Busy Bees

Ang aga ng recess ng mga estudyante ngayon dahil busy ang lahat sa decorating ng buong Byeloruss for Christmas kaya time na rin para makakain na rin siya. Diet mode daw siya ngayon kaya puro sandwiches ang kinakain niya. Tuna, chicken, ham, at egg na maraming coleslaw.

Tahimik siyang kumakain sa table na siya lang ang tanging nakaupo. Sulok na sulok siya kaya walang istorbo sa kanya.

Nakatingin siya sa labas ng glass wall sa labas ng cafeteria at iniisip kung may laban na naman ba sila mamaya. Hindi sinasabi ni Laby kung may laban ba sila o wala. Kahapon, wala naman doon sina Laby kaya alam na niyang hindi na pupunta ang mga ito sa Xaylem. Hindi siya puwedeng umasa kay Laby kaya makikibalita na lang siya sa mga alipores niya.

Napahinto siya sa pagnguya at iginilid ang mata nang mapansing may uupo sa table kung saan siya kumakain. Inilapag niya ang hawak na sandwich at sinundan ng tingin ang umupo sa harap niya.

"Akala ko ba, allergic ka sa 'kin?" naka-smirk na tanong ni Armida.

"I'll go straight to the point. Sinabi mong nandito ka para sa 'kin," panimula ni King. "If my father didn't send you here, then who does?"

Napasandal sa kinauupuan niya si Armida at tinitigan na naman sa mga mata si King. "Are you familiar with the Superiors and the Citadel?"

Kumunot agad ang noo ni King. "The most powerful guild ever existed, as they say?" Nagkrus ng mga braso ang binata. "What does it have to do with me?"

Sumandal din sa upuan niya si Armida at nagkrus din ng mga braso. "They want you in. Nandito lang kami para i-validate ka."

"Ako?" tanong ni King na puno ng pagtataka.

"Hindi, ako. Ikaw nga, di ba? Gosh!" Napakuha na lang ng sandwich si Armida at padabog na kinagatan iyon. "Wala nga lang akong dalang card ngayon. But Labyrinth said you're already in."

"Labyrinth?" takang tanong na naman ni King. "Why me?"

Nagkibit-balikat si Armida. "Because you're a Havenstein? Because the guild knows your father won't last for too long? Because you will inherit the Havenstein family, and the guild was just securing their allies for new generation?"

"Ah, so that's it," dismayadong sinabi ni King. "Nandito ka talaga dahil sa pamilya ko."

Isiniksik ni Armida ang mga kinakain sa gilid ng bibig para makapagsalita nang maayos. Ipinatong niya ang kaliwang siko sa mesa at itinuro ng kamay na may hawak na sandwich si King. "Ikaw ang magmamana ng trono ng Havenstein family sooner or later."

"Hindi lang ako ang anak ni Daddy. Nasa kanya si Reese. And for sure, papalitan ako ng kapatid ko kapag nagka-isip na 'yon."

Napailing si Armida at napangisi. "Ilang taon na yung kapatid mo?"

Napabuga ng hininga si King na parang sumuko na. Napatingin siya sa malayo nang sumagot. "Okay, he's just five. But still, how can you be sure na ako ang pahahawakin ni Daddy sa business niya with the mob? If that's the sole reason why I qualified with that damn guild, how can you be sure na papayag ako sa gusto n'yo?"

Napatango si Armida na parang ang gandang tanong ng sinabi ni King. "You have a point. Superior na rin ako. Hindi rin naman ako pumayag maging Superior."

"You what?" Nagulat si King sa narinig. "Seriously?"

"Gagawa ang guild ng paraan para makuha ka. Gaya ng ginawa nila para makuha ako at ang asawa ko. The question is not do you want to be one of us, it's do you want to die as a hopeless and weak nobody or do you want to live but a monster for the monsters?"

"LEXI!"

"Whoah."

"OH MY GOD!"

Napalingon agad sina Armida nang marinig ang mga reaction na iyon.

"Ano 'yon?" Napatingin si Armida sa malayo sa harapan.

Kahit si King ay napalingon sa mga nagkukumpulang estudyante sa gitna ng cafeteria.

"Ang kapal talaga ng mukha mo!"

"Alexandrei, stop!"

"How dare you!"

"Cat fight! Cat fight! Cat fight!"

May nag-aaway. Tangay-tangay ni Armida ang sandwich niya nang tunguhin ang komosyon.

"Oy! Oy! Oy! Anong kaguluhang 'to!" entrada ni Armida.

Nagsihawian ang mga estudyante.

"Uy, may teacher."

"Patay na."

"Sayang."

Bumungad kay Armida ang mga nag-aaway.

"Surprise, surprise," nakangiting aniya nang makita kung sino-sino ang mga involve.



***



Nasa cafeteria si Laby at naghahanap na ng mauupuan. Ang daming nagkalat sa estudyante sa paligid, kailangan pa niyang makipagsiksikan sa mga ito.

Nakita niya ang blangkong upuan sa may bandang gitna malapit sa table ng DOC sa cafeteria. Umupo siya roon since wala namang nakaupo.

Tapos na ang kaso niya kay Ran. Tapos na rin ang kay Yoshi. Si Brent na lang ang problema niya. Mukhang mahihirapan siya dahil nilibot na niya ang buong Byeloruss, ni anino ni Brent ay hindi man lang niya nakita.

Hihingi na lang siya ng tulong kay Armida about kay Brent. Puwede na siguro niyang hingin ang pabor na i-torture nito ang target niya para lang makuha ang computer na may prototype version ng software. Hindi niya alam kung ano bang klaseng bug ang inilagay ni Yuan Li sa software. Hindi rin kasi niya makita ang bug sa code ng kopya ni Yoshi kaya baka nasa kopya iyon ni Brent.

"Hey."

Napatingin siya sa umupo sa harapan niya nang walang paa-paalam.

"Dude, tapos na 'ko sa 'yo. Puwede mo na 'kong layuan," sabi ni Laby at saka itinuloy ang pagkain.

"Is that it? I didn't give you that information para lang sa charity. Now, help mo to find my sister's killers."

Naibaba ni Laby ang hawak na tinidor at bored na tiningnan si Yohi. "Yoshikawa, ang sabi ko, kausapin mo yung adviser ng 4-F. Ginawa mo ba?" bored na bored niyang sinabi.

"Ano namang kinalaman ni Miss Hwong dito?"

"Kulit mo." Napa-eyeroll na lang si Laby dahil isa pa itong Yoshi na makulit. "Kaysa puro ka complain sa akin, try to talk to her, ask for your sister, and leave me alone." Sumandal siya sa upuan at nilingon-lingon ang paligid habang kagat-kagat ang straw ng strawberry smoothie niya.

Napaisip naman agad si Yoshi. "Why her? Magkasama ba kayo? Parehas ba kayo ng pakay rito?" nagtataka niyang tanong.

"They're here to pick people up. For sure, right now, she's talking to Havenstein. So please—Ah, shit . . ."

Napapikit si Laby nang maramdaman ang malamig na liquid na unti-unting tumutulo sa ulo niya.

"LEXI!" sigaw ni Yoshi at saka siya napatayo.

Nakuha tuloy nila ang atensiyon ng mga nasa malapit na table.

"Whoah."

"OH MY GOD!"

Nanatili pa ring nakaupo si Laby at poker-faced lang na nakatingin sa table. Pakiramdam niya, gusto na niyang manaksak ng tinidor sa mata.

"How dare you, bitch! Stupid ka ba, ha?" Sinubukan siyang sabunutan ni Lexi pero nasalo agad ni Yoshi ang kamay nito.

"Alexandrei, stop!" Humarang agad si Yoshi para pigilan sa pagsugod si Lexi.

"Don't stop me, Yoshi! You, stupid bitch!" sigaw ng Lexi habang dinuduro si Laby na dahan-dahang pinupunasan ang mukha gamit ang table napkin.

"Cat fight! Cat fight! Cat fight!" Iyan ang kantyaw ng lahat sa kanila.

Ang Campus Fairy, mukhang na-threaten sa bagong estudyante ng Byeloruss. Bibihira lang nilang makitang nagagalit si Lexi dahil inaalagaan nito ang image pero mukhang nawala ang pagiging prinsesa nito ngayon at lumabas ang pagiging maldita.

"Oy! Oy! Oy! Anong kaguluhan 'to!"

"Uy, may teacher."

"Patay na."

"Sayang."

Bumungad sa mga nag-aaway si Armida na panay ang nguya sa kinakaing sandwich.

"Surprise, surprise," nakangiting sinabi nito nang makita si Laby na naligo nang di-oras.

"Miss Hwong," gulat na sinabi ni Yoshi. Naalala niya ang sinabi ni Laby bago pa ito mabuhusan ng tubig na gawa ni Lexi.

Tumayo na si Laby at nakataas ang kilay nang tingnan si Armida.

"Nakalimutan mo bang maligo kaninang umaga?" pang-asar pa nito sa kanya.

"Don't tell me, dadagdag ka pa?" sarcastic pang tanong ni Laby at tinaasan ng kilay si Lexi na masama ang tingin sa kanya.

"Ang kapal ng mukha mo! Sinabihan na kita kanina, a! Hindi ka ba marunong umintindi?" galit na galit na sigaw ni Lexi sa kanya.

"Lex, stop it!" awat ni Yoshi.

"Isa ka pa!" Itinulak nito sa dibdib si Yoshi. "Bakit ka ba lumalapit sa babaeng 'yan, ha?" sigaw nito habang dinuduro si Laby.

"Oh." Napatango si Armida at kumagat uli sa sandwich niya. "Akala ko ba, kayo na n'ong future boyfriend mo? Yung cute na singkit."

Napa-face palm na lang si Laby dahil magulo na nga, gatong pa nang gatong si Armida.

"Haay, bakit sakit kayong lahat sa ulo?" Kinuha ni Armida ang kuwelyo ni Yoshi at hinarap ito sa kanya na ikinagulat naman nito. "Uy, singkit ka rin." Nilingon niya si Laby. "Mahilig ka pala sa singkit."

"Shut up!' sigaw ni Laby sa kanya.

"Hahaha! Sweet." Humarap na uli siya kay Yoshi na ang weird ng tingin sa kanya. "Malamang na ikaw ang ugat ng lahat ng 'to." Tiningnan niya si Lexi na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. "Girlfriend mo ba 'yang prinsesa sa likod mo?"

"She's not my girlfriend," mahinang sinabi ni Yoshi habang iwas ang tingin kay Armida.

"Oh. Wow," inaudible na sinabi ni Armida sabay bitiw kay Yoshi. "Laby, change your clothes."

Napailing na lang si Laby at saka nag-walk out.

"Hey, hindi pa tayo tapos!" sigaw ni Lexi na hahabulin pa sana si Laby pero sinalo agad ni Armida ang ibabaw ng dibdib niya saka siya itinulak pabalik sa puwesto niya.

"Tapos na kayo, darling," awat ni Armida kay Lexi. "Huwag mo nang ipahiya pa ang sarili mo sa lahat. Sayang ang image mo, nagmumukha kang amasonang hampaslupa. Ang cheap tingnan."

Napanganga na lang si Lexi sa sinabi ni Armida at hindi siya makapaniwalang sasabihin sa kanya iyon ng isang teacher.

Favorite siya ng lahat. Kahit ang owner, President, at Director ng school. Siya ang Campus Fairy. Tapos sasabihan siya ng isang bagong teacher na isa siyang amasonang hampaslupa. At cheap!

"How dare you talk to me like that!" pangmamata ni Lexi kay Armida na nanghahagod pa ng tingin. "Kilala mo ba 'ko?!"

Lalong lumapit si Armida at tumindig nang diretso sa harapan ni Lexi. Halos tingalain siya nito dahil hindi man lang sumayad sa leeg niya ang taas nito. "Bold of you to shout at me kid." Yumuko siya para bulungan ang dalaga. "You better hide right now, dahil sa mga susunod na minuto at nakita ko pa ang pagmumukha mo, pagsisisihan mong sinigawan mo 'ko."

Gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Lexi dahil kahit sobrang hinahon ni Armida, naging sobrang nakakatakot para sa kanya ang sinabi nito. Trumiple pa ang bilis ng tibok ng puso niya at halos manlambot siya sa kinatatayuan.

"Lexi!" sigaw ni Yoshi dahil biglang napaupo ang dalaga gawa ng panghihina.

Matamis ang naging ngiti ni Armida nang tumayo na nang diretso.

"At ikaw, young dude," aniya kay Yoshi. "Kausapin mo 'yang self-proclaimed girlfriend mo. Kapag ginalaw niya uli si Catherine, humanda kayong pareho sa 'kin, understand?" Tinapik niya ang balikat ni Yoshi. "Sige na, bago ko pa kayo ipadala sa detention."

At naglakad na siya pabaliksa table niya dahil hindi pa siya tapos kumain.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top