Death Threat

Nilalakad ni Armida ang papunta sa opisina ng principal. Kaiba sa Director na unang sumalubong sa kanya, mas ayaw niya ang principal dahil talo pa ang may-ari ng school kung makaasta.

Iniisip pa lang niya, naiirita na siya. 

"Miss Hwong," pagtawag ng teacher na nasa loob ng isang room na nadaanan niya sa third floor.

Paglingon niya sa tumawag, "Geo? Bakit?"

"Saan ka pupunta?" tanong pa nito.

Hinagod niya ito ng tingin. "Sa Principal's Office," pagyayabang pa niya.

Bigla itong bumuntonghininga at napahimas ng sentido. "Sinaktan ka ba ng mga bata?" nag-aalalang tanong ng lalaki.

"Hindi naman. Mababait naman sila," proud pa niyang sinabi habang nakataas ang isang kilay.

"Ha?" Mukhang hindi pa ito makapaniwala. "Talaga? Pero . . . ano'ng gagawin mo sa office ni Sir Geronimo?"

"Hmp!" Umirap siya nang marinig ang pangalang iyon. "Sinigawan niya ang estudyante ko, wala namang ginagawa sa kanya."

"At . . . ?" alanganing tanong nito, nag-aabang ng idadagdag niya.

"At ayoko n'on. So, we need to talk." Umirap na naman si Armida at nagtuloy-tuloy na ng lakad, ni hindi man lang nakuhang magpaalam kay Sir Geo.

Naiinis siya kapag naiisip na ang daming pakialamero sa school na iyon. Bakit hindi na lang siya pagturuin nang hindi siya tinatanong at pinakikialaman kung paano niya gustong magturo?

Nasa tapat na siya ng office. Inayos pa niya ang suot niyang suit at white long-sleeves na naka-tuck-in sa black slacks niya.

Tok! Tok!

Binuksan na niya ang pinto at sumilip sa loob ng Principal's Office.

"Hello, sir," buong pagmamataas niyang bati at nakangisi pa habang unti-unting pumapasok sa loob. Tuwang-tuwa siya sa principal na kitang-kita sa mukha na galit na galit.

"Sit down," galit na sinabi ng principal.

Diretso ang upo niya nang makapuwesto sa kaharap na upuan ng office table ng ginoo.

"Kabago-bago mo pa lang, sumasagot ka na! Kilala mo ba 'ko?!"

"Well . . ." Tiningnan naman ni Armida ang pangalan ng principal na nasa table. Nakalagay sa isang plake ang pangalan nito. "Mr. Alfredo Geronimo Jr. Kilala ko na po kayo ngayon." Nginitian niya ang principal at ipinaikot agad ang tingin pagkakita niya sa kilay nitong katabi na halos ng hairline sa sobrang taas.

"Sa tingin mo, nakakatuwa ka?" inis na inis na sinabi ni Mr. Principal.

"Bakit? Natutuwa ka ba?"

Ibinagsak ni Mr. Principal ang parehong palad niya sa table.

"Whoah! Easy, Mr. Principal. Makakalbo ka niyan sa ginagawa mo," natatawang sinabi ni Armida.

"Aba, talagang—! File your resignation letter now!" hamon sa kanya ng principal.

Dahan-dahang tumayo si Armida at inilapat ang mga palad sa mesa at nakangising inilapit ang sarili sa puwesto ng principal.

"Alam mo kung ano'ng pinakaayaw ko sa lahat?" may pagbabanta niyang sinabi rito sa mahinang boses. "Yung mga gaya mo." Kinuha niya ang kuwelyo nito at inangat sa upuan.

Halos matanggal ang salamin nito sa mata nang hatakin niya ito palapit sa kanya. Napapikit-pikit pa ito at halatang gulat na gulat.

"Bakit hindi tayo magkaroon ng kasunduan, hmm?" pananakot niya rito at kinuha niya ang kutsilyong na-confiscate niya sa estudyante niya.

"A-Ano'ng gaggawin mo diyan?" natatakot na tanong ng principal.

Ipinaikot ni Armida ang kutsilyo sa kamay niya para buksan ito. Pagkatapos niyon at itinutok niya iyon sa pisngi ng principal.

"Huwag—" Mabilis na pumikit ang principal dahil inisip nitong sasaksakin niya ito ng patalim.

Maangas siyang ngumisi at pinagapang ang talim ng kutsilyo sa pisngi ng ginoo. "Ito ang magiging kasunduan natin, Mr. Principal . . ." Sinundan niya ng tingin ang dulo ng talim na inililibot niya sa mukha nito. "Subukan pa ninyong galawin ang mga estudyante ng Class 4-F . . . papatayin kita."

Halos pandilatan siya ng ginoo nang marinig nito ang pagbabanta niya. Kitang-kita niya sa mata nito ang matinding takot.

"Kapag nagsumbong ka . . . papatayin kita."

Natatakot itong umiling para sabihing hindi ito magsusumbong.

"Simple lang naman ang instructions ko. Huwag mo kaming pakialaman . . . hindi kita pakikialaman. Didisiplinahin ko ang mga estudyante ko sa paraan ko. Naiintindihan mo?"

Kinakabahan itong tumango.

"SUMAGOT KA!"

"OO, Na-na-naiintindihan ko!" sigaw rin nito at mabilis na tumango.

Halos itulak niya ito nang bitiwan niya ang kuwelyo.

"Gusto ko ang mga taong matino kausap. Subukan mong hindi sumunod, bilang na ang mga araw mo." Ipinakita pa niya sa ginoo ang hawak na kutsilyo. "I guess we're done with our talk. Thanks for your time."

Tumalikod na siya at proud na lumabas ng opisina.

Siya pa ang tatakutin nito samantalang ultimo Four Pillars nga na pulos leader ng mga delikadong tao, hindi siya pinapalagan.

Bigla niyang naalala ang oras. Pagsilip niya sa relo, ilang minuto na lang at recess na.

Sinabihan naman niya ang mga estudyante niya na huwag mag-aasal hayop. Sana lang ay nakinig ang mga ito sa kanya.

"Miss Hwong," pagtawag sa labas ng Principal's Office.

"Oh, Geo." Napataas ng magkabilang kilay si Armida dahil mukhang inaabangan pala siya ng lalaki sa labas.

"Ano'ng sinabi ni sir sa 'yo?" nagtataka pero nag-aalalang tanong nito.

"Uhm, maingay lang daw ang klase ko. Pagsasabihan ko na," sabi na lang ni Armida sabay iwas ng tingin.

"Hindi puwedeng walang ginawa sa 'yo yung mga bata," sabi ni Sir Geo na para bang siguradong-sigurado na dapat may masama nang nangyari.

"Ang totoo . . ." Nagbuntonghininga si Armida at nag-isip ng ikakatwiran para lubayan na siya ng lalaking teacher. "Maingay sila pero nag-please naman ako."

Tiningnan siya ni Sir Geo na parang ayaw pang maniwala sa sinabi niya.

"Lumuhod ako at nagsabing huwag nila akong sasaktan," inis pa niyang dagdag, makontento lang ito sa sagot niya.

Pero wala, ayaw pa rin nitong maniwala.

"Alam n'yo, mababait naman yung mga bata, kayo lang ang judgmental."

"Hindi sila mababait. Nagturo ako sa klase nila noon."

"Ah! Baka nagbago, ano?"

"What happened?"

"Bakit ka ba nagtatanong?" mataray na tanong ni Armida at hinagod ng tingin si Sir Geo. "Ang importante naman, tahimik na sila ngayon, di ba? Ang importante, humihinga pa 'ko at hindi ko pa pinatatawag ang lawyer ko."

"Mag-che-check ako ng attendance ng mga teacher mamaya," iyon na lang ang nasabi ni Sir Geo habang hinuhusgahan siya ng tingin. "Titingnan ko kung ano ang ginagawa sa 'yo ng mga bata."

Tumalikod na si Sir Geo at nilakad ang hallway pabalik sa dapat ay klase nito.

Ang sama lang ng tingin niArmida sa lalaking teacher. Hindi niya alam kung concern lang ba sa kanya oano.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top