Last Day

Linggo ng umaga, himala at maagang nagising si Laby para mag-almusal. Himala rin at nandoon si Sunny na kabababa lang ng hagdan.

Tumulong na si Armida sa asawa niya dahil trainee pa rin daw ito hanggang ngayon. Kahit na kung tutuusin, pagdating nila sa Citadel, pagsisilbihan din naman sila roon.

"Saan ka galing kagabi, Shi-Sunny?" tanong ni Josef.

"May laban sila kagabi," sagot ni Laby at ininom na ang tinimplang kape dapat para kay Armida pero kinuha niya.

Bahagyang nagulat si Sunny dahil hindi niya alam kung paano nalaman ni Laby ang tungkol sa laban kagabi.

Natapos na sa paghahanda ang mag-asawa. Pag-upo ni Josef sa mesa, hindi niya maiwasang isipin na may dalawang dalaga sa mesa na inaasikaso nila ng asawa niya.

Magmula kay Zero, hanggang dito kina Sunny, puro mga bata pa.

Iniisip ni Josef na kung magiging ganoon ang anak nila-mga sakit sa ulo-parang hindi rin niya kakayanin.

"May all-star gang battle daw sa Monday," panimula ni Sunny. "Kasama kayo sa invited, ma'am."

Nagkatinginan ang mag-asawa. Magkasabay na nalipat ang tingin nila kay Laby na napahinto sa pag-inom ng kape pagtagpo ng mga tingin nila.

"Magtitimpla na lang ako ng bago para sa asawa mo," sagot agad ni Laby kay Josef. "Gusto mo pa ba?" alok pa niya ulit kay Armida.

"Pupunta ba tayo?" diretsong tanong ni Armida imbis na unahin ang kape.

Naibaba ni Laby ang mug at ngumuso habang pinalolobo ang mga pisngi habang nag-iisip. "Well . . ." Napatingin siya kay Sunny. "Pupunta ka?"

Tumango naman si Sunny. "Pero para sa DOC. Wala na sa ranking yung Roses."

"Wow," gulat na sinabi ni Laby at napaurong pa. "Really?"

"Alam ni King na pupunta ka?" tanong ni Armida.

Alanganing tumango si Sunny.

"Para saan 'yang laban?" tanong ni Josef at nagsimula nang kumain.

"Ginagawa 'yon ng Xaylem taon-taon, sir," paliwanag ni Sunny. "December na kasi ngayon. Mas malakas ang pasok ng pera. Saka maraming may gustong makakuha ng mataas na title sa placing. Mas malaki ang ibabayad sa mga mananalo."

"Nakapag-usap na ba kayo ni King?" usisa pa ni Armida. "Magkasama kayo no'ng sinugod itong bahay, di ba?"

Umiling lang si Sunny. "Alam niya naman kung bakit hindi na kami puwedeng mag-usap."

"But you're best friends," dagdag pa ni Armida.

Mapait na napangiti si Sunny, bakas ang pagkadismaya. "Ma'am, sinabihan ko na siya na kung ayaw niyang magaya sa kakambal ko, iwasan na niya 'ko."

"Pero lalaban ka bilang Queen ng DOC."

"Pupunta lang, ma'am, hindi lalaban. May invitation naman ako e."

"Bilang Queen?" takang tanong ni Laby.

"Alam ng mga handler ng Xaylem kung sino ako. Kapag may laban ang DOC, nakakatanggap din ako ng alert. Saka nandoon ang tatay ko para manood."

"So, you're going," sabi ni Josef at natuon ang lahat ng atensiyon sa kanya. "Then we're going."





* * *




Monday na at hindi nila alam kung ano na ba ang bubungad sa kanila sa school. Pakiramdam nila, napakahaba ng sampung araw na pananatili roon.

Nakapasok na si Armida sa school, at pagbukas na pagbukas pa lang niya ng pinto ng faculty room, gulat na tingin na ang natanggap niya mula sa lahat ng naroon.

Nagtaas lang siya ng mukha at ipinakita ang pagiging dominante niya.

"Good morning, Miss Hwong!" masayang bati sa kanya nina Ma'am Daphne. "How's your weekend?"

Saglit siyang napahinto at napatingin sa mga ito. "What's with the concern all of a sudden?"

"Ah, ano kasi, Miss Hwong . . ." Biglang nailang ang mga ito at napahimas-himas ng mga kamay. Napasunod na rin ang mga ito ng lakad sa kanya nang magpatuloy siya ng lakad papuntang sariling cubicle.

"Kumusta si Mr. Zach?" tanong ni Ma'am Edgarda.

"He's doing fine. Why?" kaswal na sagot ni Armida nang mailapag ang gamit sa mesa.

"Ano naman . . . pasabi sa kanya, sorry."

"Hindi naman namin alam na mayaman pala talaga siya-kayo pala, I mean. Kayong dalawa."

"Na-explain naman ni Mr. Devero lahat."

"Oh," iyon lang ang nasabi ni Armida at saka nagkrus ng mga braso habang mataray na tinitingnan ang co-teachers niyang babae. "My husband was fuming mad last Saturday. At kung siya lang ang masusunod, pare-pareho niya kayong paaalisin sa trabaho n'yo rito."

"Miss Hwong, nagso-sorry na nga kami . . ."

"Hindi ako tumatanggap ng apology na para sa asawa ko." Inilapit pa niya nang bahagya ang mukha niya sa kanila. "Kung magso-sorry kayo, kausapin n'yo siya nang personal."

Lumabas na siya ng cubicle.

"Miss Hwong, saan ulit ang bahay n'yo?" tanong pa ng isa.

"Mayaman kayo, di ba? Nandoon siya Russia. Doon n'yo siya kausapin sa kastilyo niya."

"SAAN, MA'AM?"


***

Umagang-umaga, at talagang walang pagbabago sa Class 4-F. Wala pa man, parang mga pinatakas sa kural ang mga estudyante niya kung mag-ingay. Pagtapak na pagtapak ni Armida sa room, biglang tumahimik ang lahat.

"How's your weekend, guys?" masaya niyang pagbati at naglakad na papasok sa room.

"MA'AAAAM!" Binalya agad siya ni Eljand at niyakap siya mula sa tagiliran. "AKALA KO, PATAY KA NA, MA'AAAM!"

"Buhay ka pa pala!"

"Sana sinagad-sagad mo na bakasyon mo!"

"Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit absent ka, ha?"

"Sayang binabayad nila sa 'yo, di ka naman pumapasok!"

Hinampas niya agad si Eljand para bumitiw. "Tsansing ka nang bata ka."

"Ay-Sorry naman, ma'am," nahihiyang sagot ni Eljand sabay kamot ng ulo.

Pinagpag agad ni Armida ang suot niyang white blazer na bahagyang nagusot.

"Ma'am, galit pa asawa n'yo?" tanong ni Eljand.

"Nope. We're good," sagot niya naman at umupo na ulit sa mesa para tingnan ang buong klase niya. "Naging behave ba kayo no'ng absent ako?"

"Boo!"

Nagbalik na ulit ang klase niya sa gawain nito-ang balewalain siya at magsariling mundo.

"Nasaan sina Havenstein?" tanong niya agad. "Nasa rooftop na naman? Pasasabugin ko na yung rooftop para hindi panay ang tambay nila ro'n."

"Ma'aaaaaam!" Sa labas pa lang ng room, nangingibabaw na ang sigaw sa labas. Ilang saglit pa, biglang "MA'AM!"

Hayun at humahangos si James. Nakalahad na ang mga braso nito para yumakap sa kanya nang tumakbo ito papalapit.

"Ma'am, buhay ka pa, ma'am! Ma'am, na-miss kita-aray."

Sinalo agad ni Armida ng buong palad ang noo at mukha nito para pigilan na yakapin siya sabay tulak rito nang bahagya.

"Nakayakap na si Eljand. Huwag ka nang dumagdag."

"So, you're back."

Sabay-sabay silang napatingin sa direksiyon ng pintuan. Nakita nila roon ang grupo ni King.

"Alam mo, balak ko nang bombahin yung rooftop kung di pa kayo bababa," sabi ni Armida at bumaba na sa mesa. Kinalabit niya si James para utusang umupo na dahil magsisimula na siyang magklase.

"Wala kang record sa ospital," sabi ni King na nanatili sa pintuan. "Saan ka galing?"

Biglang napangisi si Armida dahil doon. "Why? Planning to send me some flowers?" Itinuro niya ang upuan nito sa likod. "You better take your seat. Kaya pa rin kitang itumba kasama ang buong grupo mo kahit pa putol na ang isang braso ko."

Kinuha na niya ang Stylus pen at nagsulat sa board ng "Christmas Presentation Matrix" na may naka-enumerate na position.

Pinanonood lang siya nina King habang papunta na ito sa upuan.

Nakarinig na siya ng pag-urong ng upuan mula sa likod.

Gumawa siya ng detailed chart sa e-board.

Sa isang box, nakasulat doon ang "Class 4-F President." May mahabang linya at nagdagdag pa siya ng maraming box na may nakalagay na "Production Manager," "Production Assistant," "Trainors," "Auditor," "Treasurer," "Sound Engineer," "Design Manager," "Designers."

Nang matapos ay ibinato na niya sa mesa ang pen at binalikan ang klase niyang nakatingin sa kanya kung para saan iyon.

"Walang nag-expect na sasali kayo sa event nila," panimula niya sa usapan. "But I don't want you to feel outcasted by those devils just because you are you." Itinuro niya yung mga kumanta noong nakaraang linggo. "May mga kumanta sa theater last time. You can perform for us."

"Ayaw nga nameeeen," reklamo ng mga ito.

"Napakarereklamador ninyo," reklamo rin niya sa kanila. "I'm trying to find a place for you in this school. Makisama kayo."

"Walang may pake," sabi pa ng iba.

"This could be my last day here. And as much as I want to stay, I can't. Be cooperative."

Biglang natigilan ang lahat at napatingin na sa kanya sa wakas.

"Ma'am?" malungkot na pagtawag nina James.

"Di ba, sinabi ko na, nandito ako because I have a mission," paalala niya kina James, hindi na inisip kung maririnig siya ng iba. "Tapos na 'yon. Sooner or later, susunduin na kami, aalis na kami rito sa area."

"Alam mo, para ka rin yung mga nauna sa 'yo e," sabi ni King sa kanya. "Mga wala kayong isang salita."

Nalipat kay King ang atensiyon ng lahat.

"Nagsabi na 'ko no'ng una pa lang na hindi ako magtatagal dito. Ayaw n'yong may magtagal sa inyong adviser kaya nga nakarami kayo ng teachers, di ba?"

"Pero, ma'am, gusto ka namin, ma'am!" pagmamakaawa ni James. "Ma'am, dito ka na lang, ma'am!"

Naging matipid ang ngiti ni Armida sa dalawang estudyante niya. "If I have a choice, I'll stay. May naghihintay pang parusa sa 'kin sa labas." Binalikan niya ang board at mahinang tinuktok iyon. "Ayaw sa inyo ng Director, ayaw sa inyo ng principal, ayaw sa inyo ng teachers. And I tried my very best to not give a single fuck about what they think about you and defending your asses every single time. I'll never get tired fighting for my people. So please, if you can't do this performance for me, do this for yourself."

Binalikan niya ng tingin si King. "Ikaw ang Class President. Guide them."

"Miss Hwong," pagtawag sa pinto at napalingon doon ang lahat.

"Yes, Ma'am Daphne?" sagot niya.

"Kakausapin ka raw ng Director," sabi nito.

"Para saan daw?"

"Sa resignation letter mo."

Saglit na napatingin sa ibaba si Armida bago nag-angat ulit ng tingin. "Sure. Bababa rin ako pagkatapos dito."

Nag-iwas agad ito ng tingin saka inilipat ang tingin sa klase niyang sobrang tahimik. Bahagya pang nagulat si Ma'am Daphne dahil noon lang niya nakitang tahimik ang mga ito at hindi nag-iingay.

Hindi gaya noon, mapayapa siyang nakaalis sa Class 4-F na hindi natatakot. Unang beses mula nang magsimula ang academic year nila.

Binalikan na ni Armida ng tingin ang buong klase niyang sa kanya na nakatingin.

Nakitaan niya ng pagkadismaya ang mga ito dahil sa narinig na balita.

Pare-parehas silang natahimik. Naghihintayan kung sino ang unang iimik.

"Bad shot na 'ko sa faculty," pagbasag na lang ni Armida sa katahimikan nila. "Kating-kati na nga silang palayasin ako. Mas kating-kati pa kaysa sa inyo. For sure, approved na yung resignation ko."

Naglakad na siya papunta sa pintuan. Nanatili pa ring tahimik ang buong klase niya.

"Lagi kong sinasabing walang bobo sa klase ko. And I'm not forcing you para maging model students gaya ng mga nasa 4-A," pahabol pa niya para sa kanila, "but I want you to be the best as you can be. Be it."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top