Sparring
Maingay ang klase pero hindi ganoon kalakas. Ang kalahati, nagbubulungan. Ang iba, tahimik at natutulog. Ang iba, tamang kuwentuhan lang.
Nakaupo sa mismong teacher's table sa harap si Armida. Naka-de-kuwatro siya habang nakapatong ang dalawang kamay sa mesa pangsuporta. Nag-le-lesson siya kuno.
Nagsasalita siya ng kung ano-ano para kunwari ay nagtuturo siya. May mga dumadaan kasing mga teacher at pupunahin siya kapag nakita nilang nakatunganga lang siya. Ang subject niya ngayon ay Economics. Pero ang itinuturo niya ay . . .
"Alam n'yo bang sobrang importante ng Economics sa buhay natin?" sabi niya sa estudyanteng kangitian niya kaninang umaga. "Imagine, kung ang isang gramo ng drugs ay 200 ang value. Tapos mabibili mo sa mas murang halaga kapag raw materials, tapos ikaw na lang ang magtitimpla. Yung isang gramo na 'yon, para mo lang din binili ng 100. Kalahati ng original price. Tapos apply-an mo ng law of supply and demand, puwede kang magbaba o magtaas ng presyo depende sa demand kung ikaw ang supplier."
"Ooohh . . ." Kung makatango naman yung dalawa niyang kausap sa harapan, parang napaka-amazing ng sinasabi niya.
Itinuro niya ang bintana sa kaliwang direksiyon. "Kapag lumabas na kayo ng school, dapat alam ninyo kung niloloko kayo ng nagbebenta sa inyo o hindi." Itinuro niya yung isang estudyanteng lalaking kausap niya na ang pangalan ay Eljand Kelvin. "Ikaw, ano ang Law of Demand?"
"Uh," nag-isip pa si Eljand. "Kapag demanding?"
Sinapok niya agad ito sa ulo. "Ihampas ko sa 'yo 'yang demanding mo," sermon agad ni Armida. "Law of Demand kapag mahal ang presyo, bumababa ang demand."
"Ah, kasi mahal kaya baka walang bibili," sagot naman ng katabi ni Eljand na si James Avel Geron.
"May utak ka, good job," puri pa ni Armida kay James. "E ano'ng meron sa Law of Supply?"
"Kapag, ma'am, mahal ang presyo, tumataas din ang supply kasi mas mabilis silang kikita kapag mataas ang makukuhang pera e."
"True," sagot ni Armida. Kinuha niya ang RN niya at hinanap ang grading sheet niya. "Bigyan ko na kaya kayo ng 100?"
"Ma'am, puwedeng magtanong?" sabi ni Eljand.
"What is it?" tanong ni Armida habang focused sa table na hawak.
"Bakit n'yo kinuha ang trabaho dito sa 4-F?" tanong ni James.
"Ha?" Bahagyang nagulat si Armida at napatingin sa dalawang kausap niya.
"Kasi, ma'am, ayaw sa amin ng lahat e."
"Really?" bilib na sinabi ni Armida at inilapag muna ang RN niya. "How did you say so?"
"Sabi nila, wala na raw kaming pag-asa," malungkot na sinabi ni James.
"Kung wala lang daw si King dito sa section namin, kick out na dapat kami sa school," dagdag ni Eljand.
"King?" tanong pa ni Armida. "Sino si King?"
"Ay, ma'am, ano yung dati n'yong trabaho bago kayo napunta rito sa Byeloruss?" pagbabago nila ng usapan.
"Sino nga muna si King?" tanong ulit ni Armida.
"De, ano, ma'am . . ." Nagkatinginan ang magkaibigan bago inilipat ang tingin kay Armida.
"Siya yung class president namin," malungkot na sinabi ni Eljand sabay iwas ng tingin.
"Oohh," sabi ni Armida habang tumatango. Pero sa itsura ng magkaibigan, parang hindi lang basta class president ang sagot sa tanong niya.
"Dati akong assassin," sagot ni Armida na sapat para makaagaw siya ng atensiyon sa buong klase.
"Wow, totoo, ma'am?" tanong ni Eljand na kulang na lang, kuminang ang mata dahil sa sinabi niya. "E di, pumapatay kayo ng tao!"
"Hindi lahat ng tao, may karapatang mamatay," prenteng sagot niya sabay krus ng mga braso.
"E di, pumapatay kayo ng mga big time, ma'am!" masayang tanong ni James na parang ang ganda ng topic nila.
"Hindi madaling pumatay kapag big time. Kasi kapag may nawala sa tuktok ng heirarchy, magkakagulo sa ilalim. That's the reason why it wasn't as easy as you think. Madaling bumaril ng tao, mahirap ayusin kapag wala na yung taong binaril."
"Ooohh . . ." Tumango na naman ang magkaibigan na parang nakakita ng kabilib-bilib sa harapan nila.
"Pero bakit kayo nandito sa school?" tanong ni Eljand.
"Kasi may mission ako." Napansin ni Armida na umayos ng upo ang iba sa likod.
"Na secret mission?!" sigaw pa ni Eljand. "Bangiiiis!" Pumalakpak pa ito.
Natawa tuloy si Armida. "Hahahaha! Sa sobrang secret ng mission ko, puwedeng-puwede mo siyang isigaw!"
"Anong mission mo, ma'am?" masayang tanong ni James na may kinang sa mga mata.
"De, may hinahanap lang akong tao," nakangiting sagot ni Armida.
"Papatayin mo, ma'am?" bilib nilang tanong.
"Uy, hindi!" Umiling pa si Armida. "May binibigyan kasi kami ng opportunity para maging member namin."
"Na assassin?!" gulat na tanong ni Eljand. "Ma'am, sama ako!"
"Ah, nope," kontra agad ni Armida sabay iling. "Masyadong choosy yung mga kasama ko. Ayaw nila sa mahihina. Kung ako lang, ayokong mapasama sa kanila e."
"Marami kayo, ma'am?"
"Hindi naman," sagot niya at tumanaw sa labas ng bintana. "Tatlo lang kami rito ngayon sa area.
"Di ba, masyado kang hayag para maging assassin?" tanong na ng isa sa kung saan. Napatingin tuloy si Armida sa second row mula sa tinatanaw niyang bintana. "Di ba dapat, discreet ka lang kung talagang secret nga 'yang sinasabi mo?"
Napangiti naman si Armida. "Nakuwento sa akin na iba't ibang klaseng teacher ang pumasok sa klaseng 'to."
"Yeah," sagot naman sa may bandang gitna kaya doon nalipat ang atensiyon ni Armida. "May serial killer, may assassin, may murderer, may bouncer, may butcher, may pulis, may alien, may monster, may werewolf, vampire, witch, wizard, etcetera. etcetera. Lahat narinig na namin sa ibang teacher para lang matakot kami sa kanila."
"Pero lahat sila, napatalsik namin."
"Maghintay ka lang dahil susunod ka na sa kanila."
Sabay-sabay na nagpakita ang evil grin ng mga estudyante niya.
"Don't worry, sooner or later, aalis din ako kahit hindi na kayo mag-effort pa." Umayos na sa pagkakatayo si Armida at nagpamaywang. "At saka, bakit ba kayo nakikinig sa usapan namin nina Eljand? Akala ko ba, hindi kayo interesado sa lesson?"
"Hindi ka naman nagle-lesson e."
"Pake n'yo ba?" sagot agad niya. "Hindi nga kayo nag-aaral e."
Napahinto ang lahat, maging si Armida nang makita nila ang isang grupo ng estudyante na naglalakad sa hallway.
Porma pa lang ng mga ito, alam nang mga war freak. Maangas ang lakad, may mga hawak na baseball bat ang iba.
Naglabasan ang mga evil grin ng mga estudyante ni Armida at hinanda na ang kani-kanilang mga table.
Huminto sa may pintuan ang mga estudyanteng iyon.
"Ikaw ba yung bago?" tanong ng isa sa unahan.
"Yes," proud pang sagot ni Armida. Tiningnan niya ang relo. Quarter to 11 na. "Ang aga n'yo para bukas, a."
Pumasok ang isa at nakapamulsang nilapitan si Armida "Chief!" sigaw nito sa unang sumalubong kay Armida nitong umaga.
Nag-number 5 at 2 sign si Chief at saka nag-smirk. Ngumisi na lang din ang sinenyasan niya.
"Ayos, a. Dapat pala isinama ko sa CV ko ang sign language," sabi ni Armida. "Ano'ng meron sa 5 and 2 sign, Mr. Clarence Yao?"
Maya-maya, itinulak ni Clarence ang table na sinasandalan ni Armida. Tumayo agad siya nang diretso para hindi mapasama sa mesang halos umabot sa pader ng room.
"Oy, don't tell me, makikipag-away kayo rito sa loob," sabi ni Armida na habang iniisa-isa ng tingin ang mga bagong dating. "Ang sabi ko—"
Isinara ng mga estudyante ang kurtina at ang pinto para walang makakitang tagalabas sa gagawin nila kay Armida. Sabay-sabay nilang iniurong ang mga table nila para mablangko ang gitna.
Magsisimula na ang Adviser Initiation Rites ng Class 4-F.
"Oh . . . kay." Pinalibutan siya ng mga estudyanteng kararating lang.
"Kilala mo ba 'ko?" tanong ng isang estudyanteng mababa lang nang kaunti sa kanya. Pero kung wala siyang heels, malamang na mas mataas pa ito sa kanya. Nakapamulsa ito at maangas na nakatingin sa kanya.
"Ah, so ikaw pala si King Ace Havenstein," sabi ni Armida habang tumatango. "Your name sounds familiar."
At para bang walang narinig si King, binalewala lang ang sinabi ng teacher niya. "Ngayon pa lang sinasabi ko na sa 'yo, nagkamali ka ng pinasukan mo."
"Talaga?" Napaisip si Armida. "Ang nakalagay sa RN ko, Class 4-F Room 609. Ito lang naman ang room 609 dito sa building, di ba?" inosenteng sinabi ni Armida. "Hala! Baka sa ibang building pala dapat ako! Oh my god, that's so stupid of me." Napatapik pa siya sa noo niya.
Nanatiling masama ang tingin ni King kay Armida. Sinenyasan nito ng tingin ang mga kasamahan niya na sumugod.
"Really, kid?"
Sabay-sabay na sinugod si Armida ng tatlong estudyante niya.
Ngumiti lang siya at hiniritan ng tag-iisang palm heel strike ang tatlo sa balikat at sa dibdib.
"Agh!"
"Agk!"
"Ugh!"
Sabay-sabay rin ang tatlo sa pagbagsak at napahawak sa dibdib nila.
Napatayo ang lahat ng estudyante niya at napatingin sa tatlong pinabagsak niya nang walang kapawis-pawis.
"Seryoso ba kayo rito?" tanong pa niya sa lahat. "Uulitin ko ang warning ko sa mga bagong dating. Kung gusto n'yo ng away, magkita-kita na lang tayo sa labas . . ."
"Hindi ka na makakalabas dito ng buhay!" malakas na sinabi ni King at sumenyas na naman.
Sinugod si Armida ng tatlo pa na mukhang mas magagaling. Napabuntonghininga na lang siya at umiling. Hindi niya ito puwedeng seryosohin, sayang.
"You punch like a sissy girl!" Inilagan lang niya ang mga binibigay sa kanyang atake habang. "Bukas ka sa kanan," sermon pa niya sa isa. "Puwede kitang sipain sa kaliwa mo." Sinalag pa niya ang kamay ng isa. "Open ang guard, ano ba? Magpapasapak ba kayo sa akin?"
Tinapakan niya ang paa ng isa, sinipa niya sa sikmura ang isa, sinuntok naman niya sa sikmura ang isa. Hindi niya puwedeng patamaan sa mukha, delikado siya lalo na sa trabaho.
"Guys! 'Yan na ba 'yon? Energy! Dali, ulitin natin!" dismayadong sinabi ni Armida habang tinitingnan ang anim niyang estudyante na namimilipit sa sakit. "Stand up! From the top!"
Naiinis na si King dahil anim na ang pinabagsak ni Armida at kitang-kita na hindi man lang ito nahirapan.
"Chief! Brent!"
"Yes King!"
Nagtabi-tabi ang tatlo at pumorma in attack position agad. Naglabas ang isa ng makinang na lanseta at baseball bat naman ang isa.
"Oh! Bawal ang dangerous weapon sa campus," reminder pa niya. "You use that, you'll regret using that." Hinubad ni Armida ang suot niyang coat at hinagis kay Eljand. "Kapag nadumihan 'yan, ikaw bubugbugin ko!"
"Yes, ma'am!"
Pinaikutan ng tatlo si Armida at maya-maya ay nagsenyasan sila na kailangan nang sumugod.
Inunday ni Chief ang baseball bat na hawak. Iniwas lang ni Armida ang katawan at pinatunog ang leeg. "Kid, I promised to my husband . . ."
Inunday na naman nito ang bat.
". . . that I won't pick up a fight."
Hindi na umilag si Armida pero sinalag na niya ang palad ang bat at hinigpitan ang hawak doon.
Naramdaman niyang may paparating sa likod. Iginilid niya sa kaliwa ang ulo at nahagip ng tingin sa kanan ang patalim na tatama sana sa kanya.
Mabilis siyang yumuko, sinipa ang tao sa likuran at tinuhod ang nasa harapan.
Halos mapalipad sa direksiyon ng bintana si Brent at napaluhod agad si Chief dahil sa sakit.
Ibinalibag ni Armida ang bat na hawak at kumalansing sa sahig ang metal na nalaglag.
"Argh!" Sumuntok naman si King sa kaliwa ni Armida na nasalag naman ng babae.
Kinuha ni Armida ang leeg ni King at inangat ito sa hangin saka buong lakas na ibinagsak sa sahig.
BAAG!
Dinig na dinig ang kalabog sa sahig.
Kinuha ni Armida ang kuwelyo ni King para itayo ulit ito.
Umamba ng suntok si Armida pero natigilan dahil may nakita siya sa gilid ng mata na paparating.
Itinulak ng babae si King at sinalo ng kamay ang paparating na patalim.
Pagtingin niya, isa iyong butterfly knife. Isang masamang tingin ang ipinukol ni Armida sa direksiyon na pinanggalingan ng hawak. Sa estudyanteng binalaan niya kanina. At gulat na gulat ito sa pagkakasalo niya ng kutsilyo.
"Argh!" Sumugod na naman si King. Mabilis na kinuha ni Armida ang kuwelyo niya at tinapakan siya nang mariin sa sapatos. Hindi na siya nakakilos nang itutok nito sa ilalim ng panga niya ang dulo ng kutsilyo.
At sa mga sandaling iyon . . .
Biglang tumahimik ang lahat.
Walang ibang narinig kundi mahihinang daing ng mga nauna nang napabagsak.
Masama ang tingin ni King kay Armida. At kung nakakapagliyab lang ang masamang tingin, malamang na kanina pa umaapoy ang teacher niya.
"Matibay ka, ha," maangas na sinabi ni Armida na mukhang natutuwa sa tinging natatanggap niya.
"Shut up!" Pinilit tanggalin ni King ang kamay ni Armida sa kuwelyo niya at humirit pa ng suntok na nasalag na naman. Kinuha na lang ni Armida ang kaliwang kamay ni King at itinulak ito sa board para pigilan. Nakalagay sa likod nito ang kaliwang kamay habang nakaharap ito sa board at nakadiin doon.
"Practice pa. Matatagalan pa bago mo 'ko matalo."
"Hindi ako matatalo!" Itinulak niya ang sarili para makaalis sa puwesto at kinuha ng kanang kamay niya ang leeg ni Armida.
"Nice try, kid." Hinawakan ni Armida nang mahigpit ang pulso ni King at puwersahang inialis sa leeg niya. Itinulak niya ulit ito sa board. "Hoy, umayos na kayo! Kapag kayo, nakita ng ibang teacher diyan, iisa-isahin ko kayo!" sigaw ni Armida sa iba habang tinitingnan nang masama si King.
Sabay-sabay na nag-ayos ng table at upo ang mga estudyante niya. Ang walong bumagsak, inakay ng iba at pinaayos ng upo sa mga upuan nito.
Binitiwan na ni Armida si King at saka siya humalukipkip at hinagod ng tingin ang estudyante niyang halos patayin na siya ng titig nito.
"So, this is famous initiation rites of Class 4-F," nakangising sinabi ni Armida. "Napakahihina ninyo."
Nakikita nilang lahat na halos umusok sa galit ang mukha ni King dahil kay Armida. Bumaba siya sa rooftop para lang takutin ang bago nilang adviser tapos ngayon, heto siya at natalo nang ganoon-ganoon lang.
"Dalawa lang ang puwede mong gawin . . ." Itinuro niya ang pintuan. "Magiging drama queen ka at mag-wo-walkout habang basag na basag ang ego o . . ." Itinuro niya ang likurang upuan. ". . . uupo ka sa likod, magpapakalalaki ka, at nanamnamin mo ang pagkatalo mo habang in-e-enjoy ko ang pagkapanalo ko sa mismong harapan mo."
Lalo lang nag-init ang dugo ni King sa sinabing iyon ni Armida.
Talo na siya sa kahit anong anggulo.
"At sa tingin mo, magpapatalo ako sa 'yo!" Sumuntok si King kaya wala nang magagawa si Armida kundi ang paralisahin siya para hindi na makapalag. Sinuntok ni Armida ang kanang balikat ng estudyante. Napaluhod naman ito at napahawak sa balikat nitong na-dislocate.
"Another rules, kids," sabi ni Armida ni Armida sa lahat. Kinuha niya ang kaliwang braso ni King at kinaladkad ito papunta sa likurang upuan. "Huwag na huwag ninyo akong sasalingin dahil hindi ako madaling talunin."
Napahinto ang lahat habang nakatingin kay Armida habang kinakaladkad ang pinakamalakas na estudyante ng Class F.
Ipinaupo ni Armida si King sa upuan nito at kinuha ang panyo nito sa bulsa ng chest pocket ng uniform.
"Lalaki ka, di ba?"
Tumayo nang diretso si Armida at hinawakan ang kanang braso ni King at parte ng likod nito.
Seryoso ang lahat sa panonood ng ginagawa ng guro nila sa classmate nila. Palipat-lipat ang tingin nila sa adviser nilang biglang nagbago ng pagkatao sa isang iglap.
"Subukan mong sumigaw nang malakas, patatahimikin kita permanently," seryosong sinabi ni Armida sabay tulak sa mga buto ni King na binali niya.
"Argh—" Pilit na pinigil ni King ang sigaw niya dahil sa sobrang sakit. Halos magmukhang kamatis ang mukha niya sa sobrang pula. Dumugo na rin ang labi niya sa sobrang pagkakakagat.
"Akala ko, tapos na ang morning greetings ni Chief," sarcastic na sinabi ni Armida sabay kuha sa kamay ni King para ilagay ang panyo at itakip sa bibig nitong nagdudugo. "Now, you already know me. Isang tangka mo pa, tatanggalan na kita ng paa."
Inis na inis si King habang hindi inaalis ang masamang tingin niya kay Armida.
"O, 'yon na ba 'yon?" mayabang na sinabi ni Armida sa kanilang lahat habang inuutusan sina Eljand at James na ibalik ang table sa puwesto nito. Itinaas niya ang hawak na butterfly knife para ipakita sa babaeng estudyante niya. "This is confiscated." At saka niya iyon ibinulsa sa slacks niya.
Nang maibalik ang mesa, sumandal siya roon sabay krus ng mga braso. Nagbalik na rin sa upuan niya ang dalawa niyang estudyante.
"James, buksan mo yung pinto," mahinahon niyang utos na sinunod agad nito.
Lalong naging tahimik ang lahat habang masama ang tingin sa kanya.
"Kaya pala walang nagtatagal sa inyo. Matindi pala kayo bumati."
Huminga siya nang malalim at tiningnan ang bintanang nakasara ang kurtina.
"I may not be a good academic teacher, but that doesn't mean I don't know how to teach you a good lesson," sermon niya sa lahat. "Nangako akong wala akong dadalhing problema rito sa school. Huwag ninyo akong bigyan ng dahilan para maging problema."
"Ma'am, assassin ka ba talaga?" malungkot na tanong ni Eljand. Kaiba sa akto nito kaninang halos kuminang ang mga mata, nadagdagan na iyon ng takot at pagkadismaya.
Iyon ang klase ng mga tingin na madalas niyang matanggap sa lahat kapag nalalaman nila kung ano ba talaga siyang klaseng tao.
Matipid lang na ngumiti si Armida at umiling. "Uhm . . . ang totoo . . . martial arts teacher ako. And . . . uhm, ni-request ng school na . . ." Saglit pa siyang nag-isip ng kasinungalingang sasabihin sa estudyante niya—at sa ibang makakarinig. ". . . ni-request ng school na turuan ko kayo."
"E di, hindi totoo yung mission mo kaya ka nandito?" dismayadong tanong ni James na paniwalang-paniwala pa naman sa kuwento niya kanina.
Lalong tumipid ang ngiti ni Armida. "Kailangan ko kasi ng trabaho kaya ako nandito."
"Then you lie about the 50 million," sagot ng pinangakuan niya kanina ng pera.
"Well, that's—"
"Excuse me."
Napalingon silang lahat sa may pintuan. Nandoon ang principal ng secondary department. Ipinatawag na ng ibang teacher dahil ang alam nila, nagsisimula na ang Class 4-F sa Adviser Initiation kuno ng klase.
"Yes, sir? How may I help you?" bati ni Armida. Dumiretso na siya ng tayo at nginitian ang principal.
Tiningnan naman ng may-edad na ginoo ang loob ng room na sobrang tahimik at lahat ay nakaupo nang maayos habang nilalakad ang harapan ng room. Kumunot ang noo niya nang makitang nakaupo sa likod ang grupo ni King. Ang grupo ni King na parang twice a year lang magtagal sa loob ng classroom.
"Anong subject na 'to?" masungit na tanong ng principal habang nililibot ng tingin ang buong room na parang noon lang niya nakitang tumahimik simula nang maitayo ang buong eskuwelahan.
"Economics po, sir," sagot ni James.
"I'm not asking you, stupid!" sigaw ng principal kay James habang dinuduro ito. "Mga wala kayong kuwenta!" Sermon niya sa buong klase. "Ang ingay-ingay n'yo rito!”
"Excuse me, sir!" sigaw rin ni Armida at tinindigan na ang ginoo sa harapan niya. Nabigla ang principal sa sigaw niya pati na ang mga estudyante niya.
"Are you shouting at me, Miss Hwong?" di-makapaniwalang tanong ng principal.
"I am, siguro naman, hindi ka bingi, right?" sarcastic pang sinabi ni Armida sabay pamaywang.
"How dare you—!"
"No! How fucking dare you!" sigaw rin ni Armida habang dinuduro sa dibdib ang principal. "You don't have any fucking right to call James or anybody inside this class stupid! He's just telling you what the fucking subject I'm teaching right now!" mariin niyang sinabi.
Naningkit agad ang mata ng principal dahil sa asal niya. Hindi makapaniwala na kabago-bago lang niya roon, sumasagot na siya, minumura pa niya ang principal habang dinuduro ito.
"Miss Hwong . . ." pigil na pigil na sinabi ng principal, ". . . in my office. NOW." At saka ito tumalikod at dali-daling lumabas ng room.
Lumamig bigla ang hangin sa loob ng room. Tiningnan nilang lahat si Armida.
Nakataas lang ang kaliwang kilay ni Armida habang nakapamaywang. Angat-baba ang dibdib niya habang nagtatalo ang inis, pagkapikon, at saglit na pagod gawa ng bugbugang naganap.
"Ma'am . . . ?" nag-aalalang pagtawag sa kanya ni James.
Humugot lang ng malalim na hininga si Armida at nakangiting tiningnan ang estudyante niya.
"Huwag mong hahayaang tawagin kang ganoon ng mga walang pakinabang na gaya ng matandang 'yon," sabi ni Armida sa estudyante niya.
"Ma'am, baka tanggalin ka na nila."
"Not gonna happen," proud pang sinabi ni Armida at nginitian yung dalawang estudyante niyang nag-aalala ang tingin sa kanya. "Akala ko ba, matatapang kayo, bakit mukha kayong namatayan?"
Dali-dali na siyang naglakad patungong pintuan nang sulyapan ulit ang lahat ng estudyante niyang nakasunod ang tingin sa kanya.
"Pagbalik ko at magulo na naman kayo, igagapos ko na kayo isa-isa sa mga upuan ninyo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top