Dessert
Pagtapak na pagtapak pa lang nina Josef at Laby sa loob ng bahay, alam na alam na nilang may mali sa paligid.
Iyong tipong wala namang nagalaw sa furnitures at maaliwalas pa rin sa sala, buo at hindi pa umaapoy ang kusina, at wala pang kumakalabog sa itaas, pero sinasabi ng pakiramdam nila na may mali talaga sa paligid.
"Tell me you have these," sabi pa ni Laby habang nakataas ang braso at ipinakikita kay Josef ang pagtayo ng mga balahibo niya.
Nagbuntonghininga si Josef at napatungo na lang saka napatingin sa dala niyang napakalaking pizza.
Sa buong katawan niya umaalon ang kilabot. At kung may choice lang siya, hindi na niya aakyatin si Armida sa second floor at mananatili na lang sa sala.
"Your wife is absolutely a monster," sabi ni Laby at kinuha ang pizza kay Josef saka padabog na ibinaba sa center table sa sala. "Tell her you have a pizza sacrifice for the goddess of death." Saka niya inihagis ang sarili pahiga sa sofa.
Nagbuntonghininga na naman si Josef dahil gumagatong pa sa stress niya si Laby. Samantalang pareho naman silang may kasalanan.
Sinubukan niyang patatagin ang loob. Galit si Armida. At huling beses na nagalit si Armida dahil nagsariling lakad siya ay sinira nito ang isang buong hotel room at nabugbog siya nang malala. At wala pang tatlong linggo ang nakararaan mula noong mangyari iyon.
Lumakad na siya paakyat sa hagdan.
"I'll pray for your life, Shadow," nakangiting sinabi ni Laby.
"Shut up, brat," inis na sinabi ni Josef at humugot na naman ng hininga bago tuluyang umakyat sa second floor.
Mabait si Armida, sinusubukan ni Josef na isipin iyon sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nilang dalawang mag-asawa.
Paminsan-minsan, nasasaktan siya nito—na tanggap naman niya dahil kasalanan din niya, pero ginagawa lang naman niya iyon dahil ayaw niya ng problema.
He spent most of his life keeping behind the shadows at isa siya sa pinakatahimik magtrabaho sa lahat. Ayaw niya ng maingay, ayaw niya ng makalat, ayaw niya ng problema.
Ang kaso nga lang, itong magaling niyang asawa, kabaligtaran ng mga ayaw niya. At ngayon, kasalanan pa niya na nag-a-adjust siya para dito.
"Hey," iyon lang ang nasabi niya nang makita niya itong tahimik lang na nakahiga sa kama, nakasandal sa grupo ng mga unan, at nagbabasa ng libro.
Hindi ito sumagot. Tumayo lang siya sa may likod ng pinto, in case lang na bigla nitong ibato sa kanya ang hawak, mabilis siyang makakatakas.
Binasa niya ang title ng binabasa nito. 1st To Die ni James Patterson. Napalunok siya. Familiar siya sa libro, isa sa series ng Women's Murder Club. Paboritong basahin nina Ligee noong college days niya. At isa sa librong nasa kuwarto na iton pagdating nila.
Para bang may humampas na malakas na puwersa sa dibdib niya at nagsimula na iyong tumambol nang malakas.
"Okay, I'm sorry," paghingi niya agad ng tawad bago pa man mapunta sa patayan ang susunod na eksena. "Ako ang nagsabi sa bata na huwag kang hintayin, ako ang nagsabing lalaban kami nang kami lang." Humakbang na siya nang isa para makalapit. Naglahad pa ng mga palad para magpaliwanag. "Look. I don't want you to get into trouble again. I can't afford to have another punishment again while we're waiting for the previous one's effectivity. Hindi pa tayo nakakalusot doon, tama na muna 'yon. I hope you're—" Napaiwas agad ng mukha si Josef at napapikit dahil itinaas ni Armida ang librong hawak.
Mukha pa siyang timang na nakakuyom ang mga kamao at naghihintay na lumapat sa kahit saang bahagi ng katawan niya ang libro.
Nang lumipas ang ilang segundo at wala pang masakit sa katawan niya, idinilat niya ang kanang mata at sinilip ang asawa niya sa higaan.
Inilapag lang pala ni Armida ang libro sa may night stand. Akala niya, ibabato sa kanya.
"Whooh . . ." Nakahinga siya nang maluwag dahil mukhang matutulog na ito. Nagkumot na lang at hindi na rin umimik.
Dahan-dahan na siyang naglakad papalapit sa kama—nagdadasal na sana ay walang kahit anong deadly weapon na nakatago sa loob ng kumot na iyon. Hindi nga siya papatayin ni Armida, pero kayang-kaya siya nitong lumpuhin.
"Armida . . ." mahina at malambing niyang pagtawag dito. Dahan-dahan din siyang umupo sa tabi nito at sinilip pa ito kung tulog na nga ba. Na alam niyang hindi pa, maliban na lang kung hinimatay na naman ito.
"Alam kong masama ang loob mo. And honestly, I don't want to start another fight with you." Pinakalma na niya ang tinig niya. Isa sa mga kontroladong timbre ng boses niyang sapat na para palambutin ang tuhod at puso ng mga babaeng target niya noon. "I'm doing this for your own good."
"Bullshit."
"Ah—haay . . ." Magsasalita pa sana si Josef pero hindi na niya itinuloy.
Napatungo na lang siya at napahilata sa tabi ng asawa niyang nakaharap sa kanang gilid, patalikod sa kanya.
Pinalipas nila ang ilang sandaling katahimikan.
Ayaw pa ring mawala ng kilabot ni Josef. Kahit yung malalakas na tibok ng puso niya.
Hindi na ulit umimik si Armida. Hindi na tuloy alam ni Josef kung nakatulog na ba ito o gising pa rin.
"Alam mo naman ang dahilan kung bakit ayaw kitang palabanin, di ba?" seryoso na niyang sinabi, inalis na rin ang kahit anong lambing sa tono. Baka kasi hindi siya seryosohin ni Armida kapag naglambing pa siya. "Hindi 'yon sa wala akong tiwala sa 'yo. Gusto ko lang na umiwas tayo sa gulo."
Sinulyapan ni Josef ang katabi. Walang kahit anong imik, ni hindi rin kumilos.
Nagbuntonghininga na naman siya at tumitig na lang sa kisame. "I felt so insecure right now, frankly speaking. I thought kaya namin ni Laby yung laban. And yet, you came and save us kahit na may dahilan ka para hindi kami iligtas doon."
Wala pa ring salita kay Armida.
"I always failed keeping you out of trouble. Siguro nga, ako yung may mali sa ating dalawa. Even my vows as your Guardian, sobrang useless kasi sa ending, ako pa rin ang inililigtas mo—"
Natigilan si Josef dahil biglang tumalikod si Armida at hinarap na siya. Napatingin agad siya rito dahil sa gulat.
"Nangongonsensya ka ba?" inis na sinabi nito.
"Uh . . ." Nagkanto-kanto ang tingin ni Josef dahil hindi niya alam kung sasagot ba o hindi.
Hindi naman sa nangongonsensya siya . . . pero parang ganoon na nga.
At saka, si RYJO ang kausap niya. Ewan lang niya kung uso ba ang konsensiya rito.
"Will you stop doing that?" inis na namang sinabi nito. "I was watching you earlier, and you didn't take that fight seriously."
Napakamot agad ng ulo si Josef kahit wala namang makati sa ulo niya.
"I know you can take them down," dugtong ni Armida. "Ano'ng ginagawa mo sa buhay mo?"
"I need to restrain myself, okay? We didn't go there to fight."
Bumangon na si Armida saka nanermon. "Yeah! Pumunta kayo sa battleground kasi ayaw n'yong lumaban. Galing!"
Bumangon na rin si Josef para tapatan ang asawa. "Alam kong galit ka kasi hindi ka namin isinama—"
"Galit ako kasi hindi mo sineryoso yung laban!" Itinuro niya ang direksiyon ng pintuan. "Didn't you notice? They changed the battleground's policy—why? They want to take down our team. And there you were! Putting your guard down, and let some stupid rodent to punch you!"
"It's just a punch!" kontra agad ni Josef at itinuro ang mukha niya. "May pasa ka bang nakikita sa mukha ko?"
"A, gano'n," inis na sinabi ni Armida at umamba ng suntok sa asawa niya. "Ako maglalagay ng pasa diyan sa mukha mo, buwisit ka!"
"Whoah! Whoah! Wait! Wait!" Mabilis na kumuha ng unan si Josef at ipininang-shield sa sarili. "Sorry na nga, di ba? I know, that place have something to do with us, okay? Sorry if I didn't take that fight seriously! Sorry if I didn't give my best! Okay na?"
Kahit wala namang ginawa, parang hiningal si Josef sa lakas ng boses niya.
Hindi sumagot si Armida, masama lang ang tingin sa kanya. Hindi pa rin niya ibinababa ang unan na pinantatakip niya sa katawan.
"What?" iyon na lang ang nasabi ni Josef habang nagtatago sa unan.
"The people behind Xaylem is challenging us. At alam mong hindi biro ang mga tao sa likod n'on, umpisa pa lang," pagdidiin ni Armida sa mga salita niya. "That was seven fucking group, and that's against their rules. They want to take us down, and they will do everything now to take us down. Alam ng bata 'yon," pagtutukoy niya kay Laby habang tinuturo ang pintuan. "Now, tell me, bakit hindi ako puwedeng magalit sa isang sapak lang kung alam nating pareho na makakalabas ka ng labang 'yon nang hindi nagagalusan?"
Natahimik ang dalawa.
Napahimas agad ng noo si Josef. Habang tumatagal, lalo siyang nadidikdik ng salita ng asawa.
Alam nga naman nito na makakalabas siya roon nang hindi nadadaplisan. Kaso, nandoon kasi si Laby. At kung tutuusin, sinalo lang niya ang sapak na para doon sa batang iyon. Kung hindi niya iyon ginawa, malamang na walang ipuputok ang butsi ng asawa niya.
"Fine . . ." pagsuko ni Josef sabay buntonghininga. "I know, that was careless. And I know, galit na si Laby about that seven gang in a single fight, and I didn't take that seriously. I regret that, okay? Hindi ko na uulitin." Ibinaba na niya ang unan sa kanang gilid at lumapit na kay Armida. "Huwag ka nang magalit, hmm?" Hinawakan niya ito sa may batok at hinalikan ito sa ulo. "I bought you a pizza."
"Sinusuhulan mo ba 'ko?" nagdududang tanong ni Armida.
"Uhm . . ." Umaktong tatango sana si Josef para sabihing oo. "Galing 'yon doon sa kinainan naming restaurant kanina. And it's delicious. Like, so much." Tumango na siya para papaniwalain ang asawa.
"And you think I'll buy that," seryosong tanong ni Armida.
Gumilid ang tingin ni Josef. Mukhang mahirap na namang suyuin ang asawa niya. "Ako na'ng bahala sa dessert," aniya, sabay ngiti.
Saglit pang nanantiya ng tingin si Armida.
"Sulit yung dessert. My mother made that. Deal?" And he flashed a toothy smile.
Sa wakas, nawala na ang panunukat ng tingin ni Armida at bumaba na ng kama.
"Deal."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top