Resignation
Isa sa pinakaayaw ni RYJO sa lahat ay ang pinapatawag siya ng mga may matataas na posisyon para sermunan. Magbuhat nang makapasok siya sa Meurtrier Assemblage, hindi puwedeng walang executive na binungangaan siya dahil hindi siya marunong sumunod sa protocol. Pinakamalala at pinakahuli niyang nagawa ay ang pagpatay sa mga bidder nitong Annual Elimination, magtatatlong buwan na ang nakalilipas.
At gaya nga ng sinabi niya, wala siyang susunding batas hangga't tinataliwas niyon ang paniniwala niya. Kung ayaw nilang sundin ang gusto niya, madali naman siyang kausap.
Isa man sa pinakaayaw niya ang sermon, isa naman ito sa sanay na sanay na siyang na-e-encounter sa halos araw-araw o linggo-linggo ng trabaho niya.
At ngayon, naroon siya, sa gitna ng isang upuan ng conference room, kasama sa iisang mesa ang Director, ang isa sa Vice-President of Student Affairs na si Sir Geo, at ang President na si Mr. Peterson Heim. Masyadong malaki ang mesang iyon na pang-dalawampung tao. Nag-iisa si Armida sa kabilang kabisera. Sa kabilang dulo ang president. Sa magkabilang tabi nito ang dalawang kasama.
"We received some reports na sinasaktan mo raw ang mga estudyante mo," sabi ng presidente sa kanya.
"Yes, sir," diretsong sagot niya, ni hindi man lang dumepensa.
"Nasa policy natin na bawal saktan ang mga bata, Miss Hwong," paalala pa nito.
"Nasa basic law na maituturing na self-defense ang protektahan ang sarili sa kahit anong life-threatening situation . . . sir. Your school policy against the law of the land. I can sue you, seven of my students who attacked me, and the administration itself once proved that I was hurt by them and you tolerate it. Kaya kong pabagsakin ang eskuwelahang ito kung gugustuhin ko. Malakas ang laban ko, just so you know."
Nagtaas pa siya ng tingin at prenteng ipinatong ang magkasalikop na mga kamay sa nakakrus na hita.
Saglit na napayuko ang presidente. Si Sir Geo naman, napahimas na lang ng noo. Ang Director, ang sama pa rin ng tingin kay Armida, halatang ayaw na ayaw sa kanya.
"But that is not the case, Miss Hwong," pagdidiin ng presidente. "The case is isa sa pitong estudyante mo ay si King Ace Havenstein. His mother's family and I—"
"King Ace Havenstein is my husband's nephew," proud pang sinabi ni Armida. "Nag-file ako ng resignation para kunin na siya."
Bakas na bakas ang gulat sa tatlong lalaking kausap niya.
"Sabihin na nating si King na lang ang dahilan kung bakit hindi pa rin expelled ang buong klase ko gawa ng hawak kayo sa leeg ng pamilya ni Lady Rosette. But let me tell you this . . ." Umurong siya palapit sa mesa at ipinatong roon ang pinagsalikop na mga kamay. "Hindi issue rito ang pananakit ko sa mga estudyante ko. Ang issue rito ay ang mga sinasabi ng mga staff at teachers tungkol sa kanila." Itinuro niya ang kanang gilid. "Tinawag na stupid ng principal ang estudyante ko sa mismong harapan ko dahil lang sumagot ang bata sa tanong niya kahit tama naman. Kung ikaw ang sasabihan kong tanga, matutuwa ka ba?"
"Miss Hwong," babala ni Sir Geo.
"What, Sir Geo?" mapanghamong tanong ni Armida. "You, people, are degrading my students. You are telling how delinquent they are and how uncontrollable they are. How uncontrollable are they if you experienced teaching them peacefully last day, Mr. Heim?"
Hindi nakaimik si Sir Geo. Napalunok na lang ito at napatitig nang maigi kay Armida.
Isa siya sa nag-aalala rito dahil nga sa kung ano bang klaseng mga estudyante ang meron ang Class 4-F, pero alam naman nilang lahat na sa dumaang linggo, naging tahimik ang buong klase sa ilalim ni Armida. At gaya nga ng sinabi nito, mapayapa ang naging pagtuturo niya nang minsang alukin siya ni Armida na mag-substitute para sa Math.
"Isang linggo ka pa lang humahawak ng klase mo, Miss Hwong," paningit ng Director. "Ang dami mo nang ginawang problema."
"Gaya ng?" mapanghamong tanong niya.
Nakipagtitigan sa kanya ang director. Akyat-baba ang dibdib nito na parang namumuo na sa dibdib ang matinding galit sa kanya na ready nang kumawala anytime.
"See? Nothing." Binalikan niya ng tingin ang President. "Pakilatag ng lahat ng complaints na natanggap ko mula sa mga estudyante ko—o kahit sino sa mga estudyante ng Byeloruss. Sabi ninyo, sinaktan ko sila. Tell me the name, kakausapin ko ang guardian."
Walang umimik sa tatlong lalaki.
Napasandal na lang sa swivel chair niya si Sir Geo dahil wala naman talagang estudyanteng nagreklamo kay Armida. Kung tutuusin, puro co-teachers nila ang nakakatanggap ng reklamo rito.
"If you think this school don't deserve my students," pagbasag ni Armida sa namumuong katahimikan, "I'm happy to say that they don't deserve this school as well." Itinuro niya ang ibaba. "One of my students have an IQ of more than a hundred and fifty. May isang magaling magluto. May isang magaling mag-debate. May isang magaling sa fine arts, sa martials arts, sa computer and technology. And none of you considered that kasi ang iniisip ninyo, hindi n'yo sila nako-control kaya wala silang ibang alam gawin kundi maging masamang mga bata. How dare you?"
"Miss Hwong, kausap mo ang president," babala na naman ng Director sa kanya.
"That is not the point, Mr. Director!" asik niya. "And that is the main problem! Mas inuuna ninyo ang pagalitan ako—ang pagalitan ang mga bata—dahil radikal sila mag-isip! They are here to learn, and if they learned how to fight you, that's because you deserved it! Mas demonyo ka pa nga roon sa mga estudyante ko tapos tatawagin mong demonyo yung mga bata. Nadaan ka na ba sa salamin?"
"Miss Hwong!" sabay-sabay na babala na nila.
"WHAT?" sigaw rin niya para tapatan ang tatlo. Inilahad niya agad ang mga palad. "That's my resignation letter," kalmado na niyang sinabi. "No need to fire me. I'll leave this school A-S-A-P." Tumayo na siya sa upuan. "Alam ni Sir Geo kung anong klaseng tao ako. Oras na may mangyaring hindi maganda sa mga estudyante ko pag-alis ko, malalaman ninyong hindi pamilya ni Havenstein ang dapat n'yong katakutan kundi ako."
At dali-dali siyang lumabas ng conference room.
***
Pagbalik na pagbalik ni Armida, alam na ng klase niyang may nangyaring hindi maganda sa pagkausap sa director ng school. Bumalik kasi itong dala na ang mga gamit.
Pinagtinginan tuloy siya ng mga estudyante niya at tumahimik na naman ang mga ito.
"Ma'am, mabait naman kami a," malungkot na sinabi ni Eljand, nagpaparinig habang nakatungo.
"Oo nga, ma'am. Di na nga kami nag-iingay palagi e," dagdag ni James. "Di ka naman pinapalayas, ba't ka magre-resign?"
"Sabi ko na—"
Natigilan si Armida nang ibinagsak ng estudyante niya ang tatlong waffle na nasa styro plate sa mesang kaharap niya.
"Tatlo na 'yan. Gagawin kong apat 'pag bumalik ka bukas," galit pang sinabi nito.
Biglang tumalikod ang estudyante niyang may sariling kitchen sa likod ng room.
"Makakatipid ka na ng supply ng waffle bukas," sagot na lang niya at kinuha ang plastic fork para kumain na rin.
"Ayaw mo na rin ba sa 'min, ma'am?" naluluha nang tanong ni Eljand.
"Dadating na yung kukuha sa amin ng asawa ko. Gusto n'yo bang harap-harapan akong hulihin sa harapan n'yo?" kuwento pa niya habang ngumunguya.
"Ba't ka huhulihin, ma'am? Wala ka namang ginawang masama?" naiiyak na sinabi ni James.
"Ang dami kong pinatay. Natural, huhulihin na 'ko," kampante pa niyang sagot na parang sanay na sanay na siya sa ideyang iyon.
"MAAA'AAM!" sabay pang sigaw ng dalawa.
"Dapat kasi di mo na nilabanan yung bad guys sa bahay n'yo e!"
"E di, ako naman yung namatay," sabi pa niya sabay paikot ng mata.
Patuloy lang siya sa pagsubo nang muling matigilan dahil nakabalik na pala ang estudyante niyang pinatawag din pagkatapos niya.
"Ano'ng kailangan mo sa 'kin?" tanong agad nito kahit nasa pintuan pa lang.
"Sinabi ko na, di ba?" naiiritang sagot ni Armida. "Dadalhin ka nga namin sa Citadel."
"Paano kung ayoko?" galit na tanong ni King.
"Wala 'yan sa options," sagot niya sabay subo ulit. "Itong 4-F, last year na ngayon dito sa Byeloruss. Ire-request ko sa asawa kong kunin ka pagkatapos ng graduation."
"'Yon lang ang ipinunta mo rito? Ako?" inis pang sinabi nito. "Tapos pinaasa mo ang mga classmate ko?"
Saglit na huminto sa pagkain si Armida at sumandal sa kinauupuan niya. Tiningnan niya si King na puno ng pagdududa. "Pinaasa ko sa paanong paraan?" Humalukipkip pa siya. "Why? Do you see me as some sort of a hero of your class?"
Hindi nakasagot si King. Napaiwas agad ito ng tingin habang nakapamaywang.
"Alam nating pare-pareho na hindi ako magtatagal dito." Itinuro niya mismo si King. "Ikaw, alam kong alam mong hindi ako magtatagal dito. Hindi ko kayo pinapaasa maliban na lang kung umaasa nga kayo. O kung umasa man, bakit? Para saan?"
Riiiiing!
Naabutan na sila ng bell. Walang kumilos sa mga nasa loob ng room na iyon.
"Pag-alis ko rito, kukuha ako ng Guardian ko para pumalit sa 'kin. Hindi naman ako aalis dito nang pinababayaan kayo." Tumayo na si Armida at inubos na ang natitira niyang waffle. Tinapik lang niya ang balikat ni King bago nagsalita. "Magkikita rin tayo sooner or later. At wala kang magagawa kundi sumama sa guild."
***
Hindi pa tuluyang kumakalat ang balita pero alam na ng mga nasa Student Council ang tungkol sa huling araw ni Armida. Kaya nga pag-upong pag-upo pa lang niya sa isang mesa sa dulo ng cafeteria ay agad ang pag-upo roon ni Ran na parang kanina pa siya inaabangan.
"Hi, ma'am," kaswal na pagbati nito. Pero hindi gaya noong una, walang tuwa sa tinig ng binata.
Saglit na nagulat si Armida. Hindi niya alam kung magugulat sa tuwa o sa inis.
"Balita sa council na nag-resign na kayo," ani Ran na pinagsalikop ang mga palad na nakapatong sa mesa.
"Ang tagal mo nang may Summons, bakit hindi ka pa pumupunta sa Citadel?" sermon ni Armida.
Naging matipid ang ngiti ni Ran at alanganing tumango. "Ma'am, alam ko ang kalakaran sa lugar na 'yon. Mga baliw lang ang sasama sa ganoong guild. At . . ." Humugot muna siya ng hininga bago itinuloy ang sinasabi. "Hindi pa ako baliw para patulan 'yon."
Nagusot ang labi ni Armida pataas at napatango na parang naiintindihan na niya ang sinasabi nito. Nagsimula na lang siyang kumain at hindi na nagsalita.
Nagtaka naman si Ran habang nakatitig sa babaeng kaharap.
"Ma'am, alam ko kung anong klaseng tao ka," sabi ni Ran habang nakasunod sa pagkain ni Armida.
"O, tapos?"
"Ma'am, you are made to end the guild. At alam kong taliwas sa paniniwala mo ang Criminel Credo . . . kaya gusto kong malaman kung bakit mo tinanggap ang Summons?"
Kaswal pa rin ang pagkilos ni Armida at patuloy lang sa pagsubo. Nag-angat na siya ng tingin para salubungin ang tingin ni Ran na mukhang naghahanap ng sagot sa kanya.
"Is it about me being RYJO? Why did RYJO joined the enemy's line she vowed to end?" tanong pa ni Armida sabay subo na naman ng kinakaing sandwich.
Umiling si Ran para sabihing hindi iyon ang ibig niyang sabihin. "Hindi mo isusuko ang kalayaan mo because of power. I just want to know why you chose power over freedom."
Napahinto sa pagnguya si Armida at tinantiya ng tingin si Ran. Inaalam kung bakit ba ito nagtatanong. Ang kaso, ang nababasa niya sa mata ito ay purong kuryosidad lang talaga. Na para bang batang umaalam ng bagay na talagang wala itong alam.
"It's not about power."
"Yung asawa n'yo ba ang dahilan?"
Sandaling nagkatitigan ang dalawa. Hindi sumagot si Armida. Nag-abang ng sagot si Ran. Pero para kay Ran, kahit hindi na magsalita si Armida, may sagot na agad siyang nakuha sa pananahimik nito.
"Ma'am, kapag ba nakita mo na yung purpose mo sa mundo, kahit kalayaan mo, isusuko mo para sa purpose na 'yon?" takang tanong ni Ran. Akala ni Armida, sarcasm lang ng binata, pero nang makita niya ang titig nito sa kanya, parang mas malalim pa ang gusto nitong puntuhin.
"You think, purpose ko maging si RYJO," pagsagot ni Armida sa tanong na hindi naman tinatanong.
Umiling na naman si Ran. "Ma'am, sikat na sikat ka sa underground. Hindi ka si RYJO lang. Hindi ka kukunin ng guild if you can't control people. It's not about blood. It's about your capacity and capability to rule over powerful people."
Nagusot na naman ang magkabilang dulo ng labi ni Armida at napatango naman para ipakitang matalinong bata nga ang kausap niya. "I like how you think, kid," papuri niya kay Ran. "Kapatid ka nga ni Yuan."
Nagpatuloy na ulit sa pagkain si Armida at natahimik na naman sa mesa.
Inabot pa ng ilang minuto bago ulit nagsalita si Ran. Na para bang hinintay muna nitong maubos ni Armida ang kinakain bago muling bumalik sa usapan.
"Ma'am . . ." pagtawag ulit ng binata.
"Ano na naman? Sabihin mo na, babalik na ako sa klase," sabi ni Armida na nagliligpit at nag-aayos na ng sarili.
"Baliw na ba 'ko kung tatanggapin ko yung Summons para lang masundan ang isang taong bahagi n'on?" tanong ni Ran na parang gustong intrigahin si Armida.
"Huh!" Natawa nang isa si Armida at napuno ng tuwa ang mukha niya dahil sa tanong na iyon. Hindi niya alam pero unang pumasok sa isipan niya si Josef. "May ipinararating ka ba, ha?"
Naging malapad na ang ngisi ni Ran dahil doon. "Tinanggap ninyo ang Summons dahil kay Shadow, tama ba?"
Nakagat ni Armida ang labi kahit nakangisi. Sa isang iglap, parang gusto na niyang hapurasin ng tray sa mukha ang binatang kaharap. "Tinanggap ko ang Summons dahil may dahilan na ako para tanggapin 'yon."
"At 'yon ang asawa n'yo," pamimilit ni Ran.
Napangiti pa rin si Armida pero bakas na sa tingin niya ang pagkainis sa pamimilit ni Ran—kahit tama naman ang sinasabi nito. Ayaw lang niyang ipamukha sa kanya ang totoong dahilan niya dahil nabababawan pa rin siya hanggang ngayon.
"May issue ka ba sa 'min ng asawa ko, ha?" sarcastic nang tanong ni Armida na pilit na pilit na ang ngiti at parang mananakal na ng Li Xiao Ran anumang oras. "Ano ngayon kung pinili ko siya over my freedom? May magagawa ka?"
Lalong lumapad ang ngiti ni Ran. "Wala naman. Gusto ko lang malaman na hindi lang ako yung mag-isang baliw na papasok ng guild dahil lang sa isang tao."
Napaatras bigla si Armida at singkit na singkit ang mata nang tingnan si Ran. Punong-puno ng pagdududa ang reaksiyon niya dahil sa sinabi nito.
Tinuktok na ng binata ang mesa at nakangiting tumango nang saglit. "I'll see you in Citadel after my graduation, ma'am. By that time, pareho na tayo ng lebel."
Umawang na lang ang bibig ni Armida dahil sa magkahalong pagkalito at pagtataka sa mga sinabi ni Ran.
Hindi niya naintindihan ang mga sinabi nito. Maliban na lang sa alam niyang tatanggapin na pala nito ang Summons. Sa kung ano man—o sino man ang dahilan, iyon ang malay niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top