Math Problems
Kung may isang salita na mukhang wala sa bokabularyo ng Class 4-F, malamang na 'behave' na iyon. Pero kakaiba dahil biglang nauso iyon sa araw na iyon.
Natural na araw pa rin naman para sa lahat, ang kaibahan lang, marami nang interesadong makinig kay Armida. May mga sinasabi kasi itong alam nilang lahat na hindi ituturo ng kahit sinong matinong teacher sa kahit anong school.
Gaya kahapon, naka-de-kuwatro na naman siya sa teacher's table kahit naka-mini skirt siya. Naroon tuloy ang focus ng mga estudyante niyang lalaki, nag-aabang ng masisilip.
May kagat-kagat na naman siyang pagkain na luto ng estudyante niya sa likod. Ang menu for today ay Belgian waffle.
"Mas sikat sa New York ang Five Families. Mas active ang crime families ngayon," sagot niya sa tanong ng isang estudyante niyang nagtanong about sa organized crime. Economics na naman ang lesson nila at hindi alam ng klase niya kung bakit sa dinami-rami ng sample sa heirarchy and organization, doon pa sila napunta sa organized crime activities.
"Sa mafia organization, respect ang pinakapuhunan ng Don o ng Boss. It wasn't just about money, it wasn't about what you can give. All you have to do is to be undisputable. Lahat ng major decision, siya ang gumagawa. Lahat ng perang matatanggap ng family, iikot sa kanya. Simple lang naman ang role niya pero pinakamahirap sa lahat. As much as possible, kailangan niyang panatilihin ang flow ng sistema at ang mga tao niya nang hindi siya kinukuwestiyon. Kasunod ng boss sa hierarchy ay ang underboss."
Isa na namang kagat sa waffle at itinuro niya ang upuan ni King.
"May classmate kayong underboss. Being second in command is a hella responsibility. Hindi ka puwedeng uupo-upo lang. Depende ang authority niya sa kung paano magpatakbo ng organization ang boss. Bata pa lang, sinasanay na sila para pumalit sa puwestong maiiwan ng boss balang-araw."
Nagkatinginan ang magkakaklase. Hindi man binanggit ni Armida, alam nilang si King ang tinutukoy nito. Absent pa naman iyon ngayon dahil nagpunta sa ospital para ipagamot ang bali nitong balikat na kagagawan mismo ng adviser nila.
"May consigliere ang bawat family. Sila ang counselor ng head of the organization. Buong family ang pumipili sa kanila for impartial decisions, not really the head. Hindi sila puwedeng parte ng pamilya." Itinuro niya ang bintana. "Frederico Decavalcante was one of the legendaries, and he was damn intimidating in so many level when he was still alive."
"Member din kayo ng mafia, ma'am?" usisa agad ni Eljand na tutok sa pakikinig sa kanya.
"Nope," mabilis niyang sagot at tinuro ang binata. "But I was an associate before."
Saglit siyang huminto sa pagsasalita para humigop nang kaunti sa hot chocolate na gawa ng estudyante niya sa likod. "Pagkatapos ng underboss, sa ilalim niya ang mga capo. They act as lieutenant. Meron silang sariling section ng family na nile-lead. Bawat capo, may kanya-kanya silang activity at operation. Minsan, geographical ang teritoryo nila. Sa ganitong city, hawak ito ni Capo 1. Minsan naman, by operation. Sa illegal gambling, in charge doon si Capo 2. Their job is to make money for the family."
Tumayo na siya at nag-drawing na ng illustration sa electronic board.
Nagsulat siya ng Don sa itaas, maliit na linya sa ibaba nito at isinulat ang underboss. Sa kanang gilid ng Don at underboss ay ang consigliere. Sa ibaba ng underboss ay gumawa siya ng mahabang linya at nagsulat ng tatlong 'CAPO' word. Sunod ay mga linya na naman sa ibaba ng bawat CAPO word at isinulat sa ilalim niyon ang mga salitang 'Soldiers/Made Man.'
"Ma'am, ano yung made man?" tanong ng isa sa gitna.
Tinuktok ni Armida ang board. "They do the dirty works. Sila yung mga tauhan. Pawns of the heirarchy. Their numbers vary kung kaninong capo sila ma-a-assign."
At nagsulat na naman siya ng mahabang linya at doon isinulat ang tatlong 'ASSOCIATE' words.
"I used to belong here," sabi niya kay Eljand. Napatayo ang mga nasa likod para makita ang isinulat niya.
"E di parte kayo ng mafia, ma'am?" tanong pa ni James.
Ibinato ni Armida ang Stylus pen niya sa table at nagtuloy sa paliwanag. "Hindi naman talaga actual na member ng mafia ang mga associate. Puwedeng connection sila ng capo or ng made man. Sila yung mga nagtatrabaho depende sa pangangailan ng family. May it be a drug dealer, a burglar, a politician, a lawyer, a banker. Legal-illegal, it really varies on your skill na kailangan nila. It was an organization. You make money, you need to have a good system. There's a law of the land. You can't just go around killing people. You need to make money from killing people. You need to make money out of people's lives."
"But that's extortion," seryosong sinabi ng estudyante sa likod.
"Exactly!" masiglang sinabi ni Armida. "Bakit ka mag-se-settle sa 10 kung puwede kang makakuha ng 100? And in exchange to that scheme, you pay them 100 and they'll promise you protection."
"May omerta," sa wakas ay nagsalita na si Brent na nakikinig pala sa mga sinasabi niya kanina pa.
"Yes," seryosong sagot din ni Armida. "Young boys will take their oath. Code of Silence was observed. Blood pact was crucial."
"And you're here telling us about that," sagot agad ni Brent.
Napangisi si Armida at sinukat ng tingin si Brent na nakaupo sa likod—sa tabi lang ng upuan ni King.
"Again, not a member of mafia. I took an oath from another organization and that's no secret. And when a young lad took an oath to his family, he needed to commit murder." Tumango-tango pa si Armida kay Brent. "And if he couldn't do that, the family will force him to do that."
Ibinato ni Armida sa trash bin sa gilid ng pinto ang basurang tissue mula sa kinakaing waffle.
"Kaya hindi ko siya masisisi kung tumatakas siya sa pamilya niya. He doesn't have to do that kung ayaw niya talaga. But this is his fate. Whether he like it or not, he must do what needs to be done."
Biglang sumeryoso ang klase niya. Matiim na nakatingin sa kanya at may biglang lilipat ang tingin sa board.
"Ma'am, ano'ng trabaho n'yo sa mafia?" usisa ni Eljand na parang nakikinig lang ng fairytale.
Ngumiti nang matamis si Armida at humgop muna ng chocolate niya bago sumagot. "I kill Dons and underbosses. Iilang organization lang ang walang undisputable head of the family."
Nagpalitan ng makahulugang tingin ang magkakaklase. Madali namang mabasa kung nagsisinungaling ang teacher nila. Pero hindi na talaga normal ang mga sinasabi ni Armida. Kahit pa ang mga ginawa nito kahapon pa.
Panay ang kuwento nito tungkol sa masasamang mga bagay, krimen, drugs, pagnanakaw, at kung ano-ano pa na idinidikit nito sa lessons nila.
Hindi na tuloy nila alam kung maniniwala ba sila o hindi.
Sumilip si Armida sa relos. Isang oras na lang ay mag-re-recess na. Ginugutom na siya kahit kakakain lang niya. Ang kaso, may klase pa sila sa math na dapat ay nagsisimula na.
"Wala kayong schedule ng math kahapon, di ba? Ako lang ba talaga ang teacher n'yo whole day? Ang daming staff ng Byeloruss a."
"Si Sir Geo dapat ang math teacher namin pero hindi na siya pinayagang magturo dito kasi sasaktan lang daw siya nina King," sabi ng isa sa harap.
"Natural, kayamanan ng Byeloruss si Sir Geo kaya malamang na hindi siya pagturuin dito sa 4-F."
"Sayang nga e. Feel ko pa namang maging teacher si Sir Geo," sabi ng isang babae sa likod.
Napataas naman ng kilay si Armida dahil sa narinig. Bumalik siya sa pagkakaupo sa table at naisipang makipagtsismisan muna sa mga estudyante niya. "Paanong naging kayamanan ng Byeloruss yung smiling face na teacher na 'yon?"
"Siya kasi, ma'am, yung anak ng owner nitong school" bulong sa kanya ni James.
"At siya rin ang susunod na owner sabi sa taas."
"Oh. Owner, huh." Tumango-tango naman si Armida sa narinig. Kaya pala sobrang protective ni Sir Geo sa kanya. Baka umiiwas sa posibleng issue. "Sino sa inyo ang gustong magturo dito si Sir Geo ng math? Raise your hands," tanong ni Armida habang nakataas ang kanang kamay.
Iilan lang ang hindi nag-react sa tanong niya. Halos lahat gustong magturo doon si Sir Geo.
Kung magtuturo doon ang guro, mababawasan siya ng load. Makakakain pa siya nang maaga.
"Pero hindi pa rin siya pagtuturuin dito habang nandito si King."
"Kapag nawala si King, makakapagturo na siya?" tanong ni Armida.
Tumango naman ang buong klase niya.
"Okay lang kahit hindi na makapagturo dito si Sir Geo."
"Oo nga."
"Kaysa naman mapaalis si King, di ba?"
"Oo nga."
Mukhang nirerespeto talaga si King ng 4-F. Ayos din. Leader talaga ang tingin sa kanya.
"Undisputable . . ." Napatango na si Armida habang naiisip na kahit masama ang imahen ni King sa buong faculty, buong klase naman niya ang nakakuha ng respeto nito.
"Excuse, ma'am."
Napatingin silang lahat sa may pinto.
"Oohh . . ." Magkatinginan ang mga estudyante. Speak of the devil.
"Yes, sir?" bungad ni Armida at pinagpag ang damit niya.
Pumasok sa loob ng room si Sir Geo at tiningnan ang buong klase. Nginitian siya ng mga babaeng estudyante at binati pa siya with matching hand wave pa, paipit ng hair sa likod ng tainga, kagat-labi, and additional beautiful eyes.
Nag-smile na lang din so Sir Geo at hand wave sa buong klaseng nakangiti sa kanya. Lumapit siya kay Armida at saka nag-smile din.
Napataas ang kilay ni Armida dahil kung makakilos naman si Sir Geo, parang celebrity sa loob ng klase niya.
"Ma'am, sign ka rito," sabi ni Sir Geo sabay abot kay Armida ng tablet at Stylus pen.
"Para saan 'to?" tanong ni Armida habang kinukuha ang inaabot ni Sir Geo.
"Ah, attendance ng mga teacher," nakangiting sinabi ni Sir Geo. "Naka-log 'yan sa system ng school. Para malaman na nandito ka nga sa klase mo. Hindi kita pinuntahan yesterday since nanggaling na rito ang Director at nakita ka naman daw niya sa klase."
"Oh." Tumango na lang si Armida at pumirma sa tablet. Napahinto siya nang punasan ni Sir Geo gamit ang hinlalaki nito ang gilid ng labi niya.
"Hah—!" Nagulat naman ang mga babae sa ginawa ni Sir Geo kay Armida.
Kahit si Armida nagulat sa ginawa ng lalaki at pinandilatan agad ito.
"Is this chocolate?" nagtatakang tanong ni Sir Geo habang tinitingnan ang thumb niya. "Kumakain ka ba rito sa room habang nagkaklase?"
Iginilid agad ni Armida ang tingin niya sa likuran kung saan nagluluto yung estudyante niya. Bawal kasi sa rules ang pagkain sa room habang nagkaklase. Mapa-teacher man o mapa-estudyante.
"Hehehe . . ." Natawa na lang siya nang mahina saka dahan-dahang ibinalik ang tingin kay Sir Geo na nakangiti pa rin sa kanya pero wala namang saya sa mga mata. "Hindi naman mabigat ang demerit sa pagkain."
"Don't worry, hindi rin naman ako sumbungero," nangingiting sinabi ni Sir Geo. "Hindi naman kahihiyan ng school ang kumain ka rito sa room."
"Tss," sumimangot agad si Armida. "Here." Inabot na niya kay Sir Geo ang tablet at pen. "Okay lang kahit magsumbong ka, wala namang kaso kung maparusahan ako. Sanay ako sa parusa," sungit-sungitang sinabi ni Armida.
"Matapang ka, ha," sabi ni Sir Geo habang nakangiti.
"Matagal na," proud na sinabi ni Armida.
Napatingin si Sir Geo sa buong klase. Mga nakatutok sa kanilang dalawa ni Armida.
"Behave ngayon ang 4-F. Ngayon lang tumahimik ang klaseng 'to simula no'ng June," bati ni Sir Geo sabay balik ng tingin kay Armida. "You really are something."
"Behave naman talaga ang 4-F. Ino-overrate lang ninyo ang kasamaan ng klase ko."
"May dahilan naman kung bakit," makahulugang sagot ni Sir Geo at ngumiti na naman sabay taas ng tablet. "Sige, ma'am, thank you."
Tatalikod na sana si Sir Geo palabas nang habulin siya ng hatak ni Armida.
"Wait, Geo." Huminto naman ang lalaki at nilingon siya.
"Yes?"
"May klase ka ba ngayon?"
Umiling lang si Sir Geo para sabihing wala. "Why?"
"Uhm, math kasi ang klase ngayon ng 4-F. Uhm . . ." Alanganing tumango si Armida. "I don't do math."
Nagtaas naman ng kilay si Sir Geo. "But you have a degree in mathematics based on your curriculum vitae. Isa ako sa nag-approve ng resume mo."
"Ah . . ." Alanganin na namang napatango si Armida sabay ngisi. Napabuntonghininga siya at sumeryoso na ang mukha. "Okay. The whole class requested na turuan mo sila ng math."
Nakitaan ng kakaibang ngiti si Sir Geo, naghalo ang gulat at pagkabilib sa sinabi ni Armida.
"Havenstein is not around. May physical check-up siya ngayon. I hope you can spend an hour with my students kahit ngayong araw lang."
Nagpakita na naman ang mapuputing ngipin ni Sir Geo at para bang biglang lumiwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ni Armida.
Saglit na nag-abang ang lahat sa sagot ni Sir Geo. Parang nananantiya pa kung sasagot ng oo o hindi.
Nagbuga ng hininga si Sir Geo at tumango. "Fine." Itinaas niya ang hawak. "I'll take this back to the Faculty Room, then—"
"I'll take care of it. Ako na'ng bababa," nakangiting sinabi ni Armida at hinablot agad ang hawak ni Sir Geo. "Kanino ba ibabalik?"
"Sure ka?" tanong pa ni Sir Geo.
"Yeah," sagot ni Armida.
"Pakibigay kay Sir Thomas."
"Sure." Tiningnan niya muna sandali ang klase niya para magbanta. "Hoy, umayos kayo. Kapag magulo rito pagbalik ko, humanda kayo sa 'kin isa-isa."
"Yes, ma'am!" masayang sinabi ng buong klase niya.
"'Wag n'yong kakainin si Sir Geo, ha!" sigaw niya sa lahat. "Wala pang recess!"
Nagtawanan naman ang buong 4-F dahil sa sinabi niya.
Lumabas na ng room si Armida at naglakad na sa hallway papuntang elevator.
"Ma'am!" sigaw ni Sir Geo mula sa pintuan ng 4-F.
Lumingon siya sa lalaki.
"Thank you," sabi nito.
Umiling lang si Armida at ngumiti. "No. Thank YOU." Tumalikod na siya at tumuloy na lang uli papuntang elevator.
Hindi na rin masama angpagkausap niya kay Sir Geo this time. Mukhang mapapaaga ang lunch niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top