Back To School: Josef

Josef

I wasn't really familiar with everything right now, so I needed to leave my things sa faculty room and logged in. Crowded ang hallway, mataas na ang mga estudyanteng umaabot sa balikat ko. I felt like I was walking around literally little people ang seeing the waves of them habang nilalakad ko ang corridor.

Since nag-start ang umaga ng school sa flag ceremony, kailangan kong um-attend and observe everything for the meantime. I was with my co-teachers explaining the rituals na hindi ko rin naman siguro kailangang kabisaduhin dahil anytime, aalis na rin naman na kami. But nonetheless, the morning ceremony was peaceful except sa kina Heidi na panay ang sikuhan habang naghahagikhikan. Kung hindi lang masamang mang-amba ng suntok pang-warning, ginawa ko na.

But, the morning was fine at the moment. Hoping to end the day with same vibe.

"Good luck, Mr. Zach, sa first day mo," mahinhing bati ni Carmel pagtapak ko sa harap ng table ko.

"Thank you, Ma'am Carmel," I answered back with my casual smile, which made her blush a bit.

I really don't like ladies blushing every time na may ginagawa ako. As if it was sincere and all unrelated to what their eyes could see.

Buti sana kung si Armida sila.

Kinuha ko na ang class record ko sa satchel at ang physics book na una kong subject today. Tiningnan ko ang oras. Malapit nang mag-7:30. Ilang minuto na lang at umpisa na ng klase niya ko and I needed to be on time sa klase ko sa fourth floor.

School is the reason why ginusto ni Mama na mag-homeschool muna si Raven. Nakaka-culture shock kasi, lalo na pagtapak na pagtapak ko pa lang sa tapat ng mga classroom sa hallway, ang ingay na. Lalo na yung mga wala pang teacher.

My record said Room 4-A, so I entered this room with Room 4-A above the doorframe. May mga learning material na nakadikit sa mga dingding. Bible quotes, educational quotes, reminders, even the class officers' list was there.

Maingay ang room pero natahimik nang pumasok ako.

Ang sabi sa record book na hawak ko, nasa 30 ang population ng klase ko. And they look so many for thirty kids.

"Good morning, Class 4-A. My name is Richard Zach, and I'm your substitute teacher. I will temporarily handle all the classes and subjects of Mrs. Mendoza while she's on her maternity leave. I reviewed this class and I already have the idea of who is who. Our first class is physics, right?"

When Laby said behave ang klase ko, hindi ko naman ine-expect na ganito sila ka-behave na listener-type ang lahat. They all looked like I'm gonna tell them a nice fairytale. And I don't think physics is a subject everybody will smile at while listening on how it should be explained.

"I hope I'm in the right class, because it's embarrassing if I talk and talk here but I'm in the wrong room."

Nginitian ko lang sila. Nginitian lang din nila ako.

So, what now? Magngingitian na lang kaming lahat? Bibigyan ko ba ng mataas na grade ang may pinakamaputing ngipin o may pinakamalapad na ngiti?

"Uh, sir." May isang nagtaas ng kamay sa middle row.

"Yes?"

"May I know if you can speak in our language?"

I raised an eyebrow. Mukha pa siyang naiilang. Sa bagay, hindi naman ako mukhang local.

"This is an international school," I reminded the student, "you mean your language in this country?"

"Uhm, yes, sir . . . ?" Mukhang hindi pa siya sure sa tanong niya.

"Marunong akong magsalita ng limang dialects. Marunong din ako ng sampu at kayang umintindi ng 23 languages. Paano n'yo ba 'ko gustong magsalita? Saan ba kayo komportable, hmm?" Nginitian ko lang sila, baka kasi iniisip na hindi ko sila naiintindihan.

"Waaahh!" Naglakihan ang mga ngiti nila dahil sa sinabi ko. May mga tumili pa na parang gusto ko nang batuhin ng marker.

"Okay, quiet! Open page 132, Chapter 5. Simple Machines." Binuklat ko na agad ang dala kong libro. One hour lang ang klase ko sa kanila, alangan namang ubusin ko ang oras para hintayin silang maka-recover sa akin.

"Sir! Mamaya na kayo mag-klase!" sabi ng isang estudyante sa likod.

"Oo nga, sir! Interview muna! First day n'yo pa lang e!"

"Interview! Interview!" kantiyaw nilang lahat.

Diyos ko naman. Sabihin na lang sana nila kung ayaw nilang magklase.

"Saang school kayo unang nagturo, sir?" tanong nitong nasa unahan na babaeng estudyante.

"Saang school? Uhm . . ." Paano ko ba i-e-explain na mga bata lang sa ampunan ang tinuruan ko at wala pang isang araw 'yon? "Sa school na hindi na ninyo kailangang malaman."

Kinuha ko na ang marker ko at nag-start nang magsulat sa white board. Hindi ko aaksayahin ang one hour ko for interview and everything na style lang ng mga student para makatakas sa lessons nila.

"SIR!!!"

Akala ko ba, mga mababait itong nandito? Fake info si Laby a.

"Sir, kokopyahin?" tanong ng isang student sa left column ng seats.

"No. Makikinig lang kayo sa lahat ng ituturo ko. 'Wag na kayong kumopya dahil nasa libro din itong sinusulat ko."

Sama-samang "Ow" ang pumuno sa room.

"Sir, ilang taon na po kayo?"

"Nasa kalendaryo pa ang edad ko. Hanapin n'yo na lang," sagot ko habang nagsusulat sa board.

"Eh?"

"Tanong pa kayo para hindi na mag-lesson," bulong ng isang estudyante sa likod. Let's assume na hindi ko naririnig.

"Sir, may girlfriend ka?"

"Wala at hindi ko na balak pang magkaroon."

"Bakit, sir?"

"Broken-hearted kayo?"

"Binasted?"

"Paminta kayo?"

"Bakla kayo, sir?"

"Sir, puwedeng mag-apply 'pag nagbago isip n'yo?"

Well, that escalated so quick. Hinarap ko na silang lahat nang may ngiti na naman kahit na gusto ko na silang paluin ng ruler sa mga palad habang naka-squat. "May asawa na 'ko kaya hindi na puwede."

"Ooohh . . ."

"Sir, maganda ang asawa n'yo?"

"Sexy ba?"

"Mayaman, sir?"

I placed the book sa ibabaw ng table at bahala na sila sa gusto nila. "A machine is a device that helps make work easier by changing the magnitude or direction of a force."

"Siiiiirrrrr!"

Napaka-consistent naman nila na ayaw talaga akong pagturuin sa first day ko. Napakagagaling naman talagang mga bata.

Ipinatong ko na lang ang mga palad ko sa mesa at tiningnan silang lahat na tutok naman sana sa akin, kaso hindi sa subject na ituturo ko today.

"Sir, dream girl n'yo ang asawa n'yo?"

"Sir, itsura ng asawa n'yo, paki-describe!"

"My wife is a woman of lethal combination that's why a machine's mechanical advantage tells you how many times the machine multiplies force."

"NGE?!"

"Sir, ang pogi mo. 'Wag na tayong mag-lesson, pleeeease?" Pati yung kikay student sa harap, nagpa-cute na. Ipapasa ba naman kaya siya ng pagpapa-cute niya?

"Young lady," I said in a calm tone and with my casual smile, "a woman must have beauty and brains. Nasa inyo na ang beauty kaya lagyan naman natin ng laman 'yang brains ninyo. In other words, the mechanical advantage compares the input force or effort with the output force or the load."

"Sir, tell us about yourself muna tayo para makilala ka namin!"

"Tama, sir!" chorus pa silang lahat. Okay, I'll admit, consistent sila sa gusto nila.

I just sighed and pinagbigyan ko na rin. I peeked at the door, baka kasi dumaan ang VP, makitang hindi ako nagkaklase. Ayoko pa namang mapatawag sa office dahil lang inactive ako today sa lesson ko.

"Ayaw n'yo bang mag-lesson ngayon?" tanong ko sa kanilang lahat.

"Hehehehe." Nginitian lang talaga nila ako.

"Okay, sige. Hindi tayo magle-lesson ngayon kapag nasagot n'yo ang question ko. Let's see what you've got," I said with a grin.

"Sige ba, sir!" They answered cheerfully.

"Okay, question," I said, and they all waited for it. "What is the name of the spouse of my mother-in-law's child and the child of my father which happens to be my mother-in-law's child's supposed-to-be nemesis and the spouse of my father's unexpected daughter-in-law."

Bigla silang tumahimik.

"Sir?"

"Kilala ba namin 'yan, sir?"

"Of course! Answer it. Pero magle-lesson tayo hangga't wala pang nakaksagot. Let's proceed."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top