Past Missions
Maganda ang araw ngayon kaya nakuha pang maglakad-lakad nina Armida a Yoshi sa tabi ng soccer field na katabi lang ng gym.
"Two years ago, binigyan ng mission ang Escadron Elites para protektahan ang tatlong tao mula sa iba't ibang grupo, associations, at mga underground organization," kuwento ni Armida.
"Six years ago, sumikat ang Brain ng Sanglant Congregation dahil may nalaman itong sikreto na kayang pabagsakin ang mga Superiors oras na lumabas. Two years ago, isang case na connected doon ang inilapit sa opisina ng Escadron Elites na tinanggap naman nila."
Tumanaw sa malayo si Armida at nakita ang mga naglalaro ng football sa kanang direksiyon.
"May hawak sina Yuan Li, Ray Pearson, at Masane Yoshikawa na matagal nang hinahanap ng lahat."
"Yung software," mahinang sinabi ni Yoshi. "The Brain."
"Exactly."
Nauna nang maupo ni Armida sa nadaanang bench sa ilalim ng isang oak tree.
"Na-assign ako para protektahan si Yuan Li. Si Ranger kay Ray Pearson, at si Neptune sa kapatid mo. Dinala sila sa isang isla sa gitna ng Pacific para lang pahupain ang issue. Para na rin isipin ng lahat na patay na sila."
"Buhay pa ang kapatid ko?" gulat na tanong ni Yoshi pero nawala rin iyon kalaunan dahil umiling si Armida.
"Alam nilang tatlo na mamamatay na sila. Oras na lumabas sila ng isla kung saan namin sila dinala, alam nilang papatayin pa rin sila oras na bumalik sila." Sinulyapan ni Armida ang katabi. "Umamin sa akin si Li na connected sa Brain ang dahilan kaya sila hinahabol. Buong akala niya ay patay na ang Brain dahil misyon kong patayin ang taong 'yon six years ago."
"P-pero si Etherin . . . si Etherin ang Brain, di ba?" nag-aalalang tanong ni Yoshi.
Tumango si Armida. "Sinabi ko sa kanyang buhay ang Brain. Na inaalagan ko ang gumawa ng software na hawak nila. Ipinakita ko sa kanya ang record ni Etherin. Ilang recent photo bilang pruweba. Na under na ng Assemblage ang Brain bilang si Labyrinth. Na sa mabilis na panahon, nabigyan na agad ng posisyon bilang person in command ang dating kasama nila sa Congregation. Hindi inaasahan ni Li na buhay pa ang bata dahil alam ng lahat na pinatay ko na siya."
Tumayo mula sa bench si Armida at nagpamulsa sa suot na red suit. "Malaya sila sa isla. Binigyan ko ng pagkakataon si Li na tumawag sa pamilya niya sa Hongkong. At sa mismong araw ding 'yon, nagulat na lang kami dahil harap-harapang sinaksak sa puso sina Yuan Li at Ray Pearson. At ang gumawa?" Nilingon niya paibaba si Yoshi. "Si Masane Yoshikawa." Ibinalik ni Armida ang tingin sa malayo. "Pagkatapos n'on, sinaksak din niya ang puso niya gamit ang mismong kodachi na ginamit niya sa dalawa pa niyang kasama."
"Imposible!" sigaw ni Yoshi at napatayo na.
"Ang huling salitang sinabi ni Masane sa amin habang pilit namin siyang nire-revive . . . salamat." Sinsero niyang tiningnan si Yoshi. "Hindi pinatay ang kapatid mo. Nagpakamatay siya—sila."
"You're lying," iyon na lang ang tanging nasabi ni Yoshi dahil hindi siya makapaniwala sa narinig. Hindi magagawa ng kapatid niya ang sinasabi ni Armida. Hindi masamang tao ang kapatid niya.
"Puwede kang tumawag sa opisina ng Escardon Elites. May kopya sila ng surveillance video sa isla kung gusto mo ng pruweba. Puwede kitang bigyan ng endorsement para ma-access 'yon. Hindi 'yon sikreto. Alam naming lahat ang tungkol doon kaya walang puwedeng sumisi sa Elites."
Tinapik niya ang balikat ni Yoshi nang mapansing lalo lang itong nalungkot sa sinabi niya.
Pinanood nila ang mga naglalaro na wala nang ibang ginawa kundi ang dumausdos sa damuhan at magsipaan ng bola.
"Bakit pala nandito ka sa bansa?" seryosong tanong ni Armida habang pinanonood ang mga soccer player.
Napatingin sa kanya si Yoshi at saka inilipat ang atensiyon sa mga naglalaro.
"Dinala ako dito ni Ane para itago. Noong bago pa siya mawala. Tapos ang sabi niya, 'wag akong aalis ng bansa hangga't hindi nakukuha sa 'kin ang software."
Napatango tuloy sa kanya si Armida. "So, before we took her, hawak mo na ang software."
Tumango si Yoshi. "Pero hindi ko alam na nandoon ang software sa laptop ko. Nalaman ko lang noong tumawag siya. Yung last phone call niya. Sinabi niya na mag-iingat ako. Tapos . . ." Nagbuntonghininga si Yoshi. "Sabi niya, may maghahanap sa software. At kukunin n'on ang software sa 'kin pagdating ng araw."
"Ilang ang naghanap sa software?" tanong ni Armida.
Napahid ni Yoshi ang namasang mata bago sumagot. "Si Etherin lang ang naghanap mula nang huling tawag na 'yon ni Ane."
"It was hers. May karapatan siyang bawiin ang pag-aari niya."
"Alam ko naman, ma'am." Napatango na lang si Yoshi at napatingin sa field.
"Maprinsipyong taong ang kapatid mo. Mahalaga ang software na hawak mo dahil sinakripisyo niya ang buhay niya para protektahan ang software na 'yon, pati na ang original owner n'on. Hindi nasayang sa wala ang buhay ng kapatid mo dahil malaking giyera ang napigilan ng pagkamatay niya pati na nina Li at Pearson. Wala kang gagantihan dahil pinatay niya ang sarili niya para itago ang isang sikretong kayang sirain ang mundo oras na mapunta sa mga maling tao."
May lumilipad na bola ng soccer na papunta sa puwesto ni Armida kaya pinanood lang niya ito habang papalapit sa kanya.
"Dalawa lang naman ang klase ng masamang tao sa mundong 'to. Ang isa, masama dahil kailangang maging masama; ang isa masama dahil masarap maging masama. Hindi man malinis ang trabaho ng kapatid mo, alam pa rin naman niya ang kaibahan ng mali sa tama."
Parang volleyball na tinira ni Armida ang bola.
"Accept the truth, kid. That's all you can do."
Sinundan ng lahat ang bolang tinira niya na lumagpas na sa kabilang goal at umabot pa sa kabilang ibayo na off-limits na para sa mga estudyante.
Naglakad na si Armida paalis doon. Si Yoshi naman, palipat-lipat ng tingin. Kay Armida at doon sa pinuntahan ng bola.
Ang layo naman kasi ng narating niyon para sa isang spike lang.
"Babalik na ako sa klaseko. We're done with the TED talk," sabi ni Armida at iniwan na si Yoshi roonpara mapag-isa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top