RYJO. Mabilis ang pag-check niya. Doon niya naalala ang mga sinabi ni Laby noon. Walang specimen, puro report lang para sa prototype project.
Bumalik siya sa search option. Ang daming profile na lumabas.
May pangalan ni Jocas Española at lumabas ang profile nito na tagged as MISSING. May picture doon ng batang babaeng matamis ang ngiti, naka-uniform, mahaba ang naka-braid na buhok, may suot na salamin, at may brace pa.
Pinakatitigan niya ang picture sa screen. "So, it's you . . ."
Doon niya napagtantong hindi nga si Jocas ang asawa niya. Magkaiba kasi ang itsura nina Jocas at at Armida. At mukhang masayahing bata talaga si Jocas.
Bumalik si Josef sa search result at tiningnan ang profile ni Erah Kingley.
Seryoso lang ito, malaking dalaga. Blonde ang straight na buhok, asul ang mga mata, mukhang may European blood. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang ayos nito. Nakasuot ng gray tank top at black boxer shorts. Nakabalot ng benda ang magkabilang kamay nito at halata ang mga pasa at sugat sa katawan.
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin pero mukhang sanay sa sakit ng katawan si Erah. At gaya ni Jocas, MISSING din ang status nito.
Bumalik siya sa search result. Nakita niya ang profile ng isa pang Kingley. Si Jinrey.
Kahawig nito si Erah. Blonde din ang buhok pero kulot naman. Asul din ang mga mata pero kahit sa picture pa lang, nagtindigan na agad ang mga balahibo ni Josef. Para bang kahit ang retrato nito, tumatagos sa kaluluwa ang tingin. Nakasuot lang ito ng mahaba at maruming laced white dress. Sobrang payat nito, humpak ang pisngi, at ang nipis ng mga braso. Ang layo ng katawan nito kay Erah. Pareho lang din ng status: MISSING.
Bumalik siya sa search result. May isang profile doon na may naka-tag as Aspasia of Altagriona. Walang photo, hindi na rin niya pinagkaabalahang basahin dahil hindi naman pamilyar.
May isa pang profile na may tag na Amygdala. Walang information maliban sa ilang record ng serial killing. Hindi rin familiar at wala siyang balak alamin.
Sumunod ang record ng asawa niya. Nakapangalan iyon kay Princess Armida V of Saxe-Gotha. Pagbukas niya sa result, nandoon ang picture ni Armida noong bata pa ito na nakasuot ng isang magandang white victorian dress, nakatali ang itaas na bahagi ng buhok ng magandang pulang ribbon, at nakangiti nang matamis. Nawala lang ang ngiti niya dahil kasama sa larawan ang isang pamilyar na mukha ng isang batang lalaki. Nakasuot lang ito ng puting tuxedo at seryosong nakatingin sa kumukuha ng retrato.
Kilala niya ang batang lalaking iyon. Bigla na namang bumalik sa alaala niya ang inis. Ang lalaking iyon ang kalaban niya sa trono maliban kay Armida. Hindi lang niya alam kung bakit kasama iyon sa picture na nandoon.
Binasa niya ang laman ng result. Armida Evari Zordick Hwong ang pangalang naroon. At doon lang din niya nalaman kung ano ba talaga ang tunay na impormasyon sa asawa niya. August 25 ang recorded birthdate nito. Tama naman ang sinabi nitong edad noon. At nakalagay rin sa result ang salitang MISSING. Hindi niya alam kung bakit missing pa rin ang status nito. O baka pakana lang ng Citadel para hindi ma-trace si Armida.
Bumalik siya sa result at kumunot ang noo niya sa isa pang resulta. Nakalagay kasi roon ang profile ng isang batang lalaki—at nandoon ang stolen picture niya na hindi niya alam kung kailan kinuhanan. Binasa niya ang content at nakapangalan iyon sa batang may pangalang Rynel Joseph Malavega. Lalong ikinakunot ng noo niya ang status nito: MISSING.
"Tapos ka na bang magbasa?" tanong pa ni Armida nang makabalik.
"Yeah," sagot ni Josef at mabilis na nag-out. Baka mapag-usapan pa nila ang mga nakita niya. Inilapat na niya ang laptop sa center table at hinarap si Laby na naka-focus pa rin sa Gameboy nito. "This is dangerous. Ang daming nag-leak na confidential info na hindi naman dapat makita."
"Kaya nga hahanapin yung nag-leak, di ba?" sarcastic na sagot ni Laby na nakatuon pa rin ang tingin sa laruan niya.
"Do it ASAP," utos niArmida. "Or else, lalo lang niyang paguguluhin ang lahat."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top