Fall Guy
"Stupid, stupid, stupid, stupid!"
Kung nagkakapasa lang ang pader, malamang na lamog na lamog na ang gilid ng pinto ng rooftop kasisipa ni Laby.
Tatlo ang kopya ng software, redeveloped at reprogrammed ang dalawa, may mirror site pa, at existing ang prototype version.
Si Shiza Yoshikawa, hindi umaamin tungkol sa hawak nitong kopya. Pero may duda talaga siyang si Yoshi ang may hawak ng original copy.
Si Li Xiao Ran, kahit na gaano pa ka-maloko kausap, alam niya at naniniwala siyang hindi nito hawak ang original copy. Ang kaso nga lang, mukhang may nalalaman ito tungkol doon. At hindi niya papatulan ang kalokohan nitong maging girlfriend siya para lang sa isang impormasyong mukhang may ideya na siya kung nakanino.
Pero sinabi nitong patay na ang nag-reprogram two years ago. Gusto niyang malaman kung ano at sino ang tinutukoy nito.
Dahil kung patay na pala ang nag-reprogram ng software niya, ano pa ang ginagawa niya sa Byeloruss kung wala naman na roon ang pakay niya?
Si Brent na lang ang hindi pa niya nakakausap nang maayos tungkol sa software niya.
"'Wag mong saktan 'yang pader. Walang kasalanan sa 'yo 'yan," sabi ng nasa taas ng entrance ng rooftop. Tumalon ito at lumapag sa gilid ni Laby.
And speak of the devil, si Brent pala. At mag-isa lang.
Napahinto si Laby sa pagsipa sa dingding at tiningnan nang masama si Brent.
"Alam mo, kasalanan n'yo 'tong tatlo e! It was all your fault!" sigaw ni Laby habang dinuduro si Brent.
"Oh? Ako? What did I do to you? Ngayon pa lang kita nakausap, may kasalanan na 'ko kaagad?" Nagpamulsa ito at tinanggal ang headphone na nasa tainga nitong wala namang tumutugtog.
"Oo! May kasalanan ka na, siraulo ka!" sigaw ni Laby sabay habol ng suntok kay Brent.
"Hey! Inaano ka ba?!" Sinalag agad ni Brent ang suntok niya.
"Kayo! Kayo ang mga buwisit sa buhay ko!" Patuloy lang sa pagsuntok si Laby habang sinasalag ni Brent ang mga suntok niya. "It should be gone for goddamn good, and there you stupid pricks, making my life more miserable than ever!"
"Ano ba?! Oy! Masakit na, a!" reklamo ni Brent habang tinatabig ang kamay ni Laby para matigil ang pagsuntok nito.
"Talagang masasaktan ka sa 'kin!"
"Stop! St-Stop it, will you?!" Pinipilit niyang hulihin ang kamay ni Laby para matigil na talaga ito. "I said, stop it! You war freak!"
"Nakakainis ka! Nakakainis ka! Nakakainis ka!"
Nahuli na ni Brent ang magkabilang kamay niya at itinulak agad siya sa may pader ng entrance ng rooftop. Tr-in-ap ni Brent si Laby para hindi na ito makapalag pa. Hindi rin naman kasi masarap makatanggap ng suntok na may puwersa.
Tiningnan lang nila nang masama ang isa't isa habang pareho silang naghahabol ng hininga.
"Ano ba'ng problema mo?!" reklamo ni Brent.
"Kayo! Kayo ang problema ko! Pare-pareho lang kayo!" sigaw ni Laby.
Sandali silang natahimik na dalawa habang hinihingal.
"Kung lalaki ang problema mo, 'wag mo 'kong idamay," mahinahong sinabi ni Brent.
Tinitigan lang siya nang masama ni Laby.
"Alam kong maraming gago sa school na 'to. I can't blame you for acting like that." Binitiwan na niya si Laby at napabuntonghininga na lang. "Magreklamo ka sa SC kung may problema ka sa mga estudyante rito. Red Student ka kaya madali kang makakahingi ng tulong."
May kabaitan din pala sa katawan si Brent. Nakuha pang mag-suggest.
Ang kaso, nasa SC nga mismo ang mga problema niya.
Si Yoshi na public relation officer.
At si Ran na representative ng lahat ng Seniors.
Well, liban dito kay Brent na walang kaugnayan sa SC.
Humarap si Laby sa binata sabay duro dito. "Umamin ka nga. Do you have the original copy of Black Web?"
Agad ang taas ng mukha ni Brent. Naningkit agad ang mga mata nito dahil sa sinabi Laby. Hindi niya in-e-expect na malalaman ni Laby ang tungkol sa website. Ang alam niya, confidential ang information ng Black Web, o kahit ang Brain, at alam niyang siya lang ang mayroong kopya niyon.
"Where did you get the information about that?" seryosong tanong ni Brent.
"I asked you first." mariing sinabi ni Laby.
Napatingin sa kanang gilid si Brent at inisip kung bakit natanong ni Laby kung nasa kanya nga ang original copy ng software.
"So, after all, you're not here to study," diretsong sinabi ni Brent. "Agent ka ba?"
"Bakit ba hindi n'yo na lang ako sagutin?!" sigaw ni Laby dahil inis na inis na siya, ang daming paliguy-ligoy ng tatlong suspect niya. "Alam n'yo bang delikado ang software na 'yon?! Kailangang mawala n'on dahil nate-trace 'yon ng satellites!"
Nagkasukatan ng tingin ang dalawa.
Katahimikan.
Nangibabaw ang ingay sa ibaba ng school, hindi malakas pero hindi rin naman sobrang mahina.
"If you have the prototype version . . . delete it," mariing utos ni Laby habang nakatitig sa matatalim na tingin ni Brent.
"No," mariin ding sagot ng binata at dinuro ang mukha ni Laby. "My brother risked his life and got killed protecting that software. Kaya sino ka para utusan akong burahin ang bagay na buong buhay na prinotektahan ng kapatid ko, huh?"
Nabasa ni Laby ang lungkot sa mga mata ni Brent.
Kaiba sa tingin nina Ran at Yoshi kapag tinatanong niya ang tungkol doon.
"And your brother died two years ago," mahinang banggit ni Laby.
Kumunot agad ang noo ni Brent dahil sa narinig. "H-how did you know?" nalilito niyang tanong.
"Huh." Natawa nang mapakla si Laby at napailing. "Then, that pervert was right."
Tinabig na lang ni Laby ang kamay ni Brent na nakahawak sa balikat niya.
"Ibig sabihin, nasa iyo nga ang prototype version ng Brain," seryosong sinabi ni Laby.
"Hindi."
Naalerto agad si Laby at pinandilatan ng mata si Brent. "Anong hindi?!"
"I mean . . ." Napailing si Brent. "I don't know."
"Anong I don't know?!" nanggigigil na sigaw ni Laby. "You said your brother died protecting that software, di ba?!"
"And so was Li Xiao Ran's brother." Tumango pa si Brent. "His brother died because of that software two years ago, kaya hindi ko rin alam kung prototype ba ang kopya ko. You better ask him."
Napaawang na lang ng bibig si Laby at punong-puno na ng magkakahalong gulat, inis, pagtataka, pagkairita, at pagkalito ang nasa mukha niya.
Ibig sabihin, babalik pa siya sa binatang walang alam sa mundo kundi puro laro lang.
"Shit!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top