Presentation Practice
Pagpunta ni Josef sa Faculty Room, nakaabang na roon ang ibang teachers at mukhang siya na lang ang hinihintay.
Sama-sama silang pumunta sa isang room sa dulo ng ground floor na hindi madalas na nagagamit. Doon sila mag-pa-practice ng number nila since pare-pareho silang walang time para mag-practice pag-uwi dahil may ibang schedule din sila.
Pagpasok nila roon ay nakita na nila ang babaeng PE professor na nag-pa-practice kasama ang assistant nito.
"Hi, Ma'am Maggie!" bati ng ibang teacher dito.
"Hello!" Kumaway naman ito sa kanila at nilapitan sila. "1, 2, 5, 9, 14. 14 lahat kayo," bilang niya sa lahat. "Okay, start na tayo kasi may klase pa 'ko after lunch. Lahat ng ladies sa right. Lahat ng guwapo sa tabi ko," sabi niya sabay smile.
Nagtawanan naman ang ibang teachers sa sinabi niya at nag-disperse na. Si Josef naman, hindi alam ang gagawin kaya sumunod na lang doon sa kasama niyang limang teacher na lalaki. Pumuwesto sila sa tabi lang ng mga babaeng teacher.
Masyadong mabilis ang mga nagaganap, hindi siya makasunod. Lahat yata ng teachers, aware sa nangyayari, siya lang ang hindi.
"Ang music natin ay mash-up ng ballroom and modern," paalala ni Ma'am Maggie habang tinuturo sa assistant niya na i-play ang music piece na i-pe-perform nila.
Kanya-kanya nang react ang mga teacher sa narinig kay Ma'am Maggie. Pumunta ito sa gitna at sumunod na ang assistant nitong silahis.
Nagsimula nang tumugtog ang sasayawin nila.
Tutok na tutok ang mga teacher kina Ma'am Maggie.
"Wow . . ." Bilib na bilib ang mga babaeng teacher dahil sobrang lambot ng katawan ni Ma'am Maggie.
At dahil ballroom, may paikot-ikot factor siya and may pa-slide slide pa and lifting.
Natatawa na lang si Josef sa nakikita. Tinakpan niya ang bibig gamit ang nakakuyom na kamao para itago ang ngiti. Hindi rin niya alam kung bakit siya natatawa. Sa mukha ni Ma'am Maggie na sobrang seryoso? Sa mga co-teacher niya? Sa mismong gagawin nila? Hindi niya alam.
Pinaikot-ikot ng assistant si Ma'am Maggie sabay liyad nito habang inaalalayan ng assistant niya. At sa sobrang lapit ng mukha ng dalawa, kulang na lang ay magkaroon doon ng kissing scene sa sobrang intimate.
"Whoah . . . Me gano'n?" reaction ng mga babaeng teacher sabay tingin kay Josef.
Unti-unti namang sumulyap si Josef sa mga babaeng teacher na tiningnan siya. Napalunok na lang siya at pasimple niyang tinakpan ng palad ang pisngi para magtago.
At siyempre, bumilis na ang tugtog after ng slow na part kaya naging high pace ang steps. Karamihan puro ikot-ikot lang at ang magdadala natural ay ang lalaki. Ang bilis ng steps pero kayang sabayan, basta, practice lang.
Pagkatapos ng chorus, naghiwalay na si Ma'am Maggie at ang assistant niya. Nagtabi na lang sila kasabay ng pagbago ng kanta.
"Ow!" Napatakip ng bibig ang mga babaeng teacher nang sumayaw ng Gentleman ni Psy si Ma'am Maggie at ang assistant niya.
Napakagat na lang labi si Josef dahil lalo lang siyang natatawa sa nangyayari. Ganoon din naman ang reaksiyon ng iba pang lalaking teacher kaya hindi siya alone.
Pagkatapos ng kanta, may panibago na naman. Nag-countings nang kaunti tapos biglang pumasok yung beat . . .
"Oh come on . . ." mahinang sinabi ni Josef habang pinanonood sina Ma'am Maggie at ang assistant niya na sumasayaw ng . . .
"Teach me how to dougie, teach me teach me how to dougie. Teach me how to dougie, teach me, teach me how to dougie."
Nagtatawanan ang ibang teachers habang pinanonood sina Ma'am Maggie na sumasayaw.
Sa sobrang hopeless ng mga teacher, natawa na lang sila sa maaaring maging resulta ng gagawin nila.
". . . then bow." Natapos na ang kanta at biglang namatay ang music. Tiningnan silang lahat ni Ma'am Maggie. "Sige, tawa. Hindi ako ang magmumukhang shunga sa stage kapag nag-perform na kayo roon."
Napahinto tuloy sa pagtawa ang mga teacher pero hindi pa rin nawawala ang ngiti.
"Okay, since anim lang ang mga macho, may dalawang sexy ang magpa-partner," sabi ni Ma'am Maggie. "Okay, tingnan natin. Ang mag-partner sa ballroom ay sina . . ."
"KAMI NA LANG!" Limang babaeng teachers ang agad na nagdikitan kay Josef.
"Whoah! Whoah! Whoah! Ba't ako?!" Lumayo agad si Josef sa kanila at pinang-shield ang magkabilang palad niya.
Tumaas agad ang mga kilay nila sa ikinilos niya. Nilapitan siya ni Ma'am Maggie at hinagod siya ng tingin. "Ikaw yung pumalit kay Ma'am Mae?"
"Uh . . ." Tumango naman si Josef para sabihing oo.
"Bakla ka ba?"
Napataas lang ng magkabilang kilay si Josef sa tanong ni Ma'am Maggie sa kanya, halatang nagulat sa sinabi nito.
"Mukha ba kong bakla, ma'am?" seryosong tanong ni Josef kay Ma'am Maggie.
"Uhm . . ." Himas-himas ni Ma'am Maggie ang baba niya habang tinatantiya ng tingin si Josef. "May rule kasi ang mundo. Karamihan sa mga guwapo, either feeling-erong mayabang o di kaya bakla. Hindi ka naman mukhang mayabang, so . . ."
"Ah . . ." Napatango na lang si Josef dahil hanep din sa rule si Ma'am Maggie.
"Let's see . . ." Sinuntok ni Ma'am Maggie si Josef sa dibdib pero nasalo agad nito ang suntok niya. "Whoah."
Didibdiban lang naman niya ni Josef para alaman kung gaano ito katigas. Kapag umaray, alam na. Kapag hindi nag-react, straight. Ang hindi nga lang niya inaasahan ay masasalo nito ang suntok niya.
Itinaas ni Josef ang kaliwang kamay niya at ipinakita ang wedding ring niya sa guro harap-harapan sa mukha nito. "I'm married." Binitiwan na rin niya ang kamay ni Ma'am Maggie. "Ma'am."
Tiningnan ni Josef ang co-teachers niya. Mga nakatingin lang sa kanila ni Ma'am Maggie.
"Why don't we start?" tanong ni Josef.
"Yeah, start," mahinang sinabi ni Ma'am Maggie habang tumatango.
Napahawak sa dibdib niya si Ma'am Maggie dahil bigla niyang naramdaman na parang tinatambol ang dibdib niya kahit wala pa naman siyang ginagawa. Kinuha niya ang kamay ni Josef para ito ang gawin niyang partner. Pumunta sila sa gitna para i-tutor na ang lahat.
Nag-hand gesture siya sa assistant niya para i-play uli ang music. Ang gagawin niya, siya muna ang mag-g-guide kay Josef hanggang sa makuha nito ang steps, then susunod niyang tuturuan ay isang babaeng teacher tapos mas madali na ang pagtuturo niya sa lahat kapag may dalawa nang alam ang step. Para naman kahit wala na siya para magturo doon, kaya pa ring mag-practice ng mga teacher.
Nagsimula na naman ang tugtog.
Hawak ni Ma'am Maggie ang right hand ni Josef habang nakadipa siya at naka-professional dancer pose pa.
Umikot siya para papasok sa bisig ni Josef. Kinuha niya ang left hand ng lalaki at saka niya ito inangat.
Since napanood na ni Josef ang buong routine, kabisado na niya agad ang lahat ng steps kaya alam na niya ang mga susunod na gagawin.
Slow-mo na bumababa ang kamay nila ni Ma'am Maggie with matching facial expression pa. At saka binuhat ni Josef si Ma'am Maggie habang hawak ito sa baywang.
"Wow . . ." Bilib na bilib naman ang mga babaeng teacher sa start ng performance ng dalawa dahil hindi iyon mukhang practice lang.
Ipinaikot ni Josef si Ma'am Maggie since iyon ang napanood niya.
Isang 'impressive' simple expression lang ang nagawa ni Ma'am Maggie habang dinadala siya ni Josef na dapat siya ang dapat na gumagawa.
Hinatak ulit siya ni Josef para paikutin paloob sa bisig nito. Iniliyad siya ng lalaki nang walang ka-effort-effort na para lang siyang isinasayaw na walis tambo.
"Oh my God." mahinang sinabi ng mga babaeng teacher na pinapangarap na sana sila ang maging partner ni Josef. Ang romantic kasi ng pagkakasayaw ng dalawa.
Itinayo agad ni Josef si Ma'am Maggie at saka ito ulit pinaikot palabas since high pace na at magiging bago na ang type ng sayaw.
Mabilis na kinuha ni Josef ang kamay ni Ma'am Maggie at siya na ang nagdala ng sayaw nila.
Iikot si Ma'am Maggie sa harap then ipapaikot ni Josef ang kamay niyang nakahawak sa kamay ng partner niya sa ibabaw ng ulo nito, tapos iikot uli sa likod then harap na naman. Napaka-basic nga lang kung tutuusin, at mas gusto na iyon ni Josef dahil hindi pumapatay habang sumasayaw ang ka-partner niya.
Mabilis niyang pinaikot-ikot si Ma'am Maggie sa harapan niya.
Iniliyad niya ulit si Ma'am Maggie pero mabilis lang at saka niya itinayo sabay bitiw.
Sandaling nginitian ni Josef si Ma'am Maggie sabay serious mode uli. Ayaw niyang sumayaw ng Gentleman saka ng Dougie kaya umalis na siya sa tabi ni Ma'am Maggie.
"O? Hindi mo alam ang next step? Gentleman saka Dougie na lang 'yon," sabi ni Ma'am Maggie kay Josef.
Kaso, iyon nga ang problema. Alam niya ang step at kabisado na niya. Kaso, asa naman silang sasayaw siya ng Gentleman at Dougie.
"Ituro mo muna yung ballroom part sa lahat, saka na lang i-practice ang modern part since madali lang naman 'yon," katwiran na lang ni Josef para makaiwas.
Nag-agree naman ang lahat sa sinabi niya.
"Owkeey . . . Game!" Pumalakpak si Ma'am Maggie at tiningnan ang lahat. "At dahil mabenta ka rito sa mga sexy, para walang away, si Ma'am Carmel na lang ang partner mo since siya lang naman ang matangkad dito," sabi ni Ma'am Maggie kay Josef sabay hila kay Ma'am Carmel papalapit sa kanya.
Nadismaya naman ang iba dahil hindi sila napili as partner ni Josef.
Pinag-pair na ni Ma'am Maggie ang iba pang teachers.
"Start na tayo para disayang ang time," sabi ni Ma'am Maggie.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top