Another Fight Coming
Hindi na gaanong mainit ang araw, buo-buo ang ulap sa langit. Nasa gitna ng rooftop si Laby, naka-indian seat doon at nilo-locate ang gumagamit ng software niya sa mga oras na iyon. Gamit niya ang Gameboy niya na mas magandang gamitin sa hacking. Okay lang daw ang mag-cutting siya. Sabi niya. Kung sa bagay ay hindi naman niya kailangan ng grades. Nandoon siya para magtrabaho, hindi para mag-aral. Nakita niya ang address ng laptop nina Brent at Ran. Kawawala lang ng signal ng kay Yoshi.
Ang problema niya sa tatlo: si Brent, anak ng lider ng malaking sindikato. Si Ran, mabigat ang pinagmulang pamilya. Si Yoshi, galing sa malaking clan ng mga yakuza.
Isa sa ikinatataka niya ay kung may alam ba ang namumuno ng Byeloruss para papasukin sa school na iyon ang mga gaya ng tatlo, o kahit si King man.
Nakikita niya ngayon ang hinahanap ni Ran. Profile niya.
"Siraulong babaero talaga."
At ang hinahanap ni Brent.
"Anak ng—? Ano na namang ginawa ng babaeng 'yon?" inis niyang sinabi habang sinusubukang i-hack ang computer na ginagamit ngayon ni Brent.
First day pa lang nilang pare-pareho, gumawa na ang dalawa ng problema.
Bzzt! Bzzt!
Xaylem: 7 fights 4 PM
"Pitong laban ngayong araw? Baliw na ba sila?" takang-taka niyang sinabi nang i-check ang notification sa suot niyang smart watch. Tiningnan niya ang oras.
May laban ngayon ang DOC, malamang na nasa area si Riggs. At may laban din sila—na mukhang balak pa silang pababain sa Top 10 dahil pitong laban agad ang ibinigay sa kanila ng Xaylem sa iisang gabi lang.
"Bago ka pa lang tapos nag-c-cutting ka na."
Napatingin si Laby sa likod niya. Si Yoshi. Sumimangot lang siya at dali-daling itinago ang Gameboy niya. Tumayo na siya at naglagay na lang ng bluetooth earpod earphone sa tainga.
"Iba ang treatment sa 'yo ng school. Kahit si King, hindi trinato ng school kung paano ka tratuhin. Hinahayaan ka lang ng mga staff sa ginagawa mo. Kahit ang mga teacher, hinahayaan ka lang na mag-cutting. Sino ka bang talaga?"
"None of your business," balewalang sagot ni Laby. Napahinto siya sa paglalakad nang kunin ni Yoshi ang kaliwang braso niya.
"Espiya ka ba?" diretsong tanong ni Yoshi. Napatingin sa kanya si Laby.
"Bakit mo pr-in-ogram ulit ang Brain?" seryosong tanong ni Laby sa kanya.
Tinitigan lang nila ang mata ng isa't isa para alamin kung sino ang unang unang bibigay. Diniretso na ni Yoshi si Laby kaya bakit hindi niya rin ito didiretsuhin?
"Hindi ko alam ang tinutukoy mo," sabi ni Yoshi sabay bitiw sa braso niya. "At kung ano man ang pakay mo rito sa Byeloruss, alam kong hindi 'yon para mag-aral."
"Huh." Maangas na natawa si Laby. "Nandito rin ba kayo hindi dahil para mag-aaral? Ang dami ninyong anak ng mga kilalang tao rito."
Nanduro na si Yoshi para magbanta. "Whoever you are, I'm warning you."
"Ah . . ." Natawa na naman nang mahina si Laby at napailing. "Iniisip mo bang nandito ako para sa 'yo?"
"Bakit? Hindi ba?" mapanghamong tanong ni Yoshi. "Kilala ko ang mga gaya mo."
"Really?" mapanghamon ding sagot ni Laby. "Ang pakay ko sa 'yo, ni-reprogram mo yung software na 'yon. Kung gusto mo 'kong mawala sa school na 'to, burahin mo yung software sa active device mo."
Lalong naningkit ang mga mata ni Yoshi. "Wala akong alam sa sinasabi mo," sabi nito at tumalikod na para maunang umalis.
"Huh." Napahalukipkip si Laby habang masama ang tingin kay Yoshi. Pilit pa nitong dine-deny ang tungkol sa Brain. Pero nararamdaman niyang hindi si Yoshi ang nag-redevelop ng software niya. Lalo pa't ang pinakamadalas gumamit ng software niya ay si Tricker.
Malakas talaga ang hinala niya kay Ran.
Mabura man niya ang isang software, puwedeng may copy pa niyon at dapat ang i-prioritize niya ngayon ay ang may original copy.
Pagkababa na pagkababa ni Yoshi, sumunod na rin siyang bumaba dahil malapit nang mag-uwian.
Hindi siya sumama sa mag-asawa para mag-babysit sa dalawang delikadong kriminal ng henerasyon nila. Pero kung titingnang mabuti, kulang na lang ay gawin siyang Guardian ng mga ito at sekretarya na salo niya lahat ng pressure at stress. Kung tutuusin, pare-pareho lang naman sila ng posisyon, maliban kay Josef.
Pagtapak na pagtapak niya sa 6th floor ng building . . .
"Balita ko, dumalaw ang Director sa 4-F."
"O, ano'ng nangyari?"
"'Yon nga e, walang nangyari. Ni hindi man lang napagalitan yung bago."
"At isa pa, buong araw na tahimik ang buong klaseng 'yon. At nasa loob ang grupo ni Havenstein."
"Anong kababalaghan naman kaya ang nangyayari ngayon sa 4-F?"
"Ang weird talaga ng bagong adviser na 'yon."
Sinundan lang ni Laby ng tingin ang tatlong teacher na nagtsitsismisan tungkol sa klase ni Armida.
Walang problema. At iyon ang problema. Walang issue ngayon ang 4-F. At sa first day ni Armida nangyari. Alam na ng buong school ang nangyaring away sa cafeteria, pero walang nagrereklamo. Gagawin na namang big deal ito ng school.
***
Alas-tres ng hapon. Uwian na ngayon, at naglalakad si Laby palabas ng Gate 1 main entrance ng Byeloruss. Habang naglalakad, hindi maiwasang mahagip ng tingin niya ang dalawang sasakyang nasa harapan ng main entrance.
"Napakayabang talaga ng mga estudyante rito," inis niyang bulong habang nakatingin sa sasakyan habang naglalakad. "Talagang diyan pa hinambalang 'yang dalawang Ferarri na 'yan?"
Kinuha niya ang single earphone at c-in-ontact si Josef.
"Where you at?" tanong agad ni Laby sa kabilang linya.
"Palabas pa lang ng school. Sa main ka ba dadaanan? Puwede ba 'kong pumunta diyan?"
"Puwede naman. Nandito na 'ko sa gate."
"Si Armida?"
"May kausap yata sa Faculty Room."
Nakalabas na ng gate si Laby at nilalakad na ang sidewalk sa kaliwang panig niya. Malayo pa lang ay tanaw na niya si Josef na may hawak na phone. Katatawid lang nito mula sa pinanggalingang sidewalk sa kabilang block. Nakita din niya ang mga estudyanteng nakabuntot kay Josef at pini-picture-an ito.
"Wow. Kailan ka pa naging artista?" tanong pa niya habang sinasalubong ito. Ibinaba na nito ang phone at nginitian siya.
Naglakad na sila papalapit sa isa't isa.
"O, 'musta diyan sa loob," bati ni Josef.
"Di ba dapat mamayang 5 pa ang uwi mo?" tanong ni Laby.
"Ang sabi ko, magpapa-check up muna ako sa doctor, baka kasi may pilay ako dahil sa ginawa kong pagtalon sa third floor."
"Nice," bilib sinabi ni Laby habang tumatango. Nagtaas pa siya ng kamay para makipag-apir kay Josef.
"Ako pa ba?" sagot din ni Josef at nakipag-apir din sa kanya. Umakbay na agad sa kanya ang lalaki at magkasabay na silang naglakad papunta sa parking lot na una nilang pinuntahan. Sa dulo lang iyon ng parehong school na ilang metro lang din ang layo.
"Ano'ng meron?" panimula ni Josef habang nakatanaw sa paligid. Maganda ang bakuran ng Byeloruss, metal railings ang pinakabakod at mapuno naman ang kasunod. "Hindi ka naman magpapasundo nang walang dahilan." Tinapik-tapik pa niya ang balikat ni Laby na pinagpapatungan ng kamay niya.
"Well . . ." Nag-isip pa muna si Laby ng sasabihin. "Nakita ko si Riggs sa area." Napahinto sa paglalakad si Josef kaya napahinto rin siya.
Naramdaman niyang bumuntonghininga ang lalaki at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Naglakad na lang ulit siya para sabayan ito.
"Hindi ka ba magtatanong?" tanong pa ni Laby habang tinitingala si Josef.
Tumingin pababa si Josef at nginitian si Laby. "Hindi ako mausisang gaya mo." Sabay tampal sa noo nito.
"Aray naman," mahinang sinabi ni Laby sabay simangot at himas sa noo.
"At isa pa, ang layo ng lugar na 'to sa bahay. Malamang na binigyan siya ng trabaho ng President."
"Alam na alam mo, ha?" bilib na sinabi ni Laby habang himas pa rin ang noo.
"Hayaan mo na si Riggs, pinili niya naman 'to."
"Pero ang alam niya, patay ka na. Hindi niya alam na Superior ka na."
"Alam naman ng lahat, patay na 'ko. At malalaman din niyang Superior na 'ko dahil under ng guild ang Asylum."
"Hindi ka nag-aalala?"
"Why would I?"
Sa wakas ay nakaabot na sila sa parking lot. Sumandal agad si Laby sa hood ng kotse ni Josef at nakanguso siyang nag-isip ng susunod na sasabihin.
"May laban ang LSG ngayon sa Xaylem. Pito," aniya at nagkrus ng mga braso. Tumayo lang sa harapan niya si Josef at ibinulsa ang kanang kamay.
"Kailangan ba nating pumunta?" alanganing tanong ni Josef. "Akala ko ba tapos na yung usapan natin diyan?"
"'Yan ang main problem natin," dagdag ni Laby at tumanaw sa paligid na parang may hinahanap doon kahit wala naman. "Kailangan nating habulin yung handler ng Xaylem."
"Because?"
"Validated na as Superior candidate ang handler ng area na 'yon. Top 1 lang ang kinakausap ng handler. Top 1 lang kasi ang pagkakaperahan niya nang malaki."
Hindi agad umimik si Josef. Napahimas agad siya ng baba at nag-isip. "Hindi ba natin puwedeng puntahan sa kanila, ibigay ang card, then we go?"
"Josef, malaking organization ang humahawak sa Xaylem. Hindi tayo puwedeng lumapit sa kanila nang basta-basta dahil hindi sila sakop ng Credo."
"Not again," dismayadong sinabi ni Josef at napahimas na naman ng batok.
Isa na namang malaking organization. Katatapos lang nila sa isang malaking issue na involve ang isang malaking organization, mayroon na namang isa pa.
"We need to fight then," patango-tango niyang sinabi, pilit pinaniniwala ang sarili sa naisip na sagot. "Okay."
"Wala naman tayong choice. Hindi tayo hahabulin ng handler kung wala siyang mapapala sa 'tin. 'Yon lang din ang paraan para makalapit sa kanya."
Napabuga ng hininga si Josef at napatango. "Ayokong ma-involve si Armida rito. Puwede bang hindi siya isama?"
Bumakas agad ang pag-aalala sa mukha ni Josef. Ayaw na niyang maulit ang nangyari sa mga Zubin.
"Puwede naman. Ako lang naman ang nakakaalam ng schedule ng laban natin e."
Nakahinga nang maluwag si Josef. "Good." Tumango na lang siya at dumiretso na sa pagsakay sa kotse. "Paano 'to, wala tayong damit?" tanong pa niya pag-upo sa driver's seat.
"Daan muna tayo sa bahay. Mamaya pa namang 5 ang labas ng asawa mo, hindi niya tayo maaabutan."
..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top