LSG
Gulping-gulpi na talaga si Armida gawa ng gigil niya sa mga co-teacher niya. At kahit ayaw ni Josef, wala na siyang magagawa kundi kunsintihin ang asawa niya. Hindi talaga maganda kay Armida ang hindi nakakapaglabas ng inis. Sinasaniban ng kung anong espiritu at nagiging isip-batang tamad.
Nanghingi siya ng impormasyon kay Laby kung saan sila makakahanap ng gym sa lugar. Ang kaso, walang available na gym, pero mas maganda ang suggestion ng dalaga.
At iyon na sila ngayon, papunta na ang tatlo sa isang fighting ground sa dulo at abandonadong bahagi ng H.C. Wallace boulevard kung nasaan sila nakatira sa kasalukuyan.
Xaylem. Ang open ground fighting area sa mga street gang sa lugar na iyon. Literal na underground ang lugar dahil kailangan pang bumaba ng hagdan para makatapak sa mismong arena.
Higit pa sa tatlong palapag ang taas ng Xaylem mula sa earth level pababa. May mga corridor na nagsisilbing lugar para sa mga audience.
Walang gang ang hindi muna lumaban sa Xaylem dahil bago makapasok sa XZQ, doon muna pupunta ang mga baguhan.
Masyadong maagap si Laby, nakapagpa-reserve agad siya ng puwesto para sa grupo niya. Ang lakas pa niyang mag-utos sa mag-asawa na mag-itim na top, denim jeans, at rubber shoes para pare-pareho sila ng outfit. Nagreklamo pa si Armida kung bakit jeans, samantalang puwede naman siyang mag-shorts para madali siyang makakagalaw. Ang sabi naman ni Laby, iyon nga ang dahilan. Para hindi siya madaling makagalaw. Nagreklamo si Armida pero pumanig si Josef kay Laby. Alam naman nilang pare-pareho kapag naging komportable siyang lumaban.
"Nagdala pala ako ng mask, if ever mapalaban tayo, hindi tayo makikilala," sabi ni Laby habang itinuturo ang suot niyang backpack.
"Hindi ba puwedeng lumaban na lang si Armida nang isang beses tapos uwi na tayo?" tanong pa ni Josef at biglang hinatak ang asawa niya. "Armida, mananapak ka lang, ha? No killing."
"Booooring," sabi ni Armida sabay paikot ng mga mata.
"Hoy." Itinulak pa ni Josef ang ulo ni Armida gamit ang hintuturo niya. "Armida, I'm warning you. Kapag nakaisa ka na, stop na."
"Psh. KJ." Nag-make face agad si Armida at saka umira.
Nakikita na ni Laby ang mataas na sementadong bakod ng Xaylem. Huminto siya at humarap sa mag-asawa.
"Wear this. Tayo ang Legendary Superiors Gang." Kinuha na niya ang mga maskara at iniabot sa mag-asawa ang dalawa.
"A what?" takang tanong ni Armida. "Legendary Superiors? Wala na bang mas corny pa diyan?"
"Agree," segunda ni Josef. "We could be the Mirabile."
"Or Interfectores," dagdag ni Armida habang nakangisi nang masama.
"That's vile," kontra pa ni Josef.
"Yours was a meh."
"But we're amazing!"
"Yuck! Ano tayo? Circus freaks?"
"Stop!" pagpigil sa kanila ni Laby. "Nagpa-book ako ng laban ngayon. Tapos na. Tayo na ang LSG. Kapag masuwerte tayo at hindi pinatulan ng hinamon natin ang laban, hindi tayo sasalang. Puwede nang sumapak si Armida kahit nasa audience lang tayo."
"I'd prefer that," sabi pa ni Josef habang tumatango.
Nauna nang maglakad si Laby habang nakasunod sa kanya ang dalawa na may suot na mysterious half-faced black mask na mukhang pang costume for Batman at Cat Woman pa. Wala lang tainga.
Huminto si Laby sa pinaka-entrance ng lugar.
"Kami ang Legendary Superiors. Pang-ilan kami?" tanong ni Laby sa isang lalaking nakaupo sa may table sa tapat ng metal gate.
"Sandali. Legendary Superiors." Hinanap nito sa listahan ang gang nila. "Superiors, Superiors, Superiors. Ah, eto. 70."
"Anong 70?" tanong ni Armida.
"Pang-70 kayo starting from the Top Gang hanggang sa pinaka-weak," sabi ng lalaki.
"Meaning pang-70 kami sa pinakamagagaling?" mahinahong tanong ni Josef.
"What the hell, man?" reklamo pa ni Armida dahil sa sinabi ni Josef. "Magaling pa ba yung nasa 70?!" Pinatabi niya sa gilid si Laby at dinuro niya ang mesa habang nanggigigil sa salita niya. "Give me a fucking hour and I'll top that shit."
"Hey!" Mabilis na hinatak ni Josef si Armida at siya naman ang nanduro sa mukha nito. "No killing! Uhm!"
Nandilat lang si Armida para mambanta sa lalaki.
"You kill them, you fight me. Choose," panakot ni Josef.
Naningkit bigla ang mga mata ni Armida at parang batang nagtampo sabay halukipkip. "You don't dare challenge me, Richard Zach."
"Puwede na bang pumasok?" tanong na lang ni Laby sa lalaki.
"Oo, may laban nga pala kayo ngayon sa Jokermen. Pang-19 na laban. Tingnan n'yo na lang yung monitor kung anong laban na ngayon," paalala ng lalaki.
"O, sige, thank you." Nilingon niya ng mag-asawang nagpapaluan. "Hoy, pasok na tayo!"
"Umayos ka." Humirit pa ng sapok si Armida bago sila pumasok sa loob.
Malawak ang loob ng arena. Wala ring cover na bubong kaya tirik ang araw sa mga oras na iyon dahil hapon. Maingay sa lugar dahil may laban.
Tinanggal na ng tatlo ang mask nila para makita nang maayos ang buong lugar.
"17 ang nakalagay sa monitor." Itinuro ni Armida ang malaking monitor sa kabilang dulo ng lugar na may nakalagay na Fight 17 at ang pangalan ng gang na kasalukuyang naglalaban.
"Dalawang laban na lang at tayo na," sabi ni Laby sa mag-asawa.
Pumuwesto sila sa second floor na corridor at pinanood ang laban. Maraming audience pero wala halos nakapuwesto sa pinagtambayan nila dahil tinatamaan ng sinag ng araw. Nakililim na lang sina Josef at Armida sa may dingding ng corridor at hindi na halos makita ang arena sa ibaba.
"Sa ingay nitong lugar, imposibleng hindi 'to nakikita ng authorities," puna ni Josef.
"I know," segunda ni Armida. "Malamang na may humahawak nitong lugar."
Nagkatinginan ang mag-asawa. Mukhang nabasa nila ang iniisip ng isa't isa.
May organisasyong involve doon.
"Saglit, may titingnan lang ako," sabi ni Josef at tumungo sa kanang direksiyon nila.
"Sino 'yang mga naglalaban ngayon?" tanong ni Armida sa isang binatang tambay na katabi niya.
"Yung nasa left ng screen, Death Machine. Pang-15 'yan sa pinakamagaling dito. Yung nasa right ng screen, Pink Sakura. 'Yan ang humamon. Wala pa sa Top 25 kaya di pa sikat."
"Paano ba sisikat dito?" tanong ni Armida.
"Hamunin mo ang mga nasa Top 25. Manalo ang gang mo ng limang laban sa kanila, sisikat ka na nang sobra."
"Oh," tumango-tango pa si Armida. "Alam mo ba kung pang-ilan ang Jokermen?"
"Ah, pang-10 sila sa ranking ng pinakamagaling. May humamon nga sa kanila ngayon kaya nga marami ang nandito. Npupuno lang naman 'tong Xaylem kapag my laban ang Top 10. May mapaglalaruan na naman kaya inaabangan ang laban."
May humamon, anito. Magaling talagang kumontrata si Labyrinth. Sana sinagad na lang hanggang Top 1 para tapos na ang usapan.
"Madalas bang magpatayan dito?" tanong pa ni Armida.
"Ay, bawal 'yon dito. Kung papatay ka, doon ka dapat sa XZQ pumunta. Dito, kailangan mo lang mapabagsak ang kalaban. Kapag napatay mo sa loob ng arena, ban ka na forever."
"Oh." Napatango na naman si Armida at nagpakita na naman ang devilish grin niya. "May pustahan ba dito?"
"Oo naman!"
"Pumusta ka?"
"Oo, 3 thousand sa Jokermen. Sila lang naman ang ipinunta ko."
"Oh." Tumango na naman siya. "Saan ba puwedeng pumusta?" tanong ni Armida.
"Punta ka ro'n sa booth." Itinuro ng binata ang isang booth na malapit sa kinatatayuan nila.
"Thanks." Tinapik niya ang balikat ng binata at saka pumunta sa booth. Bintana lang iyon na may metal screen at fiber glass wall pa na tanging maliit na bilog sa gitna at maliit na awang sa ilalim. Kita naman ang loob pero madilim naman.
"Gandang hapon, miss," sabi ni Armida sa babaeng maraming tattoo at hikaw sa mukha na nasa booth. "Tataya ako."
"Kanino?"
"Legendary Superiors. 10 thousand." Iniabot agad ni Armida ang lahat ng baong pera sa babae. Pangkain dapat nila iyon sa labas, kaso tamang sugal lang siya.
Nakataas lang ang kilay ng babae habang palipat-lipat ang tingin sa mukha ni Armida at sa pera.
"Bago ka lang dito, 'no?" tanong sa kanya ng babae at kinuha na nito ang pera.
"Oo, naimbitahan lang manood," sabi ni Armida.
"O, keep that. Hindi mo makukuha ang premyo mo kapag nawala 'yan," sabi ng babae sa kanya. Inabot nito ang isang resibo na ay patunay na tumaya siya.
Tiningnan niya ang resibo. Hindi mukhang resibo dahil plain black paper lang ang ibinigay sa kanya.
"Wala kang makikita diyan dahil kami lang ang makakaalam kung authentic ang resibo o hindi," tinatamad na sinabi ng babae.
"Nagoyo na kayo dati, 'no?" nakangiting sinabi ni Armida.
"Naniniguro lang," sagot ng babae.
Tumango na lang si Armida at umalis. Itinago niya ang papel sa bulsa ng pantalon.
Naisip niyang maganda pa rin sa HQ Battleground dahil automatic na ang betting. Phone lang, puwede nang tumaya.
Bumalik na siya sa puwesto nila. Napansin ni Armida na naroon na ang asawa niya at nakasandal sa dingding.
"Yung bata?" tanong ni Armida.
"Nagtatrabaho," sagot ni Josef. "Saan ka galing?"
"Uhm," saglit pang nag-isip si Armida ng isasagot bago nakisandal din sa dingding. "This place is getting serious, Josef. May betting booth sila."
"Of course, they have," pagsang-ayon ni Josef. "Nag-roam ako sa area and I found that most of the players are teenagers."
"So, ano 'to? Teen angst?"
"Wala pa raw nagre-raid sa lugar na 'to. Pero alam ng mga pulis."
"Oh," napatango na naman si Armida. "It must be big."
Lumapit si Armida sa railings kahit na tirik na tirik doon ang sikat ng araw. Tumabi naman sa kanya si Josef.
Pinanood nila ang laban sa ibaba.
Inobserbahan ni Armida ang galaw ng mga naglalaban. May mga technique na magaganda, ang kaso pang-amateur. Mga galaw na imbento pero may say. May oras na nagtutulong-tulong ang grupo pero mas madalas na kanya-kanya ang nangyayari.
"Whoaaahh!"
Naghiyawan ang mga nanonood nang mapabagsak ng Death Machine ang lahat ng members ng Pink Sakura.
"Puwede na," sabi ni Armida habang tumatango.
"Isang laban na lang," paalala ni Josef.
"Manonood muna 'ko ngayon," seryosong sinabi ni Armida. "Ikaw muna ang lumaban."
Napatingin tuloy si Josef sa asawa. "Seryoso?" nagtatakang tanong ng lalaki. "We're here because you need release. Bakit ako ang palalabanin mo?"
"Lalaban ako sa Top 5. Sa ngayon, mabuburyong lang ako kapag mahina ang kalaban. Baka mabitin ako at maubos ko pati mga audience dito," seryosong sinabi ni Armida. "Hindi naman kasi puwedeng pumatay, sabi nila."
"At sabi ko rin," paalala na naman ni Josef. "Mananapak ka lang naman, di ba?"
Isang walang ganang tingin ang ibinigay ni Armida sa asawa niya. "Kung mananapak lang din naman ako, ikaw na lang sana ang hinamon ko." Ibinalik niya ang tingin sa ibabang arena. "At least, I know, alam kong pagpapawisan ako."
"Ha-ha!" sarcastic na natawa si Josef at itinulak ng hintuturo ang ulo ng asawa niya. "Sana sinabi mo kahapon pa. E di sana, nakapag-sparring tayo."
Hindi na pinansin ni Armida ang sinabi ng lalaki. Naburyong lang siya sa mga batang nag-aaway sa ibaba. "Boring." Pagtingin niya sa screen, sila na ang lalaban. "Hahanapin ko lang yung bata, dito ka muna," utos niya kay Josef at inirapan niya ito bago tumalikod.
Lumakad na si Armida pababa sa corridor ng second floor ng Xaylem at isinuot na ang maskara niya.
"Fight 19! Jokermen Gang vs The Legendary Superiors Gang!" sigaw ng arbiter sa lahat gamit ang isang wireless mic.
"Whoohhh!!!"
"JOKERMEN! JOKERMEN! JOKERMEN! JOKERMEN! JOKERMEN!" sigaw ng crowd.
Mararamdamang maraming fans ang grupo dahil sa cheer at sigawan.
Napangiti na lang si Armida dahil inaatake na siya ng nostalgia sa mga sandaling iyon.
Nagkumpulan sa left side ng arena ang grupo ng Jokermen na pawang mga kabataang nasa edad na kinse hanggang beynte dos. May dalawang babaeng member at limang lalaki. May mga kulay ang buhok nila at may mga make-up na mukhang Joker ni Batman. Makukulay ang suot nilang damit at mukhang binibigyan nila ng effort ang outfit.
"JOKERMEN! JOKERMEN!"
Lumabas naman sa right side ng arena si Laby na nakasuot ng black mask na nakatakip mula mukha hanggang sa likod ng ulo. Hanggang itaas ng labi ang natatakpan ng mask niya kaya bibig lang niya ang nakikita.
"BOO!!!"
"Wala 'yan!"
"TALO NA!"
Nangibabaw ang pambo-boo nang lumabas si Laby.
Hindi na niya iyon inisip dahil sino nga ba sila sa lugar na iyon? Ang mahalaga lang naman ay mapagbigyan si Armida dahil sa request ni Josef, makahanap ng Superiors, at mahanap ang redeveloper niya.
Tumahimik naman nang lumapit si Armida sa tabi ni Laby. Parehas sila ng outfit kaya alam na alam na magka-gang sila.
"BOO!!!"
At biglang bumalik ang malakas na pambo-boo sa paligid.
"Kayo lang ba? Bago lang kayo, di ba?" maangas na sinabi ng isa sa mga lalaking Jokermen. "Tatlo ang minimum dito, madi-disqualify kayo niyan."
"Hayaan mo sila, Hans! Kahit pa sampu sila, matatalo rin 'yan!" sigaw ng isa pang lalaki.
"Hahahaha! Tama! Hahahaha!" At napuno ng tawanan ang grupo ng Jokermen.
"HAHAHAHA!" Isang malakas na tawa naman ang ginawa ni Armida kaya biglang tumahimik ang paligid. Klase ng tawa na parang sa mga villain sa mga fairytale na sapat na para sabihing kontrabida talaga siya sa eksena.
Napunta tuloy ang lahat ng tingin sa kanya.
"That's how you should laugh, kids," sabi ni Armida sa seryosong tono. "Hindi ako natatakot sa tawa ng mga bata, hmm. Adjust to my preference, please. Ang hihina kasi ninyo."
Tumaas lang ang kilay ng lahat sa kanya dahil isa sa pinakamalakas na grupo ang minamaliit niya.
"Nasaan na ang mga kasama n'yo?! Mga talunan!" galit ng sigaw ng isa.
"Ilabas n'yo na nang makapagsimula na tayo rito!"
"Gustong-gusto ko nang pumulbos ng mahihina!"
"Ilabas n'yo na!"
"ILABAS N'YO NA! ILABAS N'YO NA! ILABAS N'YO NA! ILABAS N'YO NA! ILABAS N'YO NA!" sigaw na naman ng crowd.
"Nasaan na ba si Josef?" tanong ni Laby.
"Naiwan sa taas," sabi ni Armida.
"ILABAS N'YO NA! ILABAS N'YO NA! ILABAS—"
Maya-maya, biglang may kung anong nanggaling mula sa taas at bumagsak sa gitna ng arena dahilan para magkalat sa hangin ang mga alikabok.
Natahimik ang buong Xaylem.
Tiningnan nila ang kung ano ang bumagsak na iyon.
Unti-unting tumayo nang diretso si Josef sa gitna ng arena at maangas na nagpamulsa habang tinitingnan pababa ang lahat ng member ng Jokermen.
Nagkatinginan sina Laby at Armida. "Grand entrance! Hahahaha!" Isang malutong na apir ang nangibabaw sa buong Xaylem mula sa dalawa.
"Ano . . . Laban na?" nakangitingsinabi ni Josef sa mga member ng Jokermen.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top