Complication
Maagang umuwi si Laby sa bahay. Maliban sa wala silang laban sa araw na iyon, nakatanggap na kasi siya ng notice sa CCS. Nasa bansa na ang mga Guardian ng Fuhrer. Tinanong niya kung kasama ba ang mga Guardian ni Armida pero ang sabi ay hindi pa pormal na naglalabas ng notice para i-deploy bilang Guardians ni Armida ang mga Guardian nito.
Napag-usapan na nila ng ibang Superior iyon bago pa man siya sumama sa mag-asawa. Hindi naman sa hindi sila pabor kay Armida, pero nagtatalo ang Order kung ang ide-deploy na Guardian ay ang orihinal na Guardians ni Armida buhat pa noon o ang Guardians ni No. 99.
Higit isang dekada na rin kasing AWOL si Daniel Ash Wolfe bilang Guardian Decurion ni Armida, pero alam nilang pare-pareho na hindi nito inalis sa sistema ang pagiging Guardian ng prinsesa kahit pa nakilala ito ng lahat bilang si Crimson. Lalo pa, hindi masasabing pagtatraydor ang ginawa nito. Masyadong matalino si Crimson at kabisado ang Credo. Sa kabila ng lahat ng masasamang ginawa nito, wala ni isang batas ng Credo ang nilabag nito. Bagay na lalong nagbigay ng stress kay Laby. Dahil paikot-ikutin man ang mundo, mananatili pa ring pinakamahalagang bahagi ng Citadel si Daniel Ash Wolfe bilang isa sa mga nakatakdang bigyan ng Summons para maging Superior na dapat ay natanggap nito noon pang nakaraang sampung taon matapos ang agreement ng termino nito bilang Decurion.
Nakadagdag pa sa issue ng pagtatalaga ng Guardians ang magiging parusa ni Armida sa Citadel oras na makabalik na sila roon.
Nagtutunugan ang mga makina at computer sa kuwarto ni Laby habang nakatitig sa monitors. Iniisip niya kung paano sasabihin sa mag-asawa ang balita—lalo na kay Armida.
Wala na siyang balak pumasok pa sa Byeloruss kaya kailangan na niyang daanin sa santong paspasan si Brent. Masyado nang nakokonsumo ng paghahanap niya sa software niya ang oras niya. Ang dami pa naman niyang trabaho. May paparating pa namang biotechnology project ngayon ang medical facility niya.
Buo na ang hinala niya kay Brent. Kung kinakailangang gamitin niya ang mga Guardian niya para makuha ang device, gagamitin na niya para matapos na ang lahat.
Si King at si Shiner ay handa na para bigyan ng card. Ang ikinatataka niya ay may isang Summons na ang instruction ng CCS ay sunduin na lang ang owner. Hindi iyon maintindihan ni Laby. Dahil kung may isang bahagi ang order na talagang maling-mali siya ng akala ay kapwa Superiors ang namimili ng uupo—o ang Fuhrer ang namimili. Pero hindi. Citadel at Guardians ang humahawak ng lahat.
Citadel . . .
Naiintindihan niya na isang juridical entity ang Citadel, pero gusto niyang malaman kung anong bahagi nito ang pumipili para sa mga dapat na umupo. Kung tutuusin, ang mga bumubuo sa guild ay mga taong hindi kailangan ng grupo. O mga taong may mga sarili nang grupo kaya hindi na kailangan ng iba pa.
Naging intriga tuloy sa kanya ang sistema ng Citadel at Criminel Credo.
Mas lalo na ang isang iyon na susunduin na lang.
Biglang naningkit ang mga mata ni Laby at agad na sinara ang mga monitor. May naririnig siyang hindi maganda. Nakaamoy rin siya ng pabangong hindi dapat naroon sa bahay. Dali-dali siyang tumayo at kinuha ang pocket knife na nakapatong sa side table at binuksan ang pinto.
"Hi—Oy!"
Kinuha agad ni Laby ang leeg ng pumasok sa bahay nila at saka niya ito sinakal sabay tulak sa dingding. Itinutok niya sa mukha nito ang pocket knife at halos pandilatan niya ito.
"What the f—" Hindi na niya natapos pa ang sinasabi at nanlaki na lang ang mga mata nang makita kung sino ang pumasok sa bahay nila nang walang paalam.
Nakataas ang magkabilang kamay nito at halos maduling na habang tinititigan ang kutsilyong nakatutok sa mukha nito.
"I didn't expect na ganito ka ka-harsh tumanggap ng surprise visitor."
"Li? What the hell are you doing here?!" Ibinaba na ni Laby ang kutsilyo at kinuha ang kuwelyo ni Ran.
"Just checking. Alam mo bang three times kong nilibot ang buong Byeloruss para lang hanapin ka," sabi pa nito nang may pag-aalala sa tinig. "Balita ko, binuhusan ka ng tubig ni Alexandrei. Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit nawala ka? Ngayon-ngayon lang ako nakaalis sa school kakahanap sa 'yo. Akala ko, kinulong ka na ng fans nila sa kung saang lumang storage room sa campus. Wild ang mga student sa Byeloruss, kahit ano, kaya nilang gawin sa 'yo. Sana naman tumawag ka man lang o kaya—"
"Daming sinabi!" Itinulak niya si Ran papunta sa direksyon ng hagdan. "Kapag nakita ka ulit dito ni Josef, baka kung ano'ng gawin niya sa 'yo!"
"Sino? Yung asawa ni Miss Hwong?"
"Just go, okay!"
Hindi magandang masanay si Ran na nag-g-gatecrash sa bahay na iyon dahil delikado. Lalo pa't maraming huma-hunting sa kanila.
Napahinto ang dalawa nang makarinig sila ng kalabog sa may baba.
"Shit!" Napatakbo agad si Laby para puntahan yung kumalabog.
Hindi puwedeng sabihing pusa dahil walang pusang maliligaw sa kanila.
Nagmamadaling bumaba si Laby papunta sa kusina para tingnan kung sino ang nandoon. Nakasunod naman sa kanya si Ran.
"Ah—Teka, sorry. Gutom na kasi ako."
"Oh damn . . ." Napapikit na lang si Laby at napasabunot na lang sa sarili nang makita si Shiner na nagkakalkal sa cabinet at mukhang nailaglag ang mga gamit sa loob niyon. "Can you guys stop freaking the hell out of me?!"
"May problema ba?" inosenteng tanong ni Shiner. Nadako naman ang tingin niya kay Ran na nakatayo sa likod ni Laby. "Teka . . . kilala kita a," sabi niya habang tinuturo si Ran. "The Tricker!"
Umisang tango si Ran. "Soliman," sabi ng binata na parang kilalang-kilala si Shiner. "What are you doing here?"
Isang I-don't-know shrug lang ang nasagot ni Shiner sa tanong ni Ran para sabihing hindi rin niya alam dahil wala talagang siyang ideya kung bakit siya nasa bahay na iyon maliban sa inuwi siya ni Armida.
"Puwede ba! Masakit na ang ulo ko! 'Wag n'yo nang dagdagan pa!" sigaw ni Laby dahil pinakaba siya ng dalawa sa ginawa nila.
Si Ran, pumasok nang walang paalam.
Si Shiner, akala niya kung sino na dahil nga kay Ran na pumasok nang walang paalam.
Alam naman niyang welcome ang kahit sino sa bahay na iyon dahil napakadaling buksan ang gate. Ang kaso, hindi rin naman easy-easy ang mga taong humahanap sa kanila. Nagsisimula na siyang ma-paranoid.
Buti sana kung nandoon yung mag-asawa. Wala siyang dapat ipag-alala. Lalo pa ngayon na dumarami na ang problema nila nang wala silang kamalay-malay.
"Shiner Soliman! 'Wag ka nang—"
Sabay-sabay silang napalingon sa may sala nang may bigla na namang umentradang isa pang gatecrasher.
Napatayo agad nang diretso si Laby nang makita kung sino ang pumasok na naman nang walang paalam sa bahay nila.
"Oh God. Oh God. Oh God," paulit-ulit na sinabi ni Laby habang nakatitig sa gulat ding bagong bisita nila.
"Laby?" tanong nito.
Tiningnan ni Ran si Laby sabay lipat ng tingin doon sa bagong dating. "Sino 'yan?"
Napatingin ang bagong dating kay Laby, sunod kay Shiner na nasa kusina. Ibinalik din niya ang tingin kay Laby. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Riggs, I can explain," Itinalikod niya agad si Riggs para palabasin ng bahay.
Alam niyang anytime dadating na sina Armida at napakalaking bad news oras na magkita-kita sila ngayon. Sobrang laking problema niyon.
Ngayon lang niya naalala. Kakausapin dapat niya si Josef na huwag nang tanggapin sa bahay nila si Shiner dahil maliban kay Riggs, alam niyang hahabulin sila ng mga Soliman. Ang kaso, mukhang huli na para sa kaso ni Riggs.
Ibig sabihin, nasa area si Riggs at nasundan si Shiner papunta sa bahay nila.
"Laby, I'm asking you!" Tinabig agad ni Riggs ang kamay ni Laby at hinarap niya ito para komprontahin. "Bakit nandito ka?"
"Dito ako nakatira! Please, umalis ka na muna!" pagmamakaawa ni Laby. "I'll tell you everything later! Promise!"
"Dito ka nakatira? Kasama mong nakatira dito ang target ko? Ibig sabihin, alam mong dito siya tumutuloy?" Sinubukan pa rin niyang tabigin ang kamay ni Laby na tumataboy sa kanya palabas. "Tinatawagan kita pero wala kang sinasabi! Alam mong target ko siya," itinuro niya si Shiner, "tapos wala kang binabanggit?"
"Hey, dude, 'wag mong masigaw-sigawan si Millicent!" Itinulak ni Ran ang balikat ni Riggs para ilayo ito kay Laby.
"Millicent?" Tiningnan nang masama ni Riggs si Laby. "Still a liar, huh?"
"Riggs, please, saka na tayo mag-usap . . ." Sinubukan niyang hawakan ang braso ni Riggs ang kaso . . .
"No!" Tinabig lang ni Riggs ang kamay ni Laby para hindi siya nito mahawakan. "I thought you've changed. You always lie!"
Lumapit na sa kanila si Shiner para makiawat.
"Hey, stop it!" pag-awat ni Shiner.
"Dude, lumabas ka na lang, puwede ba!" utos ni Ran.
"Ako? Lalabas? Teka nga, sino ka ba, ha?!" maangas na sinabi ni Riggs.
"Ako? Sino ako?" Kinuha niya ang balikat ni Laby at inilapit ito sa kanya. "Boyfriend niya, bakit?"
"Ah! Ikaw?" Ibinalik niya ang tingin kay Laby. "Boyfriend, huh."
"Stop it!" Tinabig niya agad ang kamay ni Ran sa balikat niya. "He's not my boyfriend!"
"Excuse me?"
Sabay-sabay silang napatingin sa pinto ng sala. Nakasilip doon sa bukas na pinto ang panibago na namang bisita.
"Oh, great." Napataas na lang ng magkabilang kamay si Laby para sumuko.
"Kesley?" tanong ni Ran.
"Brent?" tanong ni Riggs. "What are you doing here?"
"I'm here for Miss Hwong," kaswal na sagot ni Brent at pumasok sa loob. Napatingin siya kay Laby. "Dito ka pala nakatira."
Napasapo na lang ng noo si Laby at napailing.
"Brent," pagtawag ni Shiner.
Hindi sumagot si Brent kay Shiner pero bakas sa tingin niya ang pagkadismaya. Para bang gusto nitong magsalita pero pinipigilan ang sarili.
Ang kaninang maingay na sala ay parang dinaanan ng anghel sa sobrang awkward ng eksena.
"MA'AAAAM! ANGAS NG BAHAY N'YOOO!"
Napatingin silang lahat sa direksiyon ng pinto dahil doon sa isa na namang maingay.
"Oh shi—" Napa-facepalm na lang si Laby nang makita ang mga bagong dating.
Kung may pinakamalas siyang araw sa Earth, malamang ngayon iyon. At ang ganda ng timing ng pagkakataon. Sobrang ganda.
Sa sobrang pag-iisip, hindi tuloy niya narinig na nakarating na sina Armida.
Pare-pareho silang nagulat sa nakita . . .
"Riggs?"
"Kuya?"
"King?"
"Miss Hwong?"
"Yoshikawa?"
"RYJO?"
"Ran?"
"Shiner?"
"Sir?"
"Brent?"
"Eljand!" Itinaas nito ang kamay.
"James!" nakigaya naman ito.
"ANONG GINAGAWA N'YO RITO?"sabay-sabay nilang tanong sa isa't isa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top