Intruder Alert

Maagang nag-dismissal sa Byeloruss, kalat na ang balita sa mga estudyante na may meeting daw ang faculty. Doon pa lang, alam na ni Laby na matatagalan si Armida sa school gaya ng inaasahan nila.

Hindi tumawag si Josef, ibig sabihin ay walang problema sa Diaeresis. Nakahinga siya nang sobrang luwag dahil sa wakas ay wala siyang problema sa mag-asawa na gagatong pa sa problemang dala-dala na niya sa mga sandaling iyon.

Alas-tres na ng hapon at gusto na lang matulog ni Laby dahil sobrang bigat na ng ulo niya gawa ng nabiting tulog. May laban sila sa Xaylem nang alas-sais, at sa dinami-rami ng lalabanan, yung Lavender Rose pa. Naglalakad siya papunta sa main gate at mukhang maglalakad na lang siya pauwi dahil wala siyang service.

Pinalaban na sila sa Top 8. Ibig sabihin, sineseryoso na sila ng handler. Hindi pa palalabanin ang DOC kaya talagang gagapangin nila ang Top 9 para lang makalaban ang Top 1.

At dahil target ni Riggs si Shiner, hindi sila puwedeng magtagpo-tagpo sa Xaylem. Malas lang dahil kapag hindi sila lumaban, hahabulin naman sila ng Xaylem mismo.

Kapag pumunta si Josef sa laban, malamang na manggagalaiti na naman si Armida.

Kung siya lang ang pupunta, walang kaso kay Armida. Ang kaso, nasa kanya ang kaso. Mabuti sana kung lumalaban talaga siya.

Kapag naman isinama si Armida, magiging madali sana ang lahat. Ang kaso na naman, habol ni Riggs si Shiner. At anak si Shiner ng handler ng Xaylem. At kapag kinanti ni Armida ang anak ng handler, panibagong kaso na naman ng pagbangga sa organization na iniiwasan nila.

Iniisip na lang niya na kung hindi sila lalaban ngayon, Xaylem ang hahabol sa kanila. At kung mangyari ito, ididirekta na sila sa handler para parusahan sa policy ng Xaylem sa bawat laban.

Mas magandang ideya na ito kaysa lumaban pa hanggang Top 1.

Pakiramdam niya, kasimbigat na niya ang bag niya kahit wala pa namang isang kilo ang laman niyon. Para pa siyang tatrangkasuhin. Masakit pa ang ulo niya, tapos gutom na naman siya.

Kahit yung 8 hours niyang tulog, kulang na kulang pa. Kung magtrabaho naman kasi siya, parang mamamatay na siya kinabukasan. Tapos lumaban pa sila kahapon kaya ngawit na ngawit ang braso at binti niya.

Kailangan niya ng pahinga kundi bibigay ang katawan niya nang wala sa oras.

"Hey, sweetheart!"

Napahinto sa paglalakad si Laby nang bigla siyang akbayan ng kung sinong hudas. Unti-unti niyang itinaas ang tingin niya at nakita niya ang ngiting-ngiti na si Ran.

"Nagbago ba isip mo, hmm?" nakangiti nitong tanong.

Wala sa mood makipagtalo ni Laby. Isa na namang heavenly eyeroll mula sa kanya at tinabig niya agad ang kamay ni Ran sa balikat niya. Nagsimula na uli siyang maglakad dahil tinatawag na siya ng higaan.

Saka na niya kokomprontahin si Ran. Huwag ngayon dahil kailangan ng utak sa pagkausap dito, at mag-shu-shutdown na ang utak niya. Mahirap kumilos nang hindi nagpaplano.

At kung kapatid nga ng kutong-lupa na ito si Li Yuan, may chance na hawak nito ang original copy. Pero kung si Yuan ang nag-redevelop, alam niyang hindi nito ibibigay ang delikadong software sa kapatid niyang loko-loko.

"Hindi ka rin pakipot, 'no?"

Hinabol siya ni Ran. Nakapamulsa ito at paatras na naglalakad habang nasa harap niya.

"Know what, hindi pa ipinapanganak ang babaeng hihindi sa 'kin."

". . ."

"Ano ba'ng problema mo?"

". . ."

"Maganda ka sana, snob ka lang."

". . ."

"Ayaw mo bang malaman kung sino yung redeveloper ng software?"

". . ."

"Ayaw mong makilala yung owner ng original copy?"

Wala na namang sinagot si Laby. Gusto na niyang magwala kaso tamad na tamad talaga siyang makipag-away.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Ran at huminto sa paglalakad. Kinuha niya ang kaliwang braso ni Laby dahilan para mapahinto rin ito.

"Ano'ng sinabi sayo ni Yoshikawa?" seryosong sinabi ni Ran habang nakatingin nang diretso sa mga pagod na mata ni Laby.

"Bakit naman nadamay rito si Yoshikawa?" tinatamad na tanong ni Laby habang sinasalubong ang seryosong tingin ng binata.

Tiningnan nilang dalawa ang isa't isa.

"Nakita kayo ng ibang estudyante na magkasama kanina sa garden. Hindi basta-basta nakakausap ng kahit sino si Yoshikawa unless interesado siya sa 'yo."

Tumango naman si Laby sa narinig. "Okay. Marami siyang sinabi. Karamihan tungkol sa software na tinanong ko sa 'yo."

Kumunot agad ang noo ni Ran sa sinabi ni Laby. "Nagsalita siya?"

"Gusto niyang mahanap ang killer ng kapatid niya." Hinawakan niya ang kamay ni Ran na nakahawak sa braso niya para tanggalin ito. "Kaya kung may gusto kang sabihin, puwede bang bukas na lang, hmm? Pagod ako. Masakit na ang ulo ko pati ang katawan ko. Promise, kakausapin kita bukas."

Binitiwan na rin siya ni Ran nang makita nitong mukhang pagod nga talaga siya. Wala ring lakas ang paghawak nito sa kanya para lang bitiwan niya ang braso nito.

"May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Ran.

No comment again.

Naglakad na lang si Laby palabas ng gate. Nakakaubos ng energy makipag-usap kay Ran. Gusto na talaga niyang matulog.

"Haaay . . ." Huminto siya sa kalsada at tiningnan ang building ng Diaeresis. "I want to sleep. Josef, pa-service . . . !" Inabot niya ang building sa hangin at napayuko siya dahil sa katamaran. 5 pa ang labas ni Josef at Armida. Doon pa lang sa paglalakad palabas ng main gate, napagod na siya. At pagod na siya para maglakad pauwi.

"Oy!" Nagulat siya nang may biglang humatak sa kanya.

Tiningnan niya ang kamay niyang hawak ng kung sino, kasunod ang humahatak sa kanya papunta sa loob uli ng school.

"Saan mo 'ko dadalhin? Sabi ko, di ba, bukas na tayo mag-usap? Li naman . . . napapagod na 'ko e . . ." tinatamad pero inis niyang sinabi.

Siya naman ngayon ang hindi sinagot. Tuloy-tuloy sila sa parking lot sa left side ng main gate sa loob ng Byeloruss.

"Ran naman . . . !"

Huminto si Ran sa isang gray na RAV4 Hybrid at binuksan ang pinto ng passenger seat. "Sakay."

Tiningnan lang siya ni Laby.

Napailing na lang siya at itinulak na lang si Laby papasok sa loob ng kotse. Hindi na nakapalag pa si Laby, wala na siyang laban. Sunod na sumakay si Ran sa may driver's seat.

"Saan ka umuuwi?" tanong ni Ran.

"Ibaba mo na lang ako sa may Jacey's."

"I'm asking you where do you live?" seryoso nitong tanong. Sandali siyang tinitigan ni Laby. Mukhang nawala na rin siya sa mood makipaglaro.

Humugot ng malalim na hininga si Laby at tumingin sa labas ng bintanang nakasara. "Sa Verdant. Lot 408."

Walang sinagot si Ran sa halip ay nag-drive na lang ito palabas ng gate.

Kahit na may issue si Laby kay Ran, hindi na siya tumanggi pa sa paghatid nito pauwi sa pansamantalang bahay nila. Ihahatid lang naman. At wala rin namang dahilan si Ran para dalawin siya roon oras na umalis na sila.

At hindi pa siya maglalakad.

Nag-seatbelt na lang siya dahil baka pumaraan pa si Ran sa kanya, mahirap na. Alam na niya iyang mga style na bulok na iyan.


***


Hindi pa sila nakakalayo sa Byeloruss, tulog na si Laby. Pagod na nga talaga sa dahil wala pang limang minuto ay bagsak na siya.

Sandaling hininto ni Ran ang kotse at isinuot ang sariling seatbelt niya. For safety lang, mahirap na, marami pa naman siyang kalaban sa area. Baka may makabungguan siya.

Hindi niya tuloy naiwasang tingnan si Laby na mahimbing na agad ang tulog.

Hindi niya alam ang gagawin niya.

Gusto niya itong halikan.

Gusto niya itong hawakan sa kung saan-saan.

Gusto niya itong dalhin sa lugar na walang makakapigil sa kanya sa kahit anong gagawin niya.

Pero ang mahirap kasi . . . kilala na niya kung sino si Laby. At alam niyang sobrang komplikado ng buhay nito.

Kaya matapos ng ilang masamang balak at ilang masasamang plano sa isip, ini-log niya agad ang address na sinabi ni Laby sa GPS ng kotse niya at saka siya nag-drive para iuwi si Laby sa kanila.

Fifteen minutes lang ang layo ng Byeloruss sa bahay nina Laby kapag nilakad. Pero inabot sila ng 34 minutes bago makapunta roon dahil hindi niya inaasahang sobrang higpit ng checkpoint sa gate ng subdivision at nagkaroon ng hanapan ng lisensya. Pasalamat na lang si Ran dahil naisipan niyang itago sa compartment ng kotse niya ang lisensya niya. Huminto ang kotse sa tapat ng isang townhouse house na painted in blue and white at may nakalagay na 408 na naka-engrave sa poste ng gate sa ilalim lang ng doorbell.

Bumaba agad si Ran at tiningnan ang paligid. Private subdivision iyon kaya hindi na nakapagtataka na kanto ang layo ng bawat bahay sa lugar.

May malaking wooden swing gate para sa sasakyan at may wooden single gate sa kaliwa nito. Lumapit siya sa single gate at nag-doorbell agad. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Walang sumagot o lumabas man lang sa bahay.

Nag-doorbell ulit siya at sinulyapan si Laby na tulog pa rin sa loob ng kotse. Tiningnan niya sunod ang relo dahil wala pa ring sumasagot o kaya lumalabas sa loob ng bahay. Naiinip na siya.

And since walang sumasagot o lumalabas sa bahay, sinubukan niyang buksan ang gate tutal mababa lang naman.

"O?" Nagulat siya dahil bumukas ang katabing mas malaking swing gate na parang pinapapasok siya pati ang kotse niya. Sinulyapan niya si Laby na tulog pa rin at saka ibinalik ang tingin sa gate na bukas na bukas na.

"Oh-kay . . . ?" Dali-dali na lang siyang sumakay uli sa kotse at nag-drive papasok sa loob ng bahay.

Nadaanan niya ang garden na sobrang lawak. Tiningnan niya kung saan siya puwedeng mag-park. Nakita niya ang isang malaking space na katabi lang ng gate kaya doon na lang niya naisipang mag-park.

Bumaba na siya at sinilip-silip pa ang buong paligid. Ang tahimik. Mukhang walang tao.

Umikot siya sa kabilang pinto para gisingin na si Laby.

"Hey, sweetheart." Niyugyog niya nang marahan si Laby para gisingin. "Yo."

Hindi magising si Laby.

"Etherin. Millicent. Huy."

Ayaw pa ring magising ni Laby.

"Psh." Tinanggal na niya ang seatbelt ni Laby. Inalalay niya ang braso sa likod nito at sa likod ng tuhod naman ang isa, at saka niya ito binuhat.

"Ayp—Ang bigat mo pala." Nahirapan siya sa pagbuhat kay Laby dahil unang-una, hindi naman siya sanay na nagbubuhat ng mabibigat; at pangalawa, may pagka-lampayatot pa siya. Cute lang siya, hindi weightlifter.

Hindi naman sobrang bigat ni Laby, weak lang talaga siya.

"Ay, shit." Hindi pa siya nakakalimang hakbang, bigla nang nagising si Laby.

"Uhm. T-teka . . ."

Dali-daling ibinaba ni Ran si Laby. Una, dahil gising na ito. Pangalawa, hindi na niya kaya.

Nagkusot-kusot pa ng mata si Laby at tiningnan ang paligid.

"Nasa bahay na ba 'ko?" tanong ng dalaga habang nililingon ang paligid.

"Tama naman ako ng pinasukang bahay, di ba?" curious na tanong ni Ran.

Tumango naman si Laby, hindi para sagutin si Ran, kundi dahil feel lang niyang tumango.

"A-ano . . ." Napahawak sa batok si Ran at saka itinuro ng kabilang kamay ang pinto ng bahay. "Puwedeng makiinom ng tubig?" nahihiyang sinabi ni Ran. "Hiningal ako. Ang bigat mo pala."

Parang walang narinig si Laby pero sinenyasan pa rin niya si Ran na sumunod sa kanya.

Pagtapat nila sa pinto . . .

"Whoah." Nagulat siya dahil bigla itong bumukas nang kusa.

Tuloy-tuloy na pumasok si Laby at sumunod naman sa kanya si Ran na parang noon lang nakapasok ng bahay ng tao kung makalibot ng tingin.

Naramdaman na ni Ran ang pangangawit ng braso niya dahil sa pagkakabuhat kay Laby. "Aish." In-stretch-stretch pa niya ang braso. Feeling macho kasi.

Inilibot niya ng tingin ang buong loob ng bahay. Isa-isang nagbukasan ang ilaw. Bigla ring bumukas ang air-con.

"A-yos."

Hinubad agad ni Laby ang maliit niyang backpack at hinagis sa single-seater sabay higa sa katapat nitong sofa. Itinuro niya ang kusina para kay Ran. "Ikaw na ang kumuha ng tubig mo. Tapos lumabas ka na."

Napakunot ng noo si Ran dahil sa sinabi ni Laby "Ayos . . ."

At dahil may permission ni Laby, pumunta nga talaga siya sa kusina para humanap ng maiinom. Diretso agad siya sa ref . . .

"Wow, puno." Kinuha niya ang isang pineapple juice in-can na nasa pinto ng ref at uminom.

Tumatango pa siya habang nililibot ng tingin ang kusina at ang hagdan paakyat sa second floor.

And because of curiousity, naisipan niyang libutin sandali ang bahay. At dahil hindi mapapansin ni Laby na aakyat siya sa taas, dumire-diretso nga siya paakyat.

Napansin niyang may dalawang pinto sa kaliwa niya at mini library naman ang sa kanan kasama ng isang malaking space na walang kahit anong laman. Sinubukan niyang buksan ang parehong kuwarto kaso parehong naka-lock. Maliban doon, wala na siyang ibang tinangka pang gawin.

Bumaba na lang ulit siya para balikan si Laby na nakaidlip sa sofa.

"Tama ba 'ko ng napasukang bahay?" tanong niya sa sarili. "Di kaya—"

Napahinto siya nang biglang may humawak sa batok niya mula sa likuran habang may nakatutok sa likod niyang hindi niya sigurado kung ano.

"Who are you?" tanong ng nakahawak sa kanya. Boses ng lalaki—malaking lalaki dahil buo at mabigat.

Sinubukan niyang tingnan sa gilid ng mata niya kung sino ang tao sa likod niya.

"Hinatid ko si Millicent dito sa bahay niya," sagot ni Ran.

"Millicent?"

Patay. Mukhang mali nga ako ng bahay na pinasukan.

Binitiwan na rin siya ng taong nakahawak sa kanya. Sinulyapan niya sandali ang likod niya at saka naghanap ng kahit anong maihahampas sa paligid. Nakita niya yung display na vase sa gilid at mukhang makakatulog ang kahit sino kapag naihampas iyon sa ulo.

"Classmate ka ba niya?"

Hindi na niya inabot ang vase sa halip ay hinarap na lang yung humawak sa batok niya. Mukhang kilala nito ang tinutukoy niya.

"Uh." Napatingin siya pataas dahil hanggang balikat lang siya ng taong ito.

"Ikaw ba ang nagdala sa kanya rito?" tanong sa kanya ng lalaking mestizo, may maamong mga mata, at mukha namang mabait.

Tumango na lang si Ran. "Question: Puwedeng malaman kung sino kayo? Saka dito ba talaga nakatira si Millicent? Baka kasi mali kami ng napasukang bahay."

"Ah, I'm Josef. Guardian ako n'on." Itinuro nito si Laby. "You. Whole name?"

"Li Xiao Ran. Ran is enough." Sinundan niya ng tingin si Josef habang papalapit kay Laby. "Dito talaga siya nakatira?"

"Sa ngayon, yes. Why?"

"Questions: Sa ngayon? Bakit? Aalis din ba siya?"

"Aalis din KAMI, soon." Tinantiya siya ng tingin ni Josef. Mukhang napapansin din nito na may something si Ran kay Laby. "You know what, kid, I know Catherine is pretty and all, but if you're interested with her, mas mabuting kalimutan mo na. Hindi siya puwedeng magkaroon ng involvement sa kahit sino rito."

Napakunot agad ng noo si Ran at dumepensa. "I'm not saying anything!"

Humalukipkip naman si Josef at nagtaas ng tingin. "You're not saying anything, but I can see it in your actions and your words with meanings. Hindi ka magtatanong kung hindi ka interesado." Itinuro ni Josef ang pinto. "Salamat sa paghatid mo sa kanya. You can go now."

Hindi umimik si Ran. May bigla tuloy siyang naalala. "You said you're Josef . . ."

"And so?" taas-kilay na tanong ni Josef.

Nagdududa ang tingin ni Ran. Lalong naningkit ang mga singkit na niyang mata. "Boyfriend ka ba ni Millicent?"

"What?" nalilitong tanong agad ni Josef at napahilig ang ulo sa kaliwa para silipin kung nasaan natutulog si Laby. Ibinalik niya ang tingin kay Ran. "I'm married."

"Asawa mo siya?!" gulat na tanong ni Ran.

"Oh God," napasapo agad ng noo si Josef. "Kid, my wife is teaching right now sa Byeloruss. I am also teaching in Diaeresis." Itinuro niya agad si Laby. "We're the guardian of this kid here. Now get lost."

Hindi pa rin kumilos si Ran. Lalong nagduda ang tingin niya kay Josef.

"What are you doing here? May plano ba kayo sa lugar na 'to?" mapagdudang tanong ni Ran.

Nagpamaywang na si Josef at itinuro ang pinto. "If you don't want me to throw you outside our house, you better walk right through that damn door peacefully. I won't regret beating the hell out of you, kid."

Nagtaas na ng mukha si Ran. Lalo siyang nagduda.

"Millicent is here to traced her redeveloper. Matagal na ako sa area, bago lang ang mukha ninyo. For sure, may pakay kayo rito sa lugar."

Napataas agad ng kilay si Josef dahil marunong mag-isip ang loko-lokong si Ran.

"Out. Now," mariin ang pagkakasabi ni Josef habang tinuturo ang pinto.

"I know how to deal with people . . . sir," sarcastic na sinabi ni Ran habang may maangas na ngisi sa isang dulo ng labi. "Millicent is a professor sa isang sikat na university abroad. She knew what she's doing, hindi niya kailangan ng guardian. I may not know who you really are right now, but eventually, I will. I have my ways of knowing the truth. And if you're into illegal and unlawful things, I have my ways of exposing it. Don't dare me . . . sir."

Napapaling sa kanan ang ulo ni Josef at napansing mukhang hindi lang basta-bastang estudyante ang nasa harapan niya.

Nagkasukatan ng tingin ang dalawa.

"Huh." Maangas na natawa nang mahina si Josef saka umiling. "Then take your time finding out the truth . . ." Itinuro na naman niya ang pinto. ". . . outside. Now!"

Hindi talaga nagpatinag si Ran. Sa halip ay naglabas lang siya ng phone at mabilis na kinuhanan ng picture si Josef.

Gumamit siya ng smart lens para ma-detect ang mukha ni Josef.

"What the hell are you doing?!" malakas na sigaw ng lalaki at dali-daling lumapit kay Ran.

"I told you . . . sir!" Tumakbo agad papasok sa kusina si Ran habang nakatutok sa phone. "Ah! Richard Zach!" Dumiretso siya sa likod ng mesa at tiningnan si Josef. "And you call yourself Josef? Liar!" Ibinalik niya ang tingin sa phone. "Richard Zach, huh! An ar . . . tifact collector?"

Biglang natigilan si Ran at takang-takang tiningnan si Josef na nasa kabila ng mesa at nakasimangot na nakatingin sa kanya.

Ibinalik niya ang tingin sa phone at nag-scroll pa ng top result.

Puro Richard Zach ang lumabas, at isang mayamang tao ang Richard Zach na iyon. Isang sikat na artifact collector, may recent article tungkol sa possible appearance sa Criasa Marine, may article din tungkol sa pagiging missing in action nito sa nakaraang anim na buwan. Pero three months ago pa ang article. May article din about sa infamous Herring's Eyes na connected dito. May related article tungkol kay Erajin Hill-Miller. Pero walang nakapaskil na mukha para dito. May isa pang related article na nasa ilalim ng main result. Doon niya nakita ang mukha ni Millicent Etherin—si Laby.

Lalo tuloy napuno ng pagtataka ang mukha ni Ran. Ilang sandali pa ay ibinaba na niya ang phone at hindi pa rin inalis ang nagdududang tingin kay Josef.

"Last warning," banta ni Josef, "lalabas ka nang buhay o hindi ka na makakaalis ng lugar na 'to kahit na kailan."

Napabuga ng hininga si Ran at tumango na lang. "Aalis na . . . sir."

Dahan-dahang naglakad paalis ng kusina si Ran. Hindi man lang inalis ang masamang tingin kay Josef.

"Ayoko nang makita ang mukha mo rito sa loob ng bahay na 'to," huling banta pa ni Josef bago pa man buksan ni Ran ang pinto. "And leave Catherine alone."

Masamang tingin lang ang sinagot ni Ran sa mga pagbabanta ni Josef.

Kukulangin siya ng oras kung doon niya kikilalanin ang lalaki. Mas mabuti nang gawin niya iyon sa labas—doon sa makakapag-research siya nang maayos.

-----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top