Biased

"Nananadya ba kayo?"

Halos lamukusin ni Laby ang hangin habang kausap ang nagma-manage ng laban sa Xaylem. Nanggigigil siya sa sinabi nito tungkol sa laban nila.

"E yung handler ang nagsabi. Sumusunod lang kami sa utos."

"Lalaban kami sa pito, kulang kami ng isa."

"Sabi nga ng handler, isa nga lang daw ang lumaban noong nakaraan, ayos lang kahit kayong dalawa lang ngayon."

"Buwisit."

Pinagdabugan ni Laby ang mesa at tumalikod na sa lalaking kausap sa isang mababang mesa.

Nakasandig lang sa isang sementadong poste si Josef habang nakapamulsa at naghihintay matapos sa pagdadabog si Laby. Napadiretso siya ng tayo nang mapansing papalapit na ang dalaga sa kanya.

"What happened?" tanong ni Josef.

"7 group, sabay-sabay nating lalabanan."

"And?"

"Anong AND?! Isang laban lang dapat per group! That's 38 people na sabay-sabay nating lalabanan, don't 'and' me!"

Nagtaas ng magkabilang kamay si Josef para sabihing sumusuko na siya pero nakangiti naman. Kung siya kasi ang tatanungin, wala namang kaso ang 38. Sumasabak nga siya noon sa maramihang laban na pulos professional ang kalaban, iyon pa kayang mga amateur lang at mababa pa ang bilang sa singkuwenta?

Dismayado si Laby nang puntahan na ang arena sa ibaba lang nila. Ayos lang kay Josef ang sitwasyon basta ba wala si Armida. Naghahanda na rin ang lahat ng kalaban nila pagbaba nila roon.

Naka-mask naman silang dalawa. Nakapagpalit rin sila ng plain black T-shirts at handa na sa laban nila. Kanya-kanya namang costume ang mga kalaban nilang halos kaedad lang din ni Laby ang iba. Maraming tao ngayon ang Xaylem. Bibihirang mapuno ang arena nang ganoon. Napupuno lang kapag nasa Top 10 ang mga naglalaban.

Naging maingay ang pangalan ng LSG dahil Top 10 placer ang pinabagsak ng isang miyembro lang nito. Nakaabot sa mga Soliman ang balita, at mukhang sinusukat ng handler kung gaano kalakas ang baguhang grupo para palabanin sa pitong gang nang sabay-sabay.

"Nagsisisi ka na bang hindi natin kasama si Armida?" tanong ni Josef.

"Huh." Maangas na ngumisi si Laby. "Kahit mabugbog ako rito, hindi ko hihilinging nandito ang asawa mo."

In-announce na isa-isa ang pitong kalaban nila at ang pangalan ng grupo nila. At habang nangyayari iyon, unti-unti na silang pinalibutan ng mga lalabanan nila.

"You fight?" alanganing tanong ni Josef sa katabing dalaga.

"Do I have a choice?" inis na sinabi ni Laby at nag-angat ng manggas ng shirt sa balikat.

"WHOOOH!"

"LSG! LSG! LSG! LSG!"

Lalong nainis si Laby sa pagsigaw sa grupo nila.

"SIMULAN NA ANG LABAN!" sigaw ng arbiter na lalong nagpadagundong sa buong Xaylem.




Samantala . . .

"Wow, puno ngayon, a!" bati ni Eljand sa paligid habang hinahawi ang mga audience para makadaan sila. "Tabi! Tabi! Magsilayas kayo, mawalang-galang na, tabi!"

"Panong hindi mapupuno e tinalo nila ang Jokermen kahapon." Tinulak-tulak ni James ang iba pang audience para naman may space si Armida sa may railings. Kailangang maganda ang view ng reyna. Kung may upuan nga lang na available doon, malamang na pinaupo na nila si Armida with matching pamaypay pa.

Protektadong-protektado si Armida na animo'y nagkaroon ng instant personal security guard sa katauhan ng dalawang estudyante niya.

Nasa second floor sila ng Xaylem at tiningnan agad ang monitor.

"O?! Sabay-sabay?!" sigaw ng dalawa habang nakatingin sa monitor sa kabilang bahagi ng puwesto nila.

Napangisi na lang si Armida at napailing. Lalo na noong nakita niya sa ibaba ang dalawang naka-itim na T-shirt at maskara para sa grupo ng LSG.

Ipinatong niya ang magkabilang braso sa metal handrails at tiningnang maigi ang arena sa ibaba.

Hindi siya makapaniwalang lalaban sina Josef at Laby na hindi siya kasama.

Inilabas niya ang phone sa bulsa. Walang message sa dalawa.

"Paano nalalaman ng isang grupo na may laban sila?" tanong ni Armida sa dalawang katabi niya.

"Ang alam ko, ma’am, mine-message ng manager ng Xaylem yung repre. Hindi sinasabi kung sino ang kalaban, basta kung anong oras lang ang laban saka ilan."

"Oh . . . I see." Napatango-tango na lang si Armida habang nakatuon ang tingin sa ibaba.

Hindi naman siya nagagalit. Pero nablangko siya sa isang saglit.

"Pitong laban, sabay-sabay," bilib na sinabi ni Eljand.

"Di ba bawal 'yon?" tanong ni James. "Ang alam ko, isa-isa lang dapat e."

"Baka nagbago ng policy," sagot na lang ni Eljand.

“Nagbago kung kailan matagal na?”

Ilang minuto lang ay napalibutan na ng napakaraming tao ang arena. Pitong grupo ang naroon laban sa dadalawang member ng Legendary Superiors.

Nagsimula nang mag-cheer ang mga audience.

"WHOOOH!"

"LABAN NA!"

"LSG! LSG! LSG! LSG! LSG!"

"Nasaan na yung isa nilang kasama? Di ba, tatlo sila?" tanong ni Eljand.

"They can handle that," nakangiting sinabi ni Armida. "The Fuhrer knows what he's doing."

"Kung sa bagay, ma'am," sabi ni James.

Nag-announce ang arbiter na hindi lalabanan ng mga challenger ang kapwa-challenger. Lahat ng atake ay para lang sa mga member ng LSG.

At manonood muna si Armida.

"Aaaargh!" sabay-sabay na sigaw ng tatlong naunang sumugod.

Sinipa agad ni Josef ang isa, kinuha ang damit ng isa at inihagis sa iba pa. Kinuha naman ni Laby ang damit ng isa, umikot siya pataas at ipinalibot niya ang mga binti niya sa leeg nito at saka niya ito pinabagsak sa arena.

"WHOOOH!"

"Bangis!" sigaw ni James at nagtatatalon sa puwesto nito.

Nagwawala ang buong audience sa simula pa lang ng laban.



Sunod-sunod na ang pagsugod ng iba. Round by round ang naging dating. Kapag bumagsak ang nauna, susunod ang kasunod na grupo, pagkatapos ay sunod na grupo ulit hanggang mapabagsak ang dalawang member ng Legendary Superiors.

Sinuntok lang ni Josef sa iba't ibang parte ng katawan ang mga sumusugod sa kanya, at the same time, tinitingnan niya ang kilos ni Laby at sa mga sumusugod dito. Hindi puwedeng mapuruhan ang dalaga. Mas may tiwala pa naman siya rito kaysa sa sarili niyang asawa.

"Josef, kaya mo pa?!" sigaw ni Laby.

"Ja! Ikaw, okay ka lang?!" Kinuha niya ang kaliwang kamay ni Laby at inangat ang dalaga sa ere. Buong lakas na sinipa ni Laby sa dibdib ang dalawang pasugod na sa kanila habang pinalilipad siya ni Josef. Iyon ang huling dalawang kalaban ng kasalukuyang grupo ng mga sumusugod.

Parang ballerina-ng umikot si Laby pagkatapos siyang ibaba ni Josef. Pumuwesto naman ang dalawa para magkatalikuran sila.

"Dose na ang bumabagsak. Kaunti pa," hinihingal na sinabi ni Laby.

"Aaaarrghh!"

Ikatlong grupo na ang sumusugod.

Patuloy lang sa pagsuntok si Josef at pagsipa naman si Laby.

Nagsisisimula nang hingalin si Josef. Lahat ng napabagsak niya kanina, nakatayo na ulit.

"This is not good!" malakas na sinabi ni Josef.

"Will you please do something to end this right away?!" sigaw na utos ni Laby.

Kinuha naman ni Josef ang braso ng isang susuntok sana kay Laby. Ibinalibag niya ito sa mga nakaabang na para sumugod.

Wala pang natatamong sugat o matinding galos ang dalawa kahit na marami na silang napapabagsak. Ang malas lang dahil hindi naman talaga pumunta roon si Josef para makipaglaban. Hindi lang niya maintindihan kung bakit sila napunta sa ganoong sitwasyon.



"Sheeeet! Galing talaga! Idol ko na talaga 'yang grupo na 'yan! WHOOOH!" pag-che-cheer ni Eljand.

"LSG! LSG! LSG!" cheer din ni James habang itinataas ang dalawang kamay sa ere.

Marami pang kalaban, at hindi na nagugustuhan ni Armida ang napapanood niya kahit pa panay ang cheer ng crowd sa grupo niya.

"Mukhang pagod na yung leader nila, a. Bumabagal na e," puna ng isa sa audience.

"Siya ba yung leader nila? Hindi ba yung matangkad? Akala ko yung matangkad yung leader."

"Di ba tatlo sila? Saan kaya yung isa pa?"

"OOOW!"

Napatayo nang diretso si Armida nang may isang nakasapak kay Josef para lang saluhin ang atakeng para dapat kay Laby.

Napuno ang buong Xaylem ng cheer dahil sa wakas ay may magaling na nakatama sa isang member ng LSG.

"Tsamba lang 'yan!"

"Madaya naman kasi e!" sigaw ni James.

"Dadalawa lang naman sila tapos marami ang kalaban! Lugi 'yan!" dagdag ni Eljand.

Bakas na bakas na ang inis sa mukha ni Armida. May nakasapak sa asawa niya, at napapagod na yung bata. May napapabagsak pero may nakakabangon pa rin habang sunod-sunod ang atake ng lahat ng nakapaligid dito.

"James, pakihawak nga nito," utos niya sa estudyante nang hubarin ang suit.

"Ma'am?" takang tanong pa nito nang mahawakan na sa bisig ang suit niya.

"Naiinitan ako," katwiran na lang niya.

"Ay, sige, ma'am. Di ko dudumihan 'to!" Niyakap agad ni James ang suit para protektahan ang damit.

"Saglit lang, maghahanap lang ako ng restroom," sabi pa niya sa dalawa. "Huwag kayong aalis dito, ha. Babalik ako agad."

"Ma'am, yes, ma'am!" saludo ng dalawa.

Umatras na si Armida at bakas ang seryosong mukha nang lakarin ang pasilyo pababa ng second floor. Dali-dali niyang hinubad ang white long-sleeves na suot at ang natira na lang ay ang black tank top niyang pang-ilalim.

Nagtanggal na rin siya ng ponytail at lumugay ang itim niyang buhok na hanggang dibdib ang haba. Kinuha rin niya ang plaid handkerchief at itinakip sa bandang ilong niya hanggang sa bibig gaya ng sa mga bandido.

"Sorry, I'm late," bati niya sa lalaking nagbabantay sa ibaba ng arena. "Pakibantay ng damit ko, thank you." Saka niya ipinatong ang damit sa screened door na pinakapinto ng arena mula sa audience.

Nagwawala na ang buong Xaylem dahil bumibigay na ang dalawang miyembro ng LSG.

Pare-parehong hinihingal na ang mga nasa arena. Nasa gitna pa rin sina Laby at Josef habang naka-defense mode at pagod na rin.

Dire-diretso lang ang lakad ni Armida papunta sa gitna ng arena.

"Ugk!" Binira niya agad sa batok ang isang nakahambalang sa daan niya.

"Tabi!" inis niyang sinabi habang tuloy-tuloy pa rin ang lakad.

"Agk!" Isa na namang bira sa batok sa pangalawa at isang katawan na naman ang bumagsak sa arena.

"Nasaan na yung magaling na nakasapak sa asawa ko?!" galit niyang sinabi sa paligid na parang walang nangyayaring laban.

Sabay-sabay tuloy silang napatingin sa direksiyon niya—kahit sina Josef at Laby.

"Argh!" may isang pasugod sa kanya. Tumalon pa ito sa ere at nakaamba na ng pangmalakasang suntok.

Bago pa man ito makatapak sa lupa at makaabot sa kanya ang suntok, kinuha na niya ang leeg nito at walang kahirap-hirap na ibinato sa pader ng arena.

"Armida?" gulat na pagtawag sa kanya ni Josef.

"Oh shit," bulong ni Laby habang pinandidilatan ang babaeng papalapit sa direksiyon nila.

Ang nag-iingay na mga audience ay biglang tumahimik.

Tiningnan kung ano na ba ang nangyayari sa may entrance ng arena.

May bagong dating. Naka-itim na sando at nakatakip ng panyo ang kalahati ng mukha.

"Ano pa'ng ginagawa n'yo?! Tatanga na lang?!" panghahamon pa niya sa lahat.

"WHOOOH!" Dumoble ang pagwawala ng Xaylem. May mga kumakalampag na sa mga floor.

"Humanda ka sa 'min!" sigaw ng dalawang kalaban nila at sinugod si Armida.

Paglapit ng mga ito, kinuha niya ang magkabilang leeg ng dalawa at pinag-untog ito nang sobrang lakas.

"Sugod!" Inatake siya ng tatlo pang kasunod. Sinipa niya ang sikmura ng isa, hinampas sa leeg ang isa, at pinatid ang huli saka sinipa sa dibdib pagbagsak nito.

Nagpatuloy siya sa paglakad papunta sa puwesto nina Josef. Inis na inis ang mukha niya at nakikita sa mga mata niya na napipikon na siya sa nangyayari.

Nakapagpabagsak na siya ng walo nang wala pang tatlong minuto. At kompara kina Josef, tunay nang nawalan ang mga ito ng malay at hindi na nakatayo pa.

"What the hell are you doing here?" reklamo ni Josef sa kanya. May akmang susugod sa lalaki sa kanang gilid pero mabilis nitong sinapak na nakapagpalipad dito sa sahig ng arena.

"You! What the hell are you doing here?!" balik ni Armida. May dalawang umamba ng suntok sa kanya sa magkabilang gilid pero malakas niyang sinampal ang isa na nakapagpalipad dito sa malayo at sinipa niya ang isa na halos paliparin ito at basagin ang dingding ng Xaylem pagkatama ng katawan nito roon.

Tumuloy-tuloy na naman ng lakad si Armida papalapit sa asawa niya.

"Kanina ka pa sumusugod, wala ka man lang napapatulog ni isa?" sermon pa ni Armida.

May limang nagsabay-sabay sugurin siya sa likuran niya. Pagtalikod niya ay saktong paglapit ng mga ito na susuntukin siya.

"Why can't I end this one permanently?!" inis na sinabi niya dahil hindi siya puwedeng pumatay roon gaya ng napagkasunduan nila ng asawa niya.

Inilahad niya ang magkabilang palad at binira ang mga dibdib ng lima nang sunod-sunod. Sobrang bilis na hindi man lang nakita ng mga ito ang paparating na atake niya.

"You're not supposed to be here!" sabi ni Josef at ito na ang lumapit kay Armida.

Patuloy ang pagsugod ng iba pero sa daan ni Armida, wala ni isang nakabangon sa lahat ng pinabagsak niya.

"Puwede ba, mamaya na kayo magsigawan diyan!" reklamo ni Laby dahil panay pa rin ang atake niya. "Try to help me, will you?!"

Pipigilan na sana si Josef ang asawa niya pero wala pang isang iglap, mabilis itong nawala sa paningin niya nang lumukso ito paharap. Paglingon niya sa likuran kung saan ito tumungo.

"Whoah!" Tumama sa katawan niya si Laby at sinalo agad ito.

Sampung katawan din agad ang bumagsak sa sahig ng arena pag-angat niya ng tingin.

"What the hell did she do?" mahinang bulong ni Josef habang pinanonood ang asawa niyang magbatak ng leeg.

Kalahati na ang nakahandusay sa sahig. Wala na ngang malay ang lahat ng bumagsak. Hindi na rin ito tumatayo di gaya kanina.

"Whoooh!" Malakas pa rin ang pag-cheer sa grupo ng LSG. Hindi na muna sumugod ang mga kalaban nila. Mga hinihingal na rin at nag-iipon ulit ng lakas.

Yumukod si Armida sa katawang nasa paanan niya at marahas na hinatak ang kuwintas nitong gawa sa black beads. Napigtas iyon at inipon niya sa kamay ang mga itim na beads. Pagtayo niya nang diretso, tumalikod na ulit siya kina Josef na halos dalawang dipa ang layo sa kanya.

"Bawal ang armas, di ba?" sabi niya sa dalawang kasama.

Umiling si Josef at inaudible na sinabi ang salitang "No, don't."

"Ugk!"

"Agk!"

"Ugh!"

Tatlong katawan na agad ang bumagsak sa magkabilang gilid ni Armida.

"Hindi ako bababa rito kung sineryoso mo ang laban," sabi pa niya kay Josef.

"Ugk! Agk!" Apat na katawan ang sumunod na bumagsak.

Napabuga na lang ng hininga si Josef at napahimas ng batok habang nakaiwas ang tingin.

"Agk! Ugk! Ugh!" Bumagsak na ang huling tatlong nakatayo.

Tumahimik bigla ang buong Xaylem, nagtataka kung paanong bumagsak ang mga iyon samantalang wala namang kumikilos sa mga nasa arena.

Masama lang ang tingin ni Armida habang nakatingin sa asawa niya.

"Hindi n'yo sinabi sa 'king may laban ngayon," mahinahon pero naiinis na sinabi ni Armida sa dalawang kasama. "At ang mas nakakainsulto, balak n'yo pang magpatalo."

"It's not what you think!" katwiran agad ni Josef.

"I don't care whatever your stupid reason is why you never tell me about this fight in the first place." Dinuro niya ang second floor. "But I was watching up there! And you let yourself get punched by a fucking child!"

"Uh, puwede na kayong makausap?" tanong ng arbiter na nakisingit na sa gitna ng arena.

"NO! You shut up or else, idadagdag kita sa mga kalat dito!" sigaw agad ni Armida sa lalaking arbiter.

Nagtaas agad ito ng magkabilang kamay para sabihing hindi siya lalaban.

Ibinalik ni Armida ang masamang tingin kina Laby at Josef. Itinutok niya ang palad sa arbiter at sumenyas na ibigay nito ang hawak.

"Mic," matigas na sinabi ni Armida.

"Ha? A-uh, okay?" kinakabahang inabot ng arbiter ang mic kay Armida.

Nakatuon pa rin ang tingin ng babae sa dalawang kasama niyang parang sising-sisi na sa lahat ng ginawa.

"Ang sabi sa rules, bawal ang maraming laban dito," sabi ni Armida sa arbiter.

"Ah . . . kababago lang kasi ng policy ngayong araw lang. Desisyon ng handler ng Xaylem ang laban n'yo."

"Ngayon talaga? At grupo lang namin?" puna pa niya.

Hindi nakapagsalita ang arbiter. Ibinalik ni Armida ang tingin sa dalawang kasama niya saka itinutok sa bibig ang mic.

"Gusto n'yo ba ng magandang laban, Xaylem?!" sigaw niya sa crowd.

"OO!"

"WHOOOH!"

“LSG! LSG! LSG!”

"Hinahamon ko ang Top gang ng Xaylem!" walang kaabog-abog niyang sinabi na ikinalaki ng mata nina Laby.

"Armida!" pagpigil nito sa kanya.

"Kung talagang matapang sila, at kung talagang matapang ang handler ng lugar na 'to, aayusin na niya ang laban namin ng pinakamalakas na gang dito!"

"Oh shit," bulong ni Laby at napatakip na lang ng mukha.

Inihagis na rin niya ang mic sa arbiter at naglakad papunta sa direksiyon nila Josef.

"Armida, what have you done . . . ?" dismayadong sinabi ni Josef.

Hindi pinansin ni Armida ang asawa. Tinabig nga lang niya ang balikat ni Josef at saka ito nilampasan.

"Now we're fucked up," sabi na lang ni Laby saka umiling.

Naghamon na ang LSG, malamang na makararating ang balita sa humahawak ng Xaylem.

Iyon nga lang, sa dinami-rami ng hahamunin, yung Top 1 pa—ang Dark Orion Cards.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top