Next Location
Hindi na nila alam kung nasaan silang dalawa. Basta ang alam lang nila, limang oras na ang biyahe nila at sumasakit na ang mga puwitan nila sa pag-upo. Sakay ng plane, sakay ng van. Hindi pa nga sila nakakapagtanghalian mula nang sunduin sila sa rest house nitong alas-otso nang umaga pa lang.
"Hindi pa ba tayo bababa? Nasaan na ba tayo?" inis na tanong ni Armida habang nakasandal sa headrest ng van ang ulo.
"Traffic ba?" reklamo ni Josef sa driver ng van. Pagsilip niya sa unahan, bahagya ngang bumibigat ang daloy ng trapiko. Sumilip pa si Josef sa labas. Tinted ang bintana ng van kaya hindi niya alam kung uulan ba o talagang padilim na.
Tiningnan nila ang buong lugar na dinadaanan. Ang lalayo ng pagitan ng mga bahay. At ang tahimik.
Huminto ang van after seven hours na pagbiyahe. Nakatapat ito sa isang two-storey modern townhouse. Kulay light blue at cream ang kulay ng pintura ng labas at may garahe. Kapantay ng dibdib ni Armida ang taas ng front gate na kulay black and gold.
Nasa harapan sila ng gate at tinitingnan ang buong labas ng bahay.
"Dito ba tayo mag-s-stay?" tanong ni Armida. Nilingon ulit niya ang van, at gaya ng dati, naglaho na naman na parang bula. "Alam mo, nakakapanghinala na yung van ng Citadel, ha. Hindi kaya nag-t-time-space warp 'yon? Susulpot-lilitaw."
"Hayaan mo na yung van. Pasok na tayo," sabi ni Josef. Itinulak na niya ang gate. Mabuti na lang at bukas iyon.
Tiningnan nila ang left side, medyo malawak naman at may white round table and chairs na for garden talaga. Tiningnan nila ang right side, may wooden bench at may maliliit na pine tree. Sa tabi niyon ay maraming bulaklak ng white daisy at pink and red roses.
Nilakad nila ang isang maikling stoned pathway at nasa kaliwang gilid nila ang pinto pagtapak sa mismong bahay.
Gawa sa mahogany ang pinto, na agad namang binuksan ni Josef. Kinapa niya ang kaliwang gilid ng pintuan at binuksan ang switch ng ilaw. Bumungad sa mag-asawa ang maaliwalas na sala na iniilawan ng white LED sa mababa ring kisame na isang tingkayad at pagdipa lang ni Josef ang taas.
"This is nice," bati ni Armida at hinawakan ang blue couch na nasa malawak na sala. Parang doble ng laki sa pinanggalingang resthouse. Tanaw rin ang kusina sa sala. Sa kaliwang gilid ng kusina ang hagdan paakyat sa second floor. Katabi lang din ng hagdan ang banyo sa kusina.
Umakyat sila sa taas. May dalawang kuwarto na may sariling bathroom. May terrace at may floor-to-ceiling glass window sa isang kuwarto. Naka-lock naman ang isa.
Pumasok sila sa pinaka-master's bedroom at doon nila nakita ang mga gamit nila. Nakalagay rin sa kama ang dalawang smart phone, bluetooth earphone, dalawang smart watch, at ilang susi.
May instructions ding nakalagay at ilang paalala.
Napatingin si Armida sa alarm clock na nakapatong sa bedside table. Mag-aalas-kuwatro na ng hapon.
Bzzt! Bzzt!
Sinagot agad ni Armida ang phone na tumutunog. Si Laby ang nasa caller ID.
"Hello, Laby."
"May meeting kayo bukas sa mga schools nyo. Pumunta kayo before 8am. Alam n'yo naman kung anong dapat isuot. )
Ibinaba na rin niya ang communication
"May meeting tayo tommorow, Josef," sabi ni Armida
***
Sabado, at gaya ng sinabi ni Laby, may meeting sila sa mga school nila.
Paglabas na paglabas nila ng bahay, bumungad agad sa kanila si Laby na nakasandal sa mahiwagang puting van. And, as usual, nakasuot na naman siya ng pink jumper shorts na sobrang ikli, white T-shirt na may gold print na 'PRESS' sa bandang dibdib at gray hi-cut sneakers. Naroon na naman siya sa pigtail niyang ayos.
"See that building?" Itinuro agad ni Laby ang kulay light green na building sa likuran ng left side niya. "That's Byeloruss."
Sunod naman niyang itinuro ang lavander-colored building sa may likuran ng right side niya. "That's Diaeresis."
Mataas ang dalawang building kaya makikita iyon sa puwesto nila kahit na malayo sila sa dalawang school.
"Itu-tour kayo ngayon about sa buong school, ipakikilala kayo sa mga teacher and staff, at sasabihin sa inyo ang mga dapat n'yong malaman. Puwede n'yong sabihin na married na kayo but . . . as fas as possible, iwasan n'yong ipangalandakan sa lahat na mag-asawa kayo dahil magiging issue 'yan, at sure na mapapatalsik kayo nang di-oras dahil sa conflict of interest."
Binuksan ni Laby ang pinto ng van at inaya na silang sumakay.
"Ikaw, ano nga pala'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Josef habang pinapauna si Armida sa loob.
"I'm working," sagot ni Laby na pumasok na rin sa loob ng van.
"Working as what? Di ba dapat nasa Citadel ka?" sabi ni Josef na nakapasok na at sinasara na lang ang pinto ng van.
Umandar na ang van papunta sa next location nila
Ang puwesto nila, si Armida sa may bintana, sa gitna si Laby, tapos katabi niya si Josef.
"Bakit naman ako mapupunta ro'n?" tanong ni Laby.
"Binibigyan kami ng instruction ni Cas sa CCS," sagot ni Armida.
"Si Cas ang huma-handle sa CCS. Walang hahawak n'on maliban sa kanya," sagot ni Laby. "Teka, akala n'yo ba, naka-stay sa Citadel ang lahat ng Superiors?"
Napaisip tuloy ang dalawa sa sinabi niya. Ang alam nila, may opisina ang mga Superior sa Citadel, at nandoon sina Cas at No. 99 nagtatrabaho. Kaya malamang na naroon naman talaga dapat ang mga Superior.
"Ano nga'ng trabaho mo rito?" tanong pa ni Josef.
"Marami," sagot na naman ni Laby sa nabuburyong na tinig. "Pero sa ngayon, ako ang humahawak sa external affairs ng Order para ayusin ang kaso ni Carlos Zubin."
Napabuga ng hininga si Armida at inis na tiningnan si Laby. "Gaano kalawak ang connection ni Carlos Zubin para kahit ikaw, pahawakin din ng kaso niya?"
"Isa si Carlos Zubin sa VVIP client ng Hamza na under ng special protection order na inilapag ni Leonard Thompson five years ago."
"Ang President?" singit agad ni Josef sa usapan.
"Hindi siya ine-expose sa Association dahil under ang Assocs ng Citadel. Ito ang reason kung bakit hindi siya familiar sa inyo." Tiningnan ni Laby si Armida na parang sinisisi ito. "The Four Pillars spent their years avoiding Zubin's company dahil alam nilang may conflict between that crime family and Citadel . . . and you kill him."
"He's a bad guy!" katwiran pa ni Armida.
"Ah! Coming from the lips of an angel," sarcastic na sagot ni Laby.
"Kung kalaban ng Citadel ang mga Zubin, di ba dapat ayos lang na pabagsakin sila?" sabi pa ni Josef.
Agad ang ikot ng mga mata ni Laby sabay irap. "May moratorium na nangyari between Cas and Zubin. Nag-agree dito ang Citadel at ang bumabang Fuhrer. At oras na galawin ng mga tao ng Citadel o kahit sinong Superior ang mga Zubin, may batas ang Citadel na inilapag para sa particular truce na 'yon at papatawan ng parusa ang lahat ng lalabag."
"At lumabag si Cas dahil sa 'kin," paliwanag ni Armida.
"Under probationary period kayong dalawa na nasa supervision ni Cas. Iyon ang unang count of punishment. Pangalawa, si Cas ang recorded na huling kausap ng mga Zubin na ayon sa moratorium, hindi na sila puwedeng magkaroon ng communication. Pangatlong count, pinatay ni Cas si Carlos Zubin at ipinagbabawal sa Criminel Credo ang galawin ang hindi sakop ng order. Pang-apat na count, tatlo sa expected deadline niya noong araw na namatay ka"-pagtutukoy niya kay Armida-"ang hindi niya natapos para asikasuhin ka. Na-decline ang dalawa dahil sa negligence of duty. Failed to transact ang isa. At ang huling count, ginamit niya sa Code White ang Demand of Presence ng mga Guardian na hindi naman kailangan para lang iligtas ka sa kamay ni Carlos Zubin. May sinusunod na protocol para sa Code White. For severe cases lang iyon."
"Armida just died! Ano pa bang mas severe doon?" katwiran agad ni Josef.
"Then she could summon Ivan and Armida's guardians. Not hers and that degree of urgency na parang nagdedeklara siya ng giyera." Itinuro pa ni Laby si Armida sa tabi niya. "Last time na nag-request for Code White ang mga Superior, noon pang nag-deklara ng giyera si RYJO. Doon pa lang sa Demand of Presence, nilabag na ni Cas ang moratorioum dahil handa na siyang labanan ang mga Zubin."
"Oh God." Napahimas na lang ng sentido si Josef dahil naririnig pa lang niya ang mga sinasabi ni Laby, sumasakit na ang ulo niya.
"Sasalang pa rin naman ako sa castigation," sabi ni Armida.
"Natural. Hindi tanga ang Credo para isiping kasalanan ni Cas ang lahat. Naka-monitor kayo sa Citadel kaya alam nila kung sino talaga ang may kagagawan ng pagkamatay ni Carlos Zubin." Saglit na sinulyapan ni Laby ang daan, malapit na sila. "Anyway, medyo matagal pa 'yon kasi tinitingnan pa kung hanggang saan lang ang parusa ninyong dalawa base sa batas ng Credo na sakop ng moratorium."
Hindi na nila napansin, nasa location na pala sila. Nakarating sila sa isang malaking parking lot.
Bumaba na rin silang tatlo at tiningnan ang paligid.
"Nga pala, ito ang susi ng mga kotse n'yo." Inabot sa kanila ni Laby ang tig-isang susi ng kotse sa kanila. "Yung black na Audi hatchback ang sa 'yo, Josef. Yung maroon na sedan ang sa 'yo, Armida." Itinuro niya ang dalawang kotse na nasa likuran ng mag-asawa.
"Ang daan mo, Armida . . ." Itinuro niya ang left side na kalsada. "There."
"At ang daan mo, Josef . . ." Itinuro naman niya ang kanan. "There."
Nagpatuloy si Laby sa paliwanag. "Hindi diyan ang main entrance ng mga school, pero diyan madalas dumadaan ang mga teacher, staff, mga butler and personal maid, at mga bodyguard ng mga student since nandito ang parking lot for them."
"Bakit hindi tayo dumaan sa main entrance?" tanong ni Josef.
"Una, nandito ang kotse n'yo. Pangalawa, kasi hindi magandang tingnan kung sabay kayong bababa sa main at sa magkalabang school ang punta n'yo," nakapamulsang sinabi ni Laby habang paatras na naglalakad palayo sa kanila. "By the way, magkaharap ang main gate ng Diaeresis at Byeloruss kaya mag-ingat kayo sa mga kilos n'yo. Conscious sa employee ang Byeloruss compare sa Diaresis. Ingat lang."
"Teka, saan ka naman pupunta?" tanong ni Armida.
"Magba-background check. Kita na lang tayo mamaya sa bahay. Bye!" Sumaludo siya sa mag-asawa at tumalikod na sabay takbo.
"Bahay? Mamaya?" sabay pa nilang sinabi.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top