9. The Volunteers

"This is torture," mahinang bulong ni Josef kay Armida at halos bumagsak na ang ulo niya dahil sa antok. Magigising na lang siya sa palakpakan at tawanan ng mga katabi nila kada minuto.

Mag-iisang oras na sila sa loob ng convention na iyon at wala silang ibang ginawa kundi ang makinig sa pinaka-corny at pinaka-cliché na mga lovestory ng mga guest.

Nasa stage ang isang lalaking host na sobra kung makapang-usisa ng buhay ng iba na ultimo kaliit-liitang detalye, tinatanong pa. At kasalukuyang nasa hot seat ang isang couple na nagkukuwento ng love story nila.

"Ang totoo niyan, si Jimmy babes ko, nakilala ko lang talaga sa phone," kuwento ng babae sa stage na mukhang sinampal ang pisngi nang maraming beses sa kapal ng blush.

"Pinsan niya ang original kong phone pal kaso parang umayaw sa 'kin kaya sa kanya ako napunta, hehehe," sagot naman ng asawa nitong malusog.

"Ah! So, si pinsan pala ang dapat na COUSINtahan at hindi si wifey!" pang-e-echos ng host sa guest.

"Pero mas love ko naman ang kaisa-isang Jane baby ng buhay ko. I love you, baby ko!" At nag-kiss pa ang dalawa kahit nasa harap ng maraming tao.

"Ayiiieee!" tilian ng lahat ng babae sa loob ng convention.

"What the fuck," nandidiring nasabi ni Armida na parang pinalunok ng isang buong kamyas sa sobrang asiwa sa narinig. "Wala na bang mas co-corny pa sa story na 'yan?"

"Nakakalurkey! Ang sweet nila, 'no!" sabi ni Nicole habang parang nagdadasal sa ayos niya.

"I know, right! It's so sweet! Aw . . ." sabi ni Nikki habang nag-b-beautiful eyes pa sa stage.

"Yuck," sabi agad ni Armida habang nakatingin sa dalawa.

"Hoy, Josef," tawag ni Armida at dumikit sa asawa niyang papikit-pikit na dahil sa antok. "Takas tayo rito. Susuka na 'ko sa mga naririnig ko."

Dahan-dahang bumuga si Josef ng hininga at pinilit gisingin ang sarili dahil inaantok na talaga siya. Ni hindi pa siya sigurado kung antok na gawa ng mga kuwento sa stage o kulang lang siya sa tulog kababantay sa asawa niya nitong nakaraang linggo.

Lumingon-lingon pa sa lugar si Josef para maghanap ng pinakamalapit na entrance.

"Palakpakan po natin ang ating couple na sina Jane at Jimmy!"

Nagpalakpakan nga ang mga tao sa convention.

"And now, maghanap tayo ng bagong couple na magbabahagi ng kanilang oh-so touching lovestory!"

"Ah! Ayun!" Nakakita si Josef ng exit may limang dipa ang layo sa kinauupuan nila. Kinuha niya ang kamay ni Armida at tumayo na ang dalawa.

"Aha! May volunteer!"

"Ginugutom na 'ko," sabi ni Armida habang hinihimas ang tiyan. "Pahamak din 'tong mga 'to e."

"Siguro naman, hindi tayo mahahalata . . ." sabi ni Josef.

"Yung couple na parehong naka-white na T-shirt! Punta na rito sa stage!"

Ang kaso, parang walang naririnig ang dalawa. Desidido sa pagtakas.

"Kinikilabutan ako sa mga kuwento," nandiriring sinabi ni Armida habang kinikilabutan. "Ew."

"Huy! Punta na kayo sa stage!" biglang harang sa kanila ng isang couple na audience.

"Ha?" At talagang nawindang ang dalawa.

Bigla silang ig-in-uide ng couple papunta ng stage. Nakatingin lang sila sa lahat na malaki ang ngiti sa kanilang dalawa.

Uh-oh.

"J-Josef, ano'ng nangyayari?" takang tanong ni Armida na tinalo pa ang dinadala sa lugar na pagkukulungan sa kanya.

Umiling lang si Josef dahil hindi rin niya alam ang nagaganap.

Itinulak sila sa gitna ng stage. Sa harapan ng lahat na sobrang laki ng ngiti sa kanilang dalawa.

Pinaupo sila sa dalawang monobloc chair na tinatawag nilang Hot Seat/Love Seat. Binigyan din sila ng mic ng isang babaeng assistant.

"Hello! Aming maganda at guwapong couple! Before that, puwede bang malaman ang pangalan nila?" sabi ng host na sobrang laki ng ngiti sa kanilang dalawa.

"Uh . . ." Nagkatinginan na naman muna silang dalawa.

"A-Armida."

"Josef."

"Palakpakan naman natin sina Armida at Josef!" sabi ng host at nagpalakpakan naman ang lahat.

"WE LOVE YOU, JOSEF!" sigaw nina Nikki at Nicole

"Ohoy! May fans ang ating handsome guy here!"

"Ah, puwedeng mag—"

"So, newly wed o matagal nang married?"

Biglang nagbago ang timplada ng mukha ni Armida dahil hindi man lang siya pinatapos ng host sa pagsasalita.

Tiningnan lang nila ang host. Tiningnan lang din sila ang host at nag-aabang ng isasagot nila.

"Newly wed," si Josef na ang sumagot.

"Newly wed, mga kaibigan!" At nagpalakpakan na naman ang lahat. "Kailan kayo ikinasal?"

"Uh," alanganing sumagot si Josef. Tiningnan muna si Armida para alamin ang sasabihin. "Actually, twice kaming kinasal this year. First was last September, then second was last month, November."

"Ooh. Twice silang ikinasal. Mayaman itong couple natin, mga kaibigan! Palakpakan naman natin sila!"

At nagpalakpakan nga ang lahat. Hindi pa sigurado kung feel lang pumalakpak ng mga audience o mga uto-uto lang talaga.

"Bakit twice kayong ikinasal? May problema ba sa first wedding?" usisa ng host.

"Uhm, arranged ang first wedding namin. Business agreement ng mother ko sa family niya," kuwento ni Josef.

"Ay, business ang reason. Pang-koreanovela ang story nila, mga kaibigan!" anunsiyo na naman ng host.

Bigla namang nagtawanan nang mahina ang mga audience. Nagkatinginan lang ang mag-asawa at sabay na nag-'whatever' headshake.

"Ibig sabihin ba n'on, kaya naganap ang second wedding kasi na-in love kayo sa isa't isa at gusto n'yong ikasal kayo na hindi dahil sa business? Gan'on ba 'yon?" tanong na naman ng host.

"Hindi rin," sabay pa silang mag-asawa.

"Ha? T-teka, hindi? E ano'ng reason ng second wedding?" At mukhang nawindang din ang host sa narinig nito sa kanila.

"Arranged din ang second wedding namin," sabi ni Armida na may tinatamad na mukha. "Kung yung unang reason, dahil sa business; yung pangalawa, dahil sa family namin. Parehas kaming layas. Malas lang kasi dumating kami sa point na kailangang magbalik-loob sa pamilya dahil sa ilang komplikadong bagay na wala na kayong pakialam. Void ang first wedding namin dahil nagkaroon ng issue sa pangalan ko. Kinuha siya ng pamilya niya, kinuha ako ng pamilya ko. After a month, nagkita na lang ulit kami pagkatapos sabihin ng pari na 'You may now kiss your bride.' At huwag ka nang mag-usisa pa sa ibang detalye dahil wala kang mapipigang corny love story sa aming dalawa na gaya ng mga nakakaantok na kuwento ng mga ordinaryong tao sa lugar na 'to. Puwede na ba kaming kumain?"

Biglang tumahimik ang lahat sa sinabi niya. Parang dinaanan ng sambatalyong anghel ang buong convention. Kahit ang host, walang nasabi. Sa tono pa lang at sa paraan ng pagkakasabi niya, parang masama na ang lahat.

"Uhm, hehehe, pasensya na kayo sa kanya," nahihiyang sinabi ni Josef sa audience. "Medyo ginugutom na kasi 'yan. Hindi pa kasi nanananghalian." Pilit na ngiti na lang ang ibinigay niya sa lahat at pinandilatan ng mata ang asawa niya para magbanta.

"May itatanong pa ba kayo?" kaswal na tanong ni Armida. "Sige na, habang nasa mood pa 'kong sagutin ang lahat ng kalokohang naiisip n'yo kasi kain na kain na 'ko e," mataray na sinabi ni Armida.

"Huy, ano ba? Makisama ka naman," bulong ni Josef sa kanya.

"Nakikisama naman ako a," bulong din ni Armida. "Buhay pa nga silang lahat. o."

"Magkunwari ka namang masaya. Ang KJ mo naman e."

"Ah . . . . Okay." Medyo napaisip naman ang host dahil talagang lumutang ang isip niya sa lahat ng sinabi ni Armida. Panira lang ng mood since Couple's Convention iyon at kailangang sweet at nakakakilig dapat ang atmosphere.

"So, husband, ano ba'ng pagkakakilala mo rito kay, uhm, kay wifey natin." naiilang na tanong ng host since sinabi ni Armida na wala itong mahihitang sweet story sa kanilang dalawa. At si Josef na lang ang tinanong niya dahil mukhang marunong itong makiramdam.

Napahugot tuloy ng hininga si Josef at alanganing tumingin sa asawa niyang nakataas ang kilay sa kanya at isa ring nag-aabang ng sagot.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top