All-Star Gang Battle
Nabanggit naman na ni Laby ang tungkol sa All-Star Gang Battle na gaganapin sa mas malaking lugar. Alas-sais pasado na, inaasahan ng lahat na magsisimula ang laban ng alas-sais y medya gaya ng nasa invitation.
Hindi na nag-abala pang mag-mask ng tatlo, nakasuot lang sila ng T-shirt at jeans plus runners.
Masyadong malaki ang warehouse kung nasaan sila. Ang dami ngang tao sa pinaka-balcony. Puro metal sa paligid. Wala naman halos kalat pero ang daming posteng bakal. Nasa sulok lang ang tatlo at nagmamasid.
"Hindi naman sa na-trauma, pero ayoko talaga sa warehouse," sabi ni Josef na tambay pogi lang sa dingding. Nakasandal doon, nakahalukipkip at naka-dekuwatro ang binti kahit nakatayo. "Feeling ko, may uubusin na naman si Armida mamaya."
Hindi naman umimik si Armida. Nakatayo lang siya sa tabi ng asawa at nakasandig ang sentido niya sa balikat nito para ipahinga ang ulo roon.
Ang daming mga binata at dalagang naroon. May ilang lalampas sa beynte anyos at parang sila lang ang pinakamatanda roon.
"Hinihintay na lang yung Top 1 and Top 2," sabi ni Laby na papalapit sa mag-asawa. "Sampung gang ang nandito," paliwanag niya. "Ang balita no'ng isang araw, natalo ang Roses kasi nabalda mo yata no'ng huling laban n'yo," pagtutukoy niya kay Armida.
"Ano'ng nangyari?" tanong ni Armida at umayos na nang tayo. Ipinatong na lang niya ang kanang braso sa balikat ng asawa niya.
"Nawala na sila sa ranking no'ng Linggo pa. Dalawang laban ang naipatalo nila."
"Si Sunny?" tanong ni Josef.
Itinuro ni Laby yung entrance. "Nasa labas, kausap yung arbiter."
"Lalaban ba tayo?" tanong ni Armida habang nililigid ang tingin. "Ayokong lumaban sa ganito kung wala naman akong papatayin." Napahikab siya dahil talagang buryong-buryo na siya roon.
"Armida, puwedeng—" Hindi na natapos pa ni Josef ang sinasabi nang magbukasan ang spotlight.
"Welcome to our annual All-Star Gang Battle!"
"WHOOOH!"
Napuno ng sigawan ang warehouse. Kanya-kanya nang cheer sa bawat gang na sinusuportahan nila. Nasa itaas at nanonood ang mga nakadalong audience.
"Tingnan nga natin kung sino-sino ang mga grupong nandito!"
"WHOOOH!"
"DOC! DOC!"
"FOXES! FOXES!"
"REVENGERS! REVENGERS!"
Angat na angat kung sino-sinong grupo ang maraming fans. Ni hindi na nga marinig ang iba pang grupo.
"Ang Top 10! Ang nagbabalik! Jokermen!"
"JOKERS! JOKERS!"
"Hahaha!" biglang natawa si Armida at mabilis ding tinakpan ang bibig. "Josef, yung mga best friend mo."
"Uhm!" Agad ang tampal ni Josef sa noo ng asawa niyang nag-a-abnormal na naman. "Tuwa ka, hija?"
Nabalik ang atensiyon nila sa nagaganap nang tutukan na sila ng spotlight.
"Ang Top 6! Legendary Superiors!"
"LEGENDS! LEGENDS!"
Ang daming nagulat nang makita silang walang mga maskara.
"MA'AM?!"
Alingawngaw na lumakas na lang dahil sabay-sabay.
"Mukhang marami akong estudyante rito a," proud pang sinabi ni Armida. Paglibot niya ng tingin, nakita niya ang mga pamilyar na mukha. Napataas siya ng magkabilang kilay dahil ang ilan sa naroon ay talaga ngang mga estudyante niya.
Kahit si Li Xiao Ran, nakita niya sa isang grupo roon.
"Ang Top 5 . . . !"
Nagtaas agad ng magkabilang kamay si Armida. "Not gonna fight." Sumalampak na siya sa sahig nang nakatiklop ang kanang tuhod at nakadiretso naman ang kaliwa.
Sinusundan ni Armida nang tingin ang galaw ng spotlight habang pinakikilala ang lahat ng lalaban.
"Ang Top 4! Revenge!"
Napatutok ang ilaw kina Ran. Napansin niyang nakatingin pa rin sa kanya ang binata.
Walang takot na mababasa sa tingin nito. Wala rin namang ibang mensaheng ipinararating ang tingin nito. Kung makatingin naman kasi si Ran sa kanya, parang hindi siya nakikita. Nakatingin lang ito dahil gusto lang nitong tumingin—kung ano man ang tunay na dahilan, wala siyang alam.
Ilang saglit pa, napansin ni Armida na hindi pala sa kanya nakatingin ang binata. Kumilos kasi ang tingin nito nang kumilos din si Laby.
"Titingnan ko yung entrance saglit," sabi ni Laby at naglakad papuntang kaliwa nila.
Mata naman niya ang nanlaki dahil buong akala niya talaga, siya ang tinitingnan nito.
Saglit na kumunot ang noo niya at ilang segundo pa ay parang naintindihan na niya ang gusto nitong puntuhin kanina sa cafeteria.
"Ang Top 2! The Silver Outlaw Fox!"
Sinundan ulit ni Armida ang spotlight at napadpad iyon sa isang grupo na nasa bandang gitna.
"Oh, the young Yoshikawa is here," natutuwa niyang sinabi.
"At ang undefeated! Dark Orion Cards!"
"DOC! DOC! DOC!"
Tumayo si Armida para tanawin ang tinutukan ng ilaw. Medyo malayo iyon ay hindi niya tanaw habang nakaupo.
Nandoon na si Shiner, at kung kumilos ito, parang matagal na matagal na nga silang magkakakilala. Kaiba noong isang araw na parang wala silang koneksiyon ni King.
"Sa loob ng sampung segundo, magsisimula na ang laban. At gaya ng patakaran, ang huling grupong matitirang nakatayo, sila ang makakatungtong sa itaas at papalit sa ating Top 1!"
Ilang spotlight pa ang binuksan at itinutok sa gitna ng warehouse na magsisilbing battleground ng lahat.
Nag-announce pa ang arbiter. Isasara ang warehouse para walang makatakas.
"So basically, we're here to guard the kid," sabi ni Armida at bahagyang tiningala ang asawa niyang nakatitig lang sa gitna. Sinuklay-suklay niya ang buhok nito para libangin ang sarili. "No plan to fight, hmm?"
"We're here to fight for someone once the worst happen," nakangiting sinagot ni Josef sa asawa niya.
"Defense mode," paninigurado ni Armida.
"Yes."
Ibinalik na rin ni Josef ang tingin sa gitna.
Nagbibilang na ng sampung segundo.
"4 . . . 3 . . . 2 . . . 1!"
Biglang umalingawngaw ang malakas na alarm at para bang automatic na naalerto ang lahat.
"Argh!" Isang sigaw at biglang nag-riot ang lahat.
"Nasaan si Laby?" tanong agad ni Armida nang mapansing nawawala ang kasama nilang isa.
Kahit si Josef, napalingon-lingon din para hanapin ang dalaga, ang kaso talagang wala na sa paningin nila ito.
"At talagang ngayon pa nagliwaliw, ha?" sarcastic na sinabi ni Armida at tiningnan ang mga nagkakagulong mga kabataan sa gitna.
Sa katunayan, sila lang mag-asawa ang tamang tambay lang doon. Tamang nood lang din ng nangyayari sa gitna.
Sa sobrang gulo, hindi nila alam kung sino ang panonoorin.
"Oh dear," biglang bulong ni Josef nang makitang matapos ang ilang bumagsak nang naglalaban, mukhang balak na nilang pagtulong-tulungan ang mga member ng DOC.
"King!" pagtawag ng mga member ng grupo.
Pinalibutan agad sila ng iba't ibang miyembro ng natitirang mga gang.
"Oh well," bulong na lang ni Armida at umisang iling. "Come on, Jo—Josef?" Nagulat na lang siya dahil wala na sa malapit sa kanya ang asawa niya. "Josef?!"
Sa laking tao ng asawa niya, himalang hindi niya ito makita sa paligid sa mga sandaling iyon.
"Haay, bakit ba 'ko napunta sa ganitong sitwasyon," tinatamad na niyang sinabi dahil talagang wala siyang balak lumaban. Halos kalahati ng estudyante niya, nandoon. Alangan namang bugbugin niya iyon isa-isa.
Papalapit na sana siya sa kumpulang iyon nang may mapansin.
"Oh . . . kay," mahina niyang nasabi nang makitang may mga naglabas na ng mga bawal ilabas sa labang iyon.
Bawal ang armas, pero may nakikita na siyang baril at kutsilyo sa paligid-ligid.
"JOSEF!" malakas niyang sigaw sa asawa para tawagin.
Naglingunan ang lahat sa direksiyon niya ngunit wala na silang ibang nakita sa pinanggalingan niya.
"What the—"
Isang mataas na paglundag at eksakto siyang lumapag sa harapan ni King at hinarap na ang mga susugod sana sa mga miyembro ng DOC.
"Ano'ng ginagawa mo rito?!" galit na sigaw ni King.
"Ma'am?" narinig niyang pagtawag ni Brent.
"Sir!" sigaw ni Sunny sa kabilang panig.
"Huh!" Napangisi na lang si Armida dahil mukhang nandoon na ang asawa niya. Lumalagutok ang mga daliri niya sa kanang kamay nang dahan-dahan iyong ikuyom nang nakaangat. Inilapat niya naman ang kaliwa sa hangin para pandepensa. "I'm not allowed to kill, but I'm allowed to fight."
"Sugurin n'yo na!" utos ng isa sa kung saan.
Sabay-sabay na sumugod ang mga kalaban nila.
"Argh!"
Mabilis na sinalag ng braso ni Armida ang paparating na suntok sa kanang gilid at sumunod naman ang sa harap at sa kaliwa.
Puro siya depensa, walang balak umatake.
"Josef!" pagtawag niya sa asawang nawala na naman sa paningin niya.
Naiinis siya kapag ganoon ang lalaki na hindi niya mabasa-basa ang galaw.
Pero sa isang banda, naiisip niyang si Shadow ang asawa niya. Hindi naman ito pangangalanang Shadow dahil lang trip ng lahat na pangalanan itong Shadow.
May mga bumabagsak nang umaatake sa kanila. Ang may gawa ay mismong mga miyembro ng DOC. Puro lang sila pagdepensa at pagprotekta sa mga ito. Ang depensa nila, sasaluhin ng atake ng mga estudyante niya. Ang asawa niya, mukhang nagpapabagsak din sa likuran lang niya, pero hindi niya malaman kung paano nito iyon ginagawa.
Kaya ayaw niyang pinakikilos ito nang gabi. Kahit siya, hindi ito nasusundan. Gaya na lang noong una nilang paghabol sa Scheduler.
Bang! Bang!
Nanlaki ang mga mata ni Armida nang makarinig ng putok.
Hindi lang siya, maging ang ibang naglalaban-laban, napahinto.
"Wha the fuck . . . !" Mabilis na hinanap ni Armida kung sino ang eksaktong nagpaputok ng baril. Narinig niya iyon sa kanang direksiyon. Pero kahit ang mga ito ay naghahanap din sa katawan kung tinamaan ba sila.
"Armida!" sigaw ni Josef.
Sa isang iglap, paglingon pa lang niya sa kaliwa ay mukha na agad ng asawa niya ang bumungad sa kanya, dahilan para mapaatras siya nang kaunti.
"What happened?!" tanong agad nito at hinahanap agad sa katawan niya kung may tama ba siya ng baril.
"I'm fine," sagot niya agad. Tinabig niya si Josef at akmang maglalakad papunta sa pinagmula ng putok ng baril nang biglang . . .
"Sunny!" pagsigaw agad ng mga miyembro ng DOC.
"Oh shit!" Sabay pa silang mag-asawa nang lapitan si Sunny.
Hawak-hawak ni King si Sunny habang nakahandusay ito sa sahig ng warehouse.
"Sunny . . . Sunny . . ." sunod-sunod na pagtawag ni King nang may pag-aalala sa boses.
"Sunny!" malakas na pagtawag ni Josef at napaluhod na lang din sa tabi ng dalaga. Tinitigan niya kung saan ito tinamaan. "Oh my god." Napahilamos na lang siya dahil isang tama sa dibdib at isa sa leeg.
"Sunny!" lumuluhang pagtawag ni King habang tinatapik-tapik ang pisngi ng dalagang hindi na umiimik at patuloy sa pag-agos ang mapula at nangingitim na dugo nito sa mga tinamaan ng bala.
Kahit si King ay halos maligo na rin ng dugo habang umaasang sasagutin siya ng kaibigan.
"Who did this . . . ?" galit na tanong ni Armida. "WHO THE HELL DID THIS TO HER?!"
Nangibabaw ang sigaw niya sa buong warehouse. Nag-atrasan silang lahat para makaiwas. Isang saglit, nakita niya kung sino ang salarin.
At hindi iyon kabilang sa mga nakita niyang ipinakilala kanina.
"So it's you . . ." mahinang sinabi niya at sa tatlong luksuhan lang ay naabutan niya ang papatakbo na sanang lalaki na may hawak na glock. Mabilis niyang kinuha ang damit nito at braso at buong lakas na ibinato sa gitna ng warehouse kung saan nakatutok ang spotlight.
"How dare you kill the kid . . ." pigil na pigil ang galit sa tinig ni Armida habang mabilis na naglalakad papalapit sa ibinato niyang lalaki.
"Huh!" natatawa pa ito habang nakatihaya at gumagapang paatras. "RYJO . . ."
"Hah! Tao ka ni Akmadi . . . haha!" Ang pait ng tawa ni Armida. "Tao ka ni Akmadi!" sigaw na niya at yumukod siya para kunin ang damit nito. Hinawakan niya ito nang mahigpit sa leeg at buong puwersang binangas ang leeg ng lalaki.
"Aaaaaargh!" Ang lakas ng sigaw ng lalaki habang hawak ang leeg na nabalatan ang halos kalahati nito. Tuklap ang balat nito at panay ang agos ng dugo habang nagwawala ito at naghahanap ng matatakbuhan.
Hindi pa nakontento si Armida. Galit na galit siyang nilapitan ito habang lapat na lapat ang kaliwang kamay. Paglapit niya sa lalaki, hinatak niya nakalantad na laman nito sa leeg at buong puwersang hinatak ang lalamunan nito hanggang sa bumagsak itong nakalaylay na ang ulong halos humiwalay na sa katawan.
"You kill one of us, I'll kill you all," babala niya sa lahat at binitiwan na rin ng duguan niyang kamay ang laman ng lalaking hawak pa rin niya.
Biglang tumahimik ang lahat. Kasabay niyon ay ang pangingibabaw ng pagbagsak ng pinto at pagpasok ng napakaraming Guardian sa loob.
Tiningnan ni Armida ang mga mukha ng mga lalaban pa sana sa kanila. Mga nakaawang ang bibig at puno ng takot na nakatingin sa kanya.
Pagtalikod niya, nakita ang mukha ng mga estudyante niyang nakatingin sa kanya—hindi na bilang isang respetadong guro kundi isang halimaw.
Nakaramdam na lang siya ng sapilitang pagpapaluhod sa kanya na hindi na lang niya pinalagan.
"Ma'am . . ." pagtawag sa kaniya ni Yoshikawa na naroon sa likuran lang ng asawa niya nakapuwesto.
Pinagtabi ng nagpaluhod sa kanya ang mga braso niya sa likuran at nakaramdaman na lang siya na iginapos iyon nang mahigpit.
Nakikita nila ang mukha niya.
Walang takot.
Walang pagsisisi.
Walang kaba.
Nakikita nila ang mukha niya na para bang walang nangyayaring masama. Kalmado lang gaya ng parating nakikita nila sa kanya kapag normal na oras.
"Lord Ricardo," pagtawag ng isang Guardian at inakay na patayo ang asawa niya. Pinalibutan ito ng iba pang Guardian.
"Si Armida . . . yung asawa ko! Bitiwan n'yo 'ko! Armida!"
Inakay na rin siya patayo ng magdadala sa kanyang Guardian. Hindi niya inalis ang tingin kay King. Puno ng takot ang mga ito, at kung tingnan siya ay parang siya na ang pinakamalalang taong nabubuhay sa mundo.
Ang blangkong tingin niyang iyon at ang patuloy na pagtulo ng dugo sa kanyang kamay ay sapat na para sabihing tapos na ang laban sa gabing iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top