23. The Slayer's Creed

A/N: Ang sipag ko naman mag-update dati. Potek, ang hahaba ng update. 4k per chaps. Wao, sana ol masipag hahaha


-----

Tinakpan ni Josef ng pinunit na tela ang bibig ng kidnapper para hindi gumawa ng ingay. Tumayo naman sa harapan ni Alex si Armida. Nakapamaywang siya at nakatingin lang sa mukha ni Fovicate na pulang-pula na sa kakaiyak. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin kay Alex. Magkatabi pa naman ang mag-asawang Hernandez.

"Let's see." Tinanggal ni Armida ang busal sa bibig ni Fovicate.

"You're a good for nothing, you fucking idiot! I hate you! Go to hell! You bas-MMMM!" At tinakpan ulit ni Armida ang bibig ni Fovicate.

"Bakit hindi mo naisip na gawin sa 'kin 'tong ganito, Josef?" takang tanong ni Armida. "Yung ipaki-kidnap mo 'ko tapos ipapapatay."

"At ano namang mapapala ko kapag ginawa ko 'yon?" tanong ni Josef na nakakunot ang noo dahil sa sinabi ng asawa niya.

Nagkibit-balikat si Armida. "I dunno. Money? May utang ka sa 'kin, di ba?"

"Aanhin ko ang pera mo? Mama ko ang may utang sa 'yo na pinagplanuhan mo pa."

"E di, fame! Sisikat ka kapag nalaman nilang nahuli mo 'ko."

"Excuse me, dear, mas sikat ako sa 'yo."

Nagulat naman si Armida sa sinabi ni Josef at di-makapaniwalang tiningnan ang lalaki. "The audacity, Richard Zach! How dare you!"

"That's a fact, Erajin Hill-Miller." Kumuha lang ng isa pang upuan si Josef at ipinuwesto sa may pader na katabi lang halos ng kidnapper at katapat nina Alex. "And besides, I don't have any motives para kidnap-in ka. Ni hindi ko nga gustong lapitan ka noon, kidnap-in pa kaya? Ano 'ko, suicidal?"

Pinagpag niya ang sandalan ng upuan para alukin si Armida.

Naningkit lang ang mga mata ni Armida dahil talagang dinaot-daot siya ni Josef. Nakasimangot lang siya nang maupo sa inalok nitong upuan.

Ipinatong niya ang magkabilang braso sa armrest ng upuan at saka siya nagkrus ng mga binti.

Pinagmasdan ng mag-asawa ang mukha ng mga couple. Mga umiiyak at halatang nagagalit na kay Alex.

Sino ba naman ang matutuwa na siya ang dahilan kung bakit sila nasa bingit ng kamatayan.

"Ito yung pinakamasakit na parte sa lahat e," panimula ni Armida. "Yung hindi nanggagaling sa kaaway ang pagtatraydor. Palaging nandoon sa mga taong sobrang pinagkatiwalaan mo."

Napuno na ng luha ang mga mata nina Nicole. Naghalo na ang takot at galit dahil sa kinahinatnan nila.

"Malamang na matagal nang planado 'to," paningit ni Josef na nakatayo lang sa likuran ng asawa niyang nakaupo. "Nandito kayo para sa Convention, tama?" tanong pa niya sa kanila kahit alam niyang walang makakasagot maliban kay JC. "Kung pera ang issue, baka nagkasundo kayong maghahati-hati sa ransom money ng mga kidnapper, tapos nilaglag ka," sabi niya partikular kay Alex.

"O pwedeng umaarte lang siyang victim dito para hindi siya pagbintangan if ever magkaroon ng investigation," dagdag ni Armida habang inoobserbahan si Alex. "Sino nga bang maghihinalang kasabwat siya o mastermind siya kung isa rin siya sa biktima."

Napatingin silang lahat kay Armida. Poker-faced lang ito at mukhang sineseryoso na ang mga nangyayari.

"Alam mo, Alex, ang gaan ng loob ko sa 'yo."

Napatingin agad si Josef sa asawa niya dahil sa sinabi nito.

Nagpatuloy si Armida. "Iniisip ko yung connection e. Alam mo 'yon?" Saglit na naningkit ang mga mata niya habang iniikot-ikot ang kamay sa harap para magpaliwanag. "Yung feeling na sobrang bait mo, pero nararamdaman kong you're more than that."

Lalong tumalim ang ni Alex kay Armida.

"Now, this is what I'm talking about. This is the more I was looking for from you. Magaan talaga yung loob ko sa mga kapwa ko demonyo. 'Yon yung connection e. Yung pakiramdam na gusto kong ako yung maghatak ng sungay mo."

Bahagyang yumuko si Armida at inabot ang busal sa bibig ni Alex.

"Huh! Haha!" Maangas pang natawa ang lalaki. "Akala mo ba, hindi kita makikilala?"

Mula sa duwag at simpleng Alex, para bang nasaniban ito ng masamang kaluluwa at nagbago. Mula sa ugali, sa tono ng pananalita, sa salita, maging sa tingin nitong napakatalim.

"Ikaw yung traydor na S Class agent ng HQ! Yung tangang naghamon ng giyera sa mga Superior na bigla na lang naglahong parang bula!"

Napaayos ng upo si Armida, at hindi man lang nainsulto sa sinabi ni Alex. Sa halip ay nagulat siya dahil mukhang kilala nga siya ni Alex.

"Ikaw ang dahilan ng lahat ng 'to! Ikaw ang dahilan kung bakit nalugi ang pamilya ko! Ikaw ang dahilan kung bakit kailangan kong pakasalan 'tong maarteng 'to para lang mabayaran lahat ng utang ng pamilya ko!" galit na sigaw ni Alex at saglit na sinulyapan si Fovi na nasa tabi niya. Lalo lang itong nainis dahil sa sinabi niya tungkol dito.

Napatingala si Armida kay Josef. Mukhang kahit ang asawa niya ay nagulat sa narinig. Ni hindi na nila alam kung ano'ng sasabihin pa.

"Kung hindi ka nawala," pagpapatuloy ni Alex, "natuloy sana ang all-out war na 'yon! Kung hindi ka nawala, hindi malulugi ang negosyo ng pamilya ko!"

"Negosyo?" takang tanong ni Armida.

"Kami ang supplier ng mga baril na gagamitin sa giyerang 'yon, pero lahat ng transaction, hindi na natuloy dahil sa kagagawan mo! Nalugi kami, at dahil doon, ginipit kami ng Zubin para bayaran ang lahat ng ginastos namin! Kung hindi dahil sa 'yo, hindi mangungutang ang pamilya ko para lang sa ipambabayad sa demonyong Carlos Zubin na 'yon! Kung hindi dahil sa 'yo, hindi ko pakakasalan ang asawa ko para lang may ipambayad kami sa lahat ng utang namin! Ikaw ang dahilan kung bakit kami minamalas nang ganito! Ikaw! Ikaw at ang walang kuwenta mong association!"

Hindi na nakapagsalita ang mag-asawa. Gulat lang silang nakatingin kay Alex. Na para bang napakalaking sikreto ang bigla nitong ibinunyag at wala na silang panahon pa para makapag-isip agad.

Yung all-out war . . .

Yung pagkawala niya . . .

Si Carlos Zubin . . .

Simple lang naman ang gusto niya. Turuan ng leksiyon si Fovi sa pamamagitan ni Josef, at tulungan si Alex para ipakita kay Fovi ang sinasayang nito.

Ngayon, miserable na ang buhay ni Fovi dahil sa sinabi at ginawa ni Alex. At mukhang ibang klaseng tao ang sinayang ni Fovi.

"Fate's a sick bitch," dismayadong sinabi ni Armida at tumayo na mula sa pagkakaupo. Tumalikod pa siya at hinarap si Josef. "Sa dinami-rami ng tao at lugar sa mundo, talagang dito pa ipapaalala sa 'kin yung mga nangyari."

Ibinalik ni Armida ang tingin kay Alex. "Wala nang Zubin, wala ka nang pinagkakautangan, wala nang maghahabol sa pamilya mo."

"A-ano'ng sinabi mo?" gulat na tanong ni Alex.

"Pinatay ni Armida si Carlos Zubin," pag-uulit ni Josef na may kalmadong tinig kay Alex na litong-lito sa sinabi nilang pagkasimple-simple na lang.

"Hindi . . ." Napailing na lang si Alex. "Hindi ako naniniwala sa 'yo. Hindi puwedeng kantihin ang taong 'yon! Marami siyang connection sa underground kaya walang kumakalaban sa kanya, tapos sasabihin mong pinatay mo siya?"

"I did," sabi na naman ni Armida at nagpamaywang na naman. "Wala ka nang magagawa dahil patay na yung matandang hukluban na 'yon. Nabubuwisit ako sa kanya."

"Baliw ka na ba! Kahit sinong assassin at hired killers, hindi siya tinatangkang galawin! Hindi mo ba 'yon alam?!"

"Huh! Pasensya siya, kinalaban niya 'ko."

"Actually, nandito kami sa islang 'to dahil diyan," paliwanag ni Josef. "Hindi ko pa alam kung gaano kalaki ang damage ng ginawa ni Armida sa mga Zubin, pero alam kong inaayos na 'yon ngayon ng mga Superior."

"Superiors?" tanong pa ni Alex habang palipat-lipat ang tingin sa mag-asawa. "Tinutulungan kayo ng mga Superior?" Pinanatili niya ang tingin kay Armida. "Pagkatapos mong magdeklara ng giyera sa kanila, tutulungan ka nila? Nagpapatawa ka ba!"

"Mga Superior na kami ngayon," sagot ni Armida na nakapagpatahimik kay Alex. "Hindi natuloy ang giyera dahil nakipag-trade ang guild para sa buhay ko kapalit ang buhay ng lahat ng apektado ng all-out war." Itinuro niya sunod si Josef. "At si Josef na ang bagong deklarang Fuhrer ngayon ng Citadel."

"Shit . . ." Naiwan na lang na nakanganga si Alex habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

Hindi naman maintindihan ng ibang couples ang pinag-uusapan ng tatlo. Pero, ang alam nila, delikadong tao talaga sina Josef.

"Imposible . . . Hindi totoo 'yan. Hindi totoo 'yan!" Ayaw pa ring maniwala ni Alex sa lahat ng sinabi nilang dalawa. Ayaw niyang maniwala dahil natatalo na siya.

"Hindi kita puwedeng iwan dito na alam mong buhay pa si RYJO," mahinahon nang sinabi ni Armida at tumalungko kaharap si Alex. "Siguro nga, hindi ko alam na ganoon kalaki ang epekto ng nangyaring failure ng all-out war para sa mga gaya mo . . ." Napailing siya. "Unfortunately for you, nakita mo kami at nakita ka namin. And we can't let this one pass."

Isang malakas na suntok ang ginawa niya sa dibdib ni Alex na nagpatumba rito habang tirik ang mga mata. Hindi na nga rin ito humihinga pa.

"MMMMMM!" Lalong umalpas ang mga couple na nakapalibot kay Alex matapos ang nangyari. Lalong humagulgol sina Nikki at Nicole. Tahimik namang pumikit si Miethy na umaagos ang luha sa mukha.

"Armida," pagtawag ni Josef na may seryosong mukha.

"Don't worry, Josef. I know what I'm doing." Bahagyang tumayo si Armida at yumukod. Kinuha niya ang kuwelyo ni Alex at sinuntok na naman ito sa dibdib.

"Haagh-!" Para bang hinatak mula sa ilalim ang kaluluwa ni Alex at naghabol agad ng hininga.

Snap! Snap!

Bumagsak na naman si Alex sa sahig pero humihinga na.

"I know, you all wanted him to die," paliwanag niya kina Miethy. "Pero may mga taong hindi deserving sa sudden death."

"Paano kung magsalita pa siya?" tanong ni Josef.

Umiling lang si Armida. "Sa ganiyang process, wala na siyang maaalala." Nilingon na niya ang asawa. "At kung maalala man niya. Malamang na wala na tayo rito."

Mabilis siyang tumungo sa pinto at dinuro si Josef na hahakbang pa sana. "I'll handle the rest of the kidnappers."

"Pero, Armida-"

"I told you not to go inside that warehouse, and I died in order for you to live. Kung ayaw mong maulit 'yon, stay here and wait for me."

At padabog na sinara ni Armida ang pinto.

Sabay-sabay tuloy silang napatingin kay Josef na nakabusangot ang mukha habang nakataas ang magkabilang kamay.

"What?" dismayado pang sinabi ni Josef sabay upo sa inupuan ng asawa niya. "Haay, buhay." Napahilamos na lang siya ng mukha sabay buntonghininga.

Pagtingin niya sa mga couple, mga tahimik na at nakatingin sa kanya.

"I told you, she's crazy," paliwanag niya ulit kina JC, gaya ng paliwanag niya noong tinakasan niya ang mga ito. Itinuro pa niya ang katawan. "I didn't lie when I told you she made my scars."

Nakarinig sila ng mga kalabog at tunog ng mga bumabagsak na bagay sa ibaba ng bahay.

"Hindi mo ba tutulungan ang asawa mo?" mabigat na tanong ni JC sa kanya.

"She just said stay here and wait for her," paliwanag pa ni Josef sa dahilan ng pananatili niya roon kasama ang iba. "So, I'll stay here and wait for her."

"Ano'ng ginawa niya kay Alex?"

Nagkibit-balikat lang si Josef. "Sabihin na nating inalisan lang ng dahilan si Alex para magsalita laban sa asawa ko."

"Bakit kayo nagsinungaling? Bakit hindi n'yo sinabing mga kriminal pala kayo."

Napataas ng magkabilang kilay si Josef sa sinabi ni JC. "You sure about that?" hindi niya makapaniwalang tanong. "Man, we can't go around declaring, 'Hey, guys! We're criminal!' because no logical person would do that. Naisip mo ba 'yon?"

Patuloy lang ang kalabog sa ibaba. Ni wala man lang silang narinig na putok ng baril.

"Mabait naman si Armida," paliwanag niya kina JC. "Everything . . . Everything she said, she did, she did that wholeheartedly," mahinahong sinabi niya kay Miethy dahil alam niyang ito ang madalas tumangay sa asawa niya.

Panay lang ang iyak ni Miethy habang nakatingin sa kanya.

"My wife didn't grew up in a peaceful world," pagpapatuloy ni Josef. "Kaya ko siya iniiwas sa inyo." Umiling siya. "Kung hindi nangyari 'to, we're not gonna do anything bad to you, guys."

Biglang bumukas ang pinto at lumitaw si Armida na may hawak na baril at isang de-keypad na phone.

Lahat sila, seryoso ang mukha habang nakatingin kay Armida papalapit sa kanila.

"Natawagan na pala ang family ni Fovicate," panimula niya. Ni hindi na umimik si Josef kung ano na ba ang nangyari sa mga kidnapper. "Kalahating bilyon ang hinihinging ransom. Sa ngayon, nangongolekta pa lang ang pamilya ng ipambabayad. But I doubt that collection thing. Kayang-kayang ilabas ng mga Viernes ang ganoong amount. Mamayang alas-siyete ng gabi magaganap ang susunod na transaction."

Binalibag lang ni Armida ang hawak na baril sa kama at nag-indian seat sa harapan ni Fovicate.

Nanatili silang tahimik, inaabangan kung ano na ang susunod na gagawin ni Armida.

"Sabihin na nating wala na kayong problema sa mga kidnapper," mahinahong sinabi ni Armida sabay ngiti nang matamis sa kanila.

Sumaglit si Armida ng tingin sa phone at nag-dial doon ng number na huling tinawagan ng mga kidnapper.

"Ehem," nag-vocalize pa si Armida at sumagot sa tawag. "Hello." Pinalalim niya ang boses. "Ito ba ang pamilya ni Fovicate Hernandez?"

Agad ang hampas ni Josef sa braso ng asawa niya.

"Ano 'yan?!" singhal pa niya sa mahinang boses dahil baka marinig sa kabilang linya.

"Sshh!" pagpapatahimik ni Armida at hinawakan si Fovi sa pulsuhan. "Hawak ko ngayon ang maganda mong anak."

"Armida!" pabulong na sinigaw ni Josef at hinalbot ang phone sa asawa niya.

"Hello?" si Josef na ang sumagot.

"Josef!" Tumayo si Armida at hinablot na naman ang phone at sinagot na niya sa natural niyang boses. "Hello, is this Fovicate's father, Conrad Viernes?"

Inilayo niya ang phone at ni-loudspeaker ang tawag para hindi na kunin pa ni Josef.

"Who are you?" sabi sa kabilang linya ng lalaking may baritonong boses. "Where's my daughter!"

"He's mad," sabi ni Armida kina Miethy. Inilapit niya ang phone sa bibig. "This is Erajin Hill-Miller."

"E-Erajin Hill-Miller? The Erajin Hill-Miller?"

"I'm sure it does ring a bell, Conrad. I saved your company from possible bankruptcy last year, di ba? Hindi pa nga tapos ang liabilities mo," kompiyansang sabi ni Armida at nginitian pa sina Miethy na nanonood sa kanya. "Balika ko, na-kidnap daw ang anak mo."

"Uh, y-yes. Yes."

"Nag-iipon daw kayo ng ransom money?"

"Yes, Miss Miller."

Ngumisi agad si Armida habang nakataas ang kilay. Puno ng pagmamalaki ang mukha niya habang nakatingin kay Fovi na humahalo na sa namumulang mata ang inis.

"Sabihin na nating nakuha ko ang anak mo sa mga kidnapper. She's safe now. Wala namang galos."

"Oh, thank you! Thank you so much! Thank God!"

"Don't celebrate yet, Conrad," putol ni Armida sa kasiyahan ng kabilang linya. "May atraso kasi sa akin ang anak mo." Nag-indian seat ulit siya sa harapan ni Fovi at painosente itong tiningnan. "Nilalandi kasi niya ang asawa ko."

"Oh come on," nasabi na lang ni Josef at napahilamos ng mukha. "Armida."

"Miss Miller, m-my daughter wouldn't-"

"Galing kasi kami sa Couple's Convention last day. Naguwapuhan yata siya, kasi si Richard Zach lang naman ang kasama ko."

"R-Richard . . . Zach? Wait . . . Confirmed talagang siya ang kasama mo noong auction sa-"

"Wow, gossipmonger," putol ni Armida. "Balik tayo sa anak mo, can we? She flirted with my husband right in front my very eyes! At alam mo namang ang akin, akin lang. I'm sure, you can relate."

"Ah-Miss Miller . . ."

"Ibang klaseng ahas ang anak mo, Conrad. At alam mo ang ginagawa sa mga ahas na makamandag at nanunuklaw?" Nagpakita na naman ang inosente niyang ngiti. "Dapat pinapatay."

"MMMMM!" Pinipilit namang magsalita ni Fovicate para humingi ng tulong pero hindi niya magawa.

Biglang natahimik sa kabilang linya.

Inalis ni Armida ang busal sa bibig ni Fovi.

Agad ang sigaw ng babae. "DADDY! DADDY, HEEELP! I'M SORROUNDED BY BAD GUYS! DAD-MMMMM!"

Ibinalik ni Armida ang busal sa bibig ni Fovi.

"Mamili ka na lang, Conrad, kung ano ba ang itutumba ko. Anak mo o ikaw at ang kompanyang pinaghirapan mo buong buhay mo."

Walang umimik sa kabilang linya. Nakarinig sila ng buntonghininga.

"Do want you want, Miss Miller. Do what pleases you."

Pare-parehas na nanlaki ang mga mata ng mga couple dahil sa sinabi ng ama ni Fovi.

Isang prinsesa si Fovicate. Daddy's girl din. Unica hija pa. At lahat ng gusto niya, nasusunod. Laki siya sa layaw. Ibinibigay ng magulang niya ang lahat ng naisin niya kaya siya ganoon ngayon. Kaya siya spoiled brat at matapobre. Matapang siya dahil mayaman ang pamilya niya. Bossy siya at lahat ay gusto niyang makuha at nakukuha niya iyon gamit ang pera ng pamilya niya.

Pagkatapos, gano'n-gano'n lang, bigla siyang ilalaglag ng Daddy niya? Dahil sa sinabi ni Armida na siya si Erajin Hill-Miller? Sino ba si Erajin Hill-Miller para mabilis na pagbigyan ng daddy ni Fovicate? Sino ba si Armida para takutin nang ganoon ang daddy ni Fovicate?

"Don't worry, Miss Miller, hindi ako magagalit. Kung may kasalanan man ang anak ko, sana 'wag n'yong idamay ang kompanya ko at ang lahat ng pinaghirapan ko. Ilang taon din ang ginugol ko para dito kaya sana-"

"So, you're choosing your company over your own daughter?" kunwaring nagtataka pa si Armida habang nakikipagtitigan sa lumuluhang si Fovi.

"She's-Ugh! She's in the right age to know what's wrong and what's right. She shouldn't have done what she did to you. Besides, my son-in-law is around. Or is he?"

"MMMMM!"

"Now we have a deal, Conrad. I'll have your daughter. Hoping, you don't regret your decision sooner or later."

At ibinaba na ni Armida ang phone.

Natahimik silang lahat.

Nahihirapan silang tanggapin ang katotohanang nilaglag si Fovi ng sarili niyang ama na considered as provider nilang pare-pareho.

Pinakatitigan lang ni Armida si Fovi na panay ang iyak at piglas.

"How sad, right?" mahinahong sinabi ni Armida. Ni wala nang pagmamalaki, o pagmamayabang man lang. "Yung mas pinili ng sarili mong magulang ang sarili nila kaysa sa 'yo at sa kaligtasan mo."

"Armida, tama na nga-"

Hindi inalis ni Armida ang tingin kay Fovi pero nagtaas siya ng kanang hintuturo para patahimikin si Josef.

"You felt that? The anger . . . the dismay . . . the betrayal of your own parents. Masarap ba sa pakiramdam ang ipaubaya sa masamang tao ng sarili mong ama?"

"Armida, enough," pag-awat ni Josef at tumayo na.

"One day, you live like a princess. Then next day, you beg for your life because the person you thought will protect you, forsake you that instant."

Hinawakan na ni Josef si Armida sa balikat para itayo.

"We're done here," mabigat na sinabi ni Josef sa asawa niyang nagsisimula na naman. Sapilitan na niya itong hinatak patayo.

Si Josef na ang nagtanggal ng mga busal nila sa bibig habang nananatili pa ring tahimik si Armida at nakatingin kay Fovi na patuloy lang sa pag-iyak.

"Hindi n'yo ba kami papatayin?" seryoso at mahinang tanong ni JC habang kinakalagan siya ni Josef.

"Mamamasyal lang dapat kami ni Armida," kuwento ni Josef. "Kung hindi lang siya nakaamoy ng baril sa paligid, sana namamasyal pa kami ngayon."

Pagkakalas ng lubid kay JC, tinitigan lang niya si Josef na kalmadong-kalmado lang.

"Ito yung cell phone," sabi ni Josef at inabot ang phone na ginamit ni Armida para tumawag. "Tumawag na lang kayo ng mga pulis."

"Hindi ka ba natatakot na ipahuli namin kayo?" tanong pa ni JC.

"Sanay na kaming nahuhuli. At isa pa, hindi kami ang suspect sa kidnapping na 'to. Yung kaibigan n'yo. Wala kayong maikakaso sa amin, at magagaling din kaming kumuha ng abogado."

Hinuli nilang alisan ng busal si Fovi.

Sumigaw agad ang babae. "Bakit hindi n'yo pa 'ko patayin! Kill me now! KILL ME NOW!" Nagwawala habang umiiyak si Fovi sa kinauupuan niya. Hindi niya matanggap ang lahat. Kung paanong hindi matanggap ng asawa niya ang pagkatalo nito. Bumagsak na siya. Binitiwan na siya ng pamilya niya. At ngayon . . .

"Kill me now . . ."

Iwas naman sina Miethy sa kanya dahil na rin sa lahat ng nangyari.

"You don't deserve to die," seryosong sinabi ni Armida habang nakatitig kay Fovi. "Live and regret everything. And see it for yourself kung ano'ng mga tao ba talaga ang nakapaligid sa 'yo. Sino ang mga mananatili pa rin sa tabi mo matapos ang mga nangyari."

Inilipat ni Armida ang tingin kina Miethy. Nag-iwas lang din ito ng tingin sa kanya.

"Aalis na kami," paalam ni Josef. Hindi na umimik si Armida. Tinalikuran na lang silang lahat at nauna nang lumabas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top