Followers

Understatement kapag sinabing bulong-bulungan sa Byeloruss na tahimik buong araw ang Class 4-F, at higit sa lahat, nandoon at payapang nagtuturo si Armida habang nasa loob si King Ace Havenstein na promotor ng pagpapalayas sa mga teacher.

Ang buong akala niya, solve na ang problema niya dahil napatahimik niya ang klase niyang pulos demonyo ang mga estudyante. Malay ba niyang iyon pa ang magiging dahilan para gisahin siya ng Director—na hindi niya mapatahimik dahil pinanonood sila ng buong faculty. Para tuloy siyang batang pinagtutulungan habang nakasandal siya sa dingding ng cubicle niya.

"Sir, pumunta ako ro'n kanina at muntik na akong batuhin ng notebook ng isa sa mga estudyante niya," sumbong ni Ma'am Daphne.

"Tinamaan ka ba?" mahinahon nga pero sarcastic naman ang tono ni Armida. "Hindi, di ba? Familiar ka sa salitang thanks?"

"But that is not the point, Miss Hwong," kontra agad ng Director.

"Then what is the point, Mr. Director?" mahinahon pa rin niyang tanong kahit bali na nga ang hawak niyang lapis na kanina pa niya kuyom-kuyom. "Wala pa rito ang lawyer ko. Why don't we see that as our silver lining in this situation, hmm?"

"May nakapag-video na sinugod ka sa cafeteria ng mga estudyante mo," dagdag ng Director.

"Yes, Mr. Director. At walang nasaktan. Hindi ako natamaan, hindi nataaman kahit isang daplis ang mga estudyante ko. We're just playing along."

Nagtimpi ang Director at nag-isip na naman ang ibabato kay Armida. "But they're—" Nagduro pa ito sa kanya.

"They're savages . . . barbarians, brutal, sadists, animals." Tumango pa si Armida. "That's what you think they are."

"They are demons!" nanggigigil na sinabi ng Director sa kanya habang dinuduro siya. "You don't have any idea of who they really are!"

Sumigaw na ang Director kaya naglayuan na ang mga teacher. Alam nilang magiging seryoso na ang usapan nina Armida. Nagkanya-kanya na ito ng kuha ng mga bag para mauna nang umalis. Baka kasi madamay pa sila sa sermon.

Naging pabor pa tuloy sa kanya ang ang nangyari.

"And you know?" taas-kilay na tanong ni Armida sabay halukipkip na parang siya naman ang nananantiya dahil para bang natatakot ang Director sa kung ano ang mayroon sa klase niya.

"Let's say . . ." Nag-isip pa si Armida ng sasabihin. "I know how to tame those kids. Can we settle to that fact?" Itinuro niya ang kaliwang direksiyon. "Yung principal, tinawag na tanga ang estudyante ko. May utak yung mga batang 'yon." Dinuro niya ang kinatatayuan niya. "I am here to teach those kids. Your school chose me to teach those kids." Humakbang pa siya palapit sa Director na ikinaatras nito. Lumapit pa siya rito para bumulong. "So don't dare question how I do my job if all you did was to rest your inutile ass on your goddamn chair the whole day." Umatras na siya at nginitian nang matamis ang Director na napupuno ng ngitngit sa mga mata dahil sa kawalan niya ng respeto. "Balita ko, hawak kayo sa leeg ng mga Havenstein."

Bumakas ang takot sa buong mukha ng Director dahil sa sinabi niya at bigla itong nag-iwas ng tingin.

Doon pa lang, alam na niyang tama ang hinala niya.

"Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman nila ang trato n'yo kay King?" proud pa niyang sinabi sabay halukipkip. Ngayon, siya na ang mukhang nanenermon sa Director.

"Miss Hwong," may pagbabantang pagtawag sa kanya ng Director.

"I'll keep my mouth shut if you let this pass. Don't mind me, I don't mind you." Kinuha na niya ang gamit niya saka sinilip ang relo. Malapit nang mag-alas-singko.

Maangas niyang ibinalik ang tingin sa Director na pigil na pigil ang galit sa kanya. "Pagsisisihan mo 'to, Miss Hwong. You don't know what you are doing."

"No, Mr. Director. I know." Buong pagmamalaki at ngiting-ngiting naglakad paalis ng faculty si Armida.

Base sa napag-uusapan nilang dahilan ng mga estudyante niya, ang daming anak ng mga sikat na personalidad sa Byeloruss. Kataka-taka dahil pulos negatibo ang background ng mga personalidad na naririnig niya.

Paglabas niya ng Faculty Room . . .

"MAA'AAM!" Binalya agad siya ng dalawang estudyanteng tuwang-tuwa at nagtatatalon pa kaya nakitalon na lang din siya kahit hindi niya alam ang nangyayari.

"Maam, kita n'yo 'to? Kita n'yo? Kita n'yo?" nakangiting tanong ni James habang sobrang lapit na pinapakita kay Armida ang hawak niyang susi.

"James, makikita ko 'yan nang matino kung hindi mo ipagduduldulan sa pagmumukha ko," sarcastic niyang sinabi.

"Ay, sorry naman, ma'am." Napakamot na lang si James ng noo sa ginawa niya.

"Ma'am, sa 'min talaga 'to??" masayang tanong ni Eljand habang ipinakikita ang susi.

"Amin talaga? Amin talaga? Sure na sure na?" dugtong ni James.

"Hawak nyo, malamang inyo 'yan. Alangan namang sa 'kin yan," sarcastic na sinabi ni Armida at saka naglakad na papuntang elevator.

"Ay, ma'am, kami na magdala ng bag n'yo," alok ni Eljand sabay halbot ng bag ni Armida sa kanya.

"Ma'am, mayaman ba talaga kayo? Nasa baba na yung kotse na sinabi n'yo kanina e," nakangising sinabi ni James. "Ang bilis ma-deliver!"

"Ah . . ." Natawa nang mahina si Armida. "Maliit na bagay."

Tumapat na ang tatlo sa elevator. Pipindutin na sana ni Armida ang down button nang unahan na siya ni James.

"Reminder ko lang sa inyong dalawa, ayusin n'yo ang student's license n'yo at ang pag-d-drive, a. Kapag kayo naaksidente at namatay, huhukayin ko ulit kayo sa libingan n'yo at papatayin ko ulit kayo."

"Grabe naman, ma'am," nakangusong sinabi ni James.

"Anong grabe ka diyan! Gagawin ko talaga 'yon! Umayos kayong dalawa!" bulyaw ni Armida habang dinuduro ang mukha ng dalawa.

Bumukas na ang elevator at pumasok na ang tatlo. Ground floor na ang tungo nila.

Tuwang-tuwa ang dalawa habang tinitingnan ang mga susi ng bagong kotse nila. Akala nila, biro lang nang dumating ang isang lalaking naka-uniform at nagtatrabaho sa HMI. Ito pa naman ang nagbigay sa kanila ng susi.

"Ma'am . . ." sabay pang sinabi ng dalawa habang inuugoy ang sarili sa kinatatayuan.

"O?" masungit na tugon ni Armida.

"TENGKYU!" sigaw nila sabay yakap kay Armida. "Tengkyu, tengkyu, tengkyu talaga, ma'am!"

"O! Tama na! Tama na!" Pinagpapalo niya ang kamay ng dalawa. "Tsansing na kayo! Kung saan-saan na napupunta 'yang mga kamay n'yo, pagpuputulin ko 'yan!"

"Hehehe . . ." Lumayo na ang dalawa sa kanya at nginitian siya. "Thank you ulit, ma'am, ha!" nakangisi nilang sinabi habang ipinakikita ang susi kay Armida.

"Sige na, kotse lang naman. Marami akong kotse kaya wala lang 'yan. Pre-owned nga lang 'yan, hindi pa nagagamit, nakatambak lang sa building."

Patuloy pa rin sa pagngiti yung dalawa dahil hindi naman basta-basta nalalaglag sa langit ang isang Ferrari. Unless, mamimigay sila ng buong Fita sa isang diwata.

"Maam, saan ka?" tanong ni Eljand.

"Hatid ka na namin!" masayang sinabi ni James.

Sandali namang napaisip si Armida sa alok ng dalawa. May kotse naman kasi siya.

"Ay, ma'am, may laban ngayon yung LSG!" masayang sinabi ng mag-best friend. "Gusto mong manood, ma'am?"

Bumukas na ang elevator at lumabas na ang tatlo.

"Anong LSG?" tanong ni Armida.

"Ma'am, yung kalaban kahapon ng Jokermen!" sabi ni Eljand.

Natahimik si Armida habang iniisip ang sinabi ng magkaibigan.

May laban sila sa Xaylem . . . at wala siyang alam. Ni hindi man lang nagsabi si Laby; o kahit si Josef, wala ring nabanggit.

"Pupunta kayo ro'n?" seryosong tanong ni Armida.

"Yes, ma'am!" saludo ng dalawa.

"Sasama ako."

"Yoown!"

"Tara, ma'am! Hatid na namin kayo gamit ang aming bagong caaaaar . . ." May kulot-kulot pa ang pagkakasabi ng car ni James.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top