Fuhrer's Rage

Masama ang tingin ni Josef sa daan nang bumalik siya sa loob ng bahay. Nagkalat ang mga katawan sa labas, napuno ang magandang hardin nila ng mga nakahandusay na katawan.

Pagbalik niya sa loob ng bahay, naabutan niya sa may kusina ang asawa niya na nagpupunas ng sarili. Hindi na ito nakasuot ng blouse kundi puting sando na pang-ilalim nito.

Napalalim ang paghugot niya ng hininga nang makitang panay ang agos ng dugo sa kaliwang balikat nito at may daplis din sa leeg.

Nanatili lang siya sa gitna ng sala, nakatitig nang matalim sa asawa niyang nakipagtitigan lang din sa kanya.

"Masaya ka na, hmm?" galit na tanong ni Josef.

"You handled it well," seryosong pagbati ni Armida at kinuha ang duguang blouse at pinantapal sa balikat nito.

Ang daming gustong sabihin ni Josef sa asawa niya dahil sa problemang inabot nila ngayong gabi. Sa sobrang dami, nawalan na siya ng ganang magsalita.

"Armida," pagtawag sa likuran at isa-isang naglabasan doon sa maliit na entrance ang mga bisita nila.

"Ma'am!" pagtawag nina James at Eljand pero natigilan nang makita ang mga bangkay sa sahig.

"Shi—" Hindi na nakapagpigil si James at sumuka na sa may lababo sa dami ng dugong nasa sahig.

"Tara dito," pag-aya ni Laby at kinuha ang braso ni Armida. Hinatak niya ang babae sa mesa at pinaupo roon.

Nagtulakan sina Brent para makatapak na sa sala—o kung saan sana na wala silang makikitang bangkay kahit na puro bangkay sa sahig.

Tumungo si Laby sa banyo na katabi ng kitchen at pagbalik niya ay may dala na siyang medicine kit.

"Dude, I think I went to the wrong neighborhood," sabi ni Brent habang tinatakpan ng nakakuyom na kamao ang ilong niya. Ang tapang ng lansa sa kusina gawa ng dugo.

"Ma'aaaam!" pag-iyak nina Eljand. "Mamamatay ka na ba, ma'aaam?"

"Mukha ba 'kong namamatay?" sarcastic pang sagot ni Armida kahit na ayaw huminto ng pag-agos ng dugo sa leeg at balikat niya.

Nakatitig lang din si King sa mukha ni Armida na parang hindi man lang nakararamdam ng sakit. Kung siya iyon, baka nakangiwi siya at namimilipit sa sakit. Sa lagay na iyon, wala pang gamot na binibigay kay Armida.

Si Ran, nagkusa na at kumuha ng metal basin sa cabinet saka sumahod ng tubig sa gripo.

"Kuya . . ." pagtawag ni Riggs sa kapatid niyang naroon lang sa gitna ng sala at nakatingin pa rin kay Armida.

Inilapag ni Laby ang medicine kit sa mesa, kasabay ng paglapag ni Ran ng basin.

"What are you doing?" takang tanong ni Laby.

"I'm helping," pa-cute na sagot ni Ran at nakuha pang ngumiti pero agad ding nawala nang punitin niya ang duguang blouse ni Armida at ibinabad sa tubig ang parteng malinis pa.

Umismid lang si Laby at kumuha ng tweezers para kunin ang bala sa balikat ni Armida.

"Nah," pag-awat ng babae. "Okay lang."

"Ano ka ba?" inis na tanong ni Laby. "Nakabaon pa sa balikat mo—"

Napanganga na lang silang pare-pareho nang dukutin ni Armida gamit ang hintuturo ang butas sa balikat niya.

Napalunok na lang si Ran at napahinto sa pagpunas sa sugat ni Armida sa leeg habang harap-harapang nakikita ang ginagawa ng babae.

Si James, napatakbo na naman sa kitchen sink para sumuka dahil sa ginagawa ni Armida.

Lalong kumalat ang dugo sa katawan niya. Ilang segundo lang at ibinato niya sa basin na dala ni Ran ang bala.

"Pakitahi na lang," pakiusap ni Armida at tiningnan ang dalawang estudyante niyang taga-4-F na nakanganga lang sa kanya matapos makita ang ginawa niya.

Biglang nag-rewind kay King ang lahat ng ginawa niya noong first day ni Armida sa Byeloruss. Kinilabutan tuloy siya.

"You killed them using a radish, and now, you took that bullet out of your own flesh using your finger," sabi ni King sa kanya sabay lunok. "You're a monster."

Kahit sina Ran at Laby ay napatingin kay King nang sabihin iyon. Siguro ay alam nila na kung may tamang description kay Armida, iyon na iyon. Pero masyado nang obvious para sa kanila na alam na nga nilang mala-halimaw ito, ipagdidikdikan pa ang katotohanang iyon sa kanya na parang pinili nitong maging ganoon.

"Yes, I'm a monster," kaswal na sinabi ni Armida. "See you in my class tomorrow at ayoko ng late."

"Hindi ka papasok bukas sa school."

Pare-pareho silang napatingin sa direksiyon ni Josef na sa wakas ay umimik na rin.

Kanya-kanya sila ng pagkunot ng noo at sabay-sabay na nakaramdam ng kilabot na gumapang mula sa gulugod paakyat sa batok pagapang sa braso.

"Please, tell me, hindi lang ako ang kinakabahan ngayon," sabi ni Ran habang nakatingin kay Josef. Napasulyap tuloy sa kanya silang lahat dahil kung sasagot sila ay pareho lang silang sasagot ng "Ako rin."

"Umuwi na kayo," kalmadong sinabi ni Josef. "Gabi na, malamang hinahanap na kayo sa inyo."

Napalunok na lang silang pare-pareho at napayuko. Tipong wala silang magagawa kundi yumuko lang dahil ayaw nilang tingnan nang diretso si Josef. At kung tingnan man ito nang diretso ay magiging kasalanan para sa kanila iyon.

Si Armida lang ang nanatiling nakatingin sa kanya nang diretso. Pero hindi rin naman ikakaila ng asawa niya ang nararamdaman. Parang may kung anong madilim na aura ang pumapalibot sa kanya kahit na kalmado lang naman siya.

Naglakad siya papalapit sa mesa.

Kanya-kanya naman sila ng atras dahil habang papalapit si Josef ay pataas nang pataas ang mga balahibo nila sa katawan at lalo silang kinakabahan. Hindi nila maiwasang mapalunok. Para bang nakalimutan nilang lumalaban pala sila bilang mga gang member.

Pakiramdam nila, si Josef naman ang papatay sa mga oras na iyon dahil para itong binalot ng nakatatakot na aura habang papalapit sa kanila.

"Shiner," mahinahong pagtawag ni Josef.

"Y-Yes, sir," kinakabahang sagot ni Shiner na nakayuko lang.

"Umakyat ka na sa kuwarto mo," utos nito.

"Y-Yes, sir . . ." Matipid ang lakad ni Shiner paakyat sa hagdan. Saglit pa muna niyang nilingon si Josef. Gusto pa sana niyang magtanong at magpaalam na aalis na dahil siya ang dahilan ng gulo pero hindi na niya tinangka.

Alam naman niyang nakakatakot ang tatay niya—pero mula nang nagkaisip siya, noon lang yata siya nakaramdam ng takot na nanunuot hanggang laman.

"Umuwi na kayong lahat," mahinahon niyang utos.

"Kuya—"

Isang masamang tingin lang ang isinagot niya kay Riggs na ikinatupi nito at napayuko na naman.

"Out," huli niyang utos. "NOW."

Nauna nang maglakad paalis si Ran dahil mukhang walang may balak kumilos sa kanila. Sumunod na agad sa kanya ang mag-best friend. Sunod si Brent at Yoshi. Huling-huli si King na nakuha pang sumulyap sa mag-asawa bago tuluyang lumabas ng bahay.

Pare-parehong tikom ang bibig nila nang lakarin ang garden na pulos mga nakahandusay rin na tao ang naroon. Iyon ang hindi nila napansin kanina kung paano nangyari.

Pero mga walang tama ang mga iyon. Hindi duguan.

Kung tutuusin ay walang duguan sa mga iyon. Parang mga nawalan lang ng malay.



Paglabas nila ng gate na sira na . . .


"Sheeeet!" malakas na sigaw ni Eljand at halos isubsob ang sarili sa kalsada. "Yung puso ko, guuuuys! Yung puso koooo!" reklamo niya habang nakahawak sa dibdib.

Napasandal si King sa dingding ng single gate at ibinuga na rin sa wakas ang pinakamabigat na hiningang inipon niya sa tanang buhay niya.

"Damn," bulong ni King habang nakatingin sa kawalan. Sinuntok pa niya nang dalawang beses ang dibdib niya dahil sa lakas ng pagtibok nito. Umaasang pahihinain ng suntok ang abnormal na tibok niyon.

"Dude, I'm outta here," pagsuko ni Brent habang nakataas ang mga kamay. "Nasa loob pa yung bag ko, pero hindi na ako papasok doon ever."

Doon nila napansing oo nga at naiwan nila sa loob ng bahay ang mga gamit nila.

Pero gaya nga ng sabi ni Brent, wala na rin silang balak bumalik pa roon.

"They're fucking weird," naiiling na sinabi ni King at sinukuan na ang ideyang normal na tao ang mga nakatira sa bahay na iyon.

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top