25. More than Words

Alas-kuwatro pasado, bahagya nang bumababa ang araw. Naiwan si Armida sa puwesto nila.

Ang sabi ni Josef, pupunta lang daw siya sa restroom.

Matapos ang lahat ng sinabi ng asawa niya—ang asawa niyang mukhang walang sweet bones sa katawan—talagang hindi niya matatanggap na ang maiiwang impression lang sa kanya nito ay "mortal na kalaban" samantalang dalawang beses na nga silang ikinasal.

Kaya hayun siya at sinuyod talaga ang mga stall sa bandang likuran ng beach. Maraming nakahilera doong bars at kainan, at nadako siya sa may bahagi na maraming nagta-tattoo at nagbebenta ng mga ukulele, gitara, at reggae-themed items.

Agad ang bili niya ng isang gitara. Sinubukan pa niyang maghanap ng flower shop sa paligid pero wala siyang mahanap-hanap. Kaya ang nangyari, nagmakaawa siyang bilhin ang isang paso ng yellow rose na display sa isang bilihan ng souvenir. Hindi raw iyon binebenta pero wala nang nagawa ang tindera dahil nag-abot na agad siya ng pera at tinangay na lang ang paso at pinutol ang nag-iisang dilaw na rosas na may tinik-tinik pa.

Agad ang pagbalik niya dahil nagpaalam lang siyang magbabanyo. Alam pa naman niyang maikli pa sa maikli ang pasensiya ni Armida kaya malamang na hahanapin siya niyon.

Halos liparin niya ang buhanginan para mabalikan si Armida. Sinusundan siya ng tingin ng mga tao sa beach dahil sa pagmamadali niya.

Mabuti at naabutan niya si Armida na mukhang bumili na naman ng panibagong inumin. Nilakad na lang niya ang buhanginan nang ilang dipa na lang ang layo niya rito.

Bumuga siya ng hininga at inipit sa likurang bulsa ng pantalon niya ang rosas at sinimulan nang maggitara nang may ngiti.

"Sayin' 'I love you' is not the words I want to hear from you . . ." pagkanta niya.

Umiinom si Armida nang mapalingon sa direksiyon niya.

"It's not that I want you not to say but if you only knew . . ."

"PFFFT!" Naibuga tuloy nito ang iniinom at nakaawang ang bibig habang pinanonood siya.

Kanya-kanya nang lingon ang mga nandoon para panoorin siya.

"How easy it would be to show me how you feel . . ."

Hindi maipinta ang mukha ni Armida habang nakikita ang asawa niyang may ginagawa na namang wala naman sa plano nila.

"More than words is all you have to do to make it real."

Napalingon si Armida dahil sinabayan si Josef sa pagkanta ng mga nanonood sa kanila.

"Then you wouldn't have to say, that you love me. Coz, I already know." At kumindat pa si Josef sabay pakita ng killer smile niya.

"Aww . . ."

Napahinto tuloy ang mga nasa beach at pinanood na sila.

Nagtaas ng kamao si Armida para pagbantaan ang asawa niya. Pero automatic nang ngumiti ang labi niya na kanina pa niya pinipigilan.

"What would you do, if my heart was torn in two, more than words to show you feel, that your love for me is real . . ."

Nakuha tuloy ni Josef ang atensiyon ng mga tao at may isang grupo ng mga musician ang naroon at magpe-perform pa lang sa panggabing gig ang sumabay sa kanya.

Napatakip na lang ng bibig si Armida habang natatawa.

"What would you say, if I took those words away, then you couldn't make things new, just by saying 'I love you' . . ."

"It's more than words. It's more than what you say. It's the things that you do. Oh yeah," pagsabay ng grupo sa background ni Josef.

Napanganga na lang si Armida dahil sa kalokohan ng asawa niya.

"Now that I've tried to talk to you and make you understand . . ."

Kanya-kanya nang labas ng mga camera ang mga nakakapanood sa kanila para video-han ang ginagawa ni Josef.

"All you have to do is close your eyes and just reach out your hand, and touch me . . ."

Kinindatan ni Josef si Armida dahilan para magtilian ang mga babaeng nakakapanood sa kanila. Nagtatalo tuloy ang inis, hiya, at tawa sa mukha ni Armida.

"Hold me close, don't ever let me go . . ."

Nakapamaywang lang ang isang kamay ni Armida habang nakatakip sa bibig ang kanang kamay niya para takpan ang ngiti niyang pagkalapad-lapad. Masyado nang obvious ang pamumula ng mukha niya—hindi pa alam kung gawa ng kilig o gawa ng hiya . . . o pareho.

"More than words is all I ever needed you to show . . ."

Nagtitilian dahil sa kilig ang mga nakakapanood sa kanila. Nakailang tunog ng flash camera din ang narinig habang kinukuhanan ang eksena nila.

"Then you wouldn't have to say that you love me . . ." pagsasabay-sabay ni Josef at ng grupo sa likuran niya.

Lumapit na si Josef kay Armida at huminto sa paggigitara. Kinuha na niya ang rose na nasa bulsa niya at inabot sa asawa niya.

"Coz I already know," simpleng sinabi ni Josef pagkaabot niya ng bulaklak.

Nakangiti pa rin si Armida nang tingnan ang bulaklak. "May lupa pa! Ninakaw mo ba 'to?!" natatawang tanong ni Armida.

"Hoy, binili ko 'yan!" depensa agad ni Josef. "Mahal 'yan! Limang libo isa 'yan! Nakapaso pa!"

"HAHAHA!" Natawa na lang si Armida at kinuha ang bulaklak na inaabot ni Josef. "Pauso mo!"

Akala ni Armida, tapos na ang lahat. Pero halos pandilatan niya si Josef nang bigla itong lumuhod sa harapan niya.

"Hwoy! Ano 'yang—Josef!"

"Aaahhh!" Nagtitilian ang mga babae nang maglahad ng singsing si Josef para ibigay kay Armida.

"Armida . . ." may ngiting sinabi ni Josef habang nakatingala sa asawa niyang lalong lumala ang pamumula ng mukha. ". . . will you marry me?"

"Ayyiieee . . ."

Katakot-takot na pangangantiyaw ang natanggap nilang dalawa dahil sa nangyayari. Lalo tuloy lumakas ang tiliian at hiyawan.

Nakangiti ang lahat ng nakakapanood sa kanilang dalawa. Napatingin tuloy si Armida sa kamay niya. Nawawala yung singsing niya. At iisa lang ang suspect niya sa pagkawala ng wedding ring niya.

"Seryoso ba 'to?" tanong pa ni Armida habang tinitingnan ang mga nakakapanood sa kanila. "Josef talaga, humanda ka sa 'kin pagbalik sa rest house."

"YES! YES! YES! YES! YES! YES!" kantiyaw sa kanya ng mga tao.

"Sagutin mo na 'yan, miss!"

"Sige na! Say yes!"

"Umoo ka na, Miss Ganda! Guwapo naman 'yan e!"

Ibinalik ni Armida ang tingin sa asawa niya at hinampas ito sa balikat.

"Asawa ko na ho itong taong 'to!" sigaw ni Armida sa lahat sabay kuha ng singsing kay Josef at siya na ang nagsuot. "Kalokohan mo!"

"Hahaha!" Natawa na lang si Josef at tumayo na. Hinawakan niya sa may batok ang asawa niya at hinalikan ito sa noo.

"Aww . . ."

Lalo tuloy nagtawanan ang mga nasa paligid nila dahil akala nila, marriage proposal na. Kasal na pala silang dalawa.

Pero kahit na ganoon, kinamayan pa rin niya ang grupong sumabay sa kanya sa pagkanta at ibinigay na lang doon ang gitarang binili niya dahil wala naman na siyang paggagamitan niyon.

Ilang saglit pa, natapos na ang saglit na eksena nila.

Nakangiti pa rin si Armida habang inaamoy ang rosas na hawak kahit wala namang amoy iyon.

"Ano'ng sumapi sa 'yo?" tanong agad ni Armida pagbalik ni Josef sa kanya. "Para saan 'tong trip mo?"

Malalim ang buga ni Josef ng hangin at tumanaw sa malayo nang may ngiti. "Gusto ko lang mag-propose."

"Tss. Talaga lang, ha?"

"You bought it," deklara ni Josef habang nakatingin sa asawa niyang namumula pa rin habang nilalaro ang rosas na bigay niya. "You're blushing."

"Blush ng kahihiyan 'yan," pag-irap ni Armida sabay pigil ng ngiti.

"Gusto ko lang na habang nandito pa tayo, may maalala kang maganda sa dagat."

Doon biglang nawala ang ngiti ni Armida at napatingin sa mga mata ni Josef.

"I can't promise you the world, but if the world fall upon us, I'll protect you at all cost," banggit ni Josef na nagpakunot ng noo ni Armida.

"Hey—" Biglang awang ng bibig ni Armida nang maalala kung saan niya narinig iyon.

Umatras nang isang hakbang si Josef at iniluhod ang isang tuhod sa buhangin.

"Josef," di-makapaniwalang pagtawag ni Armida habang pinandidilatan ang ginagawa ng asawa niya.

"I vow to honor you, respect you, support you, encourage you, dream with you, walk beside you through whatever life brings.

I vowed to help you shoulder our challenges and celebrate our wins, and give you the best of myself, for I know that together we will build a life far better than either of us could imagine alone.

I vow to laugh with you and comfort you during times of joy and times of sorrow, and serve you unconditionally and wholeheartedly.

I will choose you every day, a million times over, not because I have to, but because I want to.

My soul belongs to you. Everything in me recognizes your heart as my home and your arms as my shelter.

I vowed to continue to learn from you and to follow the examples of patience and respect that you continuously led; to continue to build upon the trust that we have and to be by your side fully and faithfully.

I vowed to put you first and above all, always."

Tumayo na si Josef at dumiretso nang tayo nang may seryosong mukha.

"Nababaliw ka na ba?" mahinang tanong ni Armida habang nangingilabot sa lahat ng sinabi ng asawa niya.

Yumukod na si Josef para magbigay-galang.

"I, Prince Joseph VI of Seaxan, was born to meet you at the right time and serve you with my whole life."

Tumayo na rin siya nang diretso pagkatapos at nginitian si Armida na nakanganga lang sa kanya.

"Josef, ikaw ang Fuhrer," paalala ni Armida sa asawa niya. "Bakit ka—Guardians lang ang puwedeng magbigay ng vow sa mga Superior nila! Ano'ng ginawa mo?!"

"Alam kong nare-record 'yon ng Citadel," proud pang sinabi ni Josef. "At wala na silang magagawa. Sa ayaw o sa gusto mo, magiging Guardian mo na 'ko hanggang sa huling segundo ng buhay ko. Kaya hindi mo na 'ko puwedeng pigilan kapag kailangan na kitang iligtas dahil tungkulin ko na 'yon ngayon."

----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top