27. Intimacy

Nakapagpalit na ng mas preskong puting blouse si Armida na may kaluwagan sa katawan niya at maikling cotton shorts. Pagtungo niya sa kusina, naabutan niya roon si Josef na nagluluto pa rin ng hapunan nila. Nag-request siya ng "kahit ano" kaya wala siyang ideya kung ano na ang niluluto ng lalaki para sa kanya. Basta, ang alam niya, mabango iyon.

Nang makalapit, pumuwesto agad si Armida sa likuran ng asawa niya at niyakap si Josef mula sa likod.

"O?" Bahagyang napalingon si Josef sa likuran at ibinalik din agad ang tingin sa iluluto.

"Ang bango," puri ni Armida habang inaamoy ang balikat ng asawa niya.

"I know," sagot agad ni Josef habang focused sa niluluto niya.

"Mo."

"Ha?"

"Wala." Sinilip niya mula sa kanang gilid ang niluluto ni Josef. "Saan ka natutong magluto?"

"Sa kusina," sagot ni Josef.

Agad na bumagsak ang ekspresyon ng mukha ni Armida at agad na tumingkayad para bulungan ang lalaki. "Alam mo . . . pumapatay ako ng pilosopo."

Napangiti agad si Josef habang tutok pa rin sa pan. Naramdaman ni Armida ang mahinang tawa niya. "I had trust issues when I was a kid," kuwento niya at sinulyapan si Armida. "I don't trust people na nag-aalok ng pagkain sa 'kin. Avoiding possible food poisoning."

"So, you learn how to cook," pagpapatuloy ni Armida habang tumatango.

"I need to balance my diet, so I need to learn," nakangiting sinabi ni Josef at hinalo na ang niluluto niyang chicken skillet.

"At talagang hindi ka nagsuot kahit T-shirt lang."

Doon mabilis na nilingon ni Josef ang asawa niyang iniikot-ikot sa matipunong dibdib niya ang hintuturo nito. "Hindi ko makita yung connection ng pagiging topless ko at pagluluto."

"Well, I see the clear connection."

Hindi kasi nagbihis si Josef at naghubad na lang ng puting polong suot, saka nagluto agad. Sanay naman na siyang hindi nagdadamit sa sariling bahay. Nito lang mga nakaraan ang hindi dahil palipat-lipat sila ng bahay at hindi naman siya puwedeng maabutang walang damit kapag dumarating na ang mahiwagang puting van.

Amoy na amoy na sa buong bahay ang bango ng mga seasoning na hinalo ni Josef sa niluluto niya. Bumitiw na sa pagkakayap si Armida at pinagmasdan ang likuran ng asawa niya sa malapitan. Pinadaan niya ang daliri sa malalaking peklat nito na iba't iba ang hugis.

May mahahaba gawa ng matalim na bagay. May pabilog, na malamang na gawa ng bala. May ilang bakas ng tahi. Hindi naman sobrang dami pero kapansin-pansin kahit sa malayuan. Lalo pa, umaangat iyon sa mestisuhing balat ni Josef.

"I wonder," panimula ni Armida, "how many of these scars are made by my own hands."

Pinatay na ni Josef ang stove at mukhang tapos na siyang magluto. "Huwag mo nang bilangin."

"May point sina Miethy. Puwede mo naman nang ipatanggal 'tong mga peklat mo. Para hindi nakaka-turn off sa mata ng iba."

Kumuha na ng plato si Josef sa cabinet at nagsalin na ng niluto niya para makakakain na sila.

"Why? Natu-turn off ka ba?" tanong pa ni Josef nang maglapag na ng plato sa counter.

"Nope. Baka lang ma-turn off ang iba."

Tiningnan na ni Josef ang asawa niya at pinindot nang marahan ang tungki ng ilong nito. "Mukha bang may pakialam ako sa iba?"

Kinuha na niya ang kamay ng asawa niya at hinatak papunta sa stool sa counter para makakain na silang dalawa.

Angat na angat ang katahimikan sa kanilang dalawa habang ninanamnam ang hapunan nila. Wala silang ibang naririnig kundi ang mga tugtugan sa malapit. Sa tatlong araw nilang pananatili roon, parang walang tahimik na gabi sa malapit na beach. Palaging may party at nagtutugtugan.

Mabilis na naubos ni Josef ang pagkain niya at hinintay na lang ang asawa niyang mukhang dinadasalan pa ang pagkain nito.

"How's your day?" tanong ni Josef habang nakatitig sa seryosong mukha ng asawa niya.

Napatingin si Armida sa harapan kung saan niya inilagay ang yellow rose na nasa tall glass lang, tapos kay Josef na sa kanang gilid niya. "Magkasama lang tayo, tinatanong mo pa 'ko."

Napangiti lang si Josef at saglit na uminom ng tubig. "I know what we did today, pero siyempre, gusto kong malaman if you had fun."

"I had fun," nakangiti lang ding sagot ni Armida at isinubo na ang huling kutsara ng kinakain niya. "Liban sa lumuhod sa harapan ko ang Fuhrer, he pledged to be my guardian, as well."

"And you enjoyed the idea," sagot na lang din Josef.

"I admire the idea that you did it," saglit na uminom si Armida at ipinatong ang kaliwang braso sa counter para harapin ang asawa niya. "Kahit na alam nating pareho na ako si RYJO. That would be a shame to your grandfather."

Natahimik lang si Josef. Tinitigan lang niya ang mukha ng asawa niya.

Marahil, tama nga si Armida-asawa niya si RYJO. Kung tutuusin, wala ring dahilan para manumpa siya bilang guardian nito. Pero ginawa niya.

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung lahat ba ng ginagawa mo ngayon, ginagawa mo dahil hinihintay mo pa ring bumalik si Jocas, o dahil wala ka lang choice."

Tinitigan ni Josef ang kalmadong mga mata ni Armida. Sinubukan niyang isipin kung ano ang isasagot sa sinabi nito.

Si Jocas. Si Jocas yung may matang sobrang masaya. Yung may ngiting sobrang malapad at makulit. Yung may boses na masakit sa tainga kapag sumisigaw. Yung may hagikgik na nakakainis.

Pero hindi niya mahagilap si Jocas sa mga tingin ngayon ni Armida. Seryoso ang tingin nito at parang tumatagos sa kaluluwa. Kung tumawa ito nang malakas, talo pa ang parang sumira ng isang buong bansa. Kung ngumiti ito, hindi naman talaga ngiti kundi ngisi na parang naghahamon ng saksakan at alam nitong mananalo na agad siya. Yung boses nito, malalim at may pagbabanta.

Kung iyon lang ang pagbabasehan, baliw lang ang mag-aalok ng pagiging guardian sa isang Superior na gaya ni Armida na hindi na kailangan ng sariling guardian.

"Alam mo kung ano'ng pinagkaiba ninyo ni Jocas?" tanong ni Josef habang pinananatili ang titig sa mga mata ng asawa niya. "Si Jocas, hihintayin akong iligtas siya. Ikaw, hindi."

Umikot agad ang mata ni Armida at saka umayos ng upo at ipinatong ang magkabilang braso sa counter. "Jocas really wanted to be saved by you. Crush na crush ka n'on e."

"Alam mo, noong tumakas kami ni Jocas sa HQ, noong pinanonood ko siyang mag-assemble ng baril, nakatulala lang ako sa kanya."

Natawa nang mahina si Armida at halos ipagsigawan ng hilatsa ng mukha niya ang mga salitang "Ano'ng ginagawa mo sa buhay mo?" nang tingnan ulit si Josef. "Jocas is a gun-expert. Pakakainin ka niya ng alikabok kung usapang baril lang naman ang topic."

"She twice beat me in . . ."

". . . in an arcade game, yes, I know," pagpapatuloy ni Armida habang tumatango.

"You know." Natigilan si Josef at hindi alam kung ano ang ire-react. Kung bibilib ba o magtataka o matatawa.

"Still, she wanted to be saved by you."

"Noong tumakas kami sa HQ, sinabi niyang maghiwalay kami sa pagtakas kasi lalo kaming matatagalan kung magsasabay kami. And I agreed without a second thought. Ganoon ka-kompiyansang makakatakas siyang mag-isa."

Nagkibit-balikat si Armida at nagusot ang dulo ng mga labi para sabihing Well . . . "She's a tactician. What more can you expect?" sagot na lang ni Armida. "Saka, willing to kill everybody talaga siya that time, makaabot lang sa usapan n'yo."

"And you came back to saved Labyrinth . . . to save everybody from an upcoming war."

Tumikom ang bibig ni Armida. Hindi na umimik. Inabangan pa naman ni Josef na magsalita siya kaya saglit silang hindi nagsalitang dalawa. Nahihintayan.

Sa bandang huli, si Josef na ulit ang nagsalita.

"Jocas is selfish," sabi ni Josef. "And vain. At habang tumatagal na kasama kita, nare-realize ko na handa kang isakripisyo ang sarili mo para sa iba. And, I guess, they overrate you as someone heartless enough to kill people. You kill to save people's misery. You won't kill to be with me. You could kill anybody to protect the people you love, and there's a huge difference."

Bumuntonghininga si Armida nang may ngiti at saka tiningnan ang asawa niya sa mga mata. "And you want to play that knight in shining armor role for me. Kaya nag-pledge ka para maging guardian ko. Kaya persistent kang iligtas ako." Nagkrus siya ng mga braso at nagdududang hinarap si Josef. "Na-cha-challenge ka lang ba kasi mas malakas ako sa 'yo? We both know I can protect myself-"

"You cannot," kontra agad ni Josef. "You know how prideful I am, at hindi ako magmamakaawa kahit pa sa sarili kong buhay. Kung mamamatay ako, mamamatay ako. No point in begging for mercy. But you, dying in my arms, was a different level of pity and fear I felt since I was born." Agad na nag-iwas ng tingin si Josef at doon sa pagtitig sa bintana inilabas ang namumuong inis sa loob niya habang lumalalim ang paghinga. "I beg . . . for you."

Katahimikan.

Nangibabaw sa katahimikan nila ang tugtog ng banda sa malapit.

Para lang makaligtas sa awkwardness, sininop na lang ni Armida ang mga kinainan nila para siya na ang maghugas ng pinagkainan nila kahit na hindi naman siya sanay na naghuhugas.

Ayaw nang imikan ni Armida ang sinabi ni Josef. Alam kasi niyang ibabalik na naman nito ang nangyari sa warehouse, at ayaw na talaga niyang pag-usapan iyon.

Hindi rin naman kasi maiintindihan ni Josef ang mga bagay na kahit siya ay hindi rin maintindihan. Pumasok siya sa warehouse na iyon dahil hindi niya matanggap ang lahat-ang dahilan kung bakit sila binigyan ng trabaho ng Carlos Zubin na iyon. Si Cas, ang mama ni Josef, ang nangyari sa kanya-kanya nilang mga pamilya.

"You don't know how to wash dishes, milady," bulong ni Josef sa bandang tainga niya na ikinaalerto agad niya. Nanlaki lang ang mga mata niya dahil hindi niya naramdamang lumapit si Josef sa kanya.

Ni hindi na siya nakakilos dahil nakapuwesto na ito sa likuran niya at hawak na nito ang mga kamay niya para alalayan siya sa ginagawa niya.

At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, parang biglang uminit sa paligid dahilan para mapalunok siya at mailang sa nangyayari.

Hindi talaga niya maipaliwanag kung bakit nagkakaganoon siya samantalang hindi naman iyon ang unang beses na naglapit silang dalawa ng asawa niya. Dahil iyon na sila-mag-asawa.

Para tuloy tuod si Armida na nakatitig sa mga kamay niyang puro bula habang hawak-hawak iyon ni Josef. Halos ito na ang naghugas ng mga pinagkainan nila kahit pa hawak nilang dalawa ang panghugas at hinuhugasan niya.

"I can give up everything for this kind of life," mahinang sinabi ni Josef sa bandang ibabaw lang ng tainga ni Armida na nagpangilabot dito.

Iyon na naman sa pakiramdam na iyon si Armida. Malakas na naman ang tibok ng puso niya. Para bang gumagapang ang init ng hininga ni Josef sa pisngi niya.

"Humihinga ka pa ba?" biro ni Josef nang mapansing pigil na pigil sa paghinga niya si Armida.

"I warned you not to take my breath away."

Natawa nang mahina si Josef at binuksan na lang ang gripo. Hinalikan niya sa pisngi si Armida at pinaurong ito sa gilid. "I'll wash it. And I'm good at taking anything." Tinapunan niya nang sandaling tingin ang asawa habang may nang-aasar na ngiti. "You should be thankful, it's just your breath I'm taking right now. If I take it seriously, kanina ka pa nakahubad."

Mabilis na kinawkaw ni Armida ang kamay niya sa tubig sa gripo at winisik agad sa mukha ni Josef. "Naiinis talaga 'ko sa kayabangan mo."

Tumawa lang si Josef at bahagyang nagpunas ng mukha gamit ang braso. "I really love it when you blush."

"Bullshit!" At nag-walkout na naman si Armida papuntang kuwarto nila dahil sa inis.

"Vy o-chen' kraseevaya!" malakas na sinabi ni Josef nang may malapad na ngiti.

"Idi nahui!" sagot sa kuwarto na ikinatawa ng lalaki.

---

Papuri yung sinabi ni Josef, mura naman yung sinabi ni Armida LOL

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top