One Of Them

8:22 a.m. Kanina pa tapos ang bell. Nasa classroom na nga ang halos lahat ng estudyante, samantalang siya, halatang walang ganang pumasok sa klase.

Ang uniform sa Byeloruss: Red blazer, white blouse with red necktie, palda na plain red na three inch above the knee, black shoes, at white socks. Lahat provided ng school.

Pero batas siya kaya hindi niya suot ang blazer niya at may subo pa siyang lollipop. Naka-high pony siya na nakatali ng red ribbon at cute siyang tingnan sa black socks niyang hanggang tuhod ang haba.

Pumasok siya sa Room 601 4-A na ang tanging dala ay ang signpen niya, ang tablet, at phone.

Nasa labas pa lang ng room, nakita na niya ang Director ng Byeloruss na paalis na. Mukhang naabisuhan na ang teacher sa loob. Paglapit niya, nakita na niya ang class adviser sa harap na nagpapaliwanag ng tungkol sa exchange student na papasok sa klase nito. Wala namang binanggit sa adviser tungkol sa kanya maliban sa merong exchange student sa klase nito.

"Okay, class, i-welcome n'yo si—"

Napahinto ang class adviser nang pumasok na siya at tumayo sa gitna. Nginitian niya ito at tinanggal na ang lollipop na subo-subo. Nakanganga lang ito sa kanya at halatang gulat na gulat na makita siya.

"Miss Arevalo. Nice to see you in this class," bati niya sa adviser na hindi na nakapagsalita habang nakatingin sa kanya. Proud pa siyang humarap sa buong klase na nasa kanya ang atensiyon.

"Good morning, I'm Millicent." Iyon lang ang pagbati niya at ibinalik ang tingin sa adviser niya.

"G-good morning, M-Miss Etherin," magalang na bati sa kanya ng guro habang nangingilag ang tingin.

"May isang blank chair sa gitna, sa bandang dulo. Guess that's my seat . . . ma'am," sabi na lang ni Laby at dumire-diretso sa upuan sa third column, fifth seat mula sa harapan.

Nakayukong tumango ang guro sa kanya.

Pag-upo niya, nag-de-kuwatro agad siya at isinubo na naman ang lollipop habang nakangisi sa adviser ng klaseng iyon.

"You better resume your class, Miss Arevalo," malakas pa niyang sinabi.

"Yes, ma'am!" mabilis na sagot nito na agad din nitong ikinagulat dahil tinawag niyang 'ma'am' ang estudyante niya. "I mean—yes."

Alam naman, kahit nina Armida, kung anong klaseng bata siya. Independent kid, child prodigy na may IQ na 200, multi-talented, marunong mag-handle ng pera, at kung ito lang ang masusunod, kayang-kaya na nitong bilhin ang lahat ng shares ng Byeloruss sa isang kisap-mata lang.

Na-orient naman ang mga teacher ng Byeloruss tungkol sa kanya. Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga ito kung sino nga ba siya, lalo pa, ang daming article at seminar na napuntahan ng faculty at school staff na isa siya sa motivational speaker. Isa si Miss Joana Arevalo sa estudyante niya ngayon sa Masteral degree nito sa professional education. Hindi pa nga nito natatapos ang thesis na ipapasa sa kanya sa darating na December 20. Iyon siguro ang dahilan kung bakit utal-utal na itong magsalita sa harapan. Na-pressure siguro sa presensya niya.

Naabisuhan din naman ang mga classmate niya kung anong klaseng exchange student ang papasok sa klase nila. Hindi lang nila inaasahan na ultimo ang adviser nila, hindi nakakaimik dito.

Umiling na lang si Laby dahil wala siya sa mood makinig sa mga bagay na matagal na niyang alam. Inilagay na lang niya sa drawer ng table niya ang signpen at phone niya. Tiningnan na lang niya ang tablet niya at hinanap ang mga redeveloper suspect niya.

Tinitingnan niya ang profile nina Davi Brent Kesley, Shiza Yoshikawa, at Xiao Ran Li.

Ikinatataka niya ay kung bakit malilinis ang profile ng tatlo. Si Kesley, walang family background. Pero imposibleng wala. Base sa nakuha niyang info sa XZQ, member ito ng Dark Orion under sa code na Black Spade. Sila ang nasa Top 1 ngayon ng Xaylem.

Si Shiza Yoshikawa, wala ring family background. Mas lalong imposible dahil kapag hinahanap naman niya ang ibang Yoshikawa, lumalabas ito roon. Isa pa si Yoshikawa sa usap-usapan sa XZQ dahil Top 2 ang grupo nitong Outlaw Fox. Ilang beses kasi nitong hinamon ang Dark Orion pero hindi pa rin nito natatalo.

Ang huli naman ay si Xiao Ran Li. Mas kilala nila sa Xaylem sa alias na Tricker. Kung siya ang tatanungin, ito ang main suspect niya dahil kapag may hacker na talagang takbuhan sa mga battleground, si Tricker talaga ang hinahanap ng lahat. Member ito ng gang na may pangalang Revenge na pampito sa Top 25 ng Xaylem.

Napahinto siya nang maramdamang parang may nakatingin sa kanya.

Lumingon siya sa likuran. Tiningnan niya ang lalaking estudyante sa dulo ng kabilang row. Chinito ito, maputi, malinis ang gupit kahit medyo malago ang itim na buhok. Kagat-kagat nito ang ibabang labing parang nilagyan ng pulang lip tint ngunit natural na natural ang pagkakapula. Nakasuot ito ng black-framed eyeglasses at seryosong na nagpe-pen spin. Nakatitig lang ito sa board, akala mo naman, nakikinig talaga sa teacher.

"Shiza Yoshikawa . . ." bulong ni Laby.

Mas kilala si Yoshikawa bilang Yoshi. Member ng Student Government Body, Class 4-A President, Top 1 sa klase, pangalawa sa pinakamatalino sa buong school base sa GWA, isa sa mahirap lapitan dahil may sariling fans club sa school. Varsity ng tennis at chess.

Huminto si Yoshi sa pagpe-pen spin at nahuli si Laby na nakatingin sa kanya. Tinitigan niya si Laby na nakatitig sa kanya. Hindi naman inilayo ng dalaga ang tingin dahil baka isipin ni Yoshi, may crush siya rito.

Binigyan siya ni Yoshi ng tingin na nagsusumigaw ng 'Ano'ng tinitingin-tingin mo?'

Gumanti naman si Laby ng 'E ikaw, ano'ng tinitingin-tingin mo?' habang nakataas ang kilay.

Nag-'Huh!' lang si Yoshi at sinamaan ng tingin si Laby.

Umirap lang ang dalaga at ibinalik ang atensiyon sa tablet.

Kahit na malakas ang hinala ni Laby kay Tricker, hindi pa rin niya inaalis ang posibilidad na baka si Yoshi ang nag-redevelop ng delikadong software niya.



***



Patuloy lang ang lesson sa Class 4-A at busy ang iba sa pakikinig sa kanilang masungit at boring na math teacher. Parang pampatulog ang boses nito dahil kalahati ng klase ang nakatulog.

Si Laby, tuloy-tuloy lang sa pagte-trace ng mga kasalukuyang gumagamit sa software at nakita niya ang location sa school. Hindi niya nakikitang gumagamit ng kahit anong computer o gadget si Yoshi sa likuran kaya hindi siya ang kasalukuyang suspect.

"Okay, class. Quiz 35. 20 minutes to answer," sabi ng teacher. "After you finish this quiz, you may take your break."

Ang quiz nila ay makikita sa tablet at doon sasagot sa Byeloruss website, sa isang menu tab na para lang sa mga quiz and exam sheet. Real time na mag-la-log sa system ng school ang mga sagot nila at makikita agad ang result ng quiz pagkatapos.

Nagising agad ang mga nakatulog at nagsagot na.

Wala pang dalawang minuto, tumayo na si Laby dala ang mga gamit niya at lumapit sa teacher nila.

"Sir, I'm done. May I go out?"

Napahinto ang lahat sa pagsagot at napatingin kay Laby pagkatapos ay lumingon sila kay Yoshi na nagsasagot pa rin.

Sanay ang buong klase na ang laging nauunang matapos sa pagsagot ay si Yoshi kaya nagulat sila dahil kabago-bago ni Laby, ito pa ang nauna. May idea silang genius si Laby, pero hindi nila expected na ganoon siya ka-genius na within two minutes ay tapos na nito ang 50 items na quiz nila.

Pagtingin naman ng teacher sa system, naka-input na agad na perfect si Laby sa result ng quiz nito.

Si Laby, nagdire-diretso lang sa pinto.

"Miss Etherin," tawag sa kanya ng teacher nila.

Tumaas lang ang kilay niya at binago agad ang expression to cheery girl-mode habang humaharap sa teacher niya.

"Yes, sir?" pa-cute niyang sinabi.

"Na-meet na kita before sa isang seminar na ikaw ang guest speaker. I don't know what your agenda of entering this school is. I don't even care why you are here in the first place, but I'm hoping your personal and professional errands won't affect the school and the school's name," poker-faced na sinabi ng teacher niya.

Lahat tuloy ng mata nasa kanya na.

"If you really don't care, then don't care at all," nakangiting sagot ni Laby kahit na sarcastic ang sagot niya. "Keep it to yourself, I don't need your opinion."

"Okay, then," sagot na lang ng guro. "You know Miss Hwong?"

"I guess so. But then again, this is not your cup of tea so don't dare taste it." Nginitian na lang niya ang teacher niya at saka na umalis.

Nilalakad niya ang hallway at papunta na sa elevator. Tinitingnan niya ang phone niya. Nawala ang signal, meaning wala nang gumagamit ng software.

Bumukas na ang elevator at may dalawang estudyanteng lumabas. Pumasok na siya kasabay ng isang lalaking estudyante. Pinindot niya ang button sa ground floor.

Kinuha niya ang panibagong lollipop sa bulsa at binalatan iyon. Isusubo na sana niya nang matigilan.

"Ikaw yung bago sa Class A, di ba?" masayang tanong sa kanya ng lalaking estudyante.

Hindi siya umimik. Isinubo na lang ang lollipop.

"Ako nga pala si Li Xiao Ran. You can call me Ran or you can call me Mine. Top 3 ako ng Class 4-B. One of the Representatives ng Student Government. Baka lang marinig mo ang name ko around the campus."

Hindi na siya pinansin ni Laby, sa halip ay kinuha na lang nito ang bluetooth earphone at tinawagan agad si Josef dahil alam niyang recess na sa kabilang school.

"Hello, Laby?"

"Josef, 'musta ang school?" Sinulyapan niya sandali si Ran na pinanonood siya. Nag-aabang ng mga susunod niyang sasabihin sa kausap.

"They call me Superman here. May iniligtas kasi akong estudyanteng magsu-suicide."

"How?"

"Tumalon lang naman ako sa third floor, that's how."

"Oh—pfft! Sorry," napatakip agad ng bibig si Laby habang natatawa.

Hindi naman kasi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa sinabi ni Josef. Gumawa ito ng eksena na dapat ay iiwasan nito.

"You think that's ground for something bad?" nag-aalalang tanong ni Josef.

"Nah. Not really, aside sa exposure mo." Sumulyap sa reflection ng elevator si Laby at nakitang pinanonood siya ni Ran. "Magpasalamat ka na lang at Superman ang itinawag nila sa 'yo. If you're not as handsome as you look right now, baka isipin pa nilang paniki ka." Doon natawa nang mahina si Laby.

Nagulat si Ran at lalo lang na na-cute-an sa kanya kasi marunong pala siyang tumawa.

"Do I have to laugh at that, huh?" sarcastic na tanong ni Josef.

"Come on! I'm just kidding," masayang sagot ni Laby at ngiting-ngiting tiningnan ang leather watch niya. "Sa bahay na lang tayo mag-usap about that. Kukumustahin ko muna si Armida, mas nag-aalala ako sa kanya kaysa sa 'yo."

"Mabuti pa nga. Baka mas malala pa ang ginawa niya kaysa sa 'kin.

"Josef, sunduin mo 'ko mamaya sa tapat ng gate. Wala 'kong service e," pa-cute pa niyang sinabi na lalong ikinakunot ng noo ni Ran dahil lalaki ang kausap niya sa kabilang linya.

"Hindi ka sasabay kay Armida?"

"Sige naaaa. Pleeease?" Pinatinis pa niya ang boses at parang batang nagpapa-cute sa kausap.

"Aaay, bata ka. Sige, sige. I'll see you later. Bye."

"Bye!" nakangiti niyang pinatay ang phone.

"Sino 'yon? Boyfriend mo?" tanong agad ni Ran.

Wala na namang sagot kay Laby. Bingi-bingihan na naman siya. Bumukas na ang elevator at dali-dali siyang naglakad palabas. Sinundan naman siya ni Ran.

"Puwede kang maging friend?" naka-smile na tanong ni Ran habang nakasunod pa rin sa mas mabilis nang lakad niya.

". . ."

"Girlfriend?"

". . ."

"Fiancée?"

". . ."

"Wife?"

". . ."

"Mistress?"

"Laby!" Nakita niya si Armida na tumatakbo papalapit sa kanya. Hindi tuloy niya alam kung iiwas ba siya o sasalubong. "Huy, nasu-survive ko na yung class ko!"

Tumaas lang ang kilay ni Laby sa sinabi ni Armida at sa facial expression nito.

Nagtuloy-tuloy lang siya ng lakad.

"Hey, nakikita mo ba 'ko?" Hinarang na siya ni Armida at hinawakan siya sa balikat.

"Hi, Miss Hwong!" bati ni Ran at kumaway pa.

"Hello, cute lad!" bati rin ni Armida at kumaway rin. "Hindi ka familiar, student ba kita?"

Umiling naman si Ran habang nakangiti. "Taga 4-B ako, ma'am!"

"Oh! 4-B! Tapos kilala mo 'ko?"

"Yes, ma'am!" proud pang sinabi ni Ran.

"How come?" nakangiti pa ring tanong ni Armida na akala mo, matagal na silang magkakilala.

"Member ako ng Student Government, ma'am! Na-orient kami about you early this morning!"

"Wow! That's nice!" Tiningnan niya si Laby habang nakangiti. "Sobrang welcoming ng mga student dito sa Byeloruss. I'm starting to like it here!"

"That's a no," matigas na sinabi ni Laby. Ang kaso, hindi siya pinansin ni Armida.

"Cute lad, we better be going!" masayang sinabi ni Armida kay Ran. "I need to talk to your pretty friend here."

"We're not friends!" kontra agad ni Laby.

"Sure thing, ma'am!" masaya ring sagot ni Ran at bahagya pang yumuko.

Naglakad na si Armida tangay-tangay si Laby habang inaakbayan ito. "He's a nice kid!" bati pa ng babae kay Ran. "I like him!"

"Shut up."

Bahagya nang yumuko si Armida at binubulungan si Laby tungkol sa kailangan talaga nito.

"Kid, tulungan mo nga ako rito," panimula ni Armida. "Alam mo, may mga war freak sa klase ko na mahirap kausap. Kaya mo bang hanapin ang profile ni King Ace Havenstein, ha? Kasi alam mo, familiar talaga yung pangalan niya e."

"King Ace Havenstein is the 18-year old eldest son of Theodore Havenstein. Siya ang Class President ng Class 4-F. Panglima sa pinakamatalinong estudyante sa buong school. Pinakamayaman siya sa buong Byeloruss. He's so famous here, lima-lima ang fans club sa buong school. And he is really familiar dahil tagapagmana siya ng Havenstein Family."

"Family . . . ? The mafia?" tanong pa ni Armida.

"Yes."

"Oh . . ." Nanatili sa pagkaka-O ang porma ng bibig ni Armida habang tumatango. "And he's studying here? Bakit hindi siya nag-aral sa Germany e nandoon ang family nila?"

"Let's say, tumatakas siya, and the family of her mother was residing here. Naiwan ang batang kapatid niya sa Germany kasama ng father niya."

"Ah . . ." Napanganga naman ngayon si Armida habang tumatango. "I remembered a Havenstein na nababanggit sa Citadel. Is this the same blood?"

"Same blood with your husband, yes. At isa na siya sa validated Superior candidate na nasa listahan natin ngayon."

"Oh . . ." Nagbalik na naman sa O-shape ang bibig ni Armida at tumango na naman. "That's quite amusing."

"Have you met him already?" tanong pa ni Laby.

"I got a chance to give him a nice introduction," sabi ni Armida habang tumatango.

-----------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top