Red Flag
Walang imik-imik, pumunta agad si Alex sa direksyon ng rest house nina Josef.
Pumunta naman si Josef sa direksyon ng rest house nina Miethy.
Hindi naman alam ng iba kung sino ang susundan nila.
Sumunod ang mga babae kay Josef.
Sumunod ang mga lalaki kay Alex.
Hindi nila magawang magsalita sa sobrang excitement, overwhelming feelings, takot, kaba, nerbiyos, saya, kilig, lungkot.
Halo-halo na ang emotions na halos maluha-luha na nga ang mga babae dahil hindi na nila alam ang mararamdaman.
"Josef, ano'ng nangyari?" tanong ni Nikki habang sinusundan nila ito paakyat sa kawayang hagdan ng rest house.
"Muntik na siyang masagasaan. But don't worry, she's fine. Na-shock lang siya. Wala naman siguro siyang fracture kaya magiging okay naman siya paggising niya," sabi ni Josef.
Sinamahan nila si Josef sa cabin ni Fovi. Nasa bandang likod lang iyon ng rest house.
Pagpasok sa loob, binuksan ni Miethy ang ilaw kaya umungad sa kanila ang maginhawa sa matang kulay apple green ang interior. Inayos agad ni Nicole ang paghihigaan kay Fovi.
Inilapag naman agad ni Josef ang walang malay na si Fovi sa kama at kinumutan agad.
"J-Josef . . . Si Armida," nag-aalalang sinabi ni Miethy.
Nilingon agad ni Josef ang tatlo. Magkakatabi pa at magkakahawak.
Dahan-dahan siyang lumapit sa kanila. Paatras naman nang paatras yung tatlo hanggang sa matigilan sila pagtama ng mga likod nila sa pader na katabi ng pinto.
"J-Josef. Hehehe. A-ano . . ."
Dumipa si Josef at tr-in-ap silang tatlo sa may pader. Yumuko si Josef para itapat ang mukha niya sa tatlo.
"'Wag na 'wag n'yong susubukang sabihin sa babaeng 'yan na binuhat ko siya hanggang dito. Understand?" mahinahon pero ramdam ang pagbabanta sa tono ni Josef.
Nanginginig na tumango ang tatlo sa kanya.
Kinikilabutan sila sa aura ni Josef. Masyadong nakakatakot. Masyadong hot. Sa sobrang hot, mala-impyerno na ang dating.
Sa tingin nila, si Josef ang may problema sa pag-iisip at hindi si Armida gaya ng sinasabi nina JC sa kanila.
"Oras na malaman kong nalaman niya ang nangyari ngayong gabi, humanda kayong tatlo sa 'kin."
"O-o-oo. Hi-hindi k-kami mag-mag-magsasalita . . ." Mabilis pang tumango sina Miethy dahil sa kaba.
"Good." Nginitian sila nang matamis ni Josef na lalong nagpakilabot sa kanila.
Ang lakas lang makabaliw.
Tumayo na ng diresto si Josef at nagpamulsa. Sinuklay niya ang buhok niya habang pinanonood lang siya ng tatlo na nanginginig na ang tuhod sa takot.
Pumunta na siya sa pinto para lumabas.
"Bye, girls . . . Gute Nacht," naka-smile na sinabi ni Josef at tuluyan na siyang lumabas ng cabin.
After a few seconds . . .
"Oh my gosh."
Sabay-sabay na napaupo ang tatlo at kanya-kanyang hawak sa dibdib. Hingal na hingal sila kahit ganoon lang ang ginawa nila.
"Nic, touch mo!" Kinuha ni Nikki ang kamay ni Nicole at inilagay sa dibdib niya. "Ang lakas!"
"Ay, oo nga!" Tumango naman ang natatakot na si Nicole dahil malakas nga ang heartbeat ni Nikki. "Nakakaloka!"
"T-t-teka . . . L-lumabas yata kaluluwa ko. Sandali hanapin ko muna," hinihingal na sinabi ni Miethy habang pinipilit na tumayo.
Samantala . . .
"Alex, saan mo nakita si Armida?" tanong ni JC habang tinutulungan si John sa pag-aayos ng kamang paghihigaan ni Armida.
"Sa may beach. Naglalakad-lakad lang ako nang makita ko siyang biglang bumagsak." Inilapag na niya si Armida.
"Pare, alam n'yo ba yung view n'yo kanina ni Josef? Lakas lang maka-pelikula!" na-e-excite na sinabi ni Earl.
"Shit, pare, astig nga e!" sabi ni John at nakipag-bro fist pa kay Earl.
"Imagine, buhat mo yung asawa niya . . ."
"Tapos buhat niya yung asawa mo! BAM!" panapos ni Earl sa sinasabi ni John at umaktong parang may ibinagsak sa sahig
"Tumigil na nga kayo. Akala n'yo naman, masayang makitang buhat niya si Fovi. E alam naman nating may gusto si Fovi sa kanya," inis na sinabi ni Alex.
Kinumutan na niya si Armida at pagkatapos ay sabay-sabay na silang lumabas ng bahay.
Pabalik na sila sa rest house nang makasalubong na naman nila si Josef na naglakad pabalik sa bahay nila.
Napahinto silang apat habang pinanonood si Josef na maglakad. Serious-mode lang siya habang nakapamulsa.
"Pare, giyera 'to," bulong ni Earl.
"Ano? Balyahin na lang natin," bulong ni JC.
"Paano kung rumesbak 'yan?" bulong din ni John.
Huminto si Josef may isang dipa ang layo kina Alex. Tiningnan niya nang masama ang nasa harap niya.
"Nawalan ng malay ang asawa mo habang mag-isa sa beach. Hindi mo siya dapat iniiwanang mag-isa kung mahina ang katawan niya," seryosong sinabi ni Alex.
"'Wag ang asawa ko ang intindihin mo. Pagsabihan mo ang asawa mo. Muntik nang masagasaan 'yon kakabuntot sa 'kin." Walang pagdadalawang-isip na sinugod siya ni Alex at kinuwelyuhan siya.
"Alam mo, ang angas mo! Kasalanan mo 'tong lahat e!" galit na sinabi ni Alex kay Josef.
"'Wag ako ang kagalitan mo. Nananahimik ako," maangas na sinabi ni Josef at sapilitang tinanggal ang kamay ni Alex sa kuwelyo niya. "Binalaan na kita. Kontrolin mo ang asawa mo. Dahil oras na ako ang gumawa n'on para sa 'yo, talagang pagsisisihan mo."
"Hayop ka!"
"O! Awat! Awat na!" Pumagitna na sina JC dahil nag-amba na ng suntok si Alex.
"Wala kang karapatang pagsabihan ako dahil wala kang alam!" sigaw ni Alex habang dinuduro si Josef.
"Pare, tama na!" awat ni JC sa kaibigan.
Tahimik lang si Josef habang nilalabanan niya ng titigan si Alex. Ni hindi man lang natinag.
"Hindi mo alam ang nararamdaman ko kaya 'wag kang magsalita!"
"Huh! Nararamdaman mo?" sarcastic na sinabi ni Josef. "Wala akong pakialam sa nararamdaman mo. Ang sinasabi ko, pagsabihan mo ang asawa mo. Nakakahiya, kababae niyang tao! May asawa na nga, lumalandi pa sa ibang may asawa na!"
"Aaargh!"
At sinugod na ni Alex si Josef sa sobrang galit.
Kinuha lang ni Josef ang kuwelyo ni Alex at buong lakas itong ibinalibag sa kalsada.
Hindi na nakapang-awat pa sina JC dahil hindi na rin nila alam ang gagawin.
"Ipakita mo naman sa asawa mong hindi ka niya kayang kontrolin!" sigaw pa ni Josef na masama ang tingin kay Alex na nakabangon na.
"Tumahimik ka!" Sumugod na naman si Alex at umamba ng suntok.
Umilag lang si Josef at hinatak sa kuwelyo si Alex at halos mag-igting ang mga panga niya nang balaan ito harap-harapan sa mukha nito.
"Hindi mo kilala kung anong klaseng tao ang asawa ko," galit niyang sinabi habang nilalabanan ng matalim na titig ang nanlilisik na mata ni Alex. "Kung ayaw mong masira ang buhay mo, layuan mo siya."
Marahas na binitiwan ni Josef si Alex at saka siya naghawi ng buhok na bahagyang nagulo.
"Hindi ordinaryong babae si Armida," malakas niyang sinabi na sapat para marinig nina JC. "Ni hindi ka man lang nagtaka kung bakit binigyan ka ng malaking pabor ng babaeng kahapon mo lang nakilala?"
Ni hindi na nakaimik si Alex dahil sa sinabi ni Josef.
"'Wag mo na ulit susubukang lapitan ang asawa ko, kundi magsisisi kang ako ang binangga mo."
At tuloy-tuloy nangnaglakad si Josef papasok sa loob ng rest house nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top