6. He waits
Dumating na ang pagkain sa kuwarto ni Armida. Isang serving ng mixed vegetables, ilang slice bread, isang pork chop, mashed potatoes, isang basong gatas at tubig pati na strawberry yogurt. May kasama pang dalawang saging at isang bowl ng sliced fruits. Nasa harap lang niya si Josef at sinasaluhan siya sa pagkain sa maliit na breakfast table.
Knock! Knock!
Napalingon ang mag-asawa sa pintuan. Magkasama sina No. 99 at Cas. Pumasok ang dalawa sa loob at pumuwesto sa may dulo ng kama.
"How are you feeling right now?" kaswal na tanong ni No. 99.
"I'm good," kaswal ding tugon ni Armida sabay subo ng mashed potato. "By the way, I'm sorry if I wrecked one fo your hospital's facility. I mean it." Tumango pa siya at sumubo na naman ng isa.
"You mean what? The apology or the destruction?" tanong ni No. 99.
"Well . . ." Tumingin sa itaas si Armida at tinimbang kung ano ba ang talagang sinasadya niya. "I guess, it's the apology and the destruction. You deserve both." At ibinalik na niya ang atensyon sa pagkain.
Tumaas lang ang kilay ni No. 99 sa sinabi niya.
"Kumusta na ang pakiramdam mo? Kaya na ba ng katawan mo ang kumilos?" tanong ni Cas.
"Sinira na niya ang isa sa observation room ko. Pitong nurse at isang doktor ang pinatumba niya, Cas. Don't ask for obvious answers," sarcastic na sinabi ni No. 99.
Napahinto sa pagkain si Armida at matamis na nginitian si No. 99 habang kagat-kagat ang kutsarang hawak. "I like you," masaya niyang sinabi sa ama at inalik ang yogurt na hawak. "Gusto mo? Peace offering."
Tinitigan lang nang matiim ni No. 99 si Armida at walang kahit anong itinugon.
"Why?" si Josef na ang nagtanong kung ano ang pakay ng dalawa roon. "May kailangan kayo?"
"Ang totoo niyan . . ." Nagkatinginan sina Cas at No. 99 bago nagpatuloy. "We're here to tell you both that you're having a vacation," nakangiting sinabi ni Cas.
"Oh! Wow!" masayang sinabi ni Armida at nakangiting tiningnan ang tatlong kasama sa kuwartong iyon. "Vacation! I loooove vacations!"
Patipid nang patipid ang ngiti ni Cas habang nakikita si Armida na masaya.
"It's been a long time since I've been to a vacation. That's very, very . . ." Nakangiti at nakatingin si Armida sa itaas habang nakadaop ang mga palad. Para siyang nag-aabang ng bababang anghel sa langit. " . . . suspicious."
Kasabay ng pagkawala ng ngiti niya ang pagkawala ng ngiti ni Cas.
Biglang sumeryoso ang mukha niya at tinginan ng masama sina Cas habang nakataas ang kilay.
"Oh, come on, guys," sabi agad ni Armida. "We're not stupid." Pinalipat-lipat niya ang tingin kina Cas at No. 99 na nag-iwas agad ng tingin sa kanya. "Vacation? In the middle of our mission? Really?"
Nagkatinginan ulit sina Cas at No. 99. Masyadong makahulugan at halos ipagsigawan ng kilos ang mga salitang "I told you so."
Si Cas na ang nagsalita. "Okay, you got us." Bumuga muna siya ng hininga bago sinimulan ang dapat na sasabihin. "The news are spreading. Wala na si Carlos Zubin."
"And?" tanong ni Armida na nagpatuloy na naman sa pag-ubos ng pagkain niya.
"Ang latest update sa CCS, an assassin was paid to kill him."
"Ah," nadismaya agad si Armida. "Sana totoo yung paid part. That was pro bono." Itinuro niya ng kutsara si Cas. "Tell them, that's fake news. 'Ka mo, walang bayad."
"It was credited on Citadel and Cas," paningit ni No. 99 na ikinahinto ni Armida. "Cassandra was the last person—"
"Yoo-Ji," mabilis na hinatak ni Cas ang braso ni No. 99 at halos kaladkarin ito palayo roon.
Masama ang tingin ni Armida sa mga magulang niyang nagbubulungan sa may pintuan ng kuwarto.
Credited kay Cas ang ginawa niya.
Alam nilang pareho-pareho kung ano ang totoong nangyari.
Inilipat niya ang tingin kay Josef na nakatingin lang din kina Cas na nagbubulungan sa di-kalayuan sa kanila.
"Do you know anything about this?" tanong pa ni Armida kay Josef.
Bumuga ng hininga ang lalaki at humarap na sa kanya. Puno ng pag-aalala ang tingin nito at hindi na alam kung paano siya titingnan.
"Josef," mabigat niyang pagtawag dito.
"Untouchables ang mga Zubin. Beyond jurisdiction din sila ng Citadel," mahinang banggit ni Josef at nilingon na naman sina Cas. "Siya yung huling kausap ng matanda according sa sources."
"Pero alam mong ako 'yon," galit na bulong ni Armida.
Muli, hinarap na naman ni Josef ang asawa niya. "Pero lahat ng record ng investigation, naka-log kay Cassandra Zordick. Kahit ang mga guardian na pumunta sa warehouse, under ng supervision niya."
"Oh fuck." Napasapo naman ng noo si Armida at umalis agad sa kama.
"Armida," malakas na pagtawag ni Josef. Napahinto tuloy sina Cas at tiningnan siya.
"Ano'ng gagawin nila kay Cas?" tanong niya agad paglapit kina Cas.
"Kung ano ang sinasabing dapat gawin sa kanya ng Credo," sagot ni No. 99.
"That's bullshit!" Itinuro niya si Cas. "You know what really happened, right? Alam mo! May record ka! You see everything! You know I did that!"
"Armida," pagpigil ni Josef at hinawakan na siya sa magkabilang braso.
"It's final, and you can't do anything about it," iyon na lang ang nasabi ni Cas.
"Cas will also take her vacation while I handle everything," sabi agad ni No. 99.
Magkasabay ang pagkagulat nina Armida at Cas sa narinig nang mapatingin sila kay No. 99.
"Yoo-Ji!" malakas at galit na pagtawag ni Cas sa katabi.
"You've done enough protecting your hard-headed kid." Tatalikod na sana siya nang pigilan siya ni Cas.
"This is not your business, Hwong Yoo-Ji!" galit na sigaw ni Cas.
"My business is you," mabigat na sinabi ni No. 99 at dinuro si Cas. "I vowed to protect you from everything at all cost," inilipat niya ang pagturo kay Armida, "and that kid is no exemption from that everything." At dali-dali siyang lumabas ng kuwartong iyon.
Napakuyom ng kamao niya si Cas at dali-dali ring lumabas ng kuwarto. "Yoo-Ji! You can't do that to me!"
Naiwan sa loob sina Josef at Armida na nakatingin sa isa't isa. Para bang kahit silang dalawa ay hindi inaasahan ang eksenang iyon.
"Well, that's . . ." Gusot ang dulo ng labi ni Armida at napatango na lang. "Wow." Itinuro niya ang likuran gamit ang hinlalaki. "I'll side with 99 this time."
Matipid lang ang naging ngiti ni Josef sa sinabi ni Armida. "Same," pagsang-ayon niya.
***
Kasalukuyang natutulog si Armida sa kuwarto niya. Nagpaalam naman si Josef na magpapahangin muna sa labas. Pasimpleng pumasok si Cas sa loob para silipin ang anak niya.
Kapag titingnan maigi, hindi niya masabing namatay si Armida. Ni hindi mababakas sa mukha nito na isang linggo itong nawalan ng buhay. Kung paano niya ito huling nakita noong ihatid niya sa una nitong misyon, ganoon ang itsura nito.
"Hanggang kailan mo 'ko balak tingnan?" tanong ni Armida at saka siya dumilat at tiningnan si Cas.
"Kanina ka pa gising?"
Bumangon si Armida at sumandal sa mga unan sa likuran niya. "Nagising ako pagpasok mo."
"Aalis na kayo bukas. Hindi kayo puwedeng magtagal dito."
"Kayo ni 99, paano kayo? Ang sabi niya hindi ka muna magtatrabaho."
Nagbuntonghininga lang si Cas at at tiningnan ang labas ng bintanang tanaw ang magandang langit at ang city view sa ibaba.
"Pipilitin ko siyang ibalik ako sa trabaho."
"He's just worried about you," sabi agad ni Armida. "I know he's not the cheesy type, pero obvious namang pinoprotektahan ka lang niya."
"He pledged as my former guardian, and that wasn't a lifetime commitment. He should know that."
Si Armida naman ang natawa sa katwiran ni Cas. "You sound so unfair, Cassandra." Itinuro niya ang labas. "You risked your life saving Josef's mother and him."
"We do things on purpose."
"If so, bakit hindi mo maintindihan si No. 99?"
Kumunot ang noo ni Cas at naipaling sa kanan ang ulo para timbangin ang sinabi ni Armida. "And since when did you side with your father?"
"Not siding with him. I just know the feeling."
"He's not supposed to feel anything from anybody."
Si Armida naman ang nanantiya ng tingin kay Cas dahil sa sinabi nito. "You're supposed to marry a Zordick, bakit mo pinakasalan si No. 99?"
"We do things on purpose," pag-uulit ni Cas sa sagot niya.
Natawa na naman si Armida pero mas bitter na kaysa inaasahan. Halatang ayaw sumagot nang maayos ni Cas.
"Ah!" Tumango si Armida. "So, you filed your divorce on purpose. You gave birth to me on purpose. You left me dying on purpose. You chose not to save me on purpose."
"I had no other choice!" galit na isinigaw ni Cas. Nakuyom niya ang kamao habang pinipigilan ang sarili.
Alam niyang paulit-ulit sa kanyang ibabalik ni Armida ang lahat ng kasalanan niya sa anak at wala siyang magagawa kundi tanggapin iyon kahit gaano pa kasakit dahil namili siya.
At iyon ang resulta ng pinili niya.
Komportable lang na sumandal si Armida sa mga unan at tinitigan na naman ang kisame.
"Pumabor sa mga Zordick na naging babae ako. May pagsasalinan sila ng pangalan," sabi ni Armida at tiningnan si Cas. "Si No. 99 ang nakiusap sa akin na gamitin ang pangalan ng pamilya mo. Kung alam mo lang, isinusumpa ko ang pangalang Armida Zordick magmula nang malaman kong anak mo 'ko."
Napapikit si Cas at napahugot ng hininga. Wala iyon sa usapan nila ni No. 99. Kahit noong isinilang si Armida, wala iyon sa naging usapan nila. At alam niyang hindi si No. 99 ang tipo ng taong nakikiusap o nagmamakaawa sa ibang tao.
"That bastard," mahinang nasabi ni Cas at napatingin na lang sa bintana habang bumibigat ang paghinga dahil sa inis.
Napangiti nang matipid si Armida nang mapansing hindi gusto ni Cas ang mga narinig nito mula sa kanya.
"Guess we really do things on purpose," pagbalik ni Armida ng sagot ni Cas dito.
"You know nothing about us," sagot na lang ni Cas at tumungo na lang sa pintuan. "Ihahanda na namin ang mga gamit n'yo bukas para makaalis na kayo."
"Do you love him? Or did you, at some point?"
Napahinto si Cas sa tapat mismo ng pinto. Wala siyang sinagot na kahit ano.
"We're not supposed to feel anything from anybody," tanging sagot ni Cas at hinarap si Armida. "You're lucky to have your husband with you."
"You have No. 99. Isn't that lucky enough? Or are you still rooting for the Zach."
Pinakatitigan ni Cas si Armida. Iniisip kung ano ba ang gusto nitong puntuhin at pinipilit si No. 99 sa usapan.
"I loved Joseph Zach, kung iyan ang gusto mong malaman. But No. 99 is a different case."
"How different?" mapanghamong tanong ni Armida. "Tell me a better love story and I'll shut my goddamn mouth."
Nagkasukatan ng tingin ang mag-ina. Nakangisi lang si Armida at seryoso lang si Cas. Sa bandang huli, sumuko na rin si Cas dahil alam niyang hindi siya titigilan ni Armida hangga't wala siyang sinasabi.
"We sworn to stay with each other for as long as we could. And he still hold his father's words na ikaw ang papatay sa kanya balang-araw. Call it whatever you want, but if that time comes . . ." Humugot siya ng hangin at hindi na nagawa pang tapusin ang sinasabi.
Tumipid ang ngiti ni Armida sa kanya. "We have our own ways to show it. Just kill me when that time comes." Iminuwestra nito ang kamay para paalisin na siya. "You may go. I'm sure he's waiting out there for you," sabi na lang ni Armida nang makaramdam na tinitimbang siya ng tingin ng ina.
"I'm not that worthy of his time. He waits for no one—even me." Binuksan na ni Cas ang pinto.
Hahakbang na sana siya nang matigilan.
Nagtagpo ang tingin nila ng lalaking nakapamulsa at nakasandal sa dingding na kaharap ng pinto ng silid ni Armida.
"What are you doing here?" agad na tanong niya.
"Are you done?" simpleng tugon nito.
Mabilis niyang nilingon ang anak na nakangisi lang sa higaan nito at nakatingin sa kanya. Para bang ipinahihiwatig na kanina pa nito alam na nasa labas si No. 99 na naghihintay sa kanya.
"We do things on purpose .. . ain't we?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top