Hangover
Masamang tingin ang natatamo ng lahat ng nadadaan ni Armida. Naisuot na niya ang white long-sleeves na hindi na niya nai-tuck in pa ulit. Nagtali ulit siya ng buhok at naibalik na sa bulsa ang panyo niya.
Pagbalik niya sa puwesto ng dalawa niyang estudyante . . .
"Ma'am!" sigaw ng dalawa na malalaki ang ngiti at kumakaway pa. Nagmadali ang dalawa sa pagsalubong sa kanya.
"Ma'am, saan ba kayo nagpunta?!" sigaw ni James.
"Sayang, ma'am, hindi n'yo napanood yung laban ng third member!" dugtong ni Eljand.
"ASTEEEG!" sabay pa ang dalawa sa pagsigaw sabay hirit ng malutong na apir.
"Suit ko," aniya at kinuha na kay James ang pinaiwan niyang damit dito.
Naglakad na siya palabas ng Xaylem habang nasa gilid niya ang dalawa niyang estudyante na halatang tuwang-tuwa sa napanood.
"Galing talaga!" bilib na bilib na sinabi ni James.
"Kita mo kung pano pinalipad yung pito?" kuwento ni Eljand habang nandidilat pa ang mga mata.
"Ay, wala 'yon d'on sa kinuha niya sa leeg yung isa!"
"Hindi! Mas astig yung sinuntok niya sa dibdib yung marami!"
"Mas astig kaya yung wapak!" Ginaya ni James kung paano yung hampas sa batok na ginawa ni Armida. "Grabe, lupet talaga, man!"
"Idol talaga. Salute!" Sumaludo pa si Eljand sa hangin.
"Alam kong astig si King, pero mas astig si No. 99. Siya na ngayon ang idol ko."
"Saka ang sexy niya."
"Ang hot niya tingnan kahit nakatakip yung mukha niya."
"Saka, dude, tangkad! Ka-height niya halos yung Fuhrer! Pang-beauty queen!"
"Para yatang naka-reserve siya at hindi talaga late."
"Dude, I think I'm in love," sabi ni Eljand habang nakalagay ang kanang palad sa dibdib at nakatingin sa taas. "Ligawan ko kaya."
"Asa ka namang papatulan ka n'on! Hindi mo pa nga kilala e!" sabi ni James.
"Kilala ko! Si No. 99 nga siya, di ba!"
"E ano'ng tunay na pangalan?"
"E . . . ano . . ." Napakamot ng ulo si Eljand dahil sa tanong ni James. "Itatanong ko sa susunod nilang laban! Problema ba 'yon?"
Patuloy sa pag-describe ang dalawa sa nangyaring laban.
At si Armida? Seryoso lang ang tingin sa daan paakyat sa entrance ng Xaylem.
Maingay pa rin sa ibaba, magsisimula na kasi ang susunod na labang napaaga dahil sa kanya.
Hindi niya inimik sina Josef. Hindi rin naman siya hinabol.
At kahit ang mga papuri nina James, hindi rin rumerehistro sa kanya sa mga oras na iyon.
Usap-usapan sa paligid ang paghahamon niya, at ang sinabi niyang noon lang nagbago ang policy ng Xaylem para sa laban ng LSG.
Pakiramdam niya, sinasadya ng handler ng Xaylem na palabanin sila sa pitong gang nang sabay-sabay. Wala namang kaso sa kanya kung mga bata at mahihina ang lalabanan, pero ang biglang baguhin ang rules dahil sa kanila?
Bakit kailangang baguhin? Ano ang mayroon sa grupo nila para baguhin ang rules?
Nasa labas na sila ng Xaylem at naglalakad pabalik sa bagong kotse na bigay ni Armida.
"Sayang, hindi tayo tumaya," sabi ni James.
"Okay lang, sulit naman yung laban!" masayang sinabi ni Eljand.
"James, Eljand."
"Yes, ma'am!" Sumaludo na naman ang dalawa.
"Ginugutom na 'ko."
"Ay, libre na namin kayo, ma'am!" sabi ni Eljand habang nakasaludo pa rin at nakatayo pa nang diretso.
Sumakay na si Armida sa kotse ni Eljand at agad na silang dumiretso sa isang resto na pagmamay-ari ng kuya ni James, na nagkataong malapit lang sa tinutuluyan nina Armida sa lugar na iyon.
Maganda sa loob ng resto, wooden ang mga mesa at upholstered ang six-seater couch kung saan naupo ang tatlo na sa may tabi ng glass wall. Magkatabi sina James at Eljand at nasa harap naman nila si Armida.
"Ma'am, nakahanap kayo ng restroom kanina?" tanong ni James habang sumusubo ng order niyang spaghetti. "Mahirap humanap ng restroom ng babae sa Xaylem e."
"Kaya siguro kayo natagalan, ma'am, sayang," panghihinayang ni Eljand.
"Yeah," tamad na sagot ni Armida habang ninanamnam ang order niyang garlic bread na isinawsaw sa sauce ng lasagna. "Anyway, sino ang Top gang ng Xaylem ngayon?"
"Ma'am, yung DOC!" proud pang sagot ng mag-best friend.
"DOC?" takang tanong ni Armida at napahinto sa pagnguya.
"Ma'am, hinamon pala ng isang member ng LSG kanina yung DOC!" kuwento agad ni Eljand dahil hindi nga raw niya napanood.
"Sila yung Dark Orion Cards, ma'am. At leader nila si King," dagdag ni James habang tumatango-tango pa.
"Si King na . . . Havenstein?" Naghalo na ang pagtataka at gulat sa tono ni Armida.
"Yes, ma'am!" masiglang tugon ng dalawa.
"Ba 'yan, dude! Talsik mo lumalaway!" singhal pa ni Eljand sa katabi.
"Ganito kasi 'yan, ma'am," sabi ni James at bahagya pang lumapit sa mesa para makabulong nang maayos kay Armida. Nakilapit din si Eljand para makinig. "Matagal nang hindi napapabagsak ang DOC sa Xaylem-"
"Marami ba sila?" putol ni Armida.
"Yes, ma'am." Si Eljand ang sumagot. "Member nila sina Queen, Spade, Jack, Clubs, tapos si Diamond."
"Si Diamond, bihira lang naming makita sa laban," dagdag ni James.
"Kilala n'yo silang lahat?" usisa pa ni Armida.
"Yes, ma'am," sagot ng dalawa at tumango naman agad.
"Si Spade si Brent," panimula ni James. "Si Clubs si Chief. Si Queen si Sunny. Si Diamond . . ." Napatingin siya kay Eljand. "Kilala mo ba?"
Umiling lang si Eljand para sabihing hindi.
Bumalik si James kay Armida. "Hindi pala namin kilala si Diamond, ma'am."
"Wait a minute," putol ni Armida sa usapan. "Mga classmate n'yo sila, di ba?"
Tumango naman ang magkaibigan.
"Sino si Sunny?" tanong agad ni Armida.
"Si Sunny yung anak ng handler ng Xaylem, ma'am."
Napaatras si Armida at napahalukipkip habang pinaniningkitan ng mata ang dalawang estudyante niya. "Soliman yung Sunny."
Tumango naman ang mag-best friend.
"Ibig sabihin, nasa Top gang ang anak ng handler ng Xaylem."
Tumango ulit ang mag-best friend.
"Ma'am, biased ako sa LSG, pero DOC ang kakampihan ko oras na tanggapin nila ang hamon ni No. 99," sabi ni James.
"Oo nga, ma'am," segunda ni Eljand.
"Why?" takang tanong ni Armida. "Malakas ang LSG, tingin n'yo ba, matatalo nang ganoon kadali nina King sina No. 99?"
Umiling ang magkaibigan.
"Grupo ni King 'yon, ma'am, e" sabi ni James sa tinig na kahit alam na niyang malakas ang humamon na grupo nina Armida, kampi pa rin ito sa classmate niya. "Hindi naman 'yon sa kung sino ang mas malakas, ma'am. Nandoon 'yon sa kung kanino ka susuporta."
"Si King, maangas talaga 'yon, pero 'pag nakilala mo na, mabait talaga," sabi ni Eljand habang nakatitig sa tinidor niya.
"Bully si King, pero kapag ginalaw ka ng iba, makikipag-basagan siya ng mukha, maiganti ka lang," kuwento ni James habang pinaglalaruan ang spaghetti niya. "Lalo na 'pag alam niyang sakop ka niya."
Napaawang ng bibig si Armida habang tumatango.
Habang tumatagal, lalong umaangat sa sinasabi nina James ang dahilan kung bakit nga ba karapat-dapat maging Superior si King.
"Matalino 'yon. Sobra."
"Nag-Top siya sa buong school dati, ma'am. Pinakamatalino sa lahat ng student body. Sophomore pa lang kami noon, tapos Junior na siya," sabi ni Eljand.
"Kaso nag-repeater siya, hindi dahil bumagsak siya sa grades kundi dahil binugbog niya yung gagong PE teacher na nangmanyak doon sa muse ng klase nila."
"Expulsion nga dapat yung parusa sa ginawa niya kaso ang daming nagreklamo. Siga si King, pero maimpluwensiya 'yon sa mga estudyante."
"Tanda mo noong nagwelga yung buong student body?" sabi ni Eljand habang tinuturo si James.
"Shit, doon ko nga nakilala si Clarisse! Tsk! Sayang, lumipat na yung family niya sa Canada." Umiling si James habang nakangiti. "Liligawan ko sana."
"Kahit ligawan mo 'yon, di ka sasagutin n'on. Dreamboy n'on si Yoshikawa. Walang-wala ka pa sa dulong-dulo ng dulo ng kadulo-duluhan ng dulo ng ingrown ng kalingkingan sa paa ng mayabang na hapon na 'yon," sabi ni Eljand.
"Ang bait mo, dude. Mami-miss kita talaga kapag namatay ka," sarcastic na sinabi ni James habang tinatapik ito sa likod.
"'Wag kang mag-alala, dude. Di mo 'ko mami-miss kasi isasama kita sa finish line," nakangiting sinabi ni Eljand habang nakikitapik na rin sa likod ng kaibigan.
Nag-aambahan agad ng kutos ang dalawa habang si Armida at patuloy lang sa pagkain.
Napaisip si Armida sa sistema ng sitwasyon nila ngayon.
Nasa Top gang ang anak ni Isidore Soliman-ang handler ng Xaylem. Kung pababagsakin niya ang anak nito, magiging problema naman sa kanila na isa na namang organisasyon ang hahabol sa kanya.
Malamang na magiging problema na naman nila ni Josef iyon.
"Nasaan pala si Sunny?" tanong niya agad sa dalawa dahil hindi pa niya ito nakikita. "Kilala n'yo ba? Student sa Byeloruss?"
"Ma'am, ang balita namin sa Queen, pinag-aral na siya sa America," sagot agad ni James.
Naningkit agad ang mga mata ni Armida sa narinig.
Wala sa area ang anak ni Isidore Soliman. Pero may nabanggit si Laby kagabi lang.
"By the way, heads up lang. Nasa area yung kapatid ng asawa mo."
"Bakit daw?"
"Target yung anak ni Isidore Soliman. Utos ng President."
Ibinalik niya ang tingin sa mag-best friend. "May kapatid ba si Sunny?"
Tumango naman ang magkaibigan.
"Dalawa lang sila. May kakambal si Sunny, ma'am," sabi ni James. "Kaso patay na."
"Patay na ba si Shiner?" tanong pa ni Eljand.
"Dude, ang late mo naman mangalap ng balita."
"Sorry naman, dude, di naman ako tsismosong gaya mo."
Sandaling natahimik si Armida. Napaisip siya.
May kakambal si Sunny, pero patay na.
Dalawa lang daw ang anak ni Isidore Soliman.
Kung ganoon, sino ang target ni Riggs sa area na anak ng handler ng Xaylem?
Hindi maglalabas ng mission ang President kung hindi ito definite sa information, lalo pa't anak mismo ni Thompson ang ipinadala nito sa area.
"Alam n'yo ba kung bakit pinadala sa America si Sunny?" usisa ni Armida.
Umiling si Eljand. "Hindi kami sure, ma'am."
"Tingin nga namin, ma'am, nilalayo lang si Sunny kay King," dagdag ni James. "Alam kasi ng school admin na mafia yung pamilya ni King."
"Ay, dude! Hindi!" gulat na sinabi ni Eljand at sila na namang mag-best friend ang nag-uusap na parang wala si Armida sa paligid. "Di ba, may issue sa mga Havenstein saka sa mga Soliman?"
"Ay, dude, di ka pa pala tsismoso niyan, ha!" sarcastic na sagot ni James.
Si Armida, patuloy lang sa pagkain habang pinanonood na magtsismisan ng mag-best friend.
"Si Sunny naman yung gumawa ng DOC, di ba? Hindi naman si King."
"Shit, oo nga pala!" Napasuklay ng buhok si James nang may maisip bigla. "Kaya pala nalaman ng pamilya ni King yung Xaylem!" Humarap na ulit siya kay Armida. "Ganito kasi 'yon, ma'am . . ." Nagmuwestra pa siya ng kamay habang nagkukuwento.
Si Armida, tango naman nang tango habang nakikinig.
"Gusto kasing pabagsakin ni King yung mafia ng tatay niya. Tapos si Sunny, gusto niyang talunin yung daddy niya. Nag-collab yung dalawa kaya nabuo yung DOC."
Napahinto sa pagtango si Armida nang makarinig ng pamilyar na eksena.
"Pero idea ni Sunny," dagdag ni Eljand. "Kasi ayaw talaga ni King ng grupo dati. Para siyang lone wolf."
Napataas ang isang kilay ni Armida. "Kung si Sunny pala ang bumuo ng DOC, bakit siya ang wala ngayon?"
"Ang iniisip kasi ng lahat, ma'am, si King ang nag-impluwensiya kay Sunny para sumali sa gang," sabi ni James.
Napatango-tango na lang si Armida.
May mali pa rin sa kuwento ng dalawa, at bumabagsak iyon sa anak ni Isidore Soliman.
Wala sa DOC ngayon ang anak ni Isidore Soliman, kaya kung lalabanan ng LSG ang DOC, ayos lang. Wala silang magiging kaso sa handler ng Xaylem kahit lumpuhin pa niya ang sarili niyang mga estudyante.
Ilang saglit pa, nahagip ng paningin niya sa direksiyon ng pintuan ng resto ang pamilyar na mukha na may kasama pang isa na namang pamilyar na mukha. Sinundan lang niya ito ng tingin habang naglalakad.
Napatingin sa kanya yung dalawa niyang estudyante at nilingon ang tinitingnan niya.
"O!" Itinuro ni James yung kapapasok lang na dalawa.
"'Yan yung bago sa A, di ba?" sabi ni Eljand habang sinusundan ng tingin yung kapapasok lang.
"Shit, dude, bully 'yan e. Ginulpi niya sa likod sina Fajed," sabi ni James habang nakasunod pa rin ang tingin doon sa dalawang naghahanap ng mauupuan sa bandang gitna ng resto.
"Paano mo nalaman?" tanong ni Eljand.
"Nakatago ako roon sa may garden hedges. Pinanonood ko sila."
"Teka, sina Fajed? E mga gagong manyak 'yon, a!"
"Oo nga. Binati nila 'yang bago kanina e. Kaya nga hindi sila nakapagsumbong, mas kasi yari sila."
"A, nasa modus ka na naman, ha," sabi ni Eljand. Tiningnan nila ang isa't isa sabay ngisi at fist bump pa.
Ibinalik na nila ang tingin doon sa dalawa na umupo na sa pangatlong table sa kaliwa mula sa kanila.
"Kaso may kasama," puna ni Eljand.
"Sa tingin mo, boyfriend niya?" tanong ni James habang nakatingin pa rin sa dalawa.
"Engot. Matanda na para maging boyfriend."
"Baka tatay?"
"Bugok, bata pa para maging tatay niya."
"Baka kuya niya."
"Hindi sila magkamukha. Ginto nga buhok niya, brown naman sa kasama. Bulag ka ba?"
"Oh, shi-" Napaayos ng upo ang dalawa nang lumingon sa puwesto nila yung dalawang pinag-uusapan nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top