Deletion

Pare-pareho silang nakaupo sa sala. May chaise lounge, may single-seater sofa, may tatlong ottoman pa kaya lahat nakaupo. Liban kina Eljand at James na nasa kusina at naghahanda ng dinner. Nagprisinta si James dahil marunong siyang magluto, dala na rin nang may resto ang kuya niya at pangarap niyang maging chef. Volunteer daw para kina idol.

Nagsiksikan sa sofa chaise ang magkakaibigang King, Brent, at Riggs. Nasa single-seater si Laby at prenteng nakaupo roon na parang trono niya iyon. Si Yoshi ay nasa isang ottoman at ganoon din si Ran. Si Shiner ay nasa isang ottoman din. Si Josef ay nakatayo at parang handa nang manermon habang si Armida ay kararating lang galing sa kusina at may dala na itong juice.

"Urong nga," sabi ni Armida at nakiupo na lang sa isang armrest ng upuan ni Laby.

"Buhay kayo . . ." Iyon na lang ang nasabi ni Riggs habang pinipigilan ang emosyon. Magbuhat nang umuwi siya galing sa lakad nila noon ni Laby, hindi na niya nakita ang kuya niya. Hindi na rin napag-usapan sa bahay nila ang tungkol sa kuya niya nang sabihin ng Mama niya na patay na si Josef.

"'Wag kang mag-alala, alam ni Mama na buhay ako," malamyang sinabi ni Josef habang nakatingin

"Alam ni Mama?" di-makapaniwalang tanong ni Riggs. "May pumuntang mga tao sa bahay, naglatag ng ebidensiyang patay ka na!"

"I didn't do that!" balik din ni Josef.

Ang awkward lang para sa iba dahil family problems pala nina Josef at Riggs ang huge matter ngayon.

"I think, may kinalaman ang Fuhrer doon," careless na sinabi ni Armida sabay higop ng juice. "Nasa agreement 'yon."

"Akala ko ba, yung asawa n'yo yung Fuhrer?" tanong nina Yoshi at King. Tiningnan nila nang masama ang isa't isa dahil sa pagsasabay.

"Asawa ko nga ang bagong halal na Fuhrer," pagtatama ni Armida.

"FUHRER?" gulat na tanong ni Riggs kay Armida. "Paano magiging Fuhrer si Kuya?"

"Because he's a Zach. His grandfather is the founder of Citadel," sagot ni Armida. "And you can't shout at him like that, kid. Kapag narinig ka ng mga Guardian, I'm telling you, makikita mo na lang ang sarili mong nasa Citadel at pinapatawan na ng castigation."

"Pero ang sabi ni Mama, patay na ang lolo ni Kuya!"

"Ha-ha!" Halos matawa nang walang saya si Armida at umalis sa pagkakaupo sa armrest na inuupuan. "How we wish na patay na nga. That man is a living curse." At saka siya bumalik sa kusina para i-check ang dalawa niyang alipores na nagluluto.

Napabuntonghininga na lang si Josef dahil hindi niya alam kung saan ba magsisimulang magpaliwanag.

"Riggs, kung ano man ang sinabi ng mga dumating sa bahay tungkol sa akin, kailangang manatili 'yong ganoon," pakiusap ni Josef.

"Na ano?" inis na tanong ni Riggs. "Na patay na kayo ng asawa mo?"

"Kapag nalaman nilang buhay kami, hahabulin nila kayo nina Mama. Kung ayaw mong mapahamak si Mama at si Raven, kung ano ang alam ng lahat, panatilihin mo na lang 'yong ganoon."

"But they're looking for you!"

"That's an order, Rigory Thompson!" matigas nang utos ni Josef. "Kung hindi ka makikinig sa akin bilang kuya mo, makinig ka sa akin bilang Fuhrer. Huwag mong hintayin ang President ang magbigay ng order na manahimik ka dahil pabababain ka niya sa ranggo mo oras na hindi mo 'ko pinakinggan."

"But . . ." Hindi na lang umimik si Riggs kahit na masama ang tingin sa kapatid niya.

Inilipat ni Josef ang tingin kay Shiner na nakatuon din ang tingin sa kanya—nakikinig sa pagtatalo nila ni Riggs. "Shiner, alam kong hinahabol ka ng kapatid ko. Alam kong mission ka niya kaya siya nandito."

Napataas bigla ng magkabilang kamay si Riggs at parang may gustong sabihin pero walang lumabas sa bibig. Nabasa nila sa kilos niya na kahit iyon, alam din pala ni Josef.

Sunod na tiningnan ni Josef si Ran. "At ikaw, Li Xiao Ran."

"Sir," alertong sagot nito na parang nadagdagan na ng respeto sa kanya. Naupo pa ito nang maayos nang sumagot.

"Bakit nandito ka na naman?" iritang tanong ni Josef dahil hindi naging maganda ang una nilang pagkikita sa bahay ring iyon.

"Dinadalaw ko lang si Millicent," sagot ni Ran.

"Di ba, pinagsabihan na kita?" sabi pa ni Josef na halatang nagsisimula na namang mainis sa binata. "May kakulitan ka rin sa katawan, ano?"

"Sir, hindi ko naman alam na kayo ang Fuhrer."

Sabay-sabay silang napatingin kay Ran na may pagtataka ang tingin. Kahit si Armida na nasa kusina ay napatingin din sa kanya.

Naikrus ni Josef ang mga braso niya at kinunutan ng noo ang sinabi ni Ran.

"Ano ngayon kung ako ang Fuhrer?" tanong pa ni Josef. "Ang sabi ko, layuan mo si Catherine at 'wag ka nang babalik dito sa bahay namin."

Napasulyap si Ran kay Laby na nakatingin pala sa kanya sa mga sandaling iyon at nag-aabang din ng sasabihin niya.

"Now, I get it," sabi ni Ran at napatango. "No'n sinabi ninyong aalis din kayo soon, hindi ko 'yon naintindihan agad."

"Huwag mong sayangin ang oras ko para makinig sa mga kuwento mo," mariing sermon ni Josef.

"Babalik kayo sa Citadel pagkatapos n'yo rito," sagot ni Ran.

Napatayo nang tuwid si Armida nang marinig iyon. Kahit si Josef naibaba ang mga kamay mula sa nakakrus nitong braso. Kahit sina Laby at Riggs ay nagtaka sa sinabi ni Ran.

"Alam mo?" takang tanong pa ni Josef.

"Pioneer Superior ang lola ko, sir. Naka-enlist ako sa 3rd Gen under sa pangalan ni Madame Qi."

"Oh shit!" Napatayo agad si Laby at gulat na napatingin kay Ran habang nakaawang ang bibig.

Nalipat nila ang tingin kay Laby na nagulat habang nakatitig kay Ran.

Napatingin na lang sila sa direksiyon ng kusina at napansing pabalik na naman sa kanila si Armida.

Napansin nila ang seryosong tingin nito habang naglalakad papalapit sa kanila.

"Hey," pagpigil na agad ni Josef sa asawa niya. Hinawakan niya agad ito sa balikat para huwag nang makahakbang pa.

"Your grandmother was a monster," mariing sinabi ni Armida habang dinuduro paibaba si Ran. "Alam mo bang mukha niya ang isa sa mga hindi ko malilimutang mukha sa tanang buhay ko magmula nang lumabas ako sa impyernong ginawa niya?"

"Enough," mahinahon pang pag-awat ni Josef. Mahinahon din naman ang asawa niya sa pagsasalita kay Ran kahit na bakas ang galit dito.

"Your grandmother was a breeder of demons," paalala pa ni Armida kay Ran na nakatungo lang at parang pinagagalitan.

"Kung sino man ang mga assassin na lumabas sa Isle dahil kay Madame Qi, hindi ko naman na kasalanan 'yon," nagtaas na si Ran ng tingin at sinalubong ang galit na tingin ni Armida, "ma'am. Gaya mo, hindi ko rin naman ginusto 'tong lahat."

Nakuyom ni Armida ang kamao dahil kahit paano, nasa huwisyo pa siya para isiping tama si Ran.

"Huwag n'yong ibunton sa akin ang lahat ng sisi. Apo lang ako," panapos ni Ran.

Parang malaking palasong bumaon ang salitang "Apo lang ako" para sa mag-asawa. Higit na kay Josef.

Sa isang iglap, kumalma na ang dalawa at tumahimik saglit sa sala.

Nagsalubong ang tingin ng mag-asawa. Nagpapahiwatig ang kay Josef ng "Tama ang bata." Napailing na lang si Armida at umismid. Nagtaas na lang siya ng magkabilang kamay para sumuko.

"The system keeps on fucking us up!" inis na sinabi ni Armida. "And all we can do is to blame the dead and live our lives in eternal misery because of them!"

Naglakad si Armida pabalik sa kusina pero huminto rin at umisang hakbang pabalik sa pinanggalingan habang dinuduro si Josef. "Huwag mo nang hilingin ang normal na buhay dahil wala tayong magiging normal na buhay, hmm? Dahil pagkatapos natin sa lugar na 'to, babalik tayo sa Citadel at gagawin natin ang trabaho ng mga taong dahilan kung bakit ka naging magnanakaw at bakit ako naging assassin."

At pinanood na lang nila si Armida na bumalik sa kusina.

Napabuntonghininga na naman si Josef at napahimas ng noo. Ang sakit na sa ulo ng nangyayari sa kanila. Wala nga silang laban, pero pagod at stressed pa rin siya sa mas malalang rason pa.

Matapos kay Armida, nalipat nila ang tingin kay Josef na natahimik na lang at parang malalim ang iniisip.

Isa na namang buntonghininga at ibinalik ang tingin sa iba pang naroon na hindi niya kilala.

"You're Havenstein, right?" tanong niya kay King. Tumango lang ang binata sa kanya. "I know your father."

"Family friend?" tanong ni King.

"He's my cousin."

Nanlaki ang mga mata ni King, maging ni Riggs sa sinabi niya.

"Kuya?" takang pagtawag ni Riggs.

"Pero may conflict ang mga Zach at Havenstein because of Theodore," paliwanag ni Josef.

"That's why the Citadel is rooting for King," paliwanag ni Laby na nagbalik sa pagkakaupo. Nalipat na naman sa kanya ang atensiyon ng lahat. "Iniisip ng guild na kung hindi nila maaayos ang conflict between the guild and Theodore Havenstein, baka maayos 'yon ng anak niya."

"So, still it's about my family," dismayadong sinabi ni King.

"Your family is a mess," sabi ni Josef sabay iling. Inilipat niya ang tingin sa katabi ni King. "And you, young lad. Who are you?"

"Gusto ko lang kausapin si Miss Hwong, sir."

"May ginawa ba sa 'yo ang asawa ko?" nanlalata nang tanong ni Josef.

"Kilala niya ang kapatid ko. Gusto ko lang malaman kung ano ang kinalaman niya sa pagkamatay ni Ray Pearson."

"Oh God," lalong nanlata si Josef nang lingunin ang asawa niyang may subo-subo nang carrot. "Armida, may pinatay ka na naman ba na hindi ko alam?"

"Hindi mo talaga 'yan alam," malakas na sagot ni Armida sabay nguya.

"WHAT?!" gulat na tanong ni Josef.

"Ray Pearson is my brother," sagot bigla ni Laby.

Gulat ding nilingon ni Josef si Laby. "YOU WHAT?!"

"We're not siblings," paliwanag ni Brent habang tinuturo si Laby.

Napahimas bigla ng bibig si Josef at tumungo sa kusina. Walang salita siyang kumuha ng water jug sa ref at uminom doon.

Pakiramdam niya, wala na siyang nasusundan. Mas gusto na lang niyang sana ay lumaban na lang sila sa Xaylem, hindi pa natusta ang utak niya.

"Kaya mo pa?" tanong ni Armida sa kanya na tamang nguya lang ng celery ngayon. "Mga bata lang 'yon. Hindi pa organizations 'yan."

"Armida naman . . ." naiinis na tanong ni Josef kahit medyo nanghihina nang magpaliwanag. "Bakit mo naman pinatay yung kapatid n'on?"

"Hindi ko pinatay. At two years ago pa ang kaso. Tanungin mo si Laby kasi kaso niya 'yan at ng Brain. Hawak ni Brent ang software niya."

"Oh thank God." Napahawak sa dibdib si Josef at nakahinga nang maluwag dahil hindi na niya alam ang gagawin kung pumatay na naman ang asawa niya nang hindi niya nalalaman. "Masisiraan na 'ko ng bait sa mga nangyayari."

"I'll explain it, mukha ka nang stressed," kaswal na sinabi ni Armida at tanampal-tampal nang mahina ang pisngi ng asawa niyang pagod na yata magsalita saka bumalik na naman sa mga nasa sala kasama ang asawa niya.

"Brent," pagtawag ni Armida.

"O?" walang-galang na sagot nito.

"You said brother mo si Ray Pearson."

Tumango naman si Brent.

"I was with Masane Yoshikawa, Ray Pearson, and Yuan Li when they died," paliwanag ni Armida. "Elites ang nag-handle sa kanila para itago dahil sa 'alleged' confidential information na hawak nila."

"How come I didn't know that?" tanong ni Laby. "Nasa MA na ako two years ago!"

"Because we have our own office, kid," sarcastic na sagot ni Armida. "And si Crimson ang kumuha ng mission at hindi ang Main Sector ng HQ. Kami lang ang humawak." Ibinalik niya ang tingin kay Brent. "They don't trust us dahil mga assassin kami. But Yuan was cooperative. Sinabi niya ang dahilan kung bakit sila hinahabol, and that was because of the Brain. Alam ng lahat na patay na ang Brain maliban sa akin at kay Shadow."

"Sinabi mo sa kanilang buhay pa 'ko . . ." gulat na sinabi ni Laby.

"Exactly!" sagot ni Armida. "And I let them take an international call."

"Pero against 'yon sa protocol!" paliwanag ni Laby. "Ilo-locate kayo kapag na-trace ang tawag! Hindi ka ba marunong sumunod sa rules?!"

"Hahaha!" malakas na natawa si Armida na dahilan para magtindigan ang mga balahibo nilang naroon. Unang beses marinig ng mga bisita nila ang tawa niyang nakakatakot. "If I follow protocols, tingin mo, magiging si RYJO ba ako?" aniya kay Laby.

"Pinatay mo sila!" galit na sigaw ni Laby.

"Masane killed them! They commit suicide dahil alam nila na tapos na ang saysay nila sa mundo! Lumabas man sila ng isla kung saan namin sila itinago, papatayin pa rin sila!" sigaw rin ni Armida. "Alam mo ba kung gaano kalaki ang inilugi n'on sa Elites, hmm? Millions of dollars and wrong handling! Negative din ang naging resulta n'on sa grupo namin!" Umiling si Armida. "But I never regret breaking the protocols. I never regret giving them the chance to call whoever they wanted to call. I never regret telling the truth na buhay ka pa, because they deserved it." Dinuro niya si Laby. "You may live your life strictly following all those goddamn rules, but not me. Nabuhay ka dahil hindi ako marunong sumunod sa protocol. Nabuhay si Josef dahil hindi ako marunong sumunod sa protocol. Hindi ako basta hired killer lang. Assassin ako, and I have my own credo! Huwag mong hintayin ang protocol mismo ang papatay sa 'yo dahil masyado kang takot para ipaglaban ang alam mong tama. Hindi kita binuhay para maging duwag."

Kakaiba pero may kung ano sa kanila na bumaon sa kanilang mga pagkatao dahil sa sinabi ni Armida. Parang may bumara sa mga lalamunan dahil sa mga sinabi nito.

Nakikita nila ngayon na hindi lang basta babaeng utusan si Armida, kundi babaeng may pinanghahawakang prinsipyo. Bagay na hindi nila alam pero iyon ang dahilan kung bakit ito kinatatakutan ng mga nasa itaas.

Pare-pareho silang natahimik.

Binalikan ni Armida si Brent. "Hindi ko alam kung sino ang nag-redevelop ng Brain, pero kung tama ang pagkakaintindi ko sa lahat, ni-redevelop 'yon dahil alam nina Yuan na makikita 'yon ni Laby kung talagang buhay pa siya. Mate-trace 'yon ng satellites at babawiin ng Brain ang dapat na kanya. So, if I were you, ibigay mo na sa kanya ang software. They died hoping for Catherine to find it someday. That's not yours, kid. Don't make me force you to surrender it."

Biglang bumigat ang dibdib nina Yoshi at Ran dahil may hawak rin silang kopya. Kasama lang nila ang isang highly-skilled assassin sa bahay na iyon na kayang-kaya silang patayin anumang oras. Maraming dahilan para matakot sila.

Si Laby naman, hindi inaasahan na lalabas sa bibig iyon ni Armida. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya o ano. Siguro, at one point, naisip din niya ang humingi ng tulong rito para pigain si Brent.

At mukhang nakapagdesisyon na si Brent. Kinuha niya sa bag ang isang laptop at inilapag sa center table.

Si Yoshi, dinampot ang bag niya sa paanan at inilapag na rin ang laptop sa mababang mesa.

Si Ran, nginitian lang nang matamis si Laby. "You already know I don't have it. But I guess, it's time."

Tiningnan nilang lahat si Laby, nag-aabang kung ano na ang gagawin niya.

"Josef, do you hear that?" mahinang tanong ni Armida.

"What?" takang tanong ni Josef.

Nanatiling nakakunot ang noo ni Armida dahil may nararamdaman siyang mali. Sumilip agad siya sa labas para malaman kung tama ang hinala niya.

"Tulungan na nga kita," alok ni Ran dahil talagang hindi kumilos si Laby. "This is surprising. Really, really, surprising." Binuksan na niya ang mga laptop at pumunta agad sa control panel sa programs tab. Inuna na niya ang kay Brent. Lumabas doon ang version 1.0.0 kompara kina Yoshi at Ran na 1.1.0.

Hindi na talaga umimik si Laby. Tinitigan lang niya nang may naluluhang mata ang laptop ni Brent.

Naroon na ang software na hinahanap niya, at naroon na ang pagkakataon para burahin iyon. Ang kaso, kung kailan naroon na, saka pa siya nawalan ng lakas para gawin iyon.

At mukhang napansin iyon ni Ran. Mabilis na kinuha ng binata ang panyo sa bulsa at inalok kay Laby. "Come on, you're better than this." Kinuha niya ang kamay ng dalaga at inilagay roon ang panyo niya.

Itinutok ni Ran ang cursor sa Brain for uninstall/change option.

"If you can't do it, I'll do it," alok ni Ran.

"Li," pagtawag ni Brent. "Hayaan mo siya."

Napatingin si Ran kay Brent. "Alam mong ito ang gusto ng kapatid mo. At ito rin ang gusto ng kapatid ko."

Walang pagdadalawang-isip na pinindot ni Ran ang uninstall.

Biglang lumabas ang maliit na tab.

-----------------

The Brain software that you're about to uninstall scans your PC for personal information and checks its protection. Uninstalling it will leave you unaware of missing files and software and threats to your PC.

[ ] Remove my Brain personal data and customizations

Uninstall

-----------------

"I'll do it," sabi ni Laby at siya na ang nag-click ng uninstall.

At biglang namatay sabay-sabay ang tatlong laptop.

"W-What's happening?" takang tanong ni Laby dahil hindi naman nasabing magre-reastart ang computer.

Kahit sina Brent at Yoshi ay napatingin na rin para mag-usisa.

"Did I break it?" tanong ni Laby.

"Let me check," nag-click ng ilang keys si Ran baka maayos pa niya.

"Gagana pa ba 'yang laptop ko?" tanong pa ni Brent.

Click. Click. Click.

"W-What now?" bulong ni Laby nang biglang lumabas yung timer for film counter sa tatlong screen ng laptop.

Click.

"Ohayou, Kyasarin-san," pagbati ni Masane Yoshikawa sa laptop ni Yoshi.

"Ni hao, The Brain," pagbati ni Li Yuan mula sa laptop ni Ran.

"Hello, Catherine," pagbati ni Ray Pearson mula sa laptop ni Brent.

"W-Wow," bilib na bulong ni Ran. "It was taken two years ago." Tinuro niya ang upper left part ng screen.

"If you're watching this, it only means you've found the original copy of the Brain," sabay-sabay na sinabi ng tatlo sa screen.

"Hello, Cathy," pagbati ni Yuan. "I'm really sorry if I bothered you with this problem. I redeveloped the Brain because the software must remain on it's existence."

"Shit," gulat na nasabi ni Ran. "Si kuya ang—" Napatakip na lang siya ng bibig dahil sa gulat.

Buong akala rin ng iba na si Ray Pearson talaga ang nag-redevelop niyon.

"This is the only proof that you're still alive. Catherine may die but not the Brain. The Brain is a treasure. You are our treasure. And treasures don't die. They just remain unfound. If the software is deleted, it means the real Brain still exists like what RYJO said."

Sumunod nilang tiningnan ang laptop ni Yoshi.

"Kyasarin-hime. I know my job was to protect you, but I failed. I may failed as your guard, but I know, Shadow was not just a thief. Shadow was a legend. We know he could protect you from them more than I did. And so is RYJO. She works for them but she kills for no one. Whatever she did to you, I know it was always for the best. The Brain is lost, not dead."

Nalipat ang atensiyon nila nang matapos iyon at umandar naman ang kay Brent.

"Catherine, you're still the best sister I'd ever had. It was too late for me to take you from the Etherins, but you will always be a Pearson whatever happens. I don't know who are you today, but I am proud of what you have become. RYJO never fails to amuse us. Catherine, live a normal life. Promise me you'll never get involved with those people again. We can't protect you anymore."

Biglang nag-blackout ang screen tapos may lumabas na tab sa laptop nina Ran at Yoshi.

"Uninstalling Brain . . ." at loading tab.

Napatingin na lang sila kay Laby na nakatakip na sa mukha ang panyo ni Ran at tahimik lang.

Kahit hindi man ito umimik ay alam nilang umiiyak ito.

After a minute of loading . . . nag-restart ang tatlong laptop at na-format na automatically.

"Sayang naman yung mga file ko," nanghihinayang na sinabi ni Ran kasi wala nang laman ang laptop niya.

Nabasag lang ang katahimikan nila nang biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok si Armida.

"Josef!" nag-aalalang sigaw ni Armida.

Naalerto agad silang lahat at napatingin sa pinto.

"What is it?" takang tanong ni Josef.

"Bad news. We got company."







----

A/N:

Potek, action part na pala yung next chapters. Ang tiyaga n'yo namang magbasa. (At ang tiyaga ko namang magsulat noon, grabe naman. Parang ayoko na mag-revise hahaha)

Hindi na lang labanos ipanlalaban ni Armida, buong bahay kubo na.

Charot!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top