Little Conversation
Tapos na ang recess, pero para sa Class 4-F at kay Armida, buong araw silang lunch. Ang siste nga raw kasi, mahirap mag-aral kung walang laman ang tiyan. Kung tutuusin nga, buong araw silang kumakain habang sitting pretty lang sa room.
May mga nakahain sa teacher's table. May sherbet at peanut butter waffle. Supply ng estudyante niyang laging may pa-feeding program sa back row.
"Ma'am, what's with the face?" tanong ni James dahil napansin nito na nakabusangot ang mukha ni Armida.
"Magka-away ba sina Yoshikawa saka Havenstein?" usisa niya.
"Sino, ma'am?" gulat na tanong ni Eljand.
"Yoshikawa. Bingi ka na ba?" sarcastic niyang balik sa binata.
"Matagal nang magkaaway 'yon, ma'am!" malakas na sinabi ni James. "Pero sabi ni Chief, na-detention mo raw sila. Totoo, ma'am?"
Tumango lang si Armida at kumagat sa waffle niya.
"May girlfriend ba 'yon?" usisa na naman niya nang maalala ang eksena kanina sa cafeteria.
"Girlfriend?" Nagkatinginan ang mag-best friend.
"Mga feeling girlfriend?" sabi ni Eljand.
"Ay, maraaameee," sabay nilang sagot habang tumatango.
"Pero yung seryoso?" tanong ni James.
"Ah, walaaaaa," sabay pa nilang sagot with matching iling-iling pa.
"Oh." Tumango naman si Armida. "E sino yung mukhang prinsesang parang girlfriend niya kung makaasta?"
"Ah! Si Lexi mah loves!" masayang sinabi ni Eljand.
"Wow, mah loves, ha," nangingiting sinabi ni Armida
"Wala 'yon, ma'am, hindi 'yon sineseryoso ni Yoshikawa. Alam ng lahat na sila pero hindi naman talaga official. May mga fans club yung dalawa dito sa Byeloruss kasi si Yoshikawa yung naging Prom Prince tapos si Lexi yung Prom Princess last JS Prom. Bagay raw kasi talaga sila. Pero pang-showbiz lang yung dalawang 'yon, wala naman talagang commitment," tsismis ni James.
Tumango na lang si Armida at buong isinubo sa bibig ang natitirang malaking kagat ng waffle niya.
Bigla tuloy niyang naisip na kailangan pala niyang sabihan si Josef na ma-la-late siya ng uwi dahil sa sinabi ni Sir Geo. Hindi naman kasi niya alam na may ganoong practice pang gagawin samantalang hindi rin naman sila magtatagal sa area.
Kinuha niya ang phone sa bulsa at tinawagan ang number ng asawa.
"Hoy, tumahimik muna kayo, may tatawagan ako!" singhal niya sa lahat pero wala namang nakinig, maingay pa rin.
"Hello?" sagot sa kabilang linya.
"Hi, Josef!" nakangising sagot.
"O, why?"
"Ano kasi . . ." Napakamot siya ng batok at habang nakatingin kina Eljand at James na may sarili na agad mundo. "Ma-la-late ako ng uwi. Uhm, ano . . . puwedeng—"
Hindi pa nga niya tinatapos ang sasabihin niya nang biglang . . .
"Hindi puwede."
"BAKIT HINDI PUWEDE?!" gulat niyang reaction at nahampas pa ang mesa niya dahilan para pagtinginan siya ng mga estudyante niya.
"Sino 'yan, ma'am?" tanong ni James.
"Asawa ko," inaudible niyang sinabi kay James dahilan para magulat ito at tingnan ang katabi.
"I told you, susunduin kita mamaya, di ba? Ano na namang gagawin mo! Armida, nag-usap na tayo, di ba?"
Halos lamunin ng eye socket ni Armida ang mata niya kakapaikot dito.
"Kasalanan ko bang may practice kami? Saka dito lang ako sa school, di ako lalayo!"
"Ma'am! Yung Fuhrer?" Naglapitan naman sa kanya yung dalawa niyang estudyante para makitsismis.
"Yeah right. Tapos ano? Pupunta ka naman doon sa—" Pinutol na niya agad ang sinasabi nito.
"May practice kami ngayon sa Christmas event sa 20! 'Wag ka ngang paranoid!" inis niyang sinabi at pinagtatawanan na siya ng mga estudyante niya dahil naiinis na siya.
"Armida, hindi ako ma-pa-paranoid kung nagsabi ka ng totoo kagabi. Hindi puwede."
"Dito nga lang ako sa school! Bakit ba ayaw mong maniwala?!"
"Halaaaa, pinagagalitan na siyaaaa . . ." buyo pa ng isa niyang estudyante tapos nagtawanan naman yung mga nasa likod.
Idinikit ni James ang tainga niya sa likod ng phone para marinig ang boses ng Fuhrer. Si Eljand naman, sa kabilang tainga ni Armida.
Kinutusan niya agad si Eljand at tinakpan ang phone. "Tanga, doon ka sa kabila. Ano'ng tingin mo sa tainga ko, two-way?"
Sandaling natahimik sa kabilang linya. Nakarinig lang siya ng buntonghininga.
"Anong oras ka uuwi?" mahinahong tanong nito.
"Ewan ko. Hintayin mo na lang kasi ako sa bahay!" irita niyang sagot.
"Dude, naririnig mo?" tanong ni Eljand na panay ang kalabit sa kaibigan.
Tumango naman si James para sabihing oo.
"Ako naman," pagpipilit ni Eljand.
"Susunduin kita diyan sa school mo. Alam ko na 'yang mga ganyan mo. Mamaya, kung saang impyerno ka na naman pumupunta."
Lalong nainis si Armida dahil talagang wala nang tiwala sa kanya ang asawa niya.
"E di go! Pakialam ko! Maghintay ka diyan sa labas ng gate!"
Napatayo ng diretso si James at masayang tiningnan si Eljand.
"Shit, dude, pupunta rito yung asawa ni ma'am!" masayang sinabi ni James.
"Oy, sshh!" pag-awat ni Armida sa dalawang nag-ce-celebrate na. Pinagpapalo niya ang dalawa sa likod na nagtatatalon dahil ang gulo.
"5 p.m., nandyan na 'ko."
Inilayo niya ang phone sa tainga at tiningnan ang screen nito.
"Bahala ka sa buhay mo! I hate you!" sigaw niya sa phone na hawak sabay bato sa table.
Ang kulit ng asawa niya. Mas maigi na ngang umuwi na lang muna ito dahil hindi siya sigurado kung papapasukin ito sa loob ng Byeloruss samantalang taga-Diaeresis ito.
Alangan namang pagtambayin niya ang asawa niya sa may gate.
Kung tatalon naman ito sa bakod ng Byeloruss, wala rin naman kaso, basta ba huwag siyang kakausapin dahil ikakaila talaga niya ito kapag nagkataon.
"Waaah! Ma'am, pupunta rito yung asawa n'yo?" masayang tanong ni James habang niyuyugyog ang balikat ni Armida.
"Pupunta? Pupunta? Pupunta ba, ma'am?" dagdag pa ni Eljand na pumuwesto sa harap ng table para makita ang reaction ni Armida.
Nakakunot na nga ang noo ni Armida dahil sa inis, tuwang-tuwa pa yung dalawa.
"Ma'am, pakilala mo naman kami!" pakiusap ni Eljand.
"Mamaya!" iritang sinabi ni Armida at pinagpapalo sa braso ang dalawa. "Kaso may practice pa kami sa theater. Ewan ko kung saan maghihintay 'yon."
"Kami na lang bahala, ma'am! Text n'yo na rin para sure!"
Napabuga na lang ng hininga si Armida dahil wala naman siyang magagawa.
Samantala . . .
Para lang makapagtago si Laby sa mga alipores ni Lexi, nagpalit na lang siya ng PE shirt at pinanatili ang skirt. Dumiretso agad siya sa rooftop kung saan walang nakakatambay kapag naroon ang mga member ng DOC.
At kung sinusuwerte nga naman ay nandoon si Brent at nakahiga sa sahig habang nag-so-soundtrip. Nilapitan ni Laby ang binata at tumayo sa bandang ulunan nito.
"Hey." Sinipa nang mahina ni Laby ang balikat ni Brent.
Napadilat ang binata at nakita si Laby na nakatayo sa bandang ulunan niya "Ayos, a. Cycling shorts na black? Boring." Bumangon na sa pagkakahiga si Brent at tumayo na. "Ano na namang kailangan mo?" tanong niya habang pinapagpag ang likod.
Naglahad ng palad si Laby. "Hand me your device. I'll just remove the bug then I'll give it back to you again."
Tinitigan lang ni Brent ang palad ni Laby. Hindi siya umimik.
"Ibigay mo na dahil ayoko nang bumalik sa school na 'to bukas."
"And you think I'll give that to you?" ani Brent saka nag-angat ng tingin. "Ano 'ko, tanga?"
"Anong pangalan ng kapatid mo?"
"Why?"
"Baka kilala ko. Baka masabi ko kung bakit siya pinatay."
Tinantiya siya ng tingin ni Brent. "Baka masabi mo? Bakit? Sino ka ba?"
"Dalawa sa may hawak ngayon ng copy, like you, kapatid din nila ang nagbigay sa kanila. Si Li at si Yoshikawa. Kilala ko ang mga kapatid nila. Now, I want to know kung sino ang kapatid mo, at kung bakit sa iyo napunta ang copy. Malamang na may connect din siya sa original developer."
Hindi siya sinagot ni Brent sa halip ay tinitigan lang siya nito.
"Sige, I'll make a deal," kondisyon ni Laby. "Sabihin mo na lang ang pangalan ng kapatid mo, hindi ko na pipilitin ang pagbura sa software."
No comment na naman.
Napabuntonghininga na lang si Laby at napailing.
"I own that software, I AM THE BRAIN," pag-amin ni Laby. "Namatay ang buong team ko para lang sa software na hawak mo ngayon. At nandito ako para lang mabawi ang pagmamay-ari ko." Naglahad na naman ng palad si Laby. "Give me the computer . . . please. Don't force me to take it from you in a very hard way."
Hindi tinanggal ni Brent ang pagkakatitig niya kay Laby. Mapait siyang natawa dahil parang biro lang ang sinabi ni Laby sa kanya. Hindi niya alam ang sasabihin. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya o ano.
"Ray. Ray Pearson," sagot ni Brent. "He's not my brother in blood, but legally adopted siya. Familiar?"
Biglang naibagsak ni Laby ang mga kamay. Para bang nawalan ng laman ang isipan niya sa mga sandaling iyon.
"Sino?" mahinang tanong ni Laby habang nakatulala sa sahig ng rooftop.
"See! Hindi mo siya kilala. Don't expect me to give the software to you." Naglakad na si Brent paalis sa rooftop dahil naistorbo na siya ni Laby.
Hindi makapaniwala si Laby sa narinig.
Ray Pearson. Si Ray Pearson ang kapatid na tinutukoy ni Brent.
Nakaramdam ng panghihina ng tuhod si Laby nang marinig ang pangalang iyon.
"Ray Pearson . . ."
Napahinto si Brent at napatingin sa entrance ng rooftop. Hinintay niya ang susunod na sasabihin ni Laby.
"Ray Pearson is . . ." Humugot ng malalim na hininga si Laby at napatingin sa langit. "He's my brother."
Sabay silang tumalikod ni Brent para makita ang isa't isa.
"Divorced na ang parents namin nang ipanganak ako. Etherin is my stepfather's name. My biological father died when I was two kaya ang kinilala kong ama ay ang ama ko ngayon."
Naningkit lang ang mga mata ni Brent sa mga sinabi ni Laby. Diskumpiyado pa kung totoo ang sinasabi nito o gumagawa lang ng kuwento. Hindi niya rin naman kasi alam ang past ng kuya niya kaya malay ba niya kung saang pamilya ito galing.
"Liar," sabi ni Brent at saka siya tumalikod ulit para tuluyan na talagang bumaba sa rooftop.
"The glories of our blood and state are shadows, not substantial things; there is no armor against fate; death lays his icy hand on kings:"
Biglang napahinto si Brent sa paglalakad at gulat na tiningnan ang entrance ng rooftop.
"Scepter and crown must tumble down. And in the dust be equal made, with the poor crooked scythe and spade. Some men with swords may rap the field, and plant fresh laurels where they kill: but their strong nerves at last must yield: they tame but one another still."
Tumalikod na ulit si Brent at gulat na tiningnan si Laby na nanatiling nakatayo roon at may ni-re-recite.
"Early or late they stoop to fate and must give up their murmuring breath. When they pale captives, creep to death."
"The garlands, wither on your brow . . . " At sumabay na sa pag-re-recite si Brent ". . . then boast no more your mighty deeds. Upon death's purple altar now, see where the victor-victim bleeds."
Parang biglang lumamig ang hangin at hindi na nakapagsalita pa muna ang dalawa.
Tiningnan nila ang isa't isa. Puno ng pagtataka at gulat kay Brent. Puno naman ng lungkot ang kay Laby.
"He treated that poem as his prayer every night," malungkot na sinabi ni Laby. "Because that's the only leveler we honored: Death. Na kahit anong ganid namin sa posisyon, kapag dinalaw na kami ng kamatayan, wala kaming pamimilian kundi tanggapin siya sa ayaw o sa gusto namin. We can't be thankful living, because everyday living is another day counting to die."
Hindi na nakapagsalita pa si Brent sa sinabi ni Laby dahil lahat ng sinabi nito tungkol kay Ray ay tama. Nakabisado niya ang tulang iyon dahil lagi itong binubulong ng kuya niya sa langit tuwing gabi. Maganda ang message ng tula kaya raw nito iyon nagustuhan.
"Wala na 'kong pakialam kung hindi ka maniniwalang kapatid ko si Ray Pearson," matigas nang sinabi ni Laby at tumalim na ang tingin. "Ang kailangan ko rito ay burahin ang software dahil 'yan ang dahilan kung bakit sila namatay. At hindi rin ako magdadalawang-isip na patayin ka mabawi ko lang ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ko."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top