Surprise Visitor
Gaya ng utos ng arbiter, tumungo nga si Armida sa second floor ng Xaylem mula sa palapag ng arena. Nasa isang kuwarto sila kung saan ginagamot siya at si Hime Vhanthara. Naroon din ang mga nawalan ng malay na member ng Lavander Roses. Simpleng silid lang iyon, pinalitadahan lang ang dingding at hindi na inabala pang pinturahan. Nakahiga isa-isa ang mga pinatumba ni Armida doon sa sahig at ang iba ay sa nag-iisang double deck nakaratay.
Nakaupo lang sa sulok na katabi ng pinto si Armida at binibilang ang perang ibinigay sa kanya ng Abdalghari na sinabi ng arbiter. Tinatahi naman ang ilang sugat ni Hime Vhanthara sa leeg gawa ng pagkahigpit ng pagkakasakal niya rito.
"Tapos na. Tig-apat na stitches din 'to. Inumin mo yung gamot na sinabi ko sa 'yo," sabi ng doktor na gumamot kay Hime Vhanthara. Itinuon naman ng doktor ang atensiyon kay Armida. "Ikaw yung may gawa nito, tama?"
"Yeah," careless na sagot ni Armida habang focus na focus sa pagbibilang.
"Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kaso, gawain mo ba-"
"Buti naman at may medical team dito sa ganitong battleground," ani Armida na may matipid na ngiti. "Ang problema nga lang dito, hindi sterilized nang maigi ang mga ginagamit. Prone sa infection ang ginagamot ninyo. But, nevertheless, the medical team is a surprise." Hinagisan niya ng isang bundle ng pera ang doktor. "Labas."
Tiningnan siya sandali ng doktor tapos yung pera naman. Nag-angat siya ng kilay para ulitin ang utos sa tahimik na paraan. "Nilaban mo 'to?" tanong nito habang tinuturo ang dalagang ginamot at tumayo na sa inupuang bangkito.
"Huwag mo nang sabihin ang halata naman na," sarcastic na sagot ni Armida.
"Maangas talaga yung mga player dito." Pinagpag nito ang pera sa kamay. "Ang tangkad mo para sa isang babae."
"Huwag mo nang ipaalala," nakangiting sinabi ni Armida habang tinuturo ang pinto.
"Psh." Napailing na lang ang doktor dahil talagang pinalalayas na siya ni Armida. Umalis na lang din siya sa loob ng kuwartong iyon kalaunan.
Ilang minuto pa ay inilipat na ni Armida ang tingin kay Hime Vhanthara na masama ang tingin sa kanya.
"'Yang kamay mo," sabi ni Armida habang tinuturo ang kamay ng nakalaban niya.
Napatingin naman si Hime Vhanthara sa kaliwang kamay niya na patuloy sa panginginig.
Tumayo si Armida at umupo sa inupuan ng doktor na gumamot kay Hime Vhanthara.
"Sinalag mo ang tira ko tapos nanginig lang ang kamay mo. Ayos din." Kinuha niya ang kaliwang braso ni Hime Vhanthara at hinawakan ang siko nito. "May mga sumubok na sumalag sa tira kong 'yon. Kadalasan, mga hindi ako kilala." Idiniin niya ang hinlalaki sa balat sa braso ni Hime Vhanthara at pinadaan ito pababa sa pulsuhan. "Ang pinakamalalang nangyari sa ibang nagtangka, nabalian ng kamay . . ."
Napakagat ng labi si Hime Vhanthara dahil pinilipit ni Armida ang pulsuhan niya.
"Ano'ng pangalan mo?" tanong ni Armida.
"Wala," masungit nitong sagot sabay irap.
"Alam mong may paraan ang mga tao rito para malaman ang sagot na kailangan nila." Binitiwan na niya si Hime Vhanthara at saka nag-de-kuwatro at nagkrus ng mga braso. "Saan ka nakatira?"
"Wala."
"Estudyante ka?"
"Hindi."
"Ngayon ko lang nalaman na may money prize pala kapag graveyard fight. 50 thousand ang ibinigay nilang porsyento ko."
"Ano ngayon?"
Tumayo si Armida at kinuha ang 45 thousand na natitira niyang pera. Bumalik na rin siya sa pagkakaupo sa harap ni Hime Vhanthara.
"Maganda ang ipinakita mong laban kanina." Inilapag niya ang mga pera sa tabi ni Hime Vhanthara. "Hindi ako pumunta dito para sa pera. Nandito ako para sa grupo ko."
Tiningnan lang nang masama ni Hime Vhanthara ang pera.
"Gusto mong sumama sa 'kin?" nakangiting tanong ni Armida.
Nilipat naman ni Hime Vhanthara ang masamang tingin niya kay Armida.
"Nakausap ko kanina yung isa mong kasama na binalian ko ng balikat bago umalis dito. Wala ka raw tinutuluyan. Gusto mong tumira sa 'min?" masayang alok ni Armida.
Lalong kumunot ang noo ni Hime Vhanthara sa tanong ni Armida. Pagkatapos siya nitong talunin, aalukin siya nitong tumira sa kanila?
"Nababaliw ka na ba?" sarcastic na sinabi ni Hime Vhanthara kay Armida.
"Does it matter?" Sinilip ni Armida ang tahi ng bata sa leeg nito. "Hindi ko napansing napasobra ang pagkakabaon ng daliri ko sa leeg mo."
Kinuha niya ang perang napanalunan pati na ang kamay ni Hime Vhanthara at saka niya ito hinatak palabas ng kuwarto na iyon.
Nasa labas na sila ng Xaylem at ilang metro lang ang layo kung saan ipinarada ni Armida ang kotse niya, malapit sa pinagbilhan niya ng damit . . .
"Saan mo ba 'ko dadalhin?!" sigaw ni Hime Vhanthara habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ni Armida. Malas lang niya dahil masyado nang mahina ang braso niya para pumalag pa.
"Sa bahay namin," nakangiting sinabi ni Armida habang nakatutok sa daan.
"E bakit mo 'ko dadalhin sa inyo? Kilala mo na ba 'ko para dalhin mo sa bahay n'yo!"
"Wala naman akong pakialam kung hindi kita kilala. Wala kang bahay kaya patitirahin kita sa 'min."
Nakaabot na sila sa pinag-parking-an niya ng kotse.
Hinatak niya si Hime Vhanthara papunta sa passenger seat at sapilitan itong pinasakay sa sasakyan. Dali-dali siyang sumakay sa kotse dahil baka tumakas pa yung bata.
"Pagsisisihan mo 'tong ginagawa mo!" inis na sinabi ni Hime Vhanthara kay Armida nang i-lock niya agad ang pinto sa may passenger seat.
"Nagsabi ang asawa kong magluluto siya pag-uwi ko. May pagkain tayo pag-uwi." Napatingin siya sa relo niya nang maalala si Josef. "Oh shit! Alas-otso pasado na!"
Nag-panic na tuloy siya at nagmadali nang mag-drive pauwi.
***
"Sa tingin mo, nasaan na 'yon?" naiinip na tanong ni Josef.
Ilang tawag na ang ginawa niya kay Armida pero hindi man lang nito nagawang sagutin ang phone. Halos mapudpod na nga ang screen ng phone niya kate-text at katatawag kung nasaan na ang asawa niya.
"Ang nakalagay rito sa tracker, nasa isang RTW store ang asawa mo," sabi ni Laby. "Baka naman namimili ng damit."
"Anong oras na, namimili pa?" reklamo pa ni Josef at itinuro ang pintuan. "Kulang pa ba yung laman ng isang buong closet para sa kanya?"
"Josef, 'wag ka ngang praning," sagot ni Laby. "Hindi mapapahamak ang asawa mo. Walang sense mag-worry, promise. Assassin 'yon, hello?"
"I know na assassin siya! But before we went here, doon pa lang sa island na pinanggalingan namin, nahimatay na siya. What if mangyari na naman 'yon ngayon?"
"Stop worrying about her. Matagal siyang mamatay."
Isang masamang tingin lang ang natanggap ni Laby mula sa lalaki.
Beep! Beep!
"O, speak of the devil of all devil! Ayan na ang magaling mong asawa." Tumayo na sa pagkakaupo si Laby at pinigil agad si Josef sa pagbukas ng pinto.
"Sliding door 'yan, 'wag mong i-pull," sermon ni Laby sabay palo sa kamay ni Josef na balak pang hatakin papasok ang pinto dahil sa pagkainis.
Bumukas na ang pinto at bumungad sa kanila si Armida na naka-smile sa kanila.
"Good evening, Josef!" masiglang bati ni Armida at niyakap agad si Josef saka hinalikan nang mabilis sa labi.
Napasimangot agad ang lalaki nang ilayo niya ang asawa at tiningnan ito nang masama.
"Alam mo ba kung anong oras na?" inis na tanong ni Josef.
"Uh." Tiningnan ni Armida ang relo niya "8:47." Nakangiti siyang nag-angat ng tingin.
"Di ba-"
"I'm here! 'Wag kang mag-alala, safe ako," nakangising sinabi ni Armida.
"Safe?" Nagpamaywang pa si Josef. "Who the hell cares if you're safe, huh!"
"Liaaaaar . . ." sabi pa ni Laby.
"Shut up!" sermon agad ni Josef sa katabi habang dinuduro ang mukha nito. Binalikan na rin niya si Armida. "Lumamig na yung pagkain. You're not answering my phone calls. Not even my text messages. I'm not playing with you, Armida Evari Zordick."
Napaatras naman si Laby, maging si Armida, at napahawak pa sa dibdib. Nagulat dahil talagang galit nga si Josef.
"Did you just call me on my full name, Ricardo Exequiel Zach?" di-makapaniwalang tanong ni Armida. Naglahad pa siya ng palad sa kaliwang direksiyon. "I tried to be here as early as possible. Something happened, okay?"
Doon na nanghagod ng tingin si Josef at agad na kumunot ang noo niya nang mapansing hindi naka-formal attire si Armida gaya ng suot nito kaninang umaga.
"Where the hell have you been?" mahinahon na pero nagdududang tanong ni Josef.
"Ah! Speaking of that!" excited na sinabi ni Armida at tumungo agad sa kotse.
Napalabas ng pintuan sina Josef at Laby at pinanood si Armida. Pagbukas nito ng passenger seat, may inilabas itong isang babae roon na hindi nila maaninag nang maayos ang mukha dahil nakapatay ang ilaw sa labas ng bahay.
Paglapit nina Armida sa kanila, napaawang na lang ang bibig nina Josef at Laby dahil sa nakikita.
Ang lapad ng ngiti ni Armida nang iharap ang isang dalagang naka-skater skirt na violet at itim na printed tee. Naka-pony tail lang ang buhok nitong halatang hindi na inabala pang suklayin at itinali na lang basta.
"I brought my student here!" masayang pakilala ni Armida kay Hime Vhanthara. "Josef, this is my student. Student, this is Josef, my husband."
"Oh God," nasabi na lang ni Laby sabay himas ng noo. "Okay! I'm done here. Mag-usap na lang talaga kayong dalawa." Nauna nang pumasok sa loob ng bahay si Laby.
"Sir . . ." tanging nasabi ni Hime Vhanthara at halatang nagulat din.
"Pumasok na muna kayo," kalmado nang sinabi ni Josef at hinawakan sa likod ang asawa niya at ang bisita nila para papasukin.
Pagpasok sa loob . . .
Nakapamaywang lang si Josef at parang sobrang lalim ng iniisip habang nakatingin sa sahig.
Si Armida naman, nag-aabang at nakatayo lang din sa harapan ng asawa niya.
Si Laby, nasa sofa at focused naman sa Gameboy nito.
Ang bisita nila, nasa likod ng pinto at nag-aabang din ng susunod na mangyayari.
"Saan mo siya nakuha?" seryosong tanong ni Josef at sinalubong ang tingin ng asawa niya.
"Uhm . . ." alanganing tumango si Armida. "She's my student-"
"Liar," kontra agad ni Josef.
"She's a student!" pagbabago ni Armida ng sagot niya. "Does it matter where I got her?"
"Tell me, you didn't go to that battleground," mabigat na sinabi ni Josef.
"I . . ." Napakagat ng labi si Armida at iginilid ang tingin.
"Yes! You've been there!" Si Josef na ang sumagot sa sariling tanong. "We didn't go to that place because we know you'll get mad!" Itinuro pa niya ang kanang direksiyon. "And there you were, fighting alone-without us!"
Napapikit-pikit na lang si Armida habang nakatingin sa asawa niya dahil halos balutin ng sigaw ni Josef ang buong bahay. Kahit si Laby ay napasuot ng earphone para lang mabawasan ang sigawang naririnig niya.
"And you're mad at me," seryoso ring sinabi ni Armida.
"What do you want me to do? Celebrate? I told you to go home early, right?! Sabi mo, uuwi ka nang maaga!"
"Sinabi ko ring sunduin mo 'ko, di ba? And you declined. Kung sinundo mo 'ko, then hindi ka na sana nagagalit ngayon if you already know what's gonna happen if you left me alone."
"I-Ugh!" Napahimas na lang ng noo si Josef. Parang may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya alam kung paano sasabihin iyon. "Ewan ko na." Nagtaas na lang siya ng mga kamay para sumuko. "Why do I even argue with you? You don't know how to listen."
Nagtaas agad ng kilay si Armida sabay halukipkip. "Excuse me, are you insulting me, Richard Zach?"
Hindi na sumagot si Josef. Pagtingin niya sa gilid, nakatingin lang sa kanya ang bisita nila.
Bigla na siyang kumalma pagpakita rito. "Now, you met my wife," sabi na lang niya.
"Sir, akala ko, gawa-gawa mo lang yung sinabi mong assassin yung asawa mo."
"Hey!" Umeksena na naman si Armida. "You know her?" tanong pa niya kay Josef.
"Estudyante siya sa Diaeresis. Kaya alam kong nagsisinungaling ka," sabi pa ni Josef.
"So you knew her. And you didn't tell me?" inis pang sinabi ni Armida.
"She's a Soliman, bitch," sumingit na rin si Laby.
"She's a what?!" gulat na sinabi ni Armida at pinandilatan ang bisita nila. "You? A Soliman?"
Tumango naman ang dalaga sa tanong niya.
"Oh!" Napatayo nang diretso si Armida at napatango. "Welcome to our humble abode, Soliman kid!" maligayang pagbati pa niya habang nakalahad ang mga braso. "Stay here." Inilipat niya ang tingin kay Josef. "Wala siyang tinutuluyan, she'll stay." Excited niyang kinuha ang braso nito at hinatak agad papunta sa kusina. "Come on, kid! My husband cooked for us."
"Armida!" malakas na pagtawag ni Josef.
"We'll talk later," sagot na lang ni Armida na nakaabot na sa mesa. "We're hungry."
"Ugh!" Napailing na lang si Josef at napatingin kay Laby.
"Alam mo, bagay kayo. You wanted this, right? Now, enjoy," sarcastic na sinabi ni Laby sa lalaki sabay irap.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top