Bad Lunch

Biyernes pa lang nang tumawag si Armida na makakapasok na siya sa school sa susunod na linggo. Wala naman daw kaso dahil nakapagpasa naman na sa admin office ng medical certificate niya. Na malamang sa malamang, kahit hindi na siya magtanong ay gawa ni Laby. Ito lang naman ang magaling sumalo ng mga problema nila roon. Kaya nga gabi pa lang ay naabisuhan na siyang kailangan niya pa ring pumunta ng school sa Sabado ng umaga dahil ang ilalaan sana nila para sa half day na pasok ay gagamitin na lang para sa practice.

At natuwa naman siya dahil puwede raw niyang isama ang asawa niya para bantayan siya. Health related ang katwiran sa school pero personal related naman talaga sa totoo lang.

Hindi na nila inabala ang sariling magdalawang kotse kaya kotse ni Josef ang ginamit papunta sa Byeloruss.

Alas-otso nang makarating sila, at talaga nga namang napakaganda ng sikat ng araw at maaliwalas ang paligid pagtapak nila sa magarbong eskuwelahan.

"This school is really prestigious," papuri ni Josef habang nakatingin sa napakalawak na field bago makapunta sa theater.

Akala niya ay doon na natatapos ang lahat pero hindi pa pala. Kahit ang theater ay sobrang garbo rin. Halatang pinaglaanan ng pera ang buong school.

Maliban sa umaabot hanggang third floor ang theater na may seating capacity na 5,000, malalakas din ang air conditioning system, at hindi amoy kulob. Kung hindi lang carpeted ang sahig, malamang na dinig na dinig sa buong theater ang tunog ng takong ng asawa niya.

"Good morning," simpleng bati ni Armida na tunog napipilitan pa. Klase ng tono nito na wala naman itong magagawa kundi bumati dahil iyon ang policy.

"Good morning, Miss Hwong," tamad na tugon din ng co-teachers nito.

Napuno tuloy ng pagtataka si Josef dahil walang ka-good-good sa batian na narinig niya.

"How are you, Miss Hwong?" masiglang bati ni Sir Geo na tumalon pa mula sa may kataasang stage bago lumapit sa kanila.

Mukhang ito lang ang good mood sa lahat ng bumati. Binungaran agad sila ng matamis nitong ngiti na kayang makapagpaganda ng araw ng kahit na sino.

"Hello, Mr. Zach," bati rin nito sa asawa ng co-teacher niya.

"Good day, Mr. Heim," nakangiti ring bati ni Josef.

"I read the excuse letter of Miss Hwong," panimula ni Sir Geo. "Siguro na-stress siya sa klase niya. I can't say na severe ang fatigue, but we're still worried about her."

"Fatigue," tanong sana ni Josef pero iniwasang iparinig sa tono na nagulat siya sa sinabi nito.

"Masyado ba siyang napagod? Strenuous ang mag-handle sa Class 4-F, and I want to apologize sa tipo ng mga estudyante ni Miss Hwong. They're too much for a headache."

"Oh! Ah . . ." Saglit na napaisip si Josef sa sasabihin. Wala kasi siyang ideya. Walang binabanggit ang asawa niya na stressful ang klase nito. Dahil kung may banggitin man ito tungkol sa Byeloruss, tungkol palagi sa complain nito sa mga co-teacher nitong mga isinugo raw ng kadiliman para sukatin ang pasensiya ng asawa niya habang nabubuhay ito sa lupa.

Narinig niyang makukulit ang mga estudyante nito, sa phone man o kahit noong sinundo niya ito, pero hindi nagreklamo si Armida sa kanila. Proud nga ito sa mga iyon dahil mukha lang silang naglalaro sa klase.

"Okay naman na siya," sabi na lang ni Josef. "Baka na-overwork lang kaya nagka . . . fatigue." Tumango-tango pa siya at napatingin sa tabi niya. Napalipat siya ng tingin dahil wala na pala roon ang asawa niya at naglalakad na paakyat sa stage. "Anyway," pagbabago niya ng topic. "I'll stay here and look after her. Baka kasi himatayin."

"You should do that," nakangiting tugon ni Sir Geo at bumalik na rin sa stage kalaunan.

May baon si Josef na water jug at kaunting snacks, in case na gutumin ang asawa niya. Pumuwesto siya roon sa harapan para manood. Napansin niyang pinagtitinginan siya ng mga babaeng co-teacher ni Armida na nakita rin niya noong nakaraan.

Pero ang kaibahan lang ng mga ito sa co-teachers niya sa Diaeresis ay nakatingin ito sa kanya na parang nagtatanong kung bakit siya naroon.

Mukhang ang asawa na lang niya ang hinihintay dahil makalipas lang ang ilang saglit ay nagsimula na rin.

Umandar ang speaker at nagsimula na ang instrumental. Sa wakas ay mapapanood na rin niya ang sinasabi nitong practice na talagang kinaiinisan nito.

Saglit na uminom si Josef dahil tinutuyo ang lalamunan niya ng air-con.

"Glo-o-o . . ."

"PFFT!" Bigla niyang naibuga ang iniinom dahil sa gulat.

"Heeey!" malakas na sigaw ni Ma'am Daphne na halos lukubin ang buong theater. "Miss Hwong! Can you tone down your voice?"

Halos maestatwa si Josef sa kinauupuan niya habang nakikita ang asawa niyang sinesermunan ng co-teacher nito dahil talagang boses nga ng asawa niya ang narinig niya. Ang kaso, hindi na nga sumabay sa tono, tunog nakalunok pa ng bubog at naiwan iyon sa lalamunan nito.

"Oh God." Napalunok na lang si Josef at ibinalik na sa lalagyang paper bag ang water jug. Napatakip na lang siya ng mukha dahil ayaw na niyang makita pa kung paano ito umirap-irap sa co-teacher na panay ang sermon dito.

Ayaw niyang masermunan ang asawa niya dahil sa pagkakamali nito, pero kasermon-sermon naman kasi talaga ang nadinig niya.

"Miss Hwong, ganito," pag-coach pa ni Ma'am Daphne, "Glooo . . ."

"Glooo . . ." bored na bored ang tono ng pagkakagaya ni Armida. Tunog napipilitan na nga, tunog pipiyok pa.

"No, it's glooo . . . higher, glooo . . ."

"Glooo- but it's the same syllable!"

"Miss Hwong, not the syllable. The tone. Glooo . . ."

Lalong napatakip ng mukha si Josef dahil talagang ipinagpilitan pa nito ang gusto nito.

"Can we just proceed?" pagsuko nito. "I'll catch up."

"You better," sagot na lang ni Ma'am Daphne na sumuko na rin.

"Glooo-ooo-o-ooo-o-ooo-ria . . . in excelsis deo . . ."

Napasilip si Josef sa pagitan ng mga daliri at mukhang hininaan na lang ni Armida ang pagkanta.

Maganda na sana ang blending ng lahat, kaso yung boses talaga ng asawa niya, parang gusto na niyang itatwa.

"Hark the herald ange-"

"Heeep!" Huminto na naman sa pagkanta ang mga teacher. "Miss Hwong!"

"Oh my goodness gracious." Napatakip na ng dalawang palad si Josef dahil talagang hindi na niya kayang panoorin pa ang asawa niya at ang kahihiyang ginagawa nito. Ni hindi niya ito magawang tawanan gaya ng ginawa nito sa kanya noong sumayaw siya ng modern dance part nila sa bahay dahil mas nangingibabaw ang hiya niya rito.

"I'm just doing what you're doing!" reklamo pa ni Armida.

"You're doing it wrong!" balik din ni Ma'am Daphne.

"Hindi ako singer, Ma'am Daphne!" katwiran pa niya.

"But you have voice naman, ma'am, di ba? Just tone down, low your voice-"

"E bakit kanina, sabi mo, higher?"

"Oh, for the love of God, Miss Hwong, that's-grrr!" Parang gusto nang sabunutan ni Ma'am Daphne ang sarili dahil sa stress. "That's not what I meant kanina since the song changed already! Mali ka!"

Gusto nang hatakin ni Josef ang asawa niya paalis doon dahil talagang nakuha pa nitong makipagtalo samantalang ito naman ang mali.

"Walang mali sa boses ko!" reklamo ni Armida. "Mali yung pagkanta n'yo!"

Napaurong sa upuan niya si Josef at gulat na gulat sa narinig sa asawa niya. "WHA-HOW-HA?" Kahit siya, nalito na rin.

Kanya-kanya na silang pagsuko kay Armida. Kahit si Josef, napakuha ng panyo sa bulsa sabay takip sa noo para hindi siya makita ng co-teachers ng asawa niya.

Alam naman niyang hindi sobrang perpekto ni Armida, pero hindi naman niya inakalang ganoon kalala.

Ang daming paulit-ulit, lahat ng mali, kagagawan ni Armida. Wala pang isang oras, malat na si Ma'am Daphne kasisigaw pero yung asawa niya, buo pa rin ang boses.

Huminto muna sila para makapagpahinga. Sumakit na nga raw ang lalamunan ni Ma'am Daphne. Paulit-ulit sila roon sa parts na hindi na-practice ni Armida kasi nga absent siya.

Bumaba si Armida sa stage para makainom. Masakit na rin ang lalamunan niya, pati ulo niya, sumakit pa dahil binungangaan siya ni Ma'am Daphne.

Paglapit niya sa puwesto ni Josef, hinagisan siya agad nito ng water jug.

"Armida, ano'ng ginagawa mo sa buhay mo?" dismayadong tanong ni Josef.

"Isa ka pa," inis na sagot ni Armida. "Bugahan kaya kita ng tubig, makita mo."

Napahilamos ng mukha si Josef at talagang hindi niya kinaya ang boses at attitude ng asawa niya. "You can't sing? Really?"

Halos lamunin ng eye socket ni Armida ang mga mata niya kakapaikot. "I used to work silently. Why would I sing?"

Umupo siya sa kanang tabi ni Josef at ininom ang halos kalahati ng water jug.

"Napaka-basic na nga lang ng kanta."

Biglang sumama ang tingin ni Armida sa katabi at padabog na tinakpan ang water jug. "Marunong ka, ha? Marunong ka?"

Humarap si Josef sa kanan niya at nagpaliwanag. Hinawakan niya ang bandang sikmura, sa ilalim ng dibdib, at nagpaliwanag. "Control your breath first kasi muna. Hindi ka na nga nag-warm-up e. Breathe in from your diaphragm. Don't force your throat para hindi ka tunog nasasamid. Work on your nasal cavity. Then let it go." At sinubukang kantahin ni Josef ang kinakanta nila. "Glooo-ooo-o-ooo-o-ria . . . in excelsis deooo . . ."

Napatingin ang co-teachers ni Armida sa puwesto nila dahil sobrang lamig ng pagkakakanta ni Josef na pumuna sa buong theater.

Gumapang mula sa gulugod hanggang sa batok papuntang braso ang kilabot sa katawan ni Armida dahil doon habang nakatingin sa asawa niyang nagde-demo.

"See?" sabi ni Josef. "My speaking voice is baritone, but my singing voice converts to tenor. Access the resonance and your head voice. You can manage to sing well if you'll control your breathing and voice."

Mabilis na tumayo si Armida at hinampas agad sa braso ang asawa niya. "'Wag mo 'kong kausapin, letse ka. Lahat na lang."

"What?" gulat na tanong ni Josef. "I'm just explaining it to you para hindi ka tunog sirang plaka. Nakakahiya kang panoorin."

"Magsama kayo ni Daphne, mga buwisit."

Padabog na bumalik sa stage si Armida at nakita ang co-teachers niyang nakatingin sa asawa niya sa upuan nito.

"Miss Hwong," pagtawag ni Sir Geo, "magaling palang kumanta yung asawa mo, sana nagpaturo ka sa kanya."

"Isa ka pa," inis na sinabi ni Armida at dinuro pa si Sir Geo na tinawanan lang siya.

Bumalik na sila sa practice at talagang nag-lip-sync na lang si Armida.

Sige na, tanggap na niyang siya lang yung hindi marunong kumanta sa lahat ng nasa theater.

Tapos yung asawa niyang isa pang panira ng araw niya. Alam naman niyang masyado nang mataas ang lebel ni Richard Zach bilang lalaking pangangarapin ng lahat ng babae, pero hindi naman niya inasahan na ang dami pala nitong kaya na lalong ikaiinis niya. Hindi siya sigurado kung magiging proud ba rito bilang asawa niya, o maiinis pang lalo dahil sinasaling na nito ang pride niya.



Pasado alas-onse na nang matapos ang practice ng mga teacher ng Byeloruss.

Yung iba, kanya-kanyang alis na. At habang naglalakad papuntang parking lot . . .

"Miss Hwong, Mr. Zach," pagtawag ni Sir Geo kina Armida dahil mas nauuna ang mag-asawa sa kanila.

"Yes?" sagot ni Josef paglingon kay Sir Geo.

"Magla-lunch kami ng mga teacher, gusto n'yong sumabay?" masayang alok ni Sir Geo.

"Sure!"

"No."

Sabay pa sina Josef sa pag-sure niya at sa pag-no ni Armida.

Nalito naman si Sir Geo kung ano ba talaga ang sagot nilang dalawa. "Uh . . . ?"

"Of course, why not?" nakangiting sagot ni Josef sabay akbay sa asawa niya.

"Good! You have a car, right?" tanong ni Sir Geo.

"Yes," nakangiting sagot ni Josef at itinuro ang sasakyang ginamit nila.

"Malapit lang naman yung resto rito. Sunod na lang kayo."

"Sure thing."

At pinanood nilang mag-asawa na sumakay ang mga teacher na sasama sa kanila doon sa kotse ni Sir Geo.

"What the hell are you doing, huh?" inis na tanong ni Armida at tiningnan nang masama si Josef.

"It's just a lunch date with your co-teachers. Minsan lang naman," mahinahong sinabi ni Josef.

"Alam mo, ewan ko sa 'yo. Hindi ka ba natuto sa mga kinukuwento ko about sa kanila?"

"They looked nice naman a?"

"Bahala ka sa buhay mo," pag-irap ni Armida at tumungo na sa passenger side ng sasakyan. "Kapag nabuwisit ka sa kanila, huwag kang iiyak-iyak sa 'kin, ha? Kundi sasapakin talaga kita."

"That's not gonna happen. Ikaw lang naman ang maikli ang pasensiya sa 'ting dalawa e," kompiyansado pang sinabi ni Josef at sumakay na para sundan sina Sir Geo.



Hindi naman bago kay Josef ang reklamo ni Armida sa co-teachers nito. Lahat naman kasi yata, nirereklamo ni Armida. Mukha namang mabait ang co-teachers nito. Si Sir Geo, mabait din naman.

"Bakit ka ba nagagalit?" tanong pa ni Josef habang sinusundan sa kalsada ang sasakyan ni Sir Geo.

"E nakakabuwisit ka rin kasi. Ayoko nga silang kasama," iritang sinabi ni Armida habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

"Why? Mukha naman silang matino."

"Ah! Yes. Parang ikaw."

"Hey, that's offensive!" puna pa ni Josef.

"Oh! Full offense meant."

Malapit nga lang talaga ang restaurant dahil wala pang pitong minuto ay naroon na sila. Nag-park si Sir Geo sa tapat ng kainan at itinabi naman doon ang sasakyan nina Josef.

Kung susumahin, sampu silang lahat kasama ang mag-asawa.

Excited at nagtatawanan ang mga babaeng teacher pagkalabas ng kotse. Nagpauna na si Sir Geo para makakuha agad ng mesa na kakasya sa kanila.

Pito ang babae kasama si Armida at tatlo ang lalaki kasama si Josef.

"They're happy. See? Normal lang na mainis ka. Lagi ka namang naiinis sa lahat," sabi pa ni Josef sa asawa niyang wala pa man pero parang pigil na pigil nang pumatay ng tao sa mga sandaling iyon. Pinagkrus lang nito ang mga braso para makaiwas makahawak ng iba. Baka makaputol pa ito ng katawan nang wala sa oras.

Malaki at malawak ang restaurant. Hindi gaanong matao dahil mahal ang pagkain. Fine-dine din at halatang pangmayayaman lang.

Naghahalo ang wood and glass sa interior. Magaganda rin ang glass chandeliers na takaw-pansin pagpasok. Malakas din ang air-conditioning system kaya mahihiya ang pawis magpakita.

"So, they're into class," puna ulit ni Josef.

Iginiya sila ng lalaking waiter sa isang mahabang table na kasya para sa sampung tao. Maganda ang uphosltered seat na gold and white ang theme.

Nakangiti silang lahat nang makaupo na.

Nasa isang kabisera si Josef bilang hindi naman siya co-teacher, at si Sir Geo sa kabilang kabisera bilang siya naman daw ang may pinakamataas na posisyon sa mga naroon bilang teacher at executive.

Binigyan na sila ng menu at nakitang four digit hanggang five digit ang presyo ng kada pagkain.

"Reasonable price for a four-star restaurant," puna ni Josef.

Inisa-isa na silang hingan ng order ng mga waiter at um-order ng charcoal grilled Japanese beef sirloin steak si Josef na nagkakahalaga ng napakamurang 15 thousand at ang asawa niya naman ay simpleng Mayura rib-eye lang na murang-murang 6 thousand ang halaga.

Napatingin si Josef sa kanan niya dahil doon nakaupo si Armida na aburido pa rin at hindi maibaba ang nakataas na kilay at nakakrus na mga braso.

"Hey," mahinang pagtawag ni Josef at sinubukang hawakan ang kamay ng asawa niya para maibaba na nito. "It's just a lunch."

"I'm trying to prevent myself from doing worst. Huwag ka nang gumatong," paalala ni Armida na inis na inis pa rin.

Habang naghihintay ng pagkain, doon na naisipang magtanong ni Sir Geo dahil unang beses nilang makakasama si Josef sa pagkain.

"Mr. Zach, this is a nice place, right?" nakangiting tanong ni Sir Geo at nagpakita na naman ang killer smile niyang kinakikiligan ng co-teachers niya.

"It is, Mr. Heim," nakangiti ring tugon ni Josef.

"Wait, bakit Mr. Zach ka?" tanong agad ni Ma'am Edgarda kay Josef. "Akala ko, Hwong."

"Ah, no," umiling agad si Josef. "My wife is Hwong. Hindi niya ginagamit ang surname ko."

"Why?" tanong agad nila.

"Family decision."

"Oh." Napatango na lang sila at kanya-kanyang iwas na.

"Magka-age kayo ni Miss Hwong?" tanong ni Sir Geo na initiator talaga ng topic para hindi maging awkward ang table nila. Yung mag-asawa lang kasi ang outcast at ayaw niyang makaramdam ang mga ito na parang hindi ito belong sa kanila.

"No, I'm three years older than her," nakangiti pa ring tanong ni Josef.

"Teacher ka rin?"

"Yes. Substitute teacher."

Panay naman ang irap ni Armida at halos ubusin na ang tubig niya sa water goblet sa mesa dahil napaplastikan siya sa usapan nina Sir Geo at Josef.

"Hanggang kailan lang?" tanong na ng isang babaeng teacher.

"Next week, I guess?" hindi siguradong sagot ni Josef.

"Pagkatapos, ano na'ng trabaho mo?" naiilang nilang tanong.

"Uhm, hindi ko na alam."

"Ay, gano'n?" Nabasa agad ni Josef sa mukha ng mga babaeng teacher ang pagkadismaya na parang malaking kawalan ang kawalan niya ng trabaho.

"Any plan after that?" nakangiti pa ring usisa ni Sir Geo. "For sure, may back-up plan naman, di ba?"

"Uhm," napapaling-paling sa magkabilang gilid ang ulo ni Josef dahil hindi niya alam ng isasagot. "Ang totoo, hindi ko rin alam ang susunod naming gagawin. Paalisin na rin kasi kami sa tinutuluyang bahay namin sa ngayon sooner or later."

"AY, BAKIT?" sabay-sabay na tanong ng mga naroon sa mesa na ikinaurong ni Josef dahil mga nakikinig pala ang mga ito.

"Uhm . . . hindi kasi sa 'min yung bahay. Nakikitira lang kami."

"Yung kotse n'yo, inyo naman?" tanong pa ng isa.

"Uhm, company car lang kasi 'yon," naiilang nang sagot ni Josef.

"Saan na kayo titira?" tanong ulit ng isa pa.

"May iba kayong bahay?"

"May sarili kayong bahay?"

Napakamot ng ulo si Josef at matipid nang ngumiti. "Wala pa kasi kaming bahay ng asawa ko. May planong magpagawa, pero hindi pa namin alam kung kailan o saan. Sa ngayon, bahala na muna kung saan mapadpad."

Nakatanggap si Josef ng mga tingin na parang nakakadiri niyang nilalang. Napakunot agad siya ng noo dahil wala naman siyang sinabing mali para tingnan siya nang ganoon.

"Guwapo lang pala," narinig niyang bulong ng babaeng teacher na nasa kaliwang panig niya.

Saglit na nanlaki ang mga mata ni Josef at tinitigang maigi ang nagsabi niyon para itanong kung tama ba ang narinig niya.

Tumawa lang ito ng nakakaasar sabay bulong sa katabing babaeng guro ng "Akala ko pa naman mayaman."

Biglang bumagsak ang balikat niya dahil doon. Mabilis niyang nilingon ang asawa niya sa kanan para magtanong kung narinig ba nito ang sinabi ng kaharap sa mesa.

Hayun ang asawa niya at focused lang sa phone nito at nagbabasa-basa ng kung anong naroon. Kung kumilos ito ay para bang wala itong naririnig at nagsasariling mundo.

Ilang saglit pa ay dumating na ang pagkain nila.

Patuloy pa rin ang tawanan sa mesa maliban kay Armida na focused sa pagkain at kay Josef na talagang dinibdib ang narinig.

"Oh, Mr. Zach, order mo pala yung pinakamahal!" bati ng isang babaeng teacher nang halos makakalahati na si Josef sa pagkain nito.

"Uhm, yes," awkward na ang ngiti ni Josef nang sumagot.

"May dala ka namang pera, di ba?" At sa wakas, matapos ang napakatagal na panahon ng pananahimik, nagsalita na rin si Armida.

"Well . . ." Napakapa ng bulsa si Josef. At naalala niyang hindi pala siya nagdala ng pera dahil alam niyang lulutuan niya si Armida. Napadukot siya ng wallet sa back pocket at sinilip sa ibaba ng mesa ang laman niyon.

May laman naman, ang kaso 5 thousand lang. Hindi pa umabot sa presyo ng pagkain ng asawa niya.

Nakisilip si Armida sa ibaba ng mesa at pag-angat ng tingin, sinalubong niya ang tingin ng asawa. "Josef . . . what are you doing . . . ?"

Napahugot ng sobrang lalim na hininga si Josef habang nakatingin sa mukha ng asawa niyang nagsusumigaw ng "BALAK MO BA AKONG IPAHIYA SA MGA DEMONYONG 'TO, HA, RICHARD ZACH?!"

"Uhm," dahan-dahang bumuga ng hangin si Josef para magpaliwanag matapos ibulsa ulit ang wallet. "I forgot to bring cash. May pera naman ako, but-"

"Ah, treat ko na," putol sa kanya ni Sir Geo dahil mukhang nakaramdam na wala nga siyang pera. "Afford ko naman yung meal nating lahat."

Pabagsak na umupo si Armida sa upuan at tinigilan na ang pagkain. Maliban sa nakikita niyang dismayado si Josef sa nangyayari, ayaw niya talaga nang nanliliit sa harapan ng mga taong gaya ng co-teachers niya.

"Huh, ang lakas um-order ng mahal, wala palang pambayad," parinig ng isa.

"Yung kotse nga, hindi sa kanila, nagdala-dalawa pa."

"Nag-asawa nga nang walang sariling bahay."

Napakuyom ng kamao si Josef at nagpatong-patong na ang inis at insultong inaabot niya sa mesang iyon.

Nagpatuloy ang tawanan at talagang natahimik na nang tuluyan ang mag-asawa.

Hindi na ginalaw ni Josef ang pagkain. Kinuha niya na lang ang phone sa bulsa at may tinawagan.

"Nandito kami sa restaurant sa dulo ng Wallace," sabi niya sa kausap. "I need to pay for our food. Wala kasi akong dalang pera."

"Mr. Zach, it's fine," putol ni Sir Geo na nakikinig pala.

Nagtaas lang ng hintuturo si Josef para patigilin si Sir Geo sa pagsasalita.

Pinatay na rin ni Josef ang tawag at tiningnan si Armida na inuubos na lang ang kinakain.

"Hindi mo na sana inabala yung bata," bored na sinabi ni Armida habang tutok sa pagkain.

Hindi naumimik si Josef dahil punong-puno na talaga siya sa lahat ng narinig niya.

"If you can't pay for the food, babayaran naman daw ni Sir Geo," sabi pa ng isang teacher.

"Saka maliit na bagay lang naman. Hindi naman everyday, may manlilibre sa 'yo ng mahal na pagkain, Mr. Zach."

Palalim nang palalim ang hininga ni Josef habang dumaraan ang bawat minutong nakakarinig siya ng tawanan sa mesa.

Na kahit hindi naman siya ang topic, pakiramdam niya, siya ang pinagtatawanan ng mga ito.

"Don't waste your food," seryosong sinabi ni Armida sa kanya. "Mahal 'yan," sarcastic na panapos nito para gayahin ang pang-aasar ng iba. "Hope you're enjoying the meal. You asked for it." Sabay ubos nito sa tubig at nakuha pang magtaas ng kamay para manghingi na naman. "Water please!"

"Hahaha! So guwapo talaga ni Sir Geo."

"Sir, baka gusto mo nang magka-girlfriend?"

"Ah, no. Career muna."

Saglit na nanlaki ang ilong ni Armida nang maamoy na naman yung amoy-alak na iyon. Napatingin siya sa asawa niyang kanina pa nananahimik sa gilid at hindi na inubos ang pagkain.

"Psst!" Sinipa niya ito sa ilalim ng mesa. "Josef. Hey. Jos-shit."

Napaawang ang bibig ni Armida nang makakita ng pamilyar na convoy ng mga itim na Mercedes Benz SUV.

Hinampas niya agad ang hita ni Josef dahil bigla siyang kinabahan sa ginawa nito. "Did you call your Guardians?"

Pare-parehas silang napatingin kay Armida nang magtaas ito ng boses.

"What's the matter?" tanong ni Sir Geo.

Ilang saglit pa, bumukas na ang pinto ng restaurant at napatingin ang lahat doon, maging ang mga waiter.

"Welcome, sir-"

Tuloy-tuloy na pumasok ang isang naka-gray na suit at hindi na natapos ang pagbati ng waiter. Sinalubong na ito ng iba pang Guardian para kausapin.

"Wh-what's-"

Nagkalat bigla ang mga lalaki at babaeng naka-itim na three-piece suit.

Itinuro ng naka-gray na suit ang direksiyon ng kitchen, sunod ay ang direksiyon ng counter, sunod ay ang direksiyon ng manager. Kasunod ay pinalibutan ang mesa na kinakainan nina Josef na halos nagpadilim nang bahagya sa mesa.

Pumila sa likuran ni Armida ang tatlong Guardian na may dalang tig-iisang briefcase at pumuwesto sa likurang kanan ni Josef ang lalaking naka-gray suit bago huminto ang lahat sa pagkilos.

Napatingin sila rito. May-edad na rin ito at doble halos ng mga edad nilang naroon. May guhit ng puting buhok sa magkabilang gilid ng sentido at may tinging napakakalmado.

"Good day, Lord Ricardo, Lady Armida," pagbati ng lalaking naka-gray suit at yumukod para magbigay-galang. Sunod-sunod na nagbigay-galang ang mga naka-itim na suit at sabay na rin silang tumango.

"Xerez?" tanong ni Armida sa lalaking naka-gray suit.

Nagtaas ng kanang kamay si Xerez at naging hudyat iyon para itaas din ng tatlong Guardian na may hawak na briefcase ang mga dala nito. Synchronized pa iyong binuksan at bumungad ang isang case na puno ng pera.

Isang case na may anim na card. Isang Centurion Card, isang JP Morgan Reserve Card, isang First Royale Mastercard, isang Visa Infinite Gold Card, isang Santander Unlimited Black Card, isang Coutts Silk Credit Card.

At isang case na may sampung cheque book na pipirmahan na lang.

"How do you want us to pay for your meal, milord?" tanong ni Xerez.

Doon lang nila nakita ang isa't isa na nakanganga habang nakatingin kay Josef na sobrang seryoso ng tingin sa mesa at hindi man lang magawang tingnan ang paligid.

"Xerez," pagtawag ni Armida dahil talagang hindi niya inaasahan na Guardians ang pupunta para magbayad sa kinain nila. "Pay for everyth-"

"Sshh!" pag-awat ni Josef sa asawa niya. Nagtaas pa siya ng kanang hintuturo dito para pigilan ito. "Xerez."

"Yes, milord."

"Bayaran mo yung kinain namin ng asawa ko."

"Yes, milord." Yumuko saglit si Xerez at nagkusa na ang tatlong may hawak ng briefcase para tumungo sa counter ng restaurant.

"Josef!" inis na pagtawag ni Armida. "What about them?" pagtutukoy niya sa co-teachers niya. "You can pay for the food!"

Sumagot si Josef nang magtaas ng mukha. "Hindi ako gagastos kahit isang kusing para sa mga hampaslupang walang ideya sa kung ano ba ang proper etiquette kapag kausap ako."

"What did you—?"

"I beg your pardon?" tanong pa ng isang teacher.

"THEN KNEEL AND BEG FOR IT!" galit na sigaw ni Josef at nagbagsak ng kamao sa mesa, dahilan para lumapit ang bawat Guardian sa kada teacher.

Hindi na nakaumang si Armida. Naiwan lang siyang nakanganga habang nakikita ang asawa niyang magbagong-anyo bilang nakakatakot na taong noon lang niya nakita.

Pare-parehas silang napalunok sa takot.

"My wife already told me about you, people. She already warned me," pagpipigil niya. "How dare you talk to me like that, in front of my face, in front of my wife!"

Mabilis na tumayo si Armida at kinuha ang kamay ng asawa niya bago pa ito mag-transform sa taong ayaw niyang makita.

"Josef, let's go."

"No!" Padabog na ring tumayo si Josef at dinuro ang mesa. "I didn't spent my life reaching the top, earning billions, and hailed as one of the most influencial person in the world para lang matawag na 'Guwapo lang' just because I forgot to bring money! I am Richard Zach, how dare these people degrade me!"

Hindi naman alam ni Armida kung tatawa ba sa ikinaiinis ng asawa niya o matatakot dito.

Alam niyang arogante si Richard Zach, pero masyadong malayo ang ugali nilang dalawa.

"Sabi ko na kasi sa 'yo, magluto ka na lang e," pabulong na sinabi ni Armida. "Xerez."

"Yes, milady."

Inuna muna ni Armida ang asawa niyang umuusok na sa galit. "Go to the car, Xerez and I will handle it. Palamig ka muna ng ulo." Tiningnan niya si Xerez at naintindihan agad nito ang gusto niyang mangyari.

Lumapit ang limang Guardian kay Josef at iginiya ito palabas ng restaurant.

"Milord . . ."

Gumawa ng daan ang mga Guardian at humilera sila nang nakayuko habang nakasunod kay Josef ang tatlong Guardian.

"Napakainit ng ulo," puna ni Armida nang makalabas na ang asawa niya. Inilipat niya ang tingin kay Xerez. "Akala ko, si Laby ang tinawagan. Kailan pa kayo nandito?"

"Three days ago, naka-standby na kami sa area, Lady Armida."

"Pasensya na sa abala. Ikaw ang huling-huling tao na iniisip kong makikita ko rito ngayon. No offense."

"It's fine, milady."

Bumuga ng hininga si Armida at tiningnan na ang co-teachers niyang nakanganga lang sa kanya. "Well . . . my husband is a . . . literal prince kaya may mga ganito siyang tauhan." Tumango na lang siya at matipid na ngumiti. "Gusto ko sanang bayaran yung food nating lahat kaso pera niya 'to." Itinuro niya si Sir Geo. "You have your own money, ikaw na ang bahala. Or-" Tumingin siya kay Xerez. "Ikaw na ang mag-assist na sa kanila, please. Baka magwala si Josef sa labas." Tinapik-tapik niya ang balikat ni Xerez at matipid na ngumiti.

"I will, milady."

"Thank you, Giuseppe."

"My pleasure, Lady Armida."

"Ah! Don't kill them. May pasok pa kami sa Monday." Naglakad na si Armida palabas habang nakasunod naman sa kanya ang tatlong Guardian.

"Good day, ladies and gentleman," panimula ni Xerez sa mga nakangangang co-teacher ni Armida. "Enjoying the food?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top