Some Connections

Recess na at mag-isa siya sa dulong table ng cafeteria. Yung kinakain niyang strawberry waffle at mocha frappe, parang wala nang lasa. Habang tumatagal siya sa pagkakaupo, lalo siyang napapagod. Natagtag ang katawan niya sa laban kahapon, puyat pa siya kinagabihan kaka-update sa opisina niya sa Citadel. Mabuti na lang at marunong ding kumilos ang Guardian Decurion niya, puro approval lang niya ang kailangan ng mga ito.

Halos isubsob niya sa mesa ang ulo. Ang bigat na ng ulo niya gawa ng magkahalong antok at pagod. Panay pa ang ikot sa utak niya ng mga nangyari nitong umaga. Hindi nga nagsinungaling si Ran sa sinabi nito, pero lalong nagpagulo sa kanya ang sinabi ni Brent.

Malakas na ang hinala niya noong una pa lang na nakay Ran ang prototype version ng software, kung gamitin kasi nito, mas madalas pa sa kailangan. Pero hindi niya inaalis ang posibilidad kay Brent. Wala ring itinatago si Brent base sa mga sinabi nito. Kahit anong isip niya, bumabagsak talaga kay Ran ang hinala niya tungkol sa original copy.

Ang sinabi lang ni Ran ay hindi ito ang nag-reprogram at wala rin dito ang prototype. Kompiyansa naman siyang nagsasabi ito ng totoo. Kaya nga malakas ang habol niya kay Brent. Pero dahil sa sinabi nito tungkol sa kapatid ni Ran, lalo na namang gumulo ang lahat.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip niya ay may umupo sa mismong mesa kung saan siya kumakain. Pumuwesto ito sa katapat niyang upuan. Masyadong malalim ang iniisip niya kaya wala siyang oras para tingnan pa ang umupo.

Wala ngayon si King. Blangko ang table ng DOC at naka-disperse ang lahat ng member ng grupo. Wala si Armida sa paligid. Tahimik pa naman so far.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa Brain?"

Napahinto si Laby sa pagnguya at unti-unting tiningnan ang nagsalita.

"Yoshikawa . . ." mahina niyang sinabi habang nakatingin kay Yoshi na tutok sa fries nito.

"Inisip ko yung question mo yesterday, and it bugs me," sabi ni Yoshi habang patuloy sa pagsubo ng fries at hindi man lang tinitingnan si Laby.

Hindi na siya kailangan ni Laby. Hindi tuloy nito alam kung ano ang sasabihin. Mas mabuti na lang kung tatahimik na lang ito at e-enjoy-in ang strawberry waffles na kinakain.

"The Brain. Software siya na bigla na lang naglaho six years ago after mawala ng programmer n'on. If you're not in your age right now, iisipin kong isa ka sa mga pumatay sa ate ko dahil lang sa software na 'yon."

Napahinto si Laby sa pagnguya at nailaglag sa tray niya ang hawak na waffles.

"Tinatanong mo kung bakit ko ni-reprogram ang Brain, right?" Sinulyapan niya sandali si Laby at ibinalik na rin ang tingin sa kinakain. "Hindi ako ang nag-reprogram n'on. May isang taong nag-reprogram, pinalitan ang pangalan just to hide it from everybody, and ibinigay ang tatlong copy ng software sa tatlong pinagkakatiwalaan niya nang sobra . . . Ate ko ang isa sa nakatanggap. Pinatay ang kapatid two years ago. Kung may nalalaman ka about sa Brain at sa original developer n'on, puwede mo bang sabihin sa 'kin? I want justice for my sister."

Hindi alam ni Laby ang sasabihin. Ang tono pa naman ni Yoshi ay nagmamakaawa na. Sincere na sincere at walang halong pag-iimbot.

"I'll tell you everything you want to know," dagdag ni Yoshi. "Kung gusto mo, gagawin ko ang lahat ng gusto mo kapalit ng lahat ng nalalaman mo tungkol sa software at sa original developer n'on. Basta tulungan mo lang akong mahanap ang mga taong pumatay sa kapatid ko."

Natahimik sa mesa nila. Nakatingin lang silang dalawa sa mata ng isa't isa.

Si Laby, ayaw mag-sink in sa kanya ang nagaganap at naririnig kay Yoshi. Sina Brent at Ran na lang dapat ang problema niya.

Kompara naman kay Ran na halatang walang balak seryosohin ang lahat, sobrang desperado na ni Yoshi at sobrang seryoso pa. Para ngang ito lang ang may kakayahang kausapin siya nang masinsinan.

"Alam kong wala sa 'yo ang prototype version ng software," katwiran ni Laby. "Wala akong mapapala sa 'yo, Yoshikawa." Saka ulit niya isinubo ang kinakaing waffle.

"Girlfriend ng redeveloper ng Brain ang kapatid ko. Ibinigay niya ang isang kopya sa best friend niya. Ang isang kopya, ibinigay niya sa kapatid niya."

Natigil sa pagnguya si Laby at pinakatitigan si Yoshikawa. Gusto sana niya sabing nagbibiro ito pero masyado itong seryoso.

"Hindi namin alam kung paano masasabing prototype ang version na nasa device namin. Ang alam lang namin, hindi iyon ang original copy."

"Nakita n'yo na ba ang format ng software?" tinatamad na tanong ni Laby at pinilit lunukin ang nasa bibig niya. "May glitch pa ang prototype. Hindi pa complete ang algorithms n'on compare sa Black Web. Yung website, malinis na ang program. Na-reprogram na pati yung programming language n'on, kaya nga kompleto na ang analyser at detector ng website. Manually made sa Fortran yung prototype na isinalin lang sa JavaScript kaya accessible na online." Inubos na ni Laby ang iniinom niya at tamad na tamad na tiningnan si Yoshi. "Sige, sabihin na nating same lang ang function ng prototype at ng mga copy, kapag binasa ang codes n'on, may isa o dalawang character na hindi makikita sa reprogrammed copy."

"May way naman para malaman yung codes, di ba? Madali lang 'yon."

Umirap si Laby at halos iikot nang 360 degrees ang mata niya dahil sa sinabi ni Yoshi. "Madali? Hindi ko malalaman ang code kung hindi ko i-che-check yung device. Ni hindi n'yo nga kayang aminin sa akin na may hawak kayong kopya, i-check pa kaya yung codes? Ayos ka lang?"

"Sorry! Ang init agad ng ulo mo," paumanhin agad ni Yoshi kasi mukhang inis na si Laby. "Okay, I'll let you check it. Dala ko yung laptop kong may kopya ng Brain."

Nagkasukatan pa ng tingin ang dalawa. Tinatantiya ni Laby kung nagsasabi ba ng totoo si Yoshi o hindi.

Pero nang makitang seroso naman ang binata, pumayag na rin si Laby sa sinabi nito.




***



Nasa school garden sina Laby at Yoshi. Malaki at malawak ang lugar. Maraming nakahilerang puno sa hundred-meter street patungo sa main building ng Byeloruss. Malamig sa kinauupuan nila. Nasa ilalim sila ng matayog na rosewood tree at sisimulan pa lang gawin ang coding ng kopya ni Yoshi.

"Makakabisado mo ba lahat ng code?" tanong ni Yoshi habang hinahanda ang laptop niyang naglalaman ng copy ng Brain. "You said may one or two characters na iba sa other copies. How can you tell the differences e masyadong complicated yung programming language na ginamit."

Bored na tiningnan ni Laby si Yoshi. "I know what I'm doing, okay,? Inayos na niya ang lahat ng gagamitin niya. "Of course, complicated talaga. It was made to be complicated, duh."

"Ano ba talaga'ng kailangan mo sa software? Aside from it's dangerous and needed to destruct."

"Alam mo, imbis na magtanong ka nang magtanong, palayasin mo na lang kaya yung fans mong aali-aligid sa 'tin?" utos ni Laby habang inilalapag sa damuhan ang Gameboy at tablet niya.

"Anong fans?" Nilingon naman ni Yoshi ang paligid. "Saan?"

"Ugh!" Agad ang ikot ng mata ni Laby dahil hindi man lang maramdaman iyon ni Yoshi—o baka sanay na. "Yung mga babae roon sa likod ng oak tree sa kaliwa mo. Pati na rin yung nandoon sa likod ng third post ng building sa harap natin." Kinuha na ni Laby ang mga USB cable sa dala niyang maliit na backpack.

Napataas lang ang kilay ni Yoshi sa sinabi ni Laby.

Puno sa kaliwa? Poste sa harap?

"O?!" Tiningnan ni Laby si Yoshi. "Ano pang tinutunga-tunganga mo? Paalisin mo na!" mataray na utos ni Laby.

"Psh . . ." Sumimangot lang si Yoshi at tumayo na papunta sa likod ng oak tree na sinabi ni Laby.

Paglapit niya roon . . .

"Aaahh!" Nagtilian agad ang mga babaeng estudyante at parang langgam na nagpulasan bigla.

Nagulat na lang si Yoshi at hindi na alam ang gagawin. Pinanood na lang niya yung fans niya na magtakbuhan na parang naglalaro ng taguan at nahuli ng taya kung makatakbo.

"What the hell . . ." bulong ni Yoshi sa sarili.

Nilingon niya yung likod ng poste ng building. May mga babaeng estudyanteng nakatago roon at nagmamasid kay Laby.

Dali-dali siyang lumapit sa mga babae para komprontahin.

"Excuse me, anong—"

"WALA! WALA KAMING NAKITA!" sigaw nilang lahat sabay takbo paalis kagaya ng naunang nagtatago sa puno.

"Seriously?" Napakamot na lang siya ng batok sa nangyari.

Aware siyang may fans club siya sa Byeloruss—na hindi naman niya inasam na magkaroon—pero ang OA naman yata ng fans niya para kumilos nang ganoon.

Bumalik na siya sa tabi ni Laby habang nagmamasid sa paligid.

"How did you know about those . . . girls?" nagtatakang tanong ni Yoshi habang tinuturo yung puno at yung poste.

Another eyeroll from Laby. "Ang weak mo naman! Are you even using your senses?" sarcastic niyang sinabi habang kinokonekta na ang Gameboy niya sa tablet via bluetooth.

Napataas ng kilay si Yoshi kasi ikinonekta ni Laby ang laptop sa Gameboy. Kailan pa naging posible na makonekta ang Gameboy sa electronic gadgets?

"Seryoso ka sa ginagawa mo?" Takang-taka si Yoshi habang palipat-lipat ang tingin kay Laby, sa Gameboy, sa tablet, at sa laptop na nag-bo-boot na. "Hindi gaming app ang Brain. Kahit pa gumamit ka ng emulator, hindi mo pa rin ma-co-connect yung software diyan." Itinuro pa niya yung Gameboy.

Binigyan lang ni Laby si Yoshi ng 'isa-pang-salita-mananapak-na-ako' warning look.

Si Yoshi naman ang ipinaikot ang mga mata niya at sinuklay na lang ng daliri ang itim na itim na buhok niya para maalis ang atensiyon kay Laby.

"Liban sa pagiging girlfriend, ano pa ang connect ng ate mo sa redeveloper ng Brain?" tanong ni Laby na naka-focus pa rin sa ginagawa.

"I don't know. I tried to search them on that software. Ang sabi ni Ane, boyfriend niya yung redeveloper. I don't know the real name kasi noong s-in-earch ko sa Black Web, hindi nag-match yung name sa mga lumabas," sabi ni Yoshi habang nakatingin kay Laby na nakatingin naman sa laptop.

"Say it."

"Say what?"

"Duh! Yung name ng guy! Ano ba? Linawin mo ang information mo, okay! Hindi ako manghuhula!" inis na sinabi ni Laby.

"Psh." Napasimangot na lang si Yoshi dahil kay Laby. Kanina pa iritang-irita, pati siya nadadamay. "Ang sinabi niyang pangalan, Johann Lee. I don't know if that's his real name kasi 20,000 ang lumabas na results noong hinanap ko siya sa Black Web."

"Johann Lee?" inis na namang tanong ni Laby. "Of course, maraming result! Sobrang common ng name, my god!"

Napahimas ng sentido si Laby at napatingin sa malayo habang inis na inis ang mukha.

Masyadong tipikal ang pangalang Johann Lee. Lalo na kung sa Black Web maghahanap na kahit pseudonym lang.

"Johann Lee . . ." Saglit na naningkit ang mga mata niya at parang china-chant sa isip ang pangalang Johann Lee.

Makalipas ang ilang segundo, bigla niyang inilipat ang tingin kay Yoshi. "Wait . . ." Napadiretso siya ng upo at parang nagulat na tiningnan si Yoshi. "Yoshikawa . . ."

"O?"

Pumorma sa hugis O ang bibig ni Laby at parang nawala sa sarili habang iniisip ang pangalang Johann Lee at Yoshikawa.

"Etherin?" pagtawag pa ni Yoshi dahil natulala na si Laby. "Ano?"

"Shit . . ." mahinang nasabi ni Laby at napababa ang tingin sa laptop. Nag-ru-run ang Brain, sa laptop, nakabukas naman ang tab for program compatibility sa tablet niya. T-in-ap niya ang screen para piliin ang Not Listed.

"Why? May problema?" Sinilip naman ni Yoshi ang laptop. Wala namang nangyayaring kakaiba.

Dumiretso sa control panel si Laby at pumunta sa program and features. Hinanap niya agad ang Brain sa mga software. Unknown ang publisher. Installed six years ago sa laptop na iyon. Version 1.1.0.

Hindi iyon ang original version kaya wala kay Yoshi ang prototype copy. Sinubukan niyang i-click ang uninstall pero nag-prompt agad for an administrator password. Alanganin siya roon, baka ma-trigger niya ang bug.

"Wala sa 'yo yung prototype," dismayadong sinabi ni Laby. "Hintayin ko lang makopya yung codes ng program para malaman ko kung ano yung bug na inilagay sa laptop mo."

Napatingin si Yoshi sa laptop, sunod sa mukha ni Laby. "What about my sister?"

Umiling si Laby. "Masane Yoshikawa ang name ng kapatid mo, tama ba?"

Kumunot agad ang noo ng binata at agad na naalerto. "Kilala mo ang ate ko?"

Tumango si Laby at iniligpit na ang mga gamit niya. Isinara na rin niya ang laptop matapos i-ou ang running application. "Hindi girlfriend ng kapatid mo ang redeveloper ng software."

"HA?!"

"Hindi 'yon Johann Lee. That's Yuan Li." Ibinalik na ni Laby ang mga gamit sa bag niya. "Grader ng Sanglant Congregation si Li Yuan. Isa sa pinakamagagagaling na software developer ng SC. Isa siya sa programmer ng Brain." Tumayo na si Laby at nagagpag ng palda. "Si Yuan ang dahilan kaya ako nakuha ng isang magnanakaw noon. At ang ate mo? Isa siyang assassin na naatasang bantayan ako noon at dahilan kaya ako nakatakas sa mga taong gustong pumatay sa 'kin." Umiling siya kay Yoshi. "Front lang na girlfriend ng kapatid mo si Yuan. Under sila ng association kung saan ako nagtatrabaho noon—under sila ng team ko. At nandito ako para sirain ang dahilan kung bakit namatay si Yuan at ang kapatid mo."

Tatalikod na sana si Laby nang biglang hinatak ni Yoshi ang kaliwang braso niya. Pagharap niya sa binata, punong-puno ng pagtataka ang mukha nito at pagkadismaya sa sinabi niya.

"So, you're telling me, hindi ko na mahahanap ang mga pumatay sa kapatid ko?" malungkot na sinabi ni Yoshi.

Nagbuntonghininga si Laby. "Yung mga pumatay sa kapatid mo, malamang na matagal nang patay. Kahit na malaman mo pa, wala na ring kuwenta."

"Pero may kinalaman ka!" galit na sigaw ni Yoshi.

"She was protecting the Brain, and that was her freaking job! I made that software! I was the Brain, okay?!" Kinabig na niya ang braso niya kay Yoshi. "Kung gusto mong mahanap kung sino ang killer niya, mas magandang tanungin mo yung bagong adviser ng Class 4-F. Kasi malamang, isa siya sa inatasang patayin ang kapatid mo. O kung hindi man, malamang na isa sa mga kakilala niya ang may gawa."

Mabilis na naglakad palayo si Laby para iwan na si Yoshi.

Wala na siyang pakay rito. Ngayon, si Ran talaga ang tinuturo ng lahat. Dahil kung tama ang hinala niya, magkapatid si Li Yuan at si Li Xiao Ran.

Ang kaso, wala siya sa mood na sirain pa nang sobra ang araw niya.

May bukas pa naman, kapag nagkalakas na siya.

Bzzt! Bzzt!

Umikot na naman ang mata niya dahil isa pa yung phone niya sa bulsa na maingay na naman.

Pagtingin niya sa notification bar.

Xaylem:

LSG vs LRG. 6 PM

LRG.

LRG.

LRG.

Napayuko na lang siya nang maisip ang acronym na iyon. "God! Ano ba'ng atraso ko sa 'yo?"

Napabuntonghininga na lang siya. Walang ending ang problema niya. Gusto na niyang matulog para mapahinga naman ang utak niya. Mamaya pa niyan, magkaroon pa siya ng mental breakdown, mahirap na. Baliw na nga si Armida, baliw na rin si Josef, paano na kung pati siya, mabaliw na rin? Nakakaawa naman siya.

"Bahala na nga kayo."

Tamad na tamad na siyang bumalik sa building para makabalik sa classroom nila. Doon na lang siya nanakaw ng tulog.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top