7. Words of Wisdom

Panibagong umaga at nakahanda na ang mag-asawa sa sinasabing bakasyon daw nila.

Nasa rooftop ng hospital sina Josef at Cas habang hinihintay si Armida na matapos na maghanda ng sarili nito. Pupunta ang mag-asawa sa lugar na pagbabakasyunan nila at ihahatid sila ng helicopter na nasa helipad ng hospital. Walang ibang detalyeng binanggit sa kanila kung ano bang klaseng lugar ang pupuntahan. Basta't ang alam nila ay bakasyon.

"Hindi n'yo ma-co-contact si Cas habang nandoon kayo," paalala ni No. 99 kay Armida habang ine-examine siya ng espesyalistang naka-assign sa kaso niya.

"Sasalang ba siya sa castigation?" diretsong tanong ni Armida habang tinitingnan ang inililista sa notes ng doktor.

"May natitira pa akong immunity para magamit niya."

Agad na kumunot ang noo ni Armida sa narinig at napalingon agad kay No. 99 na nakasandal lang sa gilid ng pintuan ng silid na iyon. "Ganoon ba katigas ang ulo ni Cas para maubusan siya ng sariling immunity?"

"We're done, milady," mahinang banggit ng doktor na tumitingin sa kanya. Nagbigay-galang ito sa kanya at yumukod. Sunod ay nagbigay-galang rin ito kay No. 99 at lumabas na ng silid na iyon.

"She'd had enough saving your stubborn ass, kid," sabi agad ni No. 99 sa kanya. "Magkasintigas kayo ng ulo kaya hindi na ako nagtataka kung kanino ka nagmana." Binuksan na niya ang pinto at inilahad ang palad. "Come on. You're gonna be late."

"Huh!" Napangisi na lang si Armida at tiningnan si No. 99 mula ulo hanggang paa. "Just tell her you love her."

"Don't kill your husband while we're away," sagot na lang ni No. 99 at sinundan na lang ng tingin si Armida na naglakad papalabas ng silid na iyon.

"Huh. Ibang klase."

Agad na tumungo ang mag-ama sa rooftop at naabutan doon sina Cas at Josef na nag-uusap.

"Hey!" malakas na pagtawag ni Armida at kumaway pa para ipaalam na naroon na sila.

Hindi pa nakikita ni Armida ang asawa niya magmula nang magising siya at napansin niyang parehas pala silang naka-plain white T-shirt at jeans.

"Nasa rest house na ang lahat ng gamit n'yo, i-g-guide na lang kayo roon ng tao namin," sabi ni Cas.

"Okay." Tumango lang si Armida at dumiretso na agad sa loob ng helicopter.

"Uh . . ." Itinuro na lang ni Josef ang helicopter para sabihing susunod na siya kay Armida. Tumango lang si Cas bilang sagot. Sumakay na rin si Josef sa may helicopter at tumabi kay Armida.

"Hindi ka ba magpapaalam?" tanong ni Josef.

"No need. Magkikita pa naman kami . . ." sabi na lang ni Armida.



***



Three hours na biyahe mula sa ospital na pinanggalingan, nakarating na ang dalawa sa isang magandang isla. Sinalubong sila ng isang lalaking naka-white shirt at black pants at hinatid sila sa rest house na pansamantala nilang tutuluyan.

"So, dito pala . . ." sabi ni Armida habang nililibot ng tingin ang buong bahay.

Bungalow-type lang ang rest house pero maaliwalas at maganda. Blue and white ang color scheme, bagay na bagay sa view ng dagat na makikita sa floor-to-ceiling na bintana ng kuwarto nila. Ganoon din sa patio kung saan nakatayo si Josef sa mga sandaling iyon. Tama lang ang laki ng sala na katapat ng kusina. May isang kuwarto at isang banyo.

"You want vacation, then here's your vacation," sabi ni Josef habang tinatanaw ang view ng dagat. Naaamoy niya ang dagat sa puwesto, kahit ang lamig ng hangin ay nadadama niya.

"Josef, allowance," sabi ni Armida habang ipinakikita ang isang briefcase na puno ng pera kay Josef na nakalapag sa center table sa sala.

"Gusto mong mag-lunch?" aya ni Josef.

Masaya namang tumango si Armida.

Kompleto ang gamit sa resthouse na iyon. May mga damit at gamit sa closet na nasa kuwarto. Nagsuot ng black sling bag si Armida para lagyan ng pera at iba pang gamit. Lumabas na ng bahay ang dalawa at naghanap agad ng makakainan.

"This place is so nice, ha?" puri ni Armida sa paligid at umikot-ikot pa para pagmasdan ang ganda ng lugar na iyon. Tanghaling-tapat at ang ganda ng araw. Pakiramdam ni Armida, sobrang tagal niyang hindi nasikatan ng araw.

Mukhang maraming turista sa lugar na iyon—na hindi nila inaasahan dahil akala nila ay private resort.

Maalikabok sa daang tinatahak at kapansin-pansin ang kabilaang tindahan paglagpas nila sa maliit na village na pinanggalingan—na mukhang puro talaga rest house ang naroon para sa mga turista.

"Josef, tara dito!" aya ni Armida at huminto sa isang stall na nagtitinda ng food on sticks.

"Seryoso ka dito?" tanong pa ni Josef habang iniisa-isa ang nakalatag na paninda sa mesa ng stall. "Kailan ka pa natutong kumain sa—" Hindi na niya natapos pa ang sinasabi dahil may subo-subo na si Armida mula sa mga nakahain doon.

"Ang sarap nito, in fairness," puri nito sa kinakain at kumuha na naman ng tatlo pang stick. Kumuha rin siya ng isa para ialok kay Josef. "Tikman mo. Chicken 'to."

"Oh . . . kay?" Palipat-lipat naman ang tingin ni Josef sa pagkaing nakatapat sa kanya at sa mukha ng asawa niya. "You sure about this?"

"Wala 'yang lason," sabi na lang ni Armida at sumubo na rin ng hawak niya.

"Wala naman akong sinasabi." Hinawakan na lang ni Josef ang kamay ni Armida at sinubo ang nasa stick na hawak nito.

"It's good, di ba?"

Nagkibit-balikat na lang si Josef bilang sagot. "Puwede na rin."

Itinuro naman ni Armida ang kabilang stall para utusan ang asawa niya. "Bilhan mo 'ko ng inumin."

"We better go to a restaurant para hindi ka nag-uutos," sabi na lang ni Josef.

"Sige na! Nandito na tayo, nagugutom na 'ko e," inis na sinabi ni Armida at halos makaubos na ng sampung stick na kinakain niya.

Alanganin ang tingin ni Josef sa asawa niyang nagtatakaw. Halos mag-ipon ito ng stick sa isang kamay para mabilang kung ilan na ang nakakain nito.

Bumili na lang siya ng buko juice na binebenta sa kabilang stall at inalok kay Armida. "O, inumin mo."

"Thanks!" pasalamat ni Armida at mabilis na inubos ang laman ng isang kalahating litrong bote sa isang lagukan lang.

"Mukhang nauhaw si ma'am a," bati ng tinderong kinakainan nila.

Tinitigan lang ni Josef ang boteng wala nang laman sunod ay ang mukha ng asawa niya.

"Manong," sabi ni Armida at inilapag sa mesa ng stall ang one thousand bill, "keep the change."

"Okay ka na?" tanong pa ni Josef dahil wala pa silang sampung minuto roon at mukhang nakarami na ng kinain ang asawa niya.

"Hanap na tayo ng restaurant mo." Kinuha na naman ni Armida ang kuwelyo ng T-shirt ni Josef at hinatak na naman iyon. "Parang may nakita ako kaninang—"

"Puwede mo ba 'kong hatakin nang hindi hinahawakan ang damit ko?" sarcastic na tanong ni Josef sabay tanggal ng kamay ni Armida sa damit niya. Simangot na simangot ang mukha niya at panay ang pagpag sa damit.

"Ang arte mo," sabi pa ni Armida sabay iling. "Kalalaking tao."

Sabay na naglakad ang dalawa pabalik sa kalsada. Tinawid nila ang isang kalye at nakaabot sa main road na daanan talaga ng mga sasakyan at motor na nagsasakay ng mga turista.

"Hoy, batang balasubas! Bumalik ka rito!"

Napahinto ang mag-asawa nang makita ang isang batang lalaking tumatakbo na hinahabol ng ilang kalalakihan. Pasalubong ito sa direksyon nila at may dala-dalang bagay na yakap-yakap nito.

Tumakbo ito nang mas mabilis pa at ilang dipa na lang ang layo sa mag-asawa.

"Pigilan n'yo yung bata!" sigaw ng mga lalaki.

Malayo pa lang, dinig na ng lahat ang humaharurot na motor. Sabay pang napalingon doon ang mag-asawa para mag-abang.

"Sinabi nang tigil!"

Mabilis na tumawid ang bata ngunit sa kamalas-malasan, nadapa ito at nahulog ang lahat ng yakap nito sa gitna ng kalsada.

"Oh," simpleng nasabi ni Armida habang inaabangan ang motor na paparating. Paglipat niya sa batang dinadampot ang lahat ng nalaglag nito . . . "Hey!" napatili na lang siya dahil nasa gitna na ng kalsada ang asawa niya.

Mabilis niyang tinalon ang daan at lumapag agad ang mga paa niya sa gitna ng kalsada.

Masyado nang malapit ang motor at nasa gitna pa rin sina Josef. Wala na siyang nagawa kundi harangin iyon.

"Armida!" narinig niyang sigaw ni Josef.

Sinipa niya nang ubod nang lakas ang fender ng motor dahilan para halos bumaligtad ito sa hangin. Mabilis niyang kinuha ang damit ng driver ng motor at ibinalibag iyon sa gilid.

Tumilapon ang motor sa di-kalayuan at dinig pa ang pagbagsak nito na ikinatahimik ng lahat ng naroon.

Para bang huminto ang mundo sa mga sandaling iyon habang gulat na gulat na nakatingin kay Armida.

Malalim ang naging paghinga niya nang tumalikod para tingnan ang asawa niya kung ano na ang lagay.

Halos bumagsak ang panga nito habang nakatingin sa kanya.

"Buhay ka pa?" kaswal niyang tanong na para bang wala siyang ginawang kakaiba.

Dahan-dahan namang tumango si Josef. "B-buhay ka pa?" pagbabalik nito ng tanong.

"I asked you first. What do you think?" Inilipat naman ni Armida ang tingin sa batang napakalaki ng awang ng bibig. "Get up, brat." Hinigit niya ang damit ng bata at sapilitan itong itinayo. "Alam mo, abala ka."

Tinulalaan lang siya ng bata. Ni hindi na nakaimik. Nilingon niya ang mga humahabol dito. Pagtagpo ng mga tingin nila, bigla itong nagtakbuhan palayo dahil sa takot.

"Fuck," naibulong na lang ni Armida at marahas na bumuga ng hininga bago ibinalik ang tingin sa bata at kaladkarin ito para itabi na sa gilid ng kalsada.

"Armida," pagtawag na naman sa kanya ni Josef na sa wakas ay naka-recover na sa ginawa niya. "Ayos ka lang?"

Itinuro lang ni Armida ang batang kinaladkad. "Tanungin mo 'to."

Sabay nilang inilipat ang tingin sa batang nakatulala pa rin kay Armida.

"Nagnakaw ka ba ng pagkain?" tanong ni Josef sa bata.

Yumuko lang ang bata at tiningnan ang mga isang balot ng tinapay at isang bote ng soft drink nasa gitna ng kalsada. Lalakad pa sana ito pabalik doon para bawiin ang mga pagkaing kinuha pero pinigilan na ito ni Armida.

"Tinatanong ka," mariing sinabi ni Armida sa bata.

"Gusto ko lang namang kumain . . ."

"Hindi ka dapat nagnanakaw! Ang bata-bata mo pa!" singhal ni Josef sa bata. "Alam mo bang masamang magnakaw!"

Napataas lang ng magkabilang kilay si Armida at di-makapaniwalang tiningnan ang asawa niya.

"Coming from you? Really, Shadow?" sabi agad ni Armida. Halos matawa siya dahil sa dinami-rami ng panggagalingan ng mga salitang iyon, sa First Echelon, Level 1 cat burglar pa ng Assassin's Asylum na pinakabata sa lahat ng sumikat na magnanakaw noong henerasyon nila.

Napailing na lang siya at talagang hindi makapaniwala sa narinig. Pagbalik niya ng tingin kay Josef, hawak na nito ang sling bag niya at dumudukot doon ng pera. "What the fuck did—When the hell did—"

Palipat-lipat ang tingin ni Armida sa tagiliran niya at sa kamay ni Josef na nagkakalkal sa bag niya.

Suot pa niya iyon kanina. At bago matanggal iyon, malamang na mararamdaman pa muna niya.

"May magulang ka pa ba?" inis na tanong ni Josef at inilabas ang bungkos ng pera sa bag ni Armida.

Tumango lang ang bata.

"Iwan mo na ang pamilya mo. Wala kang asenso sa kanila." Kinuha niya ang kamay ng bata at inilapag doon ang mga pera. "Lumayas ka sa inyo. Mamuhay kang mag-isa. Mas malaki ang tsansang mabuhay ka nang mas maganda sa ganoong paraan."

Hindi maiwasang titigan ni Armida si Josef. Naiinis ito pero alam niya at nakikita niyang nag-aalala ito para sa bata.

"Pero, paano po yung pamilya—"

"Kalimutan mo muna ang pamilya mo," putol agad ni Josef. "Kung pamilya sila sa 'yo, wala ka dapat dito."

Ibinalik na ni Josef ang bag ng asawa niya. Ito naman ang nakatulala sa kanya ngayon.

"Armida," pagtawag ni Josef na nagpagising dito mula sa pagkakatulala.

"Ay, wait!" pasubali ni Armida at kinuha ang isang paper bill na bigay ni Josef sa bata. Sinulatan niya iyon ng isang contact number at nakangiti niyang ibinalik sa bata. "Pang-ngayong araw mo lang 'tong pera na bigay nitong kasama ko. Kung gusto mo ng pangmatagalan, tawagan mo 'yang number."

Kinindatan niya ang bata at tumayo na nang diretso. Inilipat na rin niya ang tingin kay Josef na nagmuwestra na ng ulo para sabihing umalis na sila roon.

Naglakad na rin silang mag-asawa papunta sa kabilang direksyon na nauna na nilang tatahakin dapat.

Napakalapad naman ng ngisi ni Armida habang nakatingin sa seryosong mukha ng asawa niya.

"I didn't expect that," sabi pa ni Armida habang pinipigilan ang pagtawa. "Masamang magnakaw? Hahaha! Words of Wisdom from a legendary thief of his generation. That's fucking hilarious."

Tinapunan tuloy siya ng masamang tingin ni Josef. Para bang may sinabi siyang nakakadiri na hindi nito nagustuhan.

"Whaaaat? E sa nakakatuwa, bakit ba?"

"I won't risk my life stealing for a piece of goddamn bread," mariing sinabi ni Josef sa kanya. "And that kid is not trained!"

"Hahaha! Okay! Okay! Easy, bad guy." Hindi na tumawa si Armida pero hindi nawala ang ngisi niya habang nakatingin nang diretso sa dinaraanan nila. "Then we'll train him."

"What?" gulat na nasabi ni Josef.

"Kidding, hehehe,"natatawang sinabi ni Armida at napailing na lang.


---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top