3. Not Dead

Ikalawang araw mula nang dalhin sa ospital na iyon si Armida. Pabalik na si Cas sa kuwarto ng anak at napansing nagkakagulo sa may pintuan nito. Napatakbo agad siya papunta roon.

"What's happening here?" tanong niya habang hinahawi ang mga tao.

"Ano ba?! Bitiwan n'yo 'ko! Armida!" Dinig na dinig ang sigaw ni Josef na pinipigilan ng mga nurse.

Napahinto siya nang makitang kinukuha na ang katawan ni Armida ng mga doktor. Nakatakip na ng puting tela ang buong katawan nito.

"Yoo-Ji! Saan n'yo siya dadalhin?!" gulat na tanong ni Cas.

"Cassandra, I can't let her be like this—"

"She's alive!" tili ni Cas habang hinahawi ang mga nurse na nag-uurong ng hospital bed. "Yoo-Ji, she's alive!"

"Cas! Pati ba ikaw?"

Dali-daling lumapit si Cas sa katawan ni Armida. Marahas niyang inalis ang nakatakip na tela rito. Kinuha niya ang kamay ng anak at inangat.

"My daughter is still alive, Yoo-Ji." At saka niya binitiwan ang kamay nito na bumagsak sa kama.

Nagulat ang mga doktor sa nakita, pero hindi man lang kumibo si No. 99. Tiningnan nila ang isa't isa. Umaasa ng paliwanag sa nangyari o sa nangyayari sa babaeng nakaratay sa kama.

"She might be dead," paliwanag ni Cas. "No pulse, no heartbeat. Pero paano mo ipaliliwanag 'yang nangyayari sa kanya ngayon?" tanong niya kay No. 99. "Alam mo ang nangyayari sa cadaver kapag ilang araw nang exposed, right? Do you see any sign of self-digestion?"

"Cas, two days nang . . ." Sinubukang ipaliwanag ni No. 99 ang panig niya pero parang naubusan siya ng sasabihin. "We both know, hindi na dapat manatili rito ang katawan ng anak mo."

Saglit na iniligid ni Cas ang tingin para mahanap ng matulis na bagay. Hinaltak niya ang name tag ng isang babaeng nurse at mabilis na tinusok ang perdible nito sa braso ng nakaratay sa kama.

Naningkit ang mga mata nila nang tuloy-tuloy ang pag-agos ng dugo sa braso ni Armida kahit na patay na ito at hindi na nag-ci-circulate ang dugo sa buong katawan.

"See this? Walang gagalaw sa katawan niya hangga't hindi ko sinasabi," sabi ni Cas na nakatingin kay No. 99. "I want to know why is this to happening to her." Ibinato niya kay No. 99 ang tag. Tumama muna ito sa dibdib ng lalaki bago bumagsak sa sahig. "Alamin mo kung bakit 'to nangyayari sa anak mo."

Marahas na bumuga ng hangin si No. 99 at tiningnan nang masama si Cas pagkatapos ay si Josef na.

"Ssi-bal," inis na bulong ni No. 99 at umalis na ng silid na iyon.

Hindi naman alam ng ibang naroon ang gagawin. Sumunod ang ibang doktor kay No. 99 palabas, ang iba naman ay naiwan para ibalik si Armida sa dati nitong ayos.

Umatras na si Josef para hayaan ang ibang asikasuhin ang asawa niya. Taas-baba ang dibdib niya at napahimas na lang ng noo habang pinanonood ang mga nurse sa ginagawa nito.

"Sorry if we thought na baka nasa denial stage ka lang kaya hindi mo matanggap," paumanhin ni Cas sa kanya. "Asawa mo siya kaya hindi mo kami masisisi kung iyon ang iisipin namin sa ginagawa mo."

Napakagat ng labi si Josef at napabuga ng hininga. Inilipat na rin niya ang tingin kay Cas na may pag-aalala sa mukha bago siya nagpamaywang.

"Cas, I know what she's capable of," sabi agad ni Josef na may tono ng paninisi. "She's RYJO. There are so many reasons for me to believe she's alive other than being her husband."

"Pero kasi, Ricardo . . ."

"I'm not that crazy, Cas. I know what's rational and not. Kapag napatunayan ko sa sarili kong patay na siya, then fine! I, personally, will dig a hole and bury her using my very own hands. But she's not." Napalunok siya at tumango para papaniwalain si Cas sa sinasabi niya. "I'll stay and I'll fight for what I believe is possible no matter how improbable that is."

Naglipat ng tingin si Cas at saglit na napayuko. Sinulyapan niya ang anak na nakaratay sa kama—wala pa ring buhay, pero alam na nilang lahat na hindi pa siya patay.

HINDI NA GINALAW si Armida sa private room kung saan siya naroon. Patay pa rin siya kung ang pagbabasehan ay ang pulso, wala pa ring ipinagbago.

Dinalhan ni Cas si Josef ng pagkain dahil alam niyang hindi pa ito kumakain. Nakaupo lang ang lalaki sa couch na nasa loob ng silid na iyon—nagbabantay. Tinanggap naman si Josef ang ibinigay niya at kumain na para magkalakas siya kahit paano.

"Ricardo," pagtawag ni Cas sa kanya. Napansin na kasi nitong dalawang araw na ring hindi nag-aasikaso ng sarili niya si Josef. At para lang hindi maalis ang tingin nito sa asawa sa takot na dalhin ito sa kung saan ng mga tauhan ni No. 99, nanatili lang siya roon kahit magutom man siya o hindi na maligo pa. Ni maghilamos ay hindi rin niya nagawa sa loob ng dalawang araw. "Hindi magugustuhan ni Evari kung gagawin mo 'to sa sarili mo."

"Wala kang alam sa gusto ng anak mo, Cas."

Napahugot ng malalim na hininga si Cas, at parang may kung anong malaki at matulis na pakiramdam ang tumusok sa dibdib niya dahil sa sinabing iyon ni Josef.

Diretso lang ang tingin ni Josef sa asawa niyang hindi pa rin kumikilos sa hospital bed.

"Siguro nga, mali kong hindi ko inisip na siya si RYJO," nakokonsensyang sagot ni Cas. "Pero ikaw na ang Fuhrer."

Tumayo si Josef, itinuro niya ang labas habang pinupukol ng masamang tingin si Cas. "Kapag iniwan ko rito si Armida, kukunin siya ng mga tao ni 99!"

"Alam na ni Yoo-Ji na buhay ang anak niya."

"Siya ang may gustong mamatay ang asawa ko!" galit na bintang ni Josef.

"Ricardo . . ."

"Hindi ko iiwan si Armida hangga't hindi siya nagigising."

Nagbuntonghininga na naman si Cas at naaawa nang tiningnan ang nagagalit na si Josef.

"Hindi pa tapos ang serbisyo ni Xerez si lolo mo. Pero para matahimik ang loob mo, ipadadala ko sina Ara at Ivan dito para bantayan si Evari. Maglalapag ako ng order na walang hahawak sa kanya hangga't walang utos ko."

ISANG PANIBAGONG ARAW na naman at ikatlong araw mula nang ideklarang patay si Armida.

Doon lang napatunayan ng mga doktor na may kakaiba nga kay Armida dahil hindi sapat ang lamig ng air-con para makaiwas sa bloating ang katawan nito.

Sa mga oras na iyon, dapat ay naglalabas na ng mabahong likido ang katawan ni Armida dahil sa nabubulok na nitong lamanloob, pero gaya ng ayos nito noong araw na dalhin ito sa ospital ay ganoon pa rin ang itsura at estado nito.

At ang mas lalong ikinataka ng mga doktor ay naghilom na rin ang mga tama at daplis ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan nito.

Wala sa mga doktor sa ospital na iyon ang makapagpaliwanag sa kakaibang pangyayaring nagaganap sa katawan ni Armida. Dahilan iyon upang magpatawag na ng special medical team si No. 99 para obserbahan ang anak.

Pumasok si No. 99 sa silid at nakita roon si Josef na hinihilot ang binti ni Armida.

Sa wakas ay nakapagpalit na rin ito ng damit at mukhang nakapaligo na rin.

Malamang ay dahil alam nitong may mapagkakatiwalaang Guardian Decurion na ang nagbabantay sa asawa nito.

"Alam nating pare-pareho na patay na siya . . ." panimula ni No. 99 at pumuwesto sa tapat ng bintana para tanawin ang malawak na siyudad mula sa mataas na palapag na iyon ng ospital.

"Ikaw lang ang pumipilit na patay na siya," mabigat na paratang ni Josef habang patuloy sa paghilot sa binti ni Armida.

"Hindi ito ang unang beses na nakita ko siyang namatay." Inilipat niya ang tingin kay Josef. "Sabihin na nating nag-aalala ka sa kanya—"

"Iniisip n'yong nababaliw ako!" matigas niyang sinabi kay No. 99. "Gusto mo siyang kunin sa 'kin!"

Nanatili pa ring kalmado si No. 99 nang lingunin si Josef. "Paano kung sabihin kong alam ko noong una pa lang ang nangyayari sa katawan niya?"

Kumunot agad ang noo ni Josef sa narinig.

"Hindi madaling sabihin kay Cassandra, at mas lalong hindi madaling ipaliwanag sa iyo," pagpapatuloy ni No. 99. "Alam ko kung bakit wala siyang pulso. Alam kong patay na siya—"

"I said—"

"At sinasadya iyon ng katawan niya. At hindi ito ang tamang lugar para gamutin siya sa kaso niya."

Doon na hindi nakapagsalita si Josef dahil sa narinig.

Nanatili ang diretsong tindig ni No. 99, walang kahit anong emosyon ang mababasa sa mukha niya maliban sa pagiging kalmado. Wala ring pagtataas sa tono nito ng pananalita. Banayad at kalmado rin.

"Mataas na level ng alkaloids ang pumasok sa katawan niya. Mamamatay talaga ang kahit sinong makatatanggap ng ganoong kataas na lason sa katawan."

"Siya si RYJO . . ." nanghihinang paliwanag ni Josef para ulitin na hindi nga patay ang asawa niya—dahil ito si RYJO.

"Her heart stopped to prevent the blood from circulating—to prevent the poison from spreading her system. She did that on purpose—her body did that on purpose. It's her defense mechanism." Inilipat ni No. 99 ang tingin sa mukha ni Armida na payapang natutulog lang sa unang tingin. "Nagpo-produce ang katawan niya ng sariling antibodies. At base sa humidity ng kuwartong 'to, hindi ito ang tamang lugar para ayusin ng katawan niya ang sarili nito."

Halos bumagsak ang balikat ni Josef sa paliwanag ni No. 99 sa kanya.

"Ibig sabihin . . ."

"Alam kong patay na siya," pag-uulit ni No. 99, "sa ngayon."

Napahugot ng hininga si Josef at parang pinutol ang hangin sa dibdib niya sa loob nang ilang segundo.

Ibinalik ni No. 99 ang tingin sa labas ng bintana at tumanaw na naman sa malayo. "Bumababa ang mortality rate niya habang tumatagal. The longer she lives, the harder to kill her. She can shut her whole system down but can be revive anytime it wants, whether she like it or not. She has this mutation na nag-co-cope up nang mabilisan ang system niya sa lahat ng foreign materials na pumapasok sa katawan niya. Base sa diagnosis na ipinasa sa akin bago pa kayo ikasal, ten percent ng body fluid niya ay lason." Inilipat niya ang tingin kay Josef na nakikinig na sa kanya. "Ang lason ding 'yon ang lumalaban sa lason na nasa katawan niya ngayon. At masyadong malakas ang lason sa katawan niya na sapat na para ubusin ang buong populasyon ng isang kontinente kapag naihalo sa tubig."

Nanlaki ang mga mata ni Josef sa narinig at gulat na gulat na tiningnan ang asawa niya.

"Walang epekto sa ibang tao ang lason kapag nasa katawan pa niya kaya 'wag kang mag-alala."

Pumunta na sa may pintuan si No. 99.

"Kukunin na siya ng mga doktor para ilipat sa mas maayos na medical facility for observations and monitorings. 'Wag mo na sanang subukang manlaban pa." Binuksan na ni No. 99 ang pinto, pero bago siya lumabas, may sinabi pa muna siya kay Josef.

"Iba-iba tayo ng paraan kung paano magpahalaga sa isang tao. At huwag mong kalimutang hindi lang ikaw ang nagmamahal sa anak ko."

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top