Hardest Part of Being Bad
Kung may isang bagay na pinagsisisihan si Josef sa unang araw niya sa Diaeresis, iyon ay ang outfit na napili niya. Kaya naman hindi na niya sinubukan pang magpanggap na matino at studious na lalaki. Isinuot na lang niya ang nakasanayan niyang ayos noon pa man. Imbis na vest, isinuot na lang ang laman ng tokador niya sa bahay. Isang navy blue Desmond Merrion Supreme Bespoke na custom-made para lang talaga sa kanya bilang Fuhrer, na kung tutuusin ay isusuot lang dapat niya kapag may importanteng okasyon. Pinaresan pa iyon ng brown alligator skin Testoni men's dress shoes, at Girard-Perregaux Quasar Light Tourbillon watch na 18 lang ang inilabas sa buong mundo. Inayos niya ang maalong buhok at halos babaran ng wax para maging slick buong araw. Sa damit pa lang, para na siyang naglalakad na bilyones at halos panindigan niya ang pagiging si Richard Zach.
Ayun tuloy, nakanganga ang mga estudyante niya sa kanya habang nakatayo siya at bahagyang nakaupo at nakasandal sa teacher's table. Mukha kasi siyang a-attend sa photoshoot ng isang magazine para sa mayayamang tao.
Kasalukuyan siyang nagbabasa ng hawak na World Literature book. Ang kaso, imbis na magturo, nagbasa na lang siya nang makitang maganda ang lesson. Hindi naman nagreklamo ang klase niya dahil busy rin sa pagtitig sa kanya.
"Excuse me, sir."
Napalingon silang lahat sa may pinto. Kahit si Josef at naalerto at napatayo nang diretso dahil sa nag-excuse. Ang principal.
"Yes, madame." Ibinaba na ni Josef ang libro sa table at lumapit na sa pintuan.
Nakita niya si Madam Principal na may kasamang babae na tantiya niya ay nasa apatnapu mahigit na ang edad. Mukha namang may-kaya base sa ayos. Hindi mukhang sobrang yaman, hindi rin naman mukhang mahirap. Maayos manamit, simpleng floral dress. Hindi mamahalin ang hand bag, hindi rin maganda ang kalidad ng kuwintas at singsing kahit pa hindi peke.
"Gusto ko sanang sa maayos na lugar kayo makapag-usap pero may kanya-kanya rin naman tayong trabaho kaya . . ." Tiningnan ni Madam Principal ang ginang at nagtanguan na lang sila habang si Josef ay hindi alam kung ano ang meron.
Matapos lang niyon ay nauna nang umalis ang principal. Naiwan si Josef at ang ginang.
"Uhm . . ."
Pansin ni Josef na hindi mapakali ang ginang. Kagat nito ang labi habang nakatitig sa kanya.
"Yes?" asiwang sinabi ni Josef.
Nagitla siya nang biglang kinuha ng ginang ang kanang kamay niya. Hindi niya alam ang ire-react kasi windang din siya sa nagaganap.
"Maraming salamat sa pagligtas sa anak ko, sir! Maraming-maraming salamat!" mangiyak-ngiyak na sinabi ng ginang.
"Ah." Tumango-tango naman si Josef. Iniisip na ito malamang yung nanay ng nag-suicide attempt kahapon. "You're welcome, Mrs. Glorioso." Ngumiti na lang si Josef at pinipilit na bawiin ang kamay niya sa ginang, kaso ayaw talagang bitiwan.
"Alam kong kulang ang salamat para sa ginawa mo sa anak ko. Kung may gusto kang hilingin, handa akong ibigay iyon bilang kabayaran sa ginawa mong pagliligtas sa anak ko," fully-emote na pagkakasabi ng ginang.
"Uh . . . hehehe. Hindi na ho kailangan. Kahit sino naman ho, gagawin ang ginawa ko." Unless matapang din sila at kaya rin nilang tumalon mula sa third floor.
Naiilang na si Josef habang pinipilit na bawiin ang kamay niyang ayaw talagang bitiwan ng ginang.
"Hindi! Sige, sabihin mo, handa akong ibigay ang lahat," sabi sa kanya ng babae habang unti-unti itong lumalapit nang sobra sa kanya.
"Ah, hindi ho. Masaya na ho ako sa kung anong meron ako ngayon," asiwang sinabi ni Josef habang paatras nang paatras.
Gusto na tuloy niyang patulugin ang babae para lang mabawi ang kamay niya at makaalis na. Iba na ang dating sa kanya ng nangyayari.
"Misis, may klase ho ako ngayon," mariin niyang sinabi habang sapilitang hinahatak ang kamay niya. "Gusto ko pa ho sanang makipag-usap kaso busy ho ako . . . Busy ako, sobrang BU-SY!" Nahaltak na rin niya sa wakas ang kamay niya sa ginang at umatras pa siya nang kaunti.
"Pero, sir—" Hahabulin pa sana niya si Josef.
"Hwop! Lass mich in ruh, ach du lieber himmel!" Umiling agad si Josef habang nakaharang ang dalawa niyang palad sa babae para pigilan ito sa paglapit sa kanya. "You already showed your gratitude. That is enough, ma'am. Hau ab."
Ang babae naman ang naasiwa sa kanya dahil sa kilos niya.
"You said your thanks, I accepted it. Solve na tayong dalawa roon, misis. Wala akong hihilinging kahit ano, at mas lalong wala kayong dapat ibigay. Alright?" Itinuro niya ang klase niya. "May quiz ho kami ngayon at kailangan na ho ako ng klase ko. Sana ho nasa maayos na lagay na ang anak ninyo. At kung may dapat ho kayong bigyan ng atensiyon ngayon, ang anak n'yo ho iyon. Mas kailangan niya kayo ngayon. Now. Exactly this moment. This very moment. Sige ho. Geh mir aus den augen."
Bumalik na lang si Josef sa table niya dahil baka kung ano pa ang masabi niya't makasama sa pansamantalang trabaho niya.
"Sino'ng may hand sanitizer sa inyo?" tanong agad ni Josef sa klase niya.
"Sir, ako po!" May nagtaas ng kamay sa likod. Lumapit sa kanya si Josef at halos ipaligo sa kamay ang sanitizer.
Kinuha niya rin agad ang panyo sa bulsa niya sabay punas sa kamay. Kawawa naman daw kasi yung kamay niyang nagahasa.
"So ein misthaufen," irita niyang sinabi habang pinapagpag ang kamay. Pagharap niya sa klase niya, mga takang-takang nakatingin sa kanya. "Was zur holle."
"Sir, may sinusumpa ka ba?" tanong pa ng isa sa harap.
"Nothing," inis niyang sinabi saka kinuha ulit ang binabasa niyang libro. "Read page 157 and answer the questionnaires."
***
Break na ngayon at nasa rooftop siya. Pinagkaguluhan na siya kahapon, at mukhang mas lalo siyang pinagkaguluhan ngayong mas pinili niya ang normal na ayos niyang hindi pala normal na nakikita sa Diaeresis. Tamang desisyon talagang nagbaon siya ng pack lunch para hindi na siya makikisiksik pa sa cafeteria.
Napaisip siya kung bakit walang tumatambay sa rooftop samantalang mas madalas nga iyong tambayan ng mga estudyante. Anyway, wala siyang pakialam dahil ang mahalaga ay makakain siya nang mapayapa. May lilim sa entrance kaya hindi siya babad sa tirik na tanghaling araw. Malamig pa ang hangin sa itaas. Presko.
"Hey, sir. Dito ka na naman?"
Napahinto siya sa pagkain nang magpakita na naman si Shiner sa harap niya at nag-indian seat gaya ng ginawa nito kahapon. Mukhang ito lang ang tumatambay sa rooftop.
"Kumain ka na?" tanong ni Josef.
"Puwede na 'to." Itinaas nito ang hawak na sour candy.
"Hindi ka mabubusog diyan." Iniabot ni Josef ang isang chicken sandwich niya kay Shiner at ang baon niyang pineapple juice in can.
Tinitigan lang ng dalaga ang iniabot niya.
"Kumain ka," utos ni Josef at nagpatuloy na siya sa pagkain ng ginawa niyang taco salad pizza.
"Sir, gusto ko yung isang may ham na mukhang masarap." Tinuturo naman ni Shiner ang Montecristo sandwich na nasa baunan ni Josef.
Choosy pa.
"Sana sinabi mo agad." Kinuha ni Josef ang baunan at binuksan para kay Shiner. "O, pumili ka na lang."
Ang laki ng baunan ni Josef, may apat na klase ng sandwich at may rice meal din. Ngumiti lang sa pagkain si Shiner at dali-daling nitong kinuha sa baunan ang sandwich na gusto nito. Kinain nito ang sandwich na parang isang buwan na itong hindi nakakatikim ng pagkain ng tao.
Slow-mo ang pagnguya ni Josef habang pinanonood si Shiner na takaw na takaw sa pagkain.
"Pinakakain ka ba sa inyo?" usisa ni Josef habang nakatitig sa punong-punong bibig ng dalaga. Inalok pa niya ang nakalapag na juice para makanguya at makalunok ito nang maayos.
"Hindi ako umuuwi sa 'min," sagot ni Shiner kahit na puno pa ang bibig. "Pahihirapan lang ako ng tatay ko kapag bumalik ako sa bahay." Saka lang siya uminom ng juice.
"Anong klaseng tao ba yung tatay mo?" tanong ni Josef.
Tiningnan siya sandali ni Shiner. Iginilid nito ang tingin at mukhang magsasalita na, kaso naisipang mas mabuting manahimik na lang.
"Sige na, hindi ako magugulat," sabi ni Josef habang pinagpapatuloy ang pagkain.
Umiling lang si Shiner. "Di n'yo maiintindihan, sir. Malamang na lalayuan n'yo na rin ako kapag nalaman n'yo."
Napahinto si Josef dahil sa isang iglap, nakita niya ang sarili niya kay Shiner noong bata pa siya.
"Di n'yo maiintindihan . . . malamang na lalayuan n'yo na rin ako kapag nalaman n'yo."
Simula nang lumabas siya sa Citadel, iyan na lang ang lagi niyang bukambibig sa lahat ng nagtatanong kung sino ba talaga siya.
Hindi isang magandang bagay ang pagnanakaw, at hindi rin naman maipagmamalaki sa lahat ang kaya niyang gawin. Hindi katanggap-tanggap sa lipunan ang katayuan niya noon. Nagtatago siya sa anino ng lahat para lang maitago ang totoo niyang pagkatao.
Para sa isang batang napipilitan lang sa ginagawa, hindi proud na sabihin sa lahat na isa siyang magnanakaw. Walang makakaintindi sa kanya, dahil ang unang-unang makikita nila ay hindi ang kaawa-awang bata na si Rynel Josef Malavega kundi ang masamang tao at kriminal na si Shadow.
"Criminal ba ang father mo?" tanong ni Josef.
Hindi na naman siya sinagot ni Shiner, sa halip ay nagtuloy na lang ito sa pagkain. Kunwari ay walang narinig.
"Anong klaseng kriminal ba ang tatay mo?" tanong uli ni Josef.
Wala na namang sinagot si Shiner at uminom na lang ng juice para iiwas ang sarili.
"My father was a thief. He was declared as the Greatest Thief of All Time," kuwento ni Josef. "Soon after that, naging parte siya ng malaking crime organization."
Napahinto sa pagnguya si Shiner at tinitigan nang diretso si Josef.
"I was once listed as Top 1 of Most Wanted Criminals. Banned din ako sa seven countries," seryosong dugtong ni Josef.
"Sir . . ." Natawa nang mahina si Shiner na parang ayaw pang maniwala sa kuwento ni Josef. Umiling din siya para sabihing ayaw niyang paniwalaan ang mga sinabi ni Josef.
"When I was a kid, my parents forced me to be the best." Nagbukas siya ng isang butones sa damit at itinuro ang isang mahabang peklat sa dibdib niya. "An assassin was sent to kill me when I was eleven. I got it from that person. I stole an important jewelry that time." Sinunod niya ang pabilog na peklat sa kanang balikat. "Another assassin shot me after I steal something important from everybody. It's a miracle I was still alive after that—and it was really a huge twist marrying that assassin."
Isinara niya ang binukas na butones at iniwan pa ring nakabukas ang dalawa sa itaas.
"I killed so many people for the past decade of my life while protecting mine. Now, tell me, ano yung hindi ko maiintindihan sa gusto mong sabihin?"
Natigilan sa pagnguya si Shiner at nakatitig lang nang taimtim kay Josef. Nagulat siya sa lahat ng sinabi ng guro. Nabitiwan tuloy niya ang kinakain dahil sa lahat ng sinabi ng kausap. Pero nasalo agad ni Josef ang sandwich na nalaglag at naibalik uli ito sa baunan para hindi na madumihan.
"Kriminal ba ang tatay mo?" tanong uli ni Josef.
Tumango na lang si Shiner bilang sagot sa tanong niya.
"Anong klaseng kriminal siya?"
"Kriminal talaga kayo?" windang na tanong ni Shiner.
"Does it matter?" tanong pa ni Josef. "Wala rin namang kaso kung kriminal ako noon kasi teacher ako ngayon. Pero yung tatay mo, hanggang ngayon . . ." Hindi na niya tinapos ang sinasabi dahil naiintindihan naman na ni Shiner ang gusto niyang sabihin.
"Pinapatay ng tatay ko ang lahat ng bumabangga sa kanya at threat para sa family namin. Ginagawa niya iyon para sa pera at sa kapangyarihan," naiilang na sinabi ni Shiner. "Gusto niyang umangat—laging umangat sa iba. Pumapatay siya para lang masabing nakakatakot siya."
Napatango na lang si Josef at matipid na ngumiti. Para bang naiintindihan niya ang sinasabi ni Shiner. "I married an assassin. Kaya naming pumatay, but killing people is not as easy as that."
Tiningnan lang siya ni Shiner. Tinitingnan nito kung seryoso ba talaga siya sa sinabi niya.
"Anong pakiramdam ng pumapatay, sir?" seryosong tanong ni Shiner.
Siya naman ngayon ang tiningnan nang diretso si Shiner. Humugot siya ng hininga at tumingin na lang sa langit. "Kapag pumapatay ka, bumibigat lahat. A bullet will never be just a piece of powdered metal. A knife will never be just a sharp object. Your hand will lift the weight of someone's soul, and you will carry that weight for the rest of your life."
Para bang lumungkot ang mukha ni Shiner sa sinabi ni Josef.
"Bakit? Inutusan ka na ba?" dagdag na tanong ni Josef.
Tumungo lang si Shiner at bahagyang umiling. "Tumakas ako, sir."
Nagbuntonghininga si Josef at napatango na lang. "Kung ano man ang inutos sa 'yo ng papa mo, huwag mong sundin. Tama lang na 'wag ka munang umuwi sa inyo." Magtutuloy sana sa pagkain si Josef nang may maalala. "Saan ka pala tumutuloy ngayon?"
Umiling lang si Shiner. "Wala akong permanenteng tinutuluyan, sir. Minsan natutulog ako sa park tapos mag-pa-part time sa mga resto para may pangkain. Tapos nag-pa-part time din sa laundry shops para libre laba ng damit. Saka pumupunta ako sa Xaylem para kumita ng malaki-laking pera."
Iniisip ni Shiner na bago lang si Josef sa area. Kung mabanggit man niya, malamang na hindi ito pamilyar.
Ang kaso . . .
"Member ka ng gang?" tanong ni Josef na ikinagulat ng dalaga. Hindi mukhang nagulat si Josef kahit noong nagtanong ito. Para bang nagtanong lang ito para makasigurado.
Napatingin sa sahig si Shiner bago sumagot. "Bihira lang akong lumaban doon, sir. Kaya nga nasa 7th place pa lang ang grupo namin. Lagi kasi akong pumupusta lang." Mapait na napangiti si Shiner at matipid na kumagat sa kakukuha ulit niyang sandwich na nailaglag niya kanina. "Bali-balita sa Xaylem na naghamon yung last placer kahapon. Sila rin yung bagong gang. Kasama sa pitong lumaban yung Top 9 at Top 8 na pinabagsak lang ng isang member nila. Wala kaming choice kundi lumaban mamaya."
Unti-unting kumunot ang noo ni Josef dahil sa sinabi ni Shiner. Sila lang naman ang lumaban sa pitong grupo.
Kinuha ni Shiner ang phone niya sa bulsa para tingnan ang text sa kanya mula sa handler ng Xaylem. "Sabi dito, Legendary Superiors daw ang lalabanan namin." Nginitian niya si Josef. "Ini-invite kita mamaya sa Xaylem, sir.' Itinuro niya ang kaliwang direksiyon niya. "Sa dulo ng skyway. Sa may abandoned area. Nood ka ng laban namin."
Hindi agad nakasagot si Josef at parang sinala ang lahat ng dugo niya sa katawan dahil sa narinig kay Shiner.
"Kung ako lang, di ako lalaban. Kaso hahabulin yung grupo ko ng namamahala roon kapag di kami pumunta. Sila ang papatay sa amin." Ibinalik ni Shiner ang phone sa bulsa at itinaas ang sandwich. "Salamat sa pagkain, sir. Hatid ko na lang ulit kayo sa klase pagtapos nating kumain. Mas guwapo pa naman kayo ngayon kaysa kahapon."
Matamis na ngiti ni Shiner ang halos bumasag sa puso ni Josef nang mga sandaling iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top