Commotion
Sa cafeteria . . . .
Mabilis na naka-order si Laby dahil considered siya as Red Star Student. At ang mga Red Star Student ay may fast lane sa cafeteria. Red Star Student ang tawag sa mga student ng Byeloruss na high class ang status sa buhay at mga binibigyan ng first class treatment ng school.
Malaki ang cafeteria na may 200-seater capacity. Mataas ang kisame na may mga glass window kaya maaliwalas at pumapasok ang sinag ng araw. Kaya kahit hindi na buksan ang mga ilaw ay maliwanag pa rin.
Nakaupo si Laby sa dulong upuan at mag-isang kumakain. Nakisabay sa kanya si Armida na kumain. At dahil hindi naman kasi puwede si Armida sa fast lane, kailangan nitong magtiis pumila sa regular counter kasama ng mga regular student.
"Hi, puwedeng maki-share ng seat?" nakangiting tanong sa kanya ng isang babaeng student.
Ngumiti lang siya at tumango. Nginitian na lang din siya nito at inilapag na ang tray niya sa mesa.
"Hi, I'm—"
"Jane Eviota," sagot niya habang nakatingin sa kinakain.
"Oh! Kilala mo 'ko?" gulat nitong tanong at saka naupo.
"Name tag." Itinuro ni Laby ang chest pocket kung nasaan nakalagay ang name ng kausap.
"Oh, hehehe." Nangiti na lang si Jane at napakamot sandali ng ulo niya. "Bago ka lang dito? Ngayon lang kasi kita nakita," sabi nito habang sumasandok ng chocolate sundae.
"Yeah, kakapasok ko lang kanina."
"December na, a. Buti tinanggap ka nila."
"Exchange student."
"Oh . . . I see. Red Star ka rin pala. Ako rin Red Star e. Maraming privileges ang mga Red Star kaya puwede kang mag-request ng kahit ano sa RS Office," tip ni Jane kay Laby.
"Mm-hmm." Tumango naman si Laby habang nakatingin sa kinakain niya. "Thanks for the tip."
"May butler ka na? Puwedeng mag-request ng butler service dito."
"No need. Thanks for the offer."
"Oh! Wait. Hala!"
Napahinto sa pagkain si Laby at napatingin kay Jane. Nakalingon si Jane at nakatingin sa isang lugar na tinitingnan ng lahat.
"Bakit? Ano bang problema?" tanong ni Laby.
"Sana paalisin na siya diyan. Magagalit si King kapag naabutan niyang may nakaupo sa table ng DOC," sabi ni Jane habang nakatingin sa babaeng nag-iisa sa pinakagitnang table ng cafeteria.
***
Hindi normal na nakikisalo ang mga teacher sa mga estudyante sa cafeteria kaya medyo awkward ang presence ni Armida habang nakapila sa counter para um-order.
Puwede naman doon ang mga teacher, ang kaso nga lang, maarte rin ang mga teacher, parang mga student lang din. Mas feel nilang mag-resto kaysa sa cafeteria.
Hindi puwedeng magbayad ng pera sa cafeteria kaya binibigyan sila ng card na i-s-swipe lang na parang credit card para maka-order. At dahil kasama sa package ang card kapag pumasok sa Byeloruss, may card din si Armida.
Malayo pa lang siya sa pila, namili na siya ng meal number. At dahil may pagka-patay-gutom din siya, pinili niya yung marami at masarap tingnan.
"Meal number 7," order niya sabay abot ng card. Tiningnan niya ang paligid. Lahat ay nakatingin sa kanya na parang hindi siya dapat naroroon. Ngumiti lang siya at kinuha na ang order at card niya.
Hinanap niya si Laby. Hindi niya makita, makiki-share sana siya ng table.
"Uy, ayun!" Nakakita siya ng table na tanging blangko sa buong cafeteria. Dali-dali siya roong umupo at nginitian ang pagkain niya. Mashed potato with gravy, quarter-pounder burger, large fries, fruit salad, and pineapple juice.
Susubo na sana siya nang marinig ang bulungan sa paligid. Tiningnan niya ang mga estudyanteng pinagbubulungan siya.
"Ano? Problema?" tanong niya sa mga ito. Nagsiiwas ang mga ito ng tingin kaya isinubo niya agad ng burger niya.
Mukhang mag-eenjoy siya sa klase niya. Alam naman niyang gaganti ang mga iyon, mga bata pa kasi. Hindi sila makokontento hanggang hindi sila nananalo. Pinahiya pa naman niya kanina. Big time din pala yung estudyante niyang Havenstein kaya magiging maganda ang laban nila.
Madali niyang napabagsak ang grupo ng estudyante niya. At kung magseseryoso ang mga iyon, may chance na magalusan siya. Pero matalo? Not in a million year.
Napansin niyang nawala ang bulungan at natahimik ang lahat. Napatingin tuloy siya sa paligid. Mga nakayuko ang halos lahat ng estudyante. May mga matatapang na normal lang ang upo at patuloy lang sa pagkain. Yung iba, kakaiba ang ngiti at nakaantabay na ang mga camera.
"Psh. Ano na namang kalokohan 'to?" Susubo na sana siya ng fries nang biglang dumilim ang paligid niya. Napatingala siya at nakita ang mga nakaharang. "O, kayo na naman? Makikipag-away na naman ba kayo?" Isinubo na niya ang fries at kumuha pa ulit ng isa.
"Anong karapatan mong umupo sa mesang 'yan?" mariing sinabi ni King.
"Well, karapatan ng bawat nabubuhay sa mundo ang maupo sa isang blangkong mesa na walang nakaupo, unless binili mo ang mismong mesa at nilagyan mo ng 'This is a private property. Do not touch.'" Patuloy lang sa pagdampot ng fries si Armida habang parang inosenteng bata na nakatingin kay King. "Masarap yung fries nila, flavored. Ngayon ko lang natikman." Inalok pa niya ang kinakain sa estudyante.
Natatawa ang grupo ni King dahil sa mga lumalabas sa bibig ni Armida. Kaso hindi bumebenta ang joke sa leader. Sayang.
"Layas."
"I'm eating. 'Wag kang istorbo."
"Hindi ka ba marunong umintindi? Ang sabi ko—"
"Layas. I fully understand what you've said, kid. But I'm eating." Uminom pa muna siya ng juice at saka ibinalik ang tingin kay King. "Don't force me to make a move and embarrass the King in front of everybody here." Isang ngisi ang ibinigay niya kay King at saka sumandal sa upuan.
"Fuck you." Itinapon ni King ang tray na lalagyan ng pagkain ni Armida at saka ibinagsak ang isang palad sa mesa. "You don't have any idea of who I really am."
"Ah . . . It's you who have no idea of who I really am." Tumayo na si Armida at hindi inalis ang tingin sa mga mata ni King. "Nag-aaksaya ka ng pagkain. Buti at hindi 'yan luto ng asawa ko, kung hindi, pinutol ko na ang paghinga mo."
Maglalakad na sana papunta sa counter si Armida para kumuha ulit ng pagkain nang sugurin siya sa likod ng tatlong estudyante.
"Makuliiiiit." Tumalikod siya at nakitang may paparating sa suntok sa kanya. Nagpamulsa lang siya at lumukso paatras para makaiwas. "Hindi ako gagamit ng kamay, papartidahan ko na kayo ngayon."
"Sugurin n'yo!" utos ni King sa mga kasama niya. Samantalang sila-sila lang din ang pinabagsak niya kanina sa klase.
"Matigas ang ulo ninyong mga bata kayo," inis na sinabi ni Armida at panay lang ang lukso para makaiwas.
Hinahabol siya ng mga estudyante at nagtatayuan na sa upuan ang mga nasa cafeteria para panoorin sila.
"Ano bang ginagawa n'yo?!" galit na sigaw ni King dahil nagmumukhang tanga na ang mga kasama niya.
Umikot lang si Armida sa isang area kakalukso hanggang mapatapat siya sinasadya niyang lumapit kay King at tinabihan ito sa kaliwang gilid.
"Hep!" pagpigil niya at agad na inakbayan si King. Nginitian pa niya ang mga sumusugod sa kanya na napahinto rin sa pagsugod.
Gagalaw sana si King pero hindi na nito naituloy dahil halos sakalin na siya ng braso ni Armida nang higpitan nito ang kapit sa kanya.
"Kid, isang maling galaw mo pa, matatanggal talaga 'tong braso mo sa 'yo," pabulong na banta ni Armida habang nakatingin sa mukha ni King na masama ang tingin sa kanya.
Hindi makakalaban si King dahil hindi pa rin maganda ang ayos ng balikat niya—at natural lang na samantalahin iyon ni Armida.
Itinaas ni Armida ang kaliwang kamay at hinawi ang hangin gamit ang palad habang nagsasalita. "Nakikita mo 'yang mga nanonood sa 'tin?" sabi pa niya sa pinakamahinahong paraang magagawa niya habang nililibot ang tingin sa mga tao sa cafeteria. "Kayang-kaya kitang ipahiya sa mga 'yan." Saka niya ibinalik ang tingin sa mukha ni King na nanggagalaiti na sa galit at nagpipigil na lang. Pinakatitigan niya ang brown na brown na mga mata nito.
Punong-puno iyon ng galit. Pero alam niyang hindi lang sa kanya umiikot ang galit niyon. Galit na naipon lang mula pagkabata at sa sobrang dami, kusa na lang na lumalabas sa kahit na anong dahilan. Kahit na sobrang babaw.
Alam niya ang mga ganoong tingin. Minsan na niyang nakita ang tingin na iyon sa asawa niya—kay Shadow.
Noong mga panahong wala pa itong kalayaan at umiikot ang buhay sa corrupted na sistema nila.
"I like your eyes," puri niya sa mata nito at bumitiw na rin siya. Tinapik niya ang likod nito at masama nang tiningnan ang mga sumusugod sa kanya. "See you all in my class," sermon niya sa iba at dinuro na ang mga ito.
Tumalikod na si Armida, at imbis na pumunta sa counter, dumiretso na lang siya palabas ng cafeteria.
Nakasunod lang ang lahat ng tingin kay Armida na nakalabas ng cafeteria na wala man lang kagalos-galos mula sa mga kasama ni King. Mga napabilib ang mga ito dahil bibihira ang sumasaling kay King nang hindi napupuruhan.
"Spade," tawag ni King kay Brent habang nakasunod ang tingin sa guro.
"Yes, King?"
"Profile ng babaeng 'yon.ASAP."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top