Superman

Nabulabog ang buong Diaeresis dahil sa kaguluhan sa third floor ng South Quad.

Naglabasan ang mga estudyante sa buong school para makiusisa sa nagaganap.

"Ano'ng meron at mainga—Ay, Diyos ko!" Napalabas agad ng building ang principal dahil sa nakikita sa third floor.

"Leave me alone! Pabayaan n'yo na 'ko!" sigaw ng isang babaeng estudyanteng nakatuntong sa bingit ng sementadong railing ng third floor.

Naglabasan ang mga teacher para pababain ang estudyanteng balak pang mag-suicide.

At dahil ang lahat ay nakikiusyoso sa komosyong nagaganap, napahinto agad si Josef sa tapat ng isang classroom sa third floor kung nasaan ang next subject niya. Sinilip niya muna ang room, walang estudyante. Lahat kasi ay nasa labas.

Kitang-kita niya sa puwesto niya ang dalagang umiiyak habang nakatuntong sa railings.

"Wow, first day na first day." Napahawak na lang siya sa bridge ng ilong at bumuntonghininga.

Unang araw na unang araw, maabutan niya ang eksenang ito. Napakagaling naman.

Lumapit na siya sa lugar kung saan malapit sa estudyanteng magsu-suicide. Tanaw na tanaw niya ang lahat dahil siya lang ang parang tower na nakapaligid sa mga estudyanteng hindi man lang umabot sa leeg niya.

"Jenny, bumaba ka na diyan. Please!" pagmamakaawa ng adviser sa dalaga

"Ayoko! Gusto ko nang mamatay! Gusto ko nang mamatay!" sigaw ni Jenny.

Napataas na lang ng kilay si Josef habang tinitingnan ang suicide drama na iyon. Kung hindi ba naman tinamaan ng kamalasan, sa dinami-rami ng lugar, doon pa nito naisipang mag-commit ng suicide.

"JENNY! 'WAG MONG ITUTULOY 'YAN!" sigaw ng mga classmate nito sa kanya.

"Si Michael lang ang buhay ko! Mamamatay ako kapag nawala siya sa 'kin!!" sigaw ni Jenny.

"Mamamatay ka talaga," bulong ni Josef habang bored na bored na nakatingin sa estudyante.

"Jenny, marami pang lalaki sa mundo! 'Wag mong hayaang sirain ni Mike ang buhay mo!"

"Mahal na mahal ko si Michael! Hindi ko na kayang mabuhay kapag nawala siya!"

Agad ang paikot ng mata ni Josef dahil sa sinabi ng dalaga. Lumapit na siya sa eksena at nagsilipatan sa kanya ang atensiyon ng mga teacher.

"Sir! Pakibaba naman!" utos sa kanya ng isa sa mga may-edad na gurong nandoon.

Bumuntonghininga na lang si Josef at naglahad ng palad sa estudyante. "Miss Jenny, bumaba ka na," mahinahon niyang utos.

"'Wag kayong lalapit!" sigaw ng dalaga habang umiiyak.

"Jenny, get down here," mahinahong sinabi ng adviser niya habang papalapit sa kanya.

"'WAG KAYONG LALAPIT! 'WAG N'YO 'KONG— AAHHH!"

"SHIT!"

"AAAHHHH!" Nagsigawan na rin ang lahat dahil nadulas si Jenny sa tinutuntungan niya.

Biglang sumampa si Josef sa railings at walang pagdadalawang-isip na tinalon ang third floor. Kinuha niya si Jenny sa ere at pumuwesto sa hangin para sa magandang pag-landing niya. Kailangan niyang tantiyahin ang posisyon niya dahil mababalian siya kapag mali ang lapag niya sa lupa. May karga pa naman siyang tao.

Nasa gitna ng quadrangle ang malaking rebulto ng founder ng Diaeresis na nakalahad ang isang braso sa hangin habang may hawak namang libro ang isa. Halos isa't kalahating palapag din ang taas niyon at magandang tulong iyon kay Josef para makalapag nang maayos.

Mula sa ere, pilit niyang inabot ang kamay ng rebulto at doon inilagay ang bigat niya at ng dala niya saka tumalon nang magaan sa sementadong sahig ng quadrangle.

Pagtapak ng paa niya sa lupa, kasabay niyon ang pagsambulat ng mga alikabok sa hangin at ang mga tuyong dahon mula sa puno ng acacia sa gilid ng mga building.

Nabalot ng katahimikan ang buong Diaeresis.

Naitapak na rin ng estudyante ang paa nito sa lupa at buong gulat na nakatingin kay Josef na binitiwan na rin siya.

"Ano? Masaya ka na ba?" inis na sinabi ni Josef sa dalaga. "Alam mo ba kung ano'ng ginagawa mong bata ka?"

Nakanganga lang ito at hindi na nakaimik.

"Kapag napatalsik ako rito sa school, kasalanan mo, hmm?" mahinahon pang sinabi ni Josef kahit gusto na niyang magwala dahil sa nangyari.

Unti-unti namang nagpapalakpakan ang lahat ng mga naroroon at nakasaksi dahil sa ginawa niya. Nagkakaroon na rin ng mahihinang sigawan na unti-unti ay lumalakas.

Ayaw na niyang magtagal sa lugar na iyon kaya dali-dali siyang tumakbo papasok sa loob ng building.

Dumiretso agad siya sa restroom, pumasok sa isang cubicle, at humarap sa pader.

Narinig niya ang malakas na sigawan at palakpakan sa labas.

"Josef, ang tanga mo." Paulit-ulit niyang inuntog nang mahina ang ulo sa pader. "What the hell have you done, hmm?"

Iyon na ang problema niya ngayon.

Hindi siya puwedeng makakuha ng atensiyon dahil magiging problema iyon. Maliban sa trabaho niya bilang Superior, mas lalong ayaw niyang makakuha ng atensiyon dahil agaw-pansin na nga siya sa buong school. Mabuti sana kung hindi siya pansinin.

"Ano, Josef? Makipag-usap ka ngayon sa diyos mo," bulong niya sa sarili habang inuuntog ang sarili sa dingding.

Ting! Ding!

"Requesting for Mr. Richard Zach, please proceed to the Principal's Office immediately."

"Ah, damn it." Napahilamos na lang siya ng mukha at inis na inis na lumabas ng restroom.

At talagang na-page pa siya sa buong campus. Napakagaling naman talaga.

Wala na ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa buong school. Tahimik na rin ang buong paligid.

Tinatakpan niya ang mukha gamit ang palad habang dumadaan sa mga classroom at sa mga office. Binilisan niya ang lakad para matapos na ang kakaibang tingin na natatanggap niya habang nilalakad ang corridor.

First day na first day, mapi-Principal's Office siya. Kung kailan tumanda na siya't lahat lahat.

Noong kabataan niya, pinapatawag lang siya sa Office kapag may tatanggaping recognition o kaya may sasabihin sa kanyang importanteng bagay tungkol sa pag-aaral niya.

Pagpasok niya sa office . . .

"Good morning, madame," nahihiya niyang bati sa principal habang nakatungo. Para siyang batang nahuling may ginawang masama base sa kilos niya.

"Sit down, Mr. Zach," matigas na sinabi ng principal.

Naupo naman si Josef sa upuang kaharap ng table ng principal.

"Ikaw ang matapang na tumalon kanina sa third floor, hindi ba?"

Napalunok si Josef dahil tono pa lang ng principal, principal na principal talaga. May-edad na ito dahil halata sa wrinkles sa mukha, nakasalamin na sobrang kapal, makapal din ang violet na lipstick. Ang ayos, ang tingin, ang aura, nakakatakot at mukhang mangangain ng tanga.

"Y-yes, madame."

"Alam mo bang bawal at delikado ang ginawa mo?"

"Yes madame."

"Muntik mo nang patayin ang bata at ang sarili mo. Alam mo ba 'yon?"

"Yes, madame."

"First day mo pa lang 'to, hindi ba?"

"Yes, madame. Sorry, madame. Hindi ko na po balak ulitin ang nangyari," sabi ni Josef habang nakatingin sa tuhod niya. Para talaga siyang batang pinagagalitan sa kilos niya.

Sandaling tumahimik . . .

"Sa 'yo ba 'tong salamin?" Iniabot ng principal ang isang basag na eyeglasses kay Josef.

Umawang ang bibig niya at naalalang may suot nga pala siyang salamin pagpasok niya.

"Uh, y-yes, madame." Kinuha niya agad ang salamin at kinagat na lang ang labi niya.

"Hindi ka naman si Superman, hindi ba?"

"MADAME?" Napatingin agad siya sa principal na nakatitig sa kanya nang maigi at tinatantiya kung si Superman nga ba siya.

"Hindi ka naman alien, di ba?"

"Yes, madame."

"Tumalon ka ng third floor at buhay ka pa, tao ka bang talaga?"

"Yes, madame. Ano kasi . . ." Napatingin siya sa gilid at nag-isip ng ikakatuwiran bago pa mapunta sa kung saan ang usapan nila. Naiilang na siya kapag ganyan na ang usapan. Kailangan niyang ilayo ang topic o kaya alisin ang mismong topic na iyon. "A-actually, madame, d-dati po akong stuntman sa mga . . . sa mga pelikula." Mabilis pa siyang tumango para papaniwalain ito. "K-kaya magaling ako sa mga saluhan at talunang gano'n. Action stunt, yes. Ehem." Inilayo agad ni Josef ang tingin at nagdasal na sana bumenta kay Madam Principal ang sinabi.

"Aahh . . ." Tumango-tango naman ang principal. "Talaga? Hindi ka naging artista?"

"Madame?" Gulat na gulat siyang napatingin ulit sa principal.

"Okay, uhm, well. Ehem. Forget about it." Pilit na ngumiti ang principal at umiling. "Uhm, si Miss Jennifer Glorioso ay nasundo na ng family niya kanina. Sinabi na lang namin na mas mabuti kung bukas na kayo mag-uusap ng pamilya. Sa ngayon, pahupain muna natin ang trauma ng bata."

"Ah, okay po, madame." Tumango na lang siya at nakipagtitigan na naman sa tuhod niya habang hinihimas iyon.

"Wala ka bang bali sa katawan? Mga sugat? Pilay? May pilay ka ba? Baka kailangan mong pumunta sa clinic. Hindi five feet ang ang tinalon mo. 35 feet, Mr. Zach. You jumped from the 35 feet-high part of this building."

"Uhm, no, madame." Umiling agad siya. "I manage to have a good take-off. Don't worry about me, I'm professional."

As professional as anbody can imagine.

"Alam mo na ba ang rules and regulations sa school na 'to?"

Nagbuntonghininga agad siya. "Yes, madame. I know the rules and regulations inside this campus, and I know I did a very stupid decision when I jumped off that building."

"That is a stupid decision for you, but for us and for this school, what you did is what we call heroism. Hindi lahat tatalon nang ganoon kataas para lang magligtas ng tao, unless bumbero sila or superhero. Pero, I know, kahit bumbero, hindi tatalon nang ganoon kataas dahil walang nakakaligtas doon nang hindi napipilayan."

Hindi naman sigurado si Josef kung joke ba yung sinabi ng principal o ano. Hindi niya rin alam kung tatawa ba siya o hindi na lang magre-react. Pero isa lang ang sigurado niya sa sarili.

Gusto na niyang lumabas sa Principal's Office.

"Hindi lang estudyante ang iniligtas mo, Mr. Zach. Iniligtas mo rin ang school na 'to sa malaking kahihiyan. Alam mo ba ang ibig sabihin n'on?" may ngiting sinabi ng principal.

"Ibig sabihin . . . puwede na po akong bumalik sa klase ko?" nagtatakang sagot ni Josef.

Nawala agad ang ngiti ng principal at napataas na lang ng kilay sa sinabi ni Josef.

"Puwede ka nang maging regular teacher dito sa school. 'Yan ang ibig sabihin. Puwede ka nang mag-apply for the position, mag-fill up ka lang ng form."

"Aahh . . ." Dahan-dahan namang tumango si Josef. "That's a nice offer. I'll consider it. Bale, ano, madame, usap muna kami ng asawa ko about that."

"You're married?"

"Yes, madame."

"Oh . . ." Tumango naman ang principal at mukhang dismayado sa sinabi ni Josef.

"So, uhm. Puwede na po ba 'kong bumalik sa klase ko?" naiilang na tanong ni Josef.

"Ah, yes, yes. Sure, you may . . ." Itinuro niya ang pinto kaya tumayo na si Josef.

"Thank you, madame," paggalang ni Josef.

"No, thank you, Mr. Zach."

Nginitian lang nila ang isa't isa at saka lumabas si Josef ng office.

Paglabas niya ng office . . .

Nag-panic agad ang mga teacher na nakikinig sa usapan nina Josef sa loob ng opisina at nagkanya-kanya ng iwas ng tingin paglabas niya sa loob.

"Wait." Tiningnan niya ang mga teacher na nakaiwas ang tingin at busy-busy-han kuno sa tapat ng office at mukhang kanina pa nakikinig sa kanila.

Hindi na lang iyon pinansin ni Josef at naglakad na lang pabalik sa klase niya. Nakabuntot naman sa kanya yung tres marias na una niyang nakilala.

"Sir Zach, tanggal ka na ba sa trabaho?" tanong ni Ma'am Carmel.

"Sana hindi pa," sabi ni Ma'am Heidi.

"Oo nga. Unfair naman 'yon kapag tinanggal siya," sabi ni Ma'am Stella.

"Ay, Sir Zach. Mukhang okay ka lang, a. Wala bang masakit sa 'yo? Hindi ka ba napilayan? Buhay ka pa ba?" tanong ni Ma'am Heidi.

"I'm fine. Don't worry about me," poker-faced na sinabi ni Josef habang naglalakad.

"Si Superman ka ba?" tanong ni Ma'am Carmel.

"Aahhh! Superman!" nagtilian naman sina Ma'am Stella at Maa'm Heidi.

Napahinto sa paglalakad si Josef at hinarap na ang tatlong nakabuntot sa kanya. "Hindi ako si Superman, si Batman, si Spiderman, at kung sinuman ang naiisip n'yong superhero, hmm? Normal akong tao at ang ginawa kong pagtalon sa third floor ay . . ." lagi kong ginagawa sa dati kong trabaho kaya ". . . mas mabuting kalimutan n'yo na. Huwag na sana kayong magtanong nang magtanong kasi ayoko sa lahat ay yung makulit."

Huminto sa paglalakad angtatlo. Siya naman ay nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa classroom niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top