Back to School: Armida

Flag ceremony na nang makarating ako sa school. Wala raw sa pila ang mga estudyante ko—which happens na hindi pala talaga pinapipila sa flag ceremony dahil problema raw sila sa ceremony mismo. The exclusion sounds unfair dahil kahit naman anong halang ng kaluluwa ng mga kasama ko sa Assemblage, we never exclude people sa flag ceremonies. They even had their own, if possible, kung hindi makaka-attend sa general assembly mismo.

Pagkatapos n'on, sandamukal na warning ang ibinigay nila sa 'kin. They said the students have knives, nanununtok ng teacher, nambabato ng armchair—and nabanggit nila ang "initiation rites" ng mga teacher.

Pati nga smile ko, pinuna ni Lao, ang saya ko raw sa mga warning nila. Sila lang naman ang natatakot, napaka-big deal. I just took my RN saka dumiretso sa sixth floor.

Room 609 4-F according sa RN. At sobrang tahimik sa mga room since pasado alas-otso na. May mga teacher na rin sa bawat klase. Pero talagang may bukod-tanging maingay sa dulo ng hallway na hindi naman tunog nagkaklase.

Kabilaan ang rooms. Left and right side. Ang ingay ng takong ng stiletto ko, pero habang lumalakad ako palapit doon sa dulo ng hallway, lalong nangingibabaw yung ingay.

Pagtapat ko sa room 607 at 608, walang klase. Blangko ang room at tambakan lang ng mga hindi ginagamit na mga upuan.

What the fuck?

Dahan-dahan pa ang lapit ko para makasilip sa glass window ng Room 609. Doon nga ang maingay. Ang gulo sa loob. Umatras ulit ako para silipin ang mga nasa room 606 at 605. Sobrang tahimik ng mga klase at teacher lang ang nagsasalita. Tiningnan ko ulit ang 607 at 608. Tambakan lang talaga. It was as if the class was really excluded from everybody's sight. Tambakan din ang Room 610.

This is stupidly evil.

Dumiretso na agad ako sa Room 609 ang the noise was banging too loud.

Mula sa doorway, kitang-kita ko lahat ng mga kabulastugan ng mga nasa room. May mga nagbabatuhan ng bag. May mga nagtatawanan habang nagsasampalan. May mga naghahamon ng away. May mga tulog. May mga nagpapalitan ng gadget at gaming cards. May mga nagbubuga ng fire extinguisher sa kaklase nila. May mga naglalagay ng vandalisim sa dingding, na puro na nga vandals! May mga nagluluto pa sa likod! What the—?

"CAN SOMEBODY STOP THAT FUCKING MUSIC OR I'LL KILL YOU ALL!" I shouted and they all stopped along with the loud noise.

I stepped inside at tiningnan silang lahat na na-freeze lang sa mga puwesto nila.

"Class 4-F?" tanong ko nang makapuwesto ako sa teacher's table. Natingnan pa ako head to toe nang sabay-sabay. Mukha naman akong tao, hello?

After a second—just a fucking second—bumalik silang lahat sa kung paano ko sila nakita pati na yung maingay na thug music na nasa tabi lang pala ng pintuan.

"Yeah, as if naman na she can do that, 'no!"

"Oy! Balita ko, natalo yung mga payaso kahapon!"

"Kei, chips ko!"

Ah, great. My kind of environment. Ito pala ang dahilan ng mga warning nila. I see, I see.

"News, guys! May bago sa Class A!"

Sabay-sabay kaming napahinto at napatingin sa pintuan. Lalaking estudyante ang dumating, hinihingal, hindi pa nakasuot nang maayos ang uniform at bukas ang tatlong butones sa itaas.

"Babe. Cute, may height at mukhang walang sinasanto! Red Student pa!"

Our eyes met, biglang nawala ang ngiti niya.

"Who are you?" tanong niya habang unti-unting lumalapit sa puwesto ko sa teacher's table.

"Teacher n'yo," sagot ko at ako naman ang nang-head-to-toe sa kanya.

"Ah, ikaw pala yung bago." Hinead-to-toe rin niya 'ko. Matapang. Gusto ko 'tong batang 'to.

Biglang tumahimik ang lahat. Pati yung punyetang music na maingay kanina, nawala ulit.

"Corporate attire. Black and white. Common and boring. Pero maganda tingnan sa katawan mo kasi maganda ang shape. Ponytail, good. Makeup, good. Posture, good. Kaya mo ba 'ko?"

Nagtaka naman akong tumingin sa kanya habang ngising-ngisi siya.

"Anong kaya kita?" tanong ko naman.

Pagtingin ko sa buong klase, nakangisi rin sila. I'll take that as bad news.

Then I saw an incoming punch in my peripheral vision. Hindi ba niya alam na kahit nakatingin ako sa buong klase, nakikita ko yung ginagawa niya?

Kinuha ko lang ang kamao niyang wala man lang kalakas-lakas saka ko tinapakan ng heels ang sapatos niya. I grabbed his neck with a nice grip and raised an eyebrow.

"Okay, kaya kita. E ikaw? Kaya mo ba 'ko?" mahinahong tanong ko habang nakatingin sa gulat niyang mga mata.

This kid don't have any idea who is he dealing with. And I'm not yet done with my goddamn introduction. This is a good way to start, by the way.

"Shocked?" I asked again. "Chief Andrew Mikaliev, right?" Binitiwan ko na rin siya at inalis ang takong ko sa sapatos niya. I patted his back and smiled. "Thanks for the introduction. Now, go to your proper seat and mind your own business."

Doon ko lang sila natingnan lahat. Nakatayo na at mukhang nagulat din sa ginawa ko sa classmate nila.

"Kung ganyan ang gusto ninyong intro para makilala ko kayo, I can do that whole day." Naglakad na si Mikaliev papunta sa likuran habang masama ang tingin sa 'kin. "Nanapak ako ng matigas ang ulo, reminder ko lang."

Pag-upo ni Mikaliev, umupo na rin silang lahat. At di gaya kanina, tumahimik na sila habang masama ang tingin sa 'kin.

Marunong pala silang mag-behave, hindi na masama. OA lang mag-warning ang mga staff dito.

Siguro naman, puwede na 'kong magsalita.

"I'm Armida Hwong. Pang-18 na class adviser n'yo this year."

Masama pa rin ang tingin nila, aside sa ibang tulog pa rin hanggang ngayon.

"Alam n'yo bang ang description sa inyo ng mga faculty staff ay tanga, isip-bata, engot, siraulo, at war freak?"

"O tapos?" sagot ng isang babaeng estudyante sa harapan.

I pointed the hallway and tell them why. "You, guys, are excluded in this hall. Ang layo ninyo sa ibang room."

"O tapos?" sagot ulit ng isa pa pero sa ibang direksiyon naman.

"And you're fine what that?" tanong ko pa.

"O tapos?" sabi na naman ng isa.

"Isang 'O tapos' pa, kayo na tatapusin ko." Mga wala bang ibang alam na salita 'tong mga batang 'to?

"Ang ingay mo," sabi ng isang babaeng estudyante na mabuti naman dahil hindi na O tapos ang sinabi niya.

"Maingay rin naman kayo kaya ayos lang. I belong!"

Gusto ko yung pagkasabi ko n'on, sabay-sabay na nagtaasan ang mga kilay nila. Unity is admirable, very well.

Inilapag ko na ang RN ko sa table at nagpatuloy na.

"Anyway, ang warning ng admin, this class is the worst class ever here in Byeloruss." I crossed my arms and smiled at them. "Now, kung mga demonyo kayo, puwes magkakasukatan tayo ng sungay rito. Nambubugbog ako ng mga batang matitigas ang ulo. At ayoko sa lahat ay yung pinuputol ako sa pagsasalita—"

"Guys! Alam ko na ang pangalan ng tumalo sa Jokermen kahapon!"

As if on cue, I picked up my RN at akmang ibabato na sa pumutol ng sinasabi ko nang maalala kong RN nga pala ang nadampot ko, at doon lang nag-sink in sa akin ang sinabi ng lalaking estudyante na bagong dating. Compare sa mukha ni Mikaliev, ang tamis ng ngiti niya at mukhang mabait naman.

"Legendary Superiors ang tumalo sa kanila kahapon," sabi ko at inilapag ulit ang RN sa table. "Kaya kung estudyante ka ng klaseng 'to pumasok ka na sa loob umupo ka na sa upuan mo at manahimik ka dahil pumapatay ako ng maingay."

"Ah—Yes, ma'am!" Ni hindi man lang siya natakot, sumaludo pa at mabilis tumalima sa utos ko. Nakangiti pa rin siya nang maupo sa puwesto niya sa katapat pa mismo ng teacher's table. "Maam, question!" Nagtaas pa siya ng kamay para magtanong.

"O, ano 'yon?" masungit kong tanong.

"Paano n'yo po nalaman na Legendary Superiors ang tumalo sa Jokermen?" inosente niyang tanong na nakapagpawala ng inis kong gawa rin naman niya.

"Well . . ." Paano ko ba i-e-explain 'yon. "Tumaya kasi ako sa grupo nila kahapon at nanalo ako ng 19 thousand. Galing, di ba?"

"Ikaw rin, ma'am?" bilib na bilib pa niyang sinabi. "Ako rin nanalo ng 19 thousand kahapon e! Tumaya ako sa kalaban ng Jokermen!"

"Ah, maganda taste mo, kid! Apir tayo diyan." Nakipag-high five naman siya sa 'kin. Mabait naman pala sila e. Bakit sinasabi ng mga taga-faculty na mga demonyo 'tong mga alaga ko ngayon samantalang sila nga 'tong mga nakakademonyo kausap.

"Malakas yung grupo, ma'am, 'no! Pinabagsak ng isang member lang nila nang walang kahirap-hirap yung lahat ng Jokers. Cool . . ."

Naupo ako sa teacher's table at saka nakipagkuwentuhan sa batang 'to.

"Mahina naman kasi yung grupong 'yon. Sabi nila, magaling daw. Uso fake news dito, ha. In all fairness."

"Di pa ba kayo tapos?" tanong pa ng iba kaya napatingin ako sa buong klase.

"Ay, talagang hinintay n'yo kami?" tanong ko pa sa kanila. "Wow, so thoughtful naman."

Hindi naman nila sinabing kailangan ko pala silang pagtuunan lahat ng pansin.

"O, kilala n'yo na ko. Now, ang rule ng school, bawal daw magpasok dito sa room ng kahit anong deadly weapons. And I won't tolerate that as well, kaya itago mo na ang hawak mong butterfly knife, Cristy Lavarias dahil isasaksak ko 'yan sa leeg mo kapag nakita ko pa ulit. "

Tumaas lang ang kilay niya sa sinabi ko at isinara na ang hawak na kutsilyo saka itinago sa bulsa niya.

"Bawal ang cigarettes and alcoholic beverages sa school premises. Nakamamatay ang sigarilyo, lalo na kung ipalulunok ko sa inyo ang isang buong kaha kasama ang isang buong lighter." Itinuro ko ang likuran. "Doon sa naninigarilyo sa likod, kapag ako ang nakatapak diyan sa puwesto mo, makikita mo ang hindi mo pa nakikita diyan."

"Bawal ang drugs according sa school regulations, unless prescribed. I don't want you hanging around the corner saying nakakakita na kayo ng dragon at unicorns."

"'Wag n'yo ring susulatan ang paligid, tulad n'on . . ." Itinuro ko na ang pader ng room na may nakasulat na 'SKOOL SUX'. ". . . na may pangalan ko, kundi ingungudngod ko ang pagmumukha sa pader ng kung sino man ang gagawa. Madali akong kausap."

"Next, ang fire extinguisher ay para sa apoy. Hindi para sa kaklase mong ignorante sa foam. Kaya, Jayrone Jette Holloway, ibalik mo 'yan sa lalagyan niyan dahil kung hindi, makikita mo na lang ang sarili mong kinakain na ang foam niyan habang isinusugod ka sa emergency room ng pinakamalapit na ospital sa lugar na 'to."

Naningkit lang ang mga mata ni Holloway sa akin at ibinalik na ang fire extinguisher sa lalagyanan n'on.

"Ang layo n'yo sa mga room, pero maingay pa rin kayo. Puwede kayong mag-ingay hangga't hindi irita sa pandinig ko. At ayokong may nagbabatuhan dito sa room. Kung babatuhin n'yo 'ko ng papel, libro, pens, pencils, notebook, etcetera, make sure na matatamaan n'yo 'ko dahil kung hindi, ibabalik kong nakabaon sa katawan n'yo ang ibabato n'yo sa 'kin. Nandito ako para magturo all day, at 'yon lang ang gagawin ko. Kung may tanong kayo sa lesson, buksan n'yo ang mga tablet n'yo at i-search sa Google. Kung may tanong kayo tungkol sa 'kin, kalimutan n'yo na. Bawal sa rules ng school ang assault, kaya kung gusto n'yo ng away, magkita-kita na lang tayo sa labas. Gugulpihin ko kayo isa-isa." Tiningnan ko silang lahat, baka may hindi malinaw sa lahat ng sinabi ko. "Any questions?"

"Teacher ka ba talaga?" masungit na tanong ng isa.

"Sa ngayon, oo."

I didn't expect na ang dami pala nilang tanong.

"Ano'ng trabaho mo dati?"

"Pakialam n'yo?"

"Buhay pa parents mo?"

"Ano'ng kinalaman sa pagtuturo ko n'on?"

"May mga kapatid ka?"

"Para saan ang tanong?"

"May boyfriend ka? Fiancé? Asawa? Anak?"

"Wala, dati, meron, wala."

"Mukha ka bang pera?"

"Depende sa amount ng pera."

"Bibigyan kita ng 5 million, mag-resign ka na."

"I'll give you 50 million, ikaw ang umalis dito sa school na 'to."

Nagkasukatan kami ng tingin ng maarteng estudyante sa likuran na kanina pa ako tinatarayan. Ako pa ang hahamunin, baka gusto niyang hampasin ko siya ng bank vault sa mukha.

"Mga poor people lang ang tumatanggap ng advisory class ng 4-F, bitch. You don't have enough money."

Ah, gan'on. Okay, we'll see. "I can give you your 50 million right away. Ano, take it or leave it?"

Inilahad niya ang palad niya para manghingi. "Give it."

Aba . . . matapang. Sige, bilib na 'ko. "Siguraduhin mo lang na hindi na kita makikita rito." I took my phone sa bulsa ko at tinawagan agad si Kevin sa office ng mga Hill-Miller.

"Hello, this is Patrice of Hill-Miller's, how can I help you?"

"I want to talk to Kevin. Tell him, this is Erajin."

"Oh, Madame Chair, one moment."

Tiningnan ko sila, mga naghihintay. Yung iba, nagsasariling mundo na naman. May mabango na sa likod.

Ano kaya yung niluluto ro'n, baka puwedeng makahingi.

"Miss Hill-Miller, good morning, this is Kevin."

"Hi, Kev, paki-prepare naman ng 50 million." Binalikan ko yung estudyante sa likod. "Hey, kid. Check or cash."

Tumaas lang ang kilay niya. "Nasa RN ang bank account number ko, right? Transfer the money to my account. NOW."

"Ah! Good." Binalikan ko si Kevin. "Magse-send ako ng account number, transfer the money to Krishna Ahmad's account. Urgent. Thank you."

Pinatay ko na ang call and I took a photo of Krisha's profile para i-send sa email ni Kevin.

"Huh! Kaya mo ba talagang ibigay ang 50 million ko?" panghahamon niya.

"Kaya mo ba talagang lumayas sa school na 'to?" panghahamon ko rin.

Ako pa hahamunin niya, baka buong bangko ang ibigay ko sa kanya, hindi siya makapagsalita.

"Hey, bitch," pagtawag ni Andrew, napatingin tuloy ako. "Ang sabi mo, kilala mo ang nanalo kahapon laban sa Jokermen, meaning galing ka sa Xaylem. Ano'ng ginagawa mo ro'n?"

Ah, so they really know. At mukhang tambay sila sa lugar.

"Bago lang ako rito sa lugar. Naglilibot-libot lang ako nang madaan ako roon." I crossed my arms and gave him a questioning look. "Alam ninyong battleground ang lugar. Lumalaban ba kayo ro'n?"

May ilang nakuha ko ang atensiyon. May ibang walang pakialam. Mukhang meron ngang lumalaban doon sa kanila.

"Pinatatakbo ng crime organization ang Xaylem, kinokontrata ba kayo?" diretsong tanong ko kay Andrew na ikinatahimik niya.

Ngayon ko nararamdaman ang tingin ng ibang classmate nila sa akin na parang may sinabi akong bawal na salita.

"Ma'am, may alam ka ba?" tanong ng kaninang kausap kong estudyante. Nalipat tuloy sa kanya ang atensiyon ko.

"Sabihin na nating meron." Tumango na lang ako at kinuha ang RN ko. 30 minutes na ang lumilipas, kailangan ko nang magturo. May first day evaluation pa naman mamaya after class.

"Okay! English pala ang first class natin. Alam n'yo naman na siguro ang noun. Noun is an action word."

"Verb is an action word. Noun is the name of person, places, things, animals and events, stupid!" masungit na isinigaw ng isa sa kanila.

Alam naman pala nila ang lesson, bakit pa nila kailangan ng teacher? Ewan ko ba sa mga 'to. Nag-aaksaya lang ng pera.

"Adjective modifies a verb or an adverb."

"Adjective describes a noun or a pronoun! Teacher ka ba talaga?!"

"Sa ngayon nga, oo. Now, what is conjunction?"

"Conjunction, my ass! Lumayas ka na rito dahil hindi ka naman talaga teacher!"

"LAYAS NA!"

"GO AWAY!"

"LEAVE!"

"MAG-RESIGN KA NA!"

Nagsisimula na naman silang magwala. Nagkakalampagan na ng mga upuan.

Oh my hell. Para silang mga unggoy sa zoo. Napaka-uncultured ng mga eukaryotes na 'to.

"ALIS NA!"

"MAG-RESIGN KA NA! MAG-RESIGN KA NA! MAG-RESIGN KA NA!"

"Can you shut up!" sigaw ng tao sa pinto kaya lahat kami napatingin din sa may pintuan. Si Daphne pala, yung mukhang parrot na teacher.

"Shut up, you fucking shit!" Nakita ko na lang na may lumilipad na notebook sa ere papunta sa teacher na nasa pintuan kaya lumapit agad ako sa upuan nitong nasa harap at kinuha sa kamay ng estudyante ko ang signpen bago ko ibinato sa notebook.

Nagtakip ng ulo si Daphne para hindi matamaan pero wala na. Wala naman nang tatama sa kanya. Tiningnan pa niya ang paligid. Wala ngang tumama sa kanya.

"I SAID DON'T THROW THINGS INSIDE THIS GODDAMN ROOM OR ELSE YOU'LL ALL BE FUCKING DEAD!"

". . ."

Then . . .

They all shut their mouth. They looked at me in terror.

I kept my cool and smiled at Daphne. "Ma'am, I'm sorry sa abala. Bumalik na kayo sa klase n'yo. Ako na ang bahala sa mga batang 'to."

Hindi siya agad nakakilos. Nakipagtitigan lang siya sa akin na parang multo ang kaharap niya.

"Please go ahead, ma'am," I said in my very calm voice at naglahad pa ako ng palad para palayasin na siya sa munting impyernong 'to habang kalmado pa 'ko. Agad naman siyang tumakbo pabalik sa kabilang room para hindi na masaktan pa.

Mabilis na nawala ang ngiti ko pag-alis ni Daphne. Ibinalik ko ang tingin sa klase at mga nakatingin lang sila sa notebook na nasa pader. Nakatuhog yung isinumpang notebook sa pen na nakabaon na sa dingding.

"I'm trying to be calm, guys," kalmado kong sinabi sa kanila kahit kaunti na lang, mauupos na ang pasensiya ko. "Ayokong madagdagan ang parusa ko at ng asawa ko dahil lang puno ang mundo ng mga walang kuwentang cell na marurunong mag-isip at magsalita."

At parang hindi nila ako naririnig dahil nakatitig pa rin sila sa notebook na naka-barbecue sa signpen.

"Haaay." Nagbuntonghininga na lang ako at nilapitan ang notebook na malapit sa pintuan. "I'm somebody you'll never want to mess with, trust me." Binunot ko na ang notebook at ibinato sa naghagis sa gitnang row. "Subukan mo pang ulitin 'yon, sa noo mo na babaon 'tong pen." Hinugot ko na rin ang pen sa pader at bumalik na sa may teacher's table saka ibinalik sa estudyante sa harap ang panulat niya.

Now, it's time to take everything seriously. Hindi na ako natutuwa.

"Walang naniniwala sa klaseng 'to. And don't force me to use that reason para sirain ang mga buhay n'yo." And I guess, we're talking. And they don't have any other choice but to listen. "Isang commotion pa, ibabaon ko ang lahat ng makita ko sa mga leeg ninyo. Subukan n'yong sukatin ang haba ng sungay ko, makikita n'yong lahat kung ano ang mukha ng impyernong pinanggalingan ko bago ako mapunta rito."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top