8. The Taken
Kampanteng naglalakad ang mag-asawa papunta sa daang tinatahak ng mga sasakyan. Patuloy lang sila sa paghahanap ng masarap at magandang makakainan nang bigla silang harangin ng isang babae at isang lalaki.
"Excuse me. Are you married?" seryosong tanong ng babae.
"Uh . . ." Nagkatinginan naman ang mag-asawa. "Yeah?"
"Good. Can you come with us?" tanong ng lalaki.
Nagkatinginan ulit sila. "Why? At sino ba kayo?" tanong ni Armida.
Nagkatinginan naman ang babae at lalaking nangharang sa kanila. Mukhang nagulat sa huling tanong.
"'Wag ka nang mag-English," sabi ng lalaki.
"Mamaya, malalaman n'yo kung sino kami," seryosong sinabi ng babae. "Sa ngayon, kailangan namin ng iaalay sa makapangyarihang si Lai-ar. At kayong dalawa 'yon."
"Lai-ar?" sabay pa ang mag-asawa sa pagtanong.
Bigla silang kinaladkad ng dalawa. Nagpakaladkad naman sila kahit wala silang naiintindihan sa nangyayari.
Inobserbahan nila ang lalaki at babaeng humahatak sa kanilang dalawa. Hindi naman mukhang delikado, hindi rin mukhang member ng kulto. Mas mukha nga itong mga bakasyunista sa mga suot nito.
Ang babae, nakasuot ng duster at naka-braid ang brown na buhok na may highlights na gold. Morena ito at may kapayatan. Hanggang balikat nga lang nilang mag-asawa. Ang suot ng lalaki, naka-floral shirt at khaki shorts, at may suot na panama hat.
"Guys! May bagong recruit! May replacement na kina Jas!" sigaw ng babae habang kumakaway sa malayo.
Napatingin naman ang mag-asawa sa sinisigawan ng babae. May tatlong pares ng babae at lalaki ang nasa harap ng isang mukhang simbahan na lugar.
Huminto sila sa harap ng tatlong pares.
"Okay! Pasensya na sa paghatak namin sa inyo, ha!" masaya nang sinabi ng babaeng naghatak sa kanila. "Ako nga pala si Anne Miethy!"
"Ako naman si JC. Mag-asawa kami ni Miethy," sabi ng lalaki.
"Ah . . ." Sinusubukan pang i-digest ng mag-asawa ang nangyayari.
"Hi!" Biglang itinulak ng dalawang babae si Miethy at in-offer agad ang mga kamay kay Josef.
"Aray naman, mga 'te!" sabi agad ni Miethy habang hawak ang braso niya.
"Hallu! I'm Nicole," sabi ng isang babaeng bob-cut ang itim na buhok na may highlights na red. Cute ang smile na may isang dimple sa kanang pisngi, chinita rin. Nakasuot siya ng violet na T-shirt at orange short. Para siyang maputing Dora at mukhang lalarga na.
"Hello, Papa!" putol agad ng isang katabi ni Nicole at wala nang pasabi at kinuha agad ang kamay ni Josef at sapilitan itong kinamayan. "My name is Nikki Evol. Evol is my name and love is my game. Gets? Evol, Love?" sabi naman ng babaeng pina-straight lang ang itim na buhok ng plantsa at may kaunting brown sa bandang dulo. Bilugan ang mga mata niya at medyo mahaba ang mukha. Kapansin-pansin ang brace niya at may nunal sa ilalim ng baba.
"EHEM! EHEM! EHEM!"
Napatingin agad sila roon sa likod. Wagas kasi maka-EHEM ang asawa nina Nicole at Nikki.
"Josef, pakibawasan ng appeal, please," seryosong bulong ni Armida sa asawa niya.
Natawa na lang nang mahina si Josef at napahimas na lang ng batok. "I know how to steal hearts, but they already offered theirs," bulong niya sa asawa. "I can't control what's inevitable."
"Ang guwapo mo, 'no?" sarcastic na sinabi ni Armida kay Josef habang nakangiti nang pagkapeke-peke.
"Obvious ba?" natatawang sagot ni Josef dahilan para mawala ang pekeng ngiti ng asawa niya.
"Kaya pala hindi ako naiinitan. Mahangin kasi sa tabi ko," sabi na lang ni Armida at inilipat ang tingin sa mga nakapalibot sa kanila.
"Pare, Nikki," pakilala ng lalaking nakasuot ng light blue shirt at brown shorts. Clean-cut ang buhok nito at kasintaas lang ni Armida. Kapansin-pansin ang prominente nitong panga at matipunong tindig. "Call me Earl. Asawa ako ni Nikki."
"Yo! John. Husband ni Nicole," pakilala naman ng lalaking nakasombrerong straw-hat at nakasuot ng blue plaid shirt na may pang-ilalim na white sando at black short na may nakatatak na BEACH sa bandang ibaba. Maganda ang ngiti nito at may pagka-chinito ang mata.
Kinawayan naman sila ni Josef nang matipid at bahagyang tumango.
"I'm Fovicate Viernes-Hernandez," pakilala ng isang babaeng katabi ni Earl. Itsura at posture pa lang nito, halatang may attitude na. Malaki ang wave ng buhok nitong blonde at mukhang prinsesa sa pinanggalingan niya. Magkasing-height lang sila ni Armida pero pansin na mas payat ito kaysa kay Armida base sa suot nitong gray na sando at denim shorts na sobrang ikli.
"Alexander. Asawa niya," dismayadong pakilala ng lalaking katabi ni Fovicate. Naka-T-shirt ito na may print na BORA at nakasuot ng shorts.
Mga bakasyunista talaga ang trip ng apat na pairs.
"Uh . . ." Nagkatinginan muna ang mag-asawa para malaman kung paano magpapakilala.
"I'm . . . Josef," ilang na pakilala ni Josef at itinuro ang katabi niya. "Ito nga pala ang wife ko."
"Armida," simpleng tugon ni Armida.
"Alam nyo, walang bakas na couple kayo, praaaamis!" tili ni Nicole.
"Ha?"
"Yeah! Agree! Hindi halata!" dugtong ni Nikki at nag-apir pa ang dalawa.
Tiningnan naman ng mag-asawa ang isa't isa. Parehas na naka-T-shirt na white at jeans. Pati ang suot a white rubber shoes pareho.
"Uh, oh-kay?" Hindi naman ma-gets ng dalawa ang nagaganap.
"So! Tara na?" masayang aya ni Miethy at hinawakan sa braso si Armida.
"T-teka. Saan n'yo kami dadalhin?" takang tanong ni Armida.
Kiladkad na naman silang mag-asawa nina Miethy at JC.
"Ah, 'yon ba? 'Wag kayong mag-alala! Joke lang yung iaalay namin kayo!" natatawang sinabi ni Miethy at inuugoy pa niya si Armida habang naglalakad sila. "Kulang lang kami ng member para um-attend ng gathering! Nang-indian kasi yung kasama naming pair kaya kinailangan naming maghanap para maka-discount kami! 'Wag na kayong magreklamo, masaya r'on, pramis! May libre ding foods kaya walang gutumang magaganap!"
Lumawak agad ang ngiti ni Armida at masayang nilingon si Josef sa likuran niya. "Food, Josef!"
Pinaikutan lang ng mata iyon ni Josef at napailing na lang.
Pagkalipas ng ilang minutong lakaran, nakaabot ang grupo sa isang malaking covered court. Maraming tao sa loob niyon at naupo sila sa bandang gitna.
"Prayer meeting ba 'to?" tanong agad ni Josef habang nililibot ng tingin ang paligid.
"Nuh-uh! This is not a prayer meeting!" singit ni Nicole sa tanong ni Josef.
"This is the Island's Annual Couple's Convention!" masayang pagsasabay-sabay nina Miethy, Nikki, at Nicole.
"Yeah, right! Aaaaah! Totes Amaze!" dagdag ni Nikki at nag-apir ang tatlong babae.
Nagkatinginan agad ang mag-asawa.
"Couple's Convention?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top