Detention

Hindi pa rin umaalis si King sa table kung saan naroon pa rin ang kinakain ni Armida. Kaya nga nagulat ang babae dahil talagang hindi man lang ito natinag ng naunang eksena.

"O, ayos, a. Di ka umalis?" nangingiting tanong ni Armida at saka siya bumalik sa inuupuan niya.

"Gusto kong linawin mo sa 'kin ang pakay mo rito, whatever that is," seryosong sinabi ni King. "I know the guild. They're worst than my family."

Nagusot ang dulo ng labi ni Armida saka napatango dahil may punto si King. "Of course, they must be. You can't rule hell if you can't be the devil."

"Pero ikaw? Kabilang ka sa mga 'yon?" di-makapaniwalang sinabi ni King. "You're just playing around. You can't rule what hell you're talking about."

"And here you are, talking to me," proud na sinabi ni Armida. "I already tamed the worst class here in Byeloruss. Hindi pa pinatatawag ng Director ang lawyer ko. Your classmates might find fault with me, but nevertheless, they listen. And the whole school was worried because of that. Sa lagay na 'to, grupo mo pa lang ang pinisikal ko. Hindi mo pa 'ko natalo. So, yeah . . ." Napaurong siya sa mesa at nginitian si King. "I'm just playing around but not planning to rule you all. I just want you, kids, to enjoy your life because you deserve that."

"Excuse me, Miss Hwong."

Napatingala agad si Armida nang may umentrada sa kanilang pag-uusap ni King.

"O, ikaw na naman? Ano na namang problema mo?" tanong ni Armida.

Tiningnan nito nang masama si King at saka ibinalik ang tingin kay Armida. Tumayo siya nang diretso para magpakilala "I'm Shiza Yoshikawa of Class 4-A. Class President, Top 1, Student Council member, Public Relation Officer." At saka siya yumuko bilang paggalang.

"Oh. Yoshikawa." Uminom si Armida ng juice habang hindi pa tinatanggal ang tingin kay Yoshi. "Your name rings a bell. Anyway, what is it this time?"

"Uhm." Sinulyapan ni Yoshi sandali si King na ang sama ng tingin sa kanya. Ang lakas kasi niyang makaepal. "Can we talk privately?" tanong niya kay Armida.

"Lunch break ngayon at inaabala n'yo ang pagkain ko," seryosong sinabi ni Armida sabay subo ng sandwich. "Tell me right away or don't talk to me at all. Decide."

Napahugot ng malalim na hininga si Yoshi dahil hindi niya inaasahan na ganoon pala kahirap na kausapin si Armida. Akala niya, madali lang i-approach kasi laging nakangisi. Naisip niya tuloy na tatahimik nga talaga ang 4-F kung ganyan kasungit ang adviser nila.

"Ma'am, may nabanggit sa 'kin si Etherin about you. I want to find my sister's killer," seryosong sinabi ni Yoshi.

Sabay na nagtaas ng kamay si Armida at umiling. "Nuh-uh! I never had any Yoshikawa in my deadpool. You're barking at the wrong tree."

Napataas naman ng kilay si King at Yoshi sa reaction niya.

"Kidding." Natawa nang mahina si Armida at ibinaba na ang kamay niya nang makita ang reaction ng dalawa. "Bakit? Ano ba'ng kaso ng kapatid mo?" T-inap ni Armida ang tabi niyang upuan para paupuin doon si Yoshi. "Upo ka, usap tayo."

Lalo lang nagtaka si Yoshi dahil sa pagbago ng mood ni Armida.

At saka, magkukuwento siya kaharap ang mortal niyang kaaway? No way!

"Ma'am, puwedeng tayong dalawa lang?" asiwang tanong ng binata.

"Sure!" Tiningnan ni Armida si King. "Oy, pogi, alis na." Tinaboy naman niya si King. "Doon ka sa malayo, yung hindi kita makikita."

"Bakit ako aalis? Ako kaya ang nauna rito," maangas na sinabi ni King.

"Puwede bang umalis ka na lang?" mariing sinabi ni Yoshi.

"Huh! Angas mo, a!" Tumayo na si King para harapin ang kaaway.

"Pinaaalis ka na, dapat umalis ka na lang," mayabang na sinabi ni Yoshi. Kinuwelyuhan tuloy siya ni King.

"Yabang mo, mahina ka naman," pang-asar na sinabi ni King. Kinuwelyuhan na rin siya ni Yoshi.

"'Wag kang pakasiguro, Havenstein. Sa susunod na laban natin, pakakainin kita ng alikabok," banta ni Yoshi.

"A, gano'n. Gusto mong ikaw ang pakinin ko ng alikabok ngayon!" Umamba na si King ng suntok at ganoon din si Yoshi.

"Hep!" Tumayo na si Armida at pinaghiwalay ang dalawa. "Angas n'yong pareho, a! Baka gusto n'yong ako ang magpalamon ng kilo-kilong alikabok sa inyo!"

Kinuha niya ang natitira niyang ham sandwich at kinagat. Pagkatapos ay kinuha niya ang kuwelyo ng dalawang estudyante para kaladkarin palabas ng cafeteria.



Sa may gym . . .



"Magkaaway ba kayo?" tanong agad ni Armida kina Yoshi at King.

"Wala kang pake!" maangas na sinagot ni King sa kanya.

"Hoy! Matuto ka ngang rumespeto sa teacher!" sigaw ni Yoshi.

"'Wag kang mangialam!"

Magsusuguran na naman ang dalawa nang pumagitna sa kanila si Armida. Malakas niyang itinulak ang dalawang binata para maglayo.

May mga tao sa gym pero pinalabas niya dahil ide-detention niya raw. Silang tatlo na lang tuloy ang naiwan doon.

Nagtitigan lang ng masama si King at Yoshi. Kung nakakamatay lang ang tingin, baka pinaglalamayan na silang dalawa.

"Ano ulit yung sinasabi mo, Yoshikawa?" tanong ni Armida.

"Kailangan kong mahanap ang killer ng ate ko . . . ma'am." Bigla niyang tiningnan nang masama si King na masama rin ang tingin sa kanya.

"Ikaw, Havenstein?" tanong ni Armida.

"You said you're here because of me. I want you to clarify that."

Napatango lang si Armida. "Alam mo kung ano ang meron sa guild. Wala na 'kong kailangang i-clarify. Nandito lang kami para ibigay sa 'yo ang summons. If you want to take down your father, that will give you every power to do so. Anyway, we have Shiner Soliman. You're not alone."

"Si Shiner?!" magkasabay na sinabi ng dalawa.

"Oy, may napagkakasunduan naman pala kayong dalawa e!" masayang sinabi ni Armida at naglakad papunta sa lalagyanan ng bola ng basketball. Sinundan lang siya ng tingin nina King at Yoshi

"Nasa bahay si Shiner. Kinuha ko siya kagabi sa Xaylem." Kumuha siya ng isang bola at hinagis-hagis sa ere.

"Pumupunta ka ng Xaylem, Miss Hwong?" gulat na tanong ni Yoshi.

Ngumiti naman si Armida. "Lumalaban ako sa Xaylem." Itinuro niya si King. "At hinamon ko ang DOC para talunin kami."

Biglang naningkit ang mga mata ni King nang tingnan siya. "So, kayo yung bago."

Tumango naman nang nakangiti si Armida. "Ang hihina ninyo para sa amin. I wonder kung matatalo mo ba 'ko kapag nilabanan mo 'ko roon." Walang sabi-sabi at ibinato niya ang hawak na bola kay King.

"Whoah!" Sinangga ni King ang bola gamit ang dalawa niyang kamay pero masyadong malakas ang puwersa ng pagkakabato ni Armida kaya lumipad siya at dumausdos sa madulas na sahig ng court ng gym.

"Oh, I forgot! Injured ka nga pala." Napasapo ng noo si Armida dahil ang engot ng ginawa niya.

Gulat na napatingin si Yoshi kay King na lumipad sa lakas ng pagkakabato ni Armida ng bola.

Kumuha ulit ng bola si Armida para si Yoshi naman ang patamaan.

Nilingon ni Yoshi si Armida, pero ang tanging nakita lang niya ay ang bolang papalapit sa kanya.

"Shit!" Hinakbang ni Yoshi ang kaliwang paa niya at buong lakas na sinipa ng kanang paa ang bolang tatama sa kanya.

Lumipad naman ang bola papunta kay Armida. Nagpantay ang lakas ng pagkakabato niya at lakas ng pagkakasipa ni Yoshi sa bola kaya ang bagal ng lipad niyon papalapit sa kanya.

"Aw . . ." Napatinuhod si Yoshi dahil parang bakal ang sinipa niya. Napahawak siya sa paa niyang nanakit bigla.

"Anyway, maiba tayo. Ang sabi sa rules ng Byeloruss, puwedeng disiplinahin ng kahit sinong teacher ang mga estudyanteng nag-c-cause ng away. At dahil ayaw kong pumupunta ng detention, dito ko na lang kayo didisiplinahin," sabi ni Armida habang hinahagis-hagis sa ere ang bolang nasalo. "May issue ba kayong dalawa?"

Nakatayo na si King, at si Yoshi naman ay pinipilit na makatayo kahit na nananakit ang kanang paa.

"Hindi ako familiar sa mga gang, but I think, may gang issues kayong dalawa."

Sanay na na-de-detention si King pero hindi ganoon ang treatment. Pinalipad siya ni Armida dahil lang sa pagsalag sa isang bola. Malakas iyon, alam niya. Hindi naman kasi siya lilipad nang sobrang layo kung hindi malakas.

Si Yoshi naman, hindi pa na-experience ma-detention. Isa siya sa mga model student ng Byeloruss kaya wala siyang idea kung ano ang meron sa detention. Ngunit kahit ganoon, hindi naman siguro ginagawa sa detention ang dodgeball. Sumakit ang paa niya dahil tinalo pa niya ang sumipa sa isang bakal na tubo dahil sa lakas ng pagkakabato sa bolang binato ni Armida.

"Hoyp—!" Sa sobrang pag-iisip, huli na nang mapansin ni Yoshi ang bolang papalapit sa kanya kaya hindi na siya nakailag pa. Sinangga na lang niya ng braso ang bola. "Agh! Ssss . . ." Napahawak agad siya sa brasong pinangsangga. "Aw . . ." Para siyang hinampas ng dos por dos sa braso sa sobrang sakit.

Kumuha ulit si Armida ng bola at ibinato agad kay King.

Nakita ni King ang bolang paparating pero wala siyang balak iwasan.

Sinubukan niyang saluhin ang bola, pambawi sa pagkakalipad niya kanina.

"Ow, fuck!" Napataas ang braso niya sa sobrang lakas ng pagkakatama ng bola sa kamay niya at napaatras siya nang tatlong hakbang.

Malakas talaga ang pagkakabato ni Armida at iyon ang hindi nila inaasahang dalawa. Nabubugbog na sila kasasangga ng simpleng bola.

"Masakit ba?" tanong ni Armida. "Kanang kamay ko pa lang ang ginagamit ko. Bali pa ang kaliwang kamay ko sa lagay na 'to."

Nagpamaywang na si Armida at tiningnan si King. "Havenstein, kausapin mo yung bago ng Class 4-A. Hanapin mo si Catherine Milicent Etherin. Siya ang magpapaliwanag sa 'yo ng lahat ng gusto mong malaman." Inilipat niya ang tingin kay Yoshikawa. "Ikaw, Yoshikawa, any relation with Seiichiro Yoshikawa?"

"He's my father," sagot naman ni Yoshi na hawak ang brasong nananakit pa rin.

Tumango naman si Armida dahil mukhang tama siya ng hinala. "Ibig sabihin, kapatid mo si Sayo."

Kumunot naman ang noo ni Yoshi. "Sinong Sayo?"

"Ah! Sorry," umiling si Armida. "Yoshikawa Masane."

Napahugot ng hininga si Yoshi at pinakatitigang maigi si Armida. Iyon nga ang kapatid niya.

"Alam ba nitong school na parte ka ng malaking boryokudan sa Japan?" tanong pa ni Armida na ikinagulat ni Yoshi. "Family assassin si Yoshikawa Masane. Sa dami ng gustong pumatay sa kanya, umaasa ka talagang mabibigyan mo siya ng hustisya?"

Napaangat ng mukha si King nang mapatingin kay Yoshi. Hindi niya inaasahang hindi rin biro ang pamilya nito.

"Kalaban ng pamilya ng ama ko ang pamilya mo," sabi ni Armida at naglakad na papalapit sa dalawa. "I'm a legitimate Hwong," paalala ni Armida kay King na naglipat ng tingin sa kanya. "Ngayon ko lang ginamit ang pangalang 'yon, but that's not a lie. Kung ano man ang hindi nakita ni Kesley tungkol sa 'kin, 'yon ay dahil hindi ko ginagamit ang Hwong sa mga transaction ko."

Ibinalik niya ang tingin kay Yoshi na nabahiran na ng lungkot ang mga mata.

"Gusto kong . . ." Napahugot ng hininga si Yoshi at napatungo na lang.

"Hindi pinatay ang kapatid mo," sabi ni Armida at tumapat na sa dalawang binata. "Havenstein, find Etherin. At ikaw," paglingon niya kay Yoshi. "Follow me."

At saka siya naunangnaglakad palabas ng gym.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top