The Best Agent

Hi, guys, commercial muna tayo onti. Sa totoo lang, medyo busy ako ngayon, lapit na kasi ng deadline ng Moon hahaha Oo, yung M (Moon) ni Maxinejiji. Kami kasi yung humahawak. Di naman sa nagpo-promote para kumita na ako pangkain lang sa araw-araw LOL, pero maganda yung story. Surprisingly, bet ko yung plot. Ayun, sana maraming bumili ng self-pub book niya para may pam-print na ako ng TSA. (Oo, mga pre, ire-release ko na yung The Superiors: Assassin sa libro. Anunaaaa, bibili pa ba kayo? hahaha) Ayun, daanin ko sa author's note itong part. Excited ako sa next part e. Go, basa.

-----

 



Umaga pa lang pero nasimulan na ang normal na araw nila—klase ng normal na araw na hindi naman talaga normal para sa kahit sino kung tutuusin.

Tumulong na si Armida sa paghuhugas ng plato para naman daw may dulot siya. Siya ang nagtutuyo saka naglalagay sa dish cabinet.

"Mukhang kilala nila yung bata," sabi ni Armida habang patuloy sa pagpupunas ng plato.

"Heads up nga kung ano ang puwede kong makita sa attic," sabi ni Josef habang hinuhugasan ang huling platong liligpitin nila.

"Coke, gun, weeds, may dalawang marked money." Kinuha na niya ang iniabot ni Josef na huling plato para punasan iyon. "I'm more concerned about the marked money."

"I know," segunda ni Josef dahil malamang na may mga taong may balak hulihin si Shiner at naghihintay na lang ng pagkakataon.

"Bakit hindi mo tanungin yung co-teachers mo about sa batang Soliman. For sure, may mababanggit sila." Itinabi na ni Armida ang plato at isinabit na ang hawak niyang pamunas. "Ask that Carmel lady, she really looked nice."

Naipatong ni Josef ang kaliwang palad niya sa kitchen counter at bored na tiningnan ang asawa niya. "Don't start me with this argument again."

"This is not an argument," sagot ni Armida at nginitian nang nanghahamon ang asawa niya. "I'm just saying that she's a fine lady." Nagkibit pa siya ng balikat. "Beautiful, modest, normal. Even her voice, parang melted marshmallow sa sobrang soft."

"And so what?" kontra agad ni Josef.

"Gusto ko siya," masayang sinabi ni Armida sabay ngisi.

Ngumisi rin si Josef para gayahin siya. "Armida, that's the same line I heard when you talked about Fovicate. You like her, you ruined her life, you left having the last laugh. So it's a no for me."

Nagpunas na rin ng basang kamay si Josef.

"WHHHHY?" Iyon na naman si Armida sa tanong nito na parang kontrang-kontra ang asawa niya sa lahat ng sinasabi niya. "I'm sure, kung hindi ako ang napangasawa mo, pipili ka ng babaeng gaya ni Ma'am Carmel. Yung nakaka-proud ipakilala sa pamilya kasi walang bad history."

Sinulyapan agad ni Josef ang asawa niya pero hindi naman siya nagsalita.

"Ang saya nga ng tawa mo sa kanya kanina. I haven't seen you laugh as genuine as that since I married you."

Agad ang taas ng kilay ni Josef at nakuha pang humalukipkip habang nakasandig ang tagiliran sa kitchen counter para tapatan ang asawa niyang pinaaandaran na naman siya ng insecurities nito.

"I know you dreamt of that. Yung normal, yung hindi ka nagagalit, yung masaya ka lang, walang hassle, walang pressure."

Sinalubong niya ang tingin ni Armida na nag-aabang ng salita niya, ang kaso, tinitigan lang niya ito nang mabuti.

Alam niyang hindi si Armida ang tipo ng babaeng nagseselos na gaya ng normal na pagseselos ng ibang babae. Mas tanggap pa niya kung gaya ito ni Jocas mag-isip. Na kung ma-i-insecure man, malamang na sa itsura lang ito babase at sa ganda ng katawan. Mga bagay na kayang baguhin naman agad gamit ang pag-aayos. Kaso hindi. Lagi nitong binibigyan ng comparison ang pagiging si RYJO nito. Na hindi ito normal, na mamamatay-tao ito, na hindi ito ang tamang babae para sa kanya kasi masyado itong mapanganib para sa buhay niya. Mga bagay na kahit anong ikot nila sa usapan, wala nang magbabago dahil nabuhay na itong ganoon.

"Tititigan mo lang ba 'ko maghapon?" tanong ni Armida kasi nakatitig lang talaga sa kanya si Josef at may ekspresyong hindi niya alam kung pinagtatawanan ba siya sa isip o ano.

"Bakit ka ba na-i-insecure kay Carmel?" tanong na lang ng lalaki.

"Hindi ako na-i-insecure," katwiran pa ni Armida. "Pinapaalala ko lang na kung sakaling magbago ang isip mo sa mga susunod na araw, may pagpipilian ka pa rin namang iba."

Biglang itinulak ng hintuturo ni Josef ang noo ng asawa niya dahil ang kulit nitong kausap. "Puwes, ipapaalala ko rin sa 'yo sa mga susunod na araw na hindi magbabago ang isip ko dahil pipiliin pa rin kita."

"Bakit? Kasi mahal mo 'ko."

"Kasi wala akong choice."

Lalong nadismaya si Armida kaya napasimangot na lang. "Pinili ako kasi walang choice. Yeah."

Saglit na binuksan ni Josef ang faucet at sinahod saglit doon ang daliri sabay wisik sa mukha ng asawa niya. "Uhm!"

"Hah—WHAT THE FUCK?!" gulat na sigaw ni Armida at itinutok sa mukha ang mga kamay na parang hindi niya alam kung paano hahawakan ang sariling balat. "WHY THE HELL DID YOU DO THAT?!"

"Para magising ka sa katotohanan," katwiran ni Josef. "Wala akong choice dahil hindi ko kailangan ng choice. And the only option I got is not you between somebody else, but to be with you everyday or not."

"So, kailangang pinipitikan ako ng tubig sa mukha?!" reklamo ni Armida habang marahas na pinupunasan ang mukha.

"Alangan namang sapakin kita para magising ka sa drama mo?"

"E di sana, sinapak mo na lang talaga 'ko!"

Binuksan ulit ni Josef ang faucet, sumahod ng tubig, at winisik na naman sa mukha ni Armida habang nakangisi.

"JOSEF! ISA!"

"Hahahaha!" Ang lakas pa ng tawa ni Josef nang umamba ng hapuras sa kanya si Armida na nasalag niya gamit ang braso. Sumahod ulit siya sa tubig at nagwisik na naman ng tubig sa mukha nito.

"JOSEEEEF!" Napakuha na si Armida ng nakasabit na meat clever doon kaya napatakbo agad papuntang hagdan si Josef. "Papatayin na talaga kitang lalaki ka!"

"HAHAHA!" Lalong lumakas ang tawa ng lalaki habang nakikitang naiinis na naman ang asawa niya dahil sa kalokohan niya. "That's how I want to laugh when I'm with you, so stop comparing yourself to other ladies, okay?"

"Ssibal-saekki!" inis na sigaw ni Armida bago muling pinunasan ang mukha.

****

Nagsabi naman na si Armida ng dapat asahan sa attic para hindi na siya magulat, at pagdating niya roon, hindi na nga talaga siya nabahiran kahit kaunting kibot man lang.

Hindi malaki ang attic kompara sa mga kuwarto nila. Maliit lang iyon, isa't kalahating sukat lang ng banyo ng bahay kung susumahin. Tama lang para sa isang tao ang laki.

Hindi itinupi ang kumot, binilot na lang at tinakpan ng unan. Pag-alis niya niyon sa mattress na nasa sahig, nakita niya ang tinukoy na baril ni Armida. Isang glock na may dalawang bala. Sinilip din niya ang ilalim ng mattress at nakita ang tinukoy ni Armida na mga droga. Mga tuyong maliit na dahon sa loob ng isang repacked na plastic, at puting pulbos naman na nasa dalawang sachet. Kasama niyon ang dalawang pera na mukha lang simpleng pera. Malamang na ginamitan ni Armida ng black light—na malamang ay nakuha nito sa kuwarto ni Laby dahil ito lang naman ang kompleto sa gamit.

Napabuga na lang siya ng hininga dahil doon. Hindi rin nakaiwas sa paningin niya ang isang maliit na acrylic keychain. May picture doon ni Shiner—kasama ang isa pang kamukha nito.

Saglit na kumunot ang noo niya at naalala ang sinabi kagabi lang ni Armida.

May kakambal si Shiner.

Napansin niya ang suot ng dalawa. Napakatamis ng ngiti ni Shiner, mahaba ang buhok nito at may headband pang may ribbon sa itaas. Nakasuot ito ng uniform nito sa Diaeresis. Napangiti na lang siya dahil marunong naman palang ngumiti si Shiner. Maaliwalas pa ang mukha.

Katabi nito ang malamang na kakambal nito. Doon nawala ang ngiti niya. Sobrang seryoso nito, maikli ang buhok, madilim ang mukha, at mukhang stressed na sa mundo. Nakasuot ito ng uniform ng Byeloruss, gaya ng uniform ni Laby. Kung siya ang tatanungin, mas mukhang si Shiner iyon kaysa si Shiner na nakangiti sa picture. Mahaba lang nang kaunti ang buhok ng kasama nila ngayon sa bahay.

"Nabanggit naman ni Laby na hindi tumatanggap ng mga batang delingkuwente ang Diaeresis, di ba?"

Napalingon agad si Josef sa direksiyon ng pinto ng attic. Nakita niya roon si Armida na nakasandal sa hamba ng pinto at nakapamaywang ang isang kamay.

"Kung talagang . . ." Humugot muna ng hininga si Josef bago ituloy ang sinasabi. "Kung talagang pinatay nga ni Shiner ang kakambal niya . . ."

"Josef, don't tell me, disappointed ka sa batang 'yon?" katwiran ni Armida. "Kung may dahilan siya kaya niya pinatay ang kakambal niya, wala tayo sa posisyon para manghusga."

"But she's too young," malungkot na sinabi ni Josef.

"The world will keep on breeding young monsters because that's the system—that's how it works. There's no such thing as too young for us. Pareho tayong naging Zenith. Dapat alam mong walang pinipiling edad ang krimen."

Buntonghininga lang ang tugon doon ni Josef. Iyon ang realidad nila. Binuhay sila ng krimen. At mukhang mamamatay sila para sa krimen at dahil sa krimen.

Tumayo na siya mula sa pagkakaluhod sa gilid ng higaan ni Shiner at dumiretso sa may pintuan. Saglit pa muna niyang tiningnan ang mukha ng asawa niyang napakaseryoso.

"Alam mong naka-focus ang Credo sa pagpaparusa sa mga gaya ng Alef Maksura, di ba?"

Dismayadong tumango si Josef.

"You know how to save the kid. Either they kill her, or you let her kill them."

****

Kompara sa ibang gabi, mas tahimik ang gabing iyon gaya ng nakasanayan. At nagulat pa si Josef dahil nakabalik sa bahay nila si Shiner. Wala pa si Laby, na kataka-taka sana, pero nag-iwan ito ng email na kasama nito ang mga Guardian at may tinutuloy na lang na research sa kabilang siyudad na naudlot dahil nga sa software na hinahabol nito.

Nag-iwan din ito ng separate email para kay Armida. Sinasabi roon sa email ang tungkol sa gamot na iinom ni Armida para mabilis siyang gumaling. Sumagot lang si Armida na si Crimson ang nagbibigay sa kanya noon ng gamot at hindi niya sigurado ang component niyon. Basta ang alam niya ay gamot niya iyon.

Nagkaroon tuloy ng pagkakataon ang mag-asawa para makausap nang masinsinan si Shiner nang makapaghapunan sila.

Nakaupo sa kabisera si Josef. Nakaupo naman si Shiner sa kaliwang panig at sa kanan naman si Armida.

Hinayaan muna nilang makakalahati ang kinakain ito bago magtanong.

"Shiner," pagtawag ni Josef sa mas mahinahong tinig.

"Yes, sir?" sagot ni Shiner na nakatutok lang sa kinakain.

"Saan ka galing?"

"Sa laundry shop po, sir."

Tinitigan lang ni Josef ang ginagawa ni Shiner. Marahan lang ito kung kumain. Parang dinadasalan pa ang bawat butil sa bagal.

Doon lang niya napansin ang tattoo nito sa may pulsuhan ng kaliwang kamay nito. Nakita niya ang Arabic character na alef maksura sa ibaba ng palad nito. Napahugot tuloy siya ng hininga nang makompirmang tama talaga ang asawa niya.

Napakagaling naman talaga ni Armida mag-imbestiga.

"May kapatid ka ba?" tanong ni Josef.

Umiling lang si Shiner. "Nag-iisang anak lang ako, sir."

Biglang nagkapalitan ng makahulugang tingin ang mag-asawa bago ibalik ang atensiyon sa dalaga.

"Hindi ba kayo close ni King?" tanong ni Armida.

Umiling ulit si Shiner. "Hindi ko kilala si King, ma'am."

Napatango naman si Armida na parang naniniwala sa kasinungalingan ng dalaga. "Nahanap na namin ang katawan ni Shiner."

Biglang naibagsak ni Shiner ang mga hawak na kubyertos at halos umawang ang bibig niya nang tingnan si Armida. Puno ng gulat ang mukha niya at halos pandilatan ng mata ang kaharap.

Nababasa ni Armida ang tingin ng dalaga. Maliban sa gulat, puno ito ng takot, ng kalungkutan, ng pagsisisi, ng pagdadalamhati. Ganoon ang mga tingin ng mga rookie sa trabaho nila kapag hindi gustong makapatay ng tao pero wala nang magagawa dahil nangyari na ang nangyari.

Si Josef naman, isa ring nagulat dahil hindi niya alam ang pinagsasasabi ng asawa niya. Gusto na niyang tanungin kung paanong nahanap na ang katawan ng Shiner na iyon samantalang nasa harapan nila ito.

Pero nang makita niya ang reaksiyon ng dalaga, hindi na niya nagawa pang magtanong dahil mukhang may sariling paraan si Armida kung paano pumiga ng impormasyon sa tao.

Kilala naman niyang torturer ng mga kriminal ang asawa niya. Maliit na bagay nga lang rito ang mang-gripo ng leeg ng kausap para lang sa impormasyon, pero iba ngayon. Kalmado lang ito na parang ang dami nitong nalalaman na hindi niya alam kung alam ba talaga nito.

"Bakit mo siya pinatay?" seryosong tanong ni Armida.

Napalunok na lang si Shiner at pinangiliran agad ng luha. Sinubukan ng dalaga na pigilan ang pag-iyak gawa ng takot. Alam kasi niya na kayang pumatay ng babaeng nasa harapan niya. At kung papatayin man siya nito, hindi niya na alam ang gagawin.

"Ma'am, hindi n'yo maiintindihan," naluluhang sinabi ni Shiner, pilit na pinaglalaban ang sarili.

Hindi kumibo si Josef. Iyon din kasi ang sinagot sa kanya ni Shiner noong tinanong niya ito kung kriminal ba ang tatay nito.

Tumipid ang ngiti ni Armida at saka tumango. "Lahat tayo, may dahilan kung bakit ginagawa ang isang bagay. Nakita mo ang nangyari noong nakaraang gabi. I killed those people because I want to protect you. Pero yung bigat ng dahilan kung bakit ko 'yon ginawa . . . hindi 'yon basta-basta mawawala. Maiintindihan ko kung ano man ang iniisip mong hindi ko maiintindihan."

"Pero assassin ka! Madali lang sa 'yong pumatay!" galit na sigaw ni Shiner at tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. "Ma'am, hindi ako mamamatay-tao gaya mo! At kapatid ko yung pinatay ko!"

Hindi nagsalita si Armida. Si Josef, nanood na lang dahil ayaw niyang pangunahan ang asawa niya. Kung may isang tao mang mas nakauunawa ng kalagayan ni Shiner, malamang na si Armida na iyon.

Panay ang hawi ni Shiner ng luha niya habang humihikbi. Pinanood lang ni Armida ang pag-iyak ng dalaga. Ganoon din si Josef. Hinintay nila itong matapos o mapagod man lang maglabas ng hinanakit at konsiyensiya.

Nang humupa ang pag-iyak ni Shiner ay saka muling nagsalita si Armida.

"Alam ko ang pakiramdam ng pumatay ng pinakamahalagang tao sa buhay ko," seryosong kuwento ni Armida. "Alam ko ang pakiramdam na hindi mo siya gustong patayin pero nagawa mo na. At kahit ano pa ang gawin mo, hindi mo na siya mababawi pa. Alam ko ang pakiramdam ng humihingi ng tawad sa hangin. Alam ko ang pakiramdam ng sinisisi ang sarili dahil sa nangyari."

Lumuluha ang mata ni Shiner nang tingnan si Armida na sinsero sa pagkukuwento.

"Hindi iyon tungkol sa mamamatay-tao ako. Dahil kahit ang mga mamamatay-tao, gagawin ang lahat huwag lang mamatay ang pinakamahalagang tao sa buhay nila."

Napatingin si Josef sa asawa niya. Iniisip niyang malamang na siya ang tinutukoy nito na pinakamahalagang tao sa buhay nito.

"I won't judge you if you killed your sister intentionally. Pero importante ang tanong ko kung bakit mo siya pinatay—o napatay. Hindi dahil gusto kitang hanapan ng mali kundi dahil gusto kong malaman kung bakit ka umabot sa ganoong punto."

Sa itinagal-tagal ni Josef na kasama niya ang asawa niya, sa mga sandaling iyon lang niya ito nakitang maging mahinahon sa isang mabigat na interogasyon. Hindi niya alam kung dahil sanay lang ba siya na walang takot ang mga kinakausap nito at handang mamatay, o dahil nararamdaman ni Armida na natatakot din ang batang Soliman sa mga sandaling iyon.

"Ma'am, wala naman akong pagpipilian . . ." naluluhang sinabi ng dalaga habang pinapawi ng kamay ang luhang tuloy-tuloy lang ang pagbagsak. "Mabait si Shiner, ma'am . . ."

Hindi ipinahalata ni Josef ang pagkagulat. Napatingin siya sa batang Soliman, sunod kay Armida na kalmado lang at nakikinig.

"Ayaw ni Papa na . . . na mapasama siya sa . . . sa mga ginagawa sa pamilya. Kasi siya yung matalino . . . kasi siya yung mabait . . . gustong-gusto siya ng lahat."

Doon pa lang, nakikita na ng mag-asawa kung saan na patutungo ang kuwento ng batang Soliman—kung hindi man siya si Shiner.

"Tapos nalaman ni Papa na . . . na sumama ako kay Akmadi."

"Oh, God, what the f—" Hindi na nakaiwas si Josef, napa-react agad siya. Napasandal siya saglit sa upuan at napaurong naman palapit sa mesa sabay suklay sa buhok. Pagtingin niya kay Armida, hindi pa rin ito nagbabago ng reaksiyon. Para bang pinananatili nito ang neutral mood para hindi matakot ang dalagang kausap nila.

Gusto na niyang sumigaw at sabihing "Baliw lang ang sasama kay Akmadi." Ang kaso, hindi pa tapos ang usapan.

Nagpatuloy lang sa pagkukuwento ang dalaga.

"Binawi ako ni Papa . . ." Sa wakas ay humupa na ang iyak nito. "Akala ko, tapos na. Kaso . . . kaso sinugod yung bahay . . ."

"Gaya ng nangyari dito nitong nakaraang araw," paninigurado ni Armida.

Tumango lang ang dalaga para sabihing oo. "Nakuha nila si Shiner imbis na ako."

"Ikaw talaga si Sunny," sabi ni Armida.

Tumango na naman ito.

"Nasaan ka no'ng kinuha nila si Shiner?" tanong ulit ni Armida.

"May laban kami nina King sa kabilang battleground."

Napaangat ng tingin si Armida at naningkit bigla ang mata dahil hindi niya malaman kung paanong napatay ni Sunny ang tunay na Shiner.

"Paano mo napatay si Shiner?" Si Josef na ang nagtanong.

Umiling ang dalaga.

"You didn't kill her using your own hands," sagot ni Armida sa tanong ng asawa. "Pinatay siya ng Alef Maksura kasi nalaman nilang hindi ka siya. Malalaman nila kung member nila dahil sa tattoo. Walang tattoo si Shiner sa pulsuhan, ikaw meron. Hindi sila maglalabas ng witness oras na ipinasok nila sa warehouse nila."

"Ma'am, nandoon ako. Naabutan ko pa siyang buhay."

Napakrus agad ng braso si Armida at nagulat sa sinabi nito. Hindi niya iyon inaasahan. Mukhang na-overestimate niya ang kakayahan ni Sunny.

Bahagyang umiling si Sunny. "Ma'am, binugbog nila siya. Ginahasa nila siya. Wala na siyang tatlong daliri sa kamay. Nangingitim na yung mga hita niya. Umiiyak na siya ng dugo. Nagmamakaawa siya sa 'kin, gusto na niyang mamatay kasi hirap na hirap na siya . . . ma'am, kasalanan ko ba?"

Napasalin tuloy si Josef ng panibagong tubig. Parang nanuyo bigla ang lalamunan niya dahil sa kuwento ni Sunny.

"Ma'am, masama ba kung pinatay ko siya kasi ayoko na siyang makitang nahihirapan?" tanong ni Sunny na puno ng pagsisisi. "Ma'am, kasalanan ko ba 'yon?"

Doon na nagbago ng mood si Armida at nakitaan na ng tipikal niyang ngisi at aura. Mukhang tapos na siya sa maikling interogasyon.

"That's mercy killing. May katwiran ang ginawa mo. At malinaw na sa amin na hindi nga ikaw si Shiner." Saglit na uminom si Armida at nagpatuloy. "Kaya siguro nagpanggap ka bilang si Shiner, kasi mas gugustuhin ng lahat na siya ang nabuhay imbis na ikaw." Saglit niyang inilahad ang palad sa dalaga bago ibinalik sa tabi ng plato niya. "Like what you said, she's the perfect kid, and you're the delinquent. Kaso mukhang kilala ka na yata ng lahat." Itinuro ni Armida ang kaliwang direksiyon niya. "Nakakapasok ka pa sa Xaylem pero alam ng handler na hindi ka na nila hawak sa leeg. Hindi babanggain ni Isidore ang Alef Maksura. Mauubusan siya ng tao, mawawalan siya ng business. Nasa laundry shop yung mga supplier mo ng droga. Supplier ka naman sa school. Isa sa costumer mo yung napabalitang nag-suicide pero nailigtas ng asawa ko. Hinahabol ka na ng local divisions. Hindi ka ba natatakot na nagdadala ka ng mark money?"

Nakitaan na naman ng gulat si Sunny. At mas lalo na si Josef.

"How come you know about that?" takang tanong ng lalaki.

Bumalik na sa pagkain si Armida. "Mr. Richard Zach, you're talking to a former Upsilon Commander, Main Sector Intelligence Corps agent, Escadron Elites Special Force agent. Are you underestimating my capability to conduct and disseminate intelligence reports for a short period of time? Puno ng potential intel ang klase ko, FYI."

"I—" May sasabihin pa sana si Josef pero sumuko na lang din siya kalaunan. Bakit nga ba siya nagugulat samantalang si RYJO ang kausap niya? Isa sa pinakamagaling na agent sa apat na association ang asawa niya, bakit pa ba siya kokontra?

"So, that's settled. You're Sunny," pagdederetso ni Armida. "Hindi natatapos dito ang lahat. Sa ngayon, protektado kami ng mga Guardian matapos ang nangyari kaya tahimik pa rito sa area. Hindi 'yon pangmatagalang proteksyon." Muli siyang sumandal sa upuan. "We're asking for your father's presence in our guild, pero nag-suggest ako na ibigay sa 'yo ang offer."

"Armida," pagpigil ni Josef. "She's too young for this."

"Josef, nag-usap na tayo rito," giit ni Armida. "There's no such thing as too young and too old for us. Kung gusto mo siyang makalaya sa Alef Maksura, pakinggan mo 'ko." Sinulyapan pa muna niya si Sunny bago ibalik ang desididong tingin sa lalaki. "Hindi maganda ang mundong pinasok natin, pero mas hindi maganda ang mundong pinasok ng batang 'to. Ibigay mo sa kanya ang Summons dahil mas kailangan niya 'yon. Hindi siya mag-isa ro'n kasi nando'n tayo, compare dito sa lugar na 'to na kahit pamilya niya, pinababayaan siya."

"Ma'am . . ."

"Oh God . . ." Napasapo na lang ng noo si Josef dahil may punto ang asawa niya pero hindi niya gusto ang plano nito. "How can you be so considerate in times and people like this?"

Ang laki na ng ngisi ni Armida nang balikan si Sunny. "Pagkatapos ng business namin dito, you'll come with us. And that's final."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top