21. Mr. Right vs Mrs. Always Right

Pasado alas-tres ng umaga nang magising si Armida. Tiningnan niya ang paligid—nasa rest house siya, sa kuwarto at nakahiga sa kama nila. Nasa tabi niya si Josef at nakadapa pa matulog habang nakapatong na naman ang kanang braso nito sa tiyan niya.

Hindi niya matandaan kung paano siya napunta sa bahay nila dahil sa pagkakaalam niya nasa beach siya at namimilipit sa sakit sa dibdib.

"Hey," basag ang boses niya nang magsalita. "Josef?"

"Hmm . . ." Ipinalapit lang siya nito at halos yakapin na sa gilid.

"Alis muna," sabi niya at inalis ang kamay nitong nasa tiyan niya.

Itatanong sana niya kung paano siya nakauwi, kaso mukhang hindi pa makakausap si Josef nang matino.

Dumiretso na lang siya sa banyo para maligo.

Makalipas ang isang oras, nakapag-asikaso na siya ng sarili at nakapagpalit ng strappy sando at maluwang na shorts.

4:27 na ang sabi sa digital clock sa pinaka-sala ng bahay.

Pumunta siya sa kusina para tingnan kung ano'ng mailuluto. At dahil bagsak pa si Josef sa kama at marunong naman siyang magluto ng breakfast dahil basic lang naman ang process of cooking niyon, kaya naman ng kapangyarihan niya ang frying, oven-cooking, at paggamit ng toaster at coffee maker.

Tiningnan niya ang ref.

Sausages, chicken franks, eggs, chicken fillet, bacon. Ito lang yung familiar sa kanya aside sa ilang pack ng red meats na hindi niya tatangkaing galawin.

At dahil puro prito lang naman, kinuha na niya yung bacon, sauges, anim na itlog, at chicken franks. Kumuha rin siya ng butter at fresh milk. Gagawa uli siya ng french toast na masarap.

At ito ang Armida's Cooking Tutorial 101 (ten-tenen-ten):

1. Ilagay ang frying pan sa stove at hintaying uminit.

2. Lagyan ng oil, yung tama lang depende sa isasalang sa frying pan.

3. Ilagay ang iluluto. Chicken franks at sausages, sabay nang iluto. Magkamukha naman sila.

4. Hintaying maluto, as long as hindi pa amoy-sunog, push lang, ibaliktad para pantay ang luto.

5. Paano malalaman kapag luto na?

a) Kapag hindi pa umaapoy ang frying pan.

b) Kapag hindi pa sumasabog ang tangke ng gas

c) Kapag hindi pa sunog ang buong bahay

d) Kapag tapos na ang 3-minute cooking process

6. Kapag feel mo na talagang okay na ang pagkakaluto at edible pa rin ang nasa frying pan, ilipat na agad sa plato, then voila!

May almusal ka na! Yum! Yum! Yum!

Naghanda rin siya ng coffee sa coffee maker. I-se-serve na lang niya kapag gising na ang iinom.


Quarter to six na nang magising si Josef. Pinanood lang siya ni Armida habang papasok siya ng banyo na nasa gilid lang din ng kitchen area.

"Good morning," nakapikit pang bati ni Josef na pupungas-pungas pa.

"Yeah," simpleng sagot ni Armida at nagpatuloy lang sa paggawa ng kanyang ipinagmamalaking french toast na halos lunurin na niya sa gatas.

After ten minutes, lumabas na si Josef na bagong ligo at nakatapis lang ng tuwalya.

Tiningnan lang niya si Armida na nakatutok sa ginagawa nitong pagpiprito.

"Ang aga mong nagising," bati ni Josef at lumapit siya sa ginagawa ng asawa niya.

"Ang haba nga ng tulog ko," katwiran ni Armida habang nagbabaligtad ng tinapay sa pan.

Itinukod ni Josef ang palad sa tiled counter na katabi ng stove at sinilip ang mukha ni Armida.

"Saan ka galing kagabi?" tanong niya.

"Galing ako sa beach, diyan lang malapit sa veranda," sagot ni Armida at inilipat ang niluluto sa plato. "Nabigla yata yung katawan ko kagabi, sumakit yung dibdib ko. Nagising na lang ako, nandito na 'ko." Inialok niya agad kay Josef ang niluto niya.

Saglit siyang tinitigan ni Josef, sunod na ibinaba nito ang tingin sa platong nasa harapan. Kumuha na lang din ito at umisang kagat doon.

Inilapag na rin ni Armida ang plato sa counter isle kasama ng iba pa niyang niluto. Lumapit na rin sa kanya si Josef at niyakap siya mula sa likod.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Josef at hinalikan sa kanang balikat ang asawa niya.

"Ngayon? Hindi naman, bakit?" Kinuha niya ang kaliwang pulsuhan ni Josef at nakikagat sa hawak nitong toast na may kagat na. "Teka, ikaw ba ang nag-uwi sa 'kin?"

Napahinto si Josef at seryosong napatingin sa harapan.

Hindi niya tatangkaing sabihin kay Armida na si Alex ang naghatid sa asawa niya sa rest house nila, kahit pa balatan siya nito nang buhay.

"Oo, ako." Bumitiw na agad si Josef at inubos na sa dalawang kagat ang toast na hawak.

"Liars go to hell, Joooseeef . . ." pakantang sinabi ni Armida on a very sweet voice habang nakangisi.

Napataas agad ng kilay si Josef at napahinto sa pagnguya habang inis na tiningnan ang asawa niyang wagas makangisi.

"Problema mo?" inis na tanong ni Josef.

"Ikaw ang nagdala sa 'kin dito? Oh, reaaaally." Nagsalin na lang agad si Armida ng kape sa dalawang ceramic mug at inilapag sa counter.

Pagkatapos ay binigyan niya ng nang-aasar na tingin si Josef.

"Kahapon ka pa, ha. Tumigil ka na. Nabubuwisit na 'ko," inis na sinabi ni Josef. Kinuha na niya ang mug niya at ininom na ang special coffee ni Armida.

At dahil likas na provocative si Armida, nangulit na naman siya kahit napagbantaan na siya ng asawa niya.

"Puwede bang malaman kung saan mo 'ko nakuha last night, hmm, Mr. Zach?" tanong pa ni Armida habang nakangiti at pinapalamanan ang french toast niya ng bacon.

"Sa beach," seryosong sagot ni Josef.

"Oh come on! Sa beach? Wala ako sa beach kagabi, Josef! Galing ako sa market! Sinungaling ka talaga."

Parang batang nang-aasar si Armida sa asawa niya. Alam niya kasing nagsisinungaling ito at gusto lang niyang mahuli para malaman ang totoo.

Agad na tinampal ni Josef ang noo ni Armida dahil sa pagkainis. "Excuse me, Mrs. Zach, hinanap kita kagabi at nanggaling ako sa market. Kahit anino mo, hindi ko nakita kaya paano ka mapupunta ro'n?" seryoso pa rin si Josef. Wala kasi siyang makitang nakakatuwa sa mga oras na iyon. "Who's lying now?"

"Tss. Galit ka pa rin?" Sumimangot lang si Armida at tiningnan nang masama ang mug niya. "Gusto ko lang namang malaman kung sino ang nagdala sa 'kin dito kagabi. Kung maka-react ka naman, akala mo . . ."

"E ako nga ang nagdala sa 'yo rito. Ano ba'ng pinoproblema mo?"

"Bakit ka naiinis?" inosenteng tanong pa ni Armida.

Halos ibalibag ni Josef pabalik sa plato niya yung kakukuha pa lang niyang bacon.

Tumahimik sandali si Armida at binasa ang mukha ng asawa niyang iritang-irita na. Gusto niya tuloy matawa sa itsura ni Josef. Kung ang pinoproblema ni Josef ay yung kahapong pinag-awayan nila, masyado naman yatang overreacting. Malamang na may nangyaring hindi maganda habang wala siyang malay. Naiintriga tuloy siya.

"May nangyari ba kagabi?" nakangising sinabi ni Armida at isinilid ang mga kamay niya sa may batok ng asawa niya nang lapitan ito. "Sabihin mo na, hindi ako magagalit."

"Anong hindi ka magagalit? Ako nga ang dapat magalit dito," inis pa rin talaga si Josef habang nakatingin sa malapit na mukha ng asawa niya.

"E bakit ka nga nagagalit, hmm?" mapanuyang tanong ni Armida habang nakatitig sa mga labi ng asawa niya.

"Di ba, sinabi ko na sa 'yong 'wag mo nang pakialaman ang buhay n'ong mag-asawang Hernandez na 'yon? Ano na namang ginawa mo?"

"Bakit? Ano ba'ng ginawa ko?" tanong ni Armida at inilipat na ang tingin sa kulay hazel na mata ng asawa niyang galit pa rin.

"Ah! At tinanong mo pa kung ano'ng ginawa mo? Binigyan mo yung Alex na 'yon ng mataas na posisyon. Hindi mo alam? Gusto mo, i-remind ko?"

"HAHAHAHA!" Ang lakas ng tawa ni Armida at nahampas niya ang kaliwang balikat ni Josef. Natatawa talaga siya kapag nagiging sarcastic sa kanya si Josef.

"Ang saya mo, 'no?" sarcastic na namang sinabi ni Josef habang nakatingin lang sa asawa niya na parang nakakadiring bagay ito sa paningin.

"Okay, I get." Tumango pa si Armida na parang may naintindihan na siya. "Bakit ka nagagalit, hmm?" tanong pa niya nang mag-angat ng tingin at salubungin na naman ang tingin ng asawa niyang naiinis sa kanya. "Dahil binigyan ko ng posisyon si Alex?" Nagkibit-balikat siya. "Why? Hindi naman masamang tumulong."

Lalong nagduda si Josef sa huling sinabi ni Armida. "Armida, iba ang meaning sa vocabulary mo ng mga salitang 'masamang tumulong.' Ikaw yung nasa 'masamang' part, kaya kaduda-duda sa 'yong tumulong. Tigilan mo 'ko." Kinuha na niya ang kamay nito at inalis sa batok niya. Dinuro pa niya ang mukha nito. "It's no."

"Ang KJ mo!" singhal ni Armida. "Alex is a nice man kaya," mahinahon nitong sinabi at may matipid na ngiti pa. Kumuha na lang ito ng toast at tumingin sa itaas na para bang nag-iisip. "And besides, he's normal and gentleman. I'm sure, he'll be a good husband once he realized his worth."

Automatic ang taas ng kilay ni Josef dahil sa narinig.

"He's normal and gentleman?" pag-uulit pa ni Josef sa sinabi ng asawa niya.

"Yeah!" masayang sagot ni Armida.

"How come you think of that, huh?" inis na namang sinabi ni Josef.

Nagkibit-balikat na naman si Armida. "I just feel it. Ang bait nga niya e. If not, tingin mo, magagano'n siya ni Fovi? Mga gano'ng tipo ng tao yung mabilis makakuha ng attention ko."

Tumindig nang diretso si Josef at pinagkrus ang mga braso. Ang tayog pa ng pagkakapilantik ng isang kilay niya habang tinatantiya ng tingin ang asawa niyang unang beses niyang marinig pumuri ng ibang lalaki.

"At saka, si Alex—" Susubo pa sana si Armida ng toast na gawa nang hablutin iyon ni Josef sa kamay niya at ibinato iyon pabalik sa plato. "What the fuck!" Ang sama tuloy ng tingin niya kay Josef pabalik sa toast sa plato pabalik sa asawa niya. "Ano ba'ng problema mo?!"

"'Wag mo nang lalapitan yung Alex na 'yon, ha?" inis na sinabi ni Josef at saka tumalikod para tumungon sa kuwarto.

"HUH?!" Naiwan naman sa kusina si Armida na litong-litong kung ano'ng nangyayari sa asawa niya.

Ibinalik niya ang tingin sa plato at kinuha na lang ulit yung kawawang tinapay na binato ni Josef.

"Alam mo, Richard Zach, marunong naman akong makisama sa normal na tao!"

Panay lang ang kain niya, at kahit siya ay nainis na rin dahil ang aga-aga, attitude-gaming na naman ang asawa niya.

Kung paano niya nakilala si Richard Zach, iyon na naman ang nararanasan niya ngayon.

"Saka, hello? Ano'ng masama kung bigyan ko ng position si Alex? Para namang napakalaking bagay."

Nakapagbihis na agad si Josef ng puting shirt at komportableng short at padabog na umupo sa sofa sa sala.

"Ano ba'ng kinakagalit mo kay Alex, ha?" tanong pa ni Armida at tumungo na sa ref para kumuha roon ng malamig na tubig na nasa clear tumbler.

"Will you stop saying that name!" inis na utos ni Josef.

Tumayo naman si Armida sa harapan ng asawa niyang nagta-trantrum at inalok ang malamig na tubig dito.

"O, palamigin mo 'yang ulo mo," inis ding alok ni Armida.

Padabog na kinuha ni Josef ang tumbler at binuksan iyon.

"Kung makaarte ka naman . . . nagseselos ka ba, ha?"

Iinom na sana si Josef nang matigilan at nag-angat ng tingin sa asawa niya. Hindi siya agad nakasagot.

"Then that's it," sabi ni Armida na parang nalaman na agad ang sagot sabay halukipkip. "You're jealous."

Nakainom na si Josef nang sumagot.

"I'm not."

"You are!"

"Am not!"

"You are!"

"I said—"

"You are," huling putol ni Armida sabay ngisi.

"Ugh!" Napasandal na lang si Josef sa inuupuan niya dahil sa inis. "Ano kayang mararamdaman mo kapag nakipaglandian ako sa Fovicate Hernandez na 'yon, hmm?"

"I know you can't flirt with her." Naka-smile pa rin si Armida.

"I can."

"Okay, sige, you can. But you won't."

"How did you say so, huh?" Humalukipkip pa si Josef para hamunin ang asawa niya.

Itinuro ni Armida si Josef. "You tell me, Josef. I'm sure you know the answer to that question."

Kumunot lang lalo ang noo ni Josef dahil sa pagbabalik ni Armida ng tanong sa kanya.

Ito ang kinaiinisan niya sa lahat. Kapag kino-corner siya ni Armida at umaabot na siya sa point na wala na siyang magagawa kundi ang sumuko.

Kaya naman niyang dumepensa pero lagi siyang nawawalan ng rason at ikakatwiran. Pero kapag ibang tao ang kausap niya, nagiging dominating naman siya.

Kapag sinagot ni Josef ang tanong, panalo na naman si Armida.

Sabihin na nating kapag sinabi niyang hindi niya magawa kasi mahal niya ang asawa niya at wala siyang balak magloko—puntos na agad kay Armida.

O kapag naman sinabi niyang hindi niya magawa kasi hindi niya type si Fovi—panalo pa rin si Armida.

At kapag naman sinabi niyang hindi niya magawa kasi malalamang kriminal siya—Armida won again.

O kahit sabihin na ang obvious na may asawa na siya at may asawa na si Fovi. Another points na naman si Armida.

At kapag naman ginawa niya, at sumuko agad siya. Mas nakakahiya kasi panalo na nga ang asawa niya, nasira pa ang malinis niyang record na pagiging seductive one-woman man. Babalik at babalik pa rin siya sa asawa niya, at sa oras na iyon, mas masakit na ang pang-aalaska nito sa kanya.

Mukhang si Armida pa naman ang tipo ng misis na kung magloko man ang mister niya ay wala nang kataka-taka dahil nature ng lalaki ang mangaliwa, kaya hindi na rin ito magagalit nang sobra. Mabubugbog nga lang siya at posibleng mapatay. Kahit ito pa lang ang naiisip niya, panalo na ang asawa niya.

"O, mag-iinarte ka pa rin?" tanong ni Armida at nakiinom na rin sa tumbler na kanina niyang dala.

"Just leave them alone, please," pagsuko ni Josef sabay buntonghininga. Naiinis pa rin siya pero ayaw na niyang pahabain pa ang pagtatalo nila. "Gusto ko ng tahimik na bakasyon. Parang awa mo na."

Natawa na lang si Armida dahil sumuko na naman sa kanya ang asawa niya.

Inilapag niya ang hawak na tumbler sa center table at kumandong kay Josef. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng asawa niya sabay ngiti.

"Basa 'yang kamay mo tapos ilalagay mo sa pisngi ko. Nang-iinis ka ba talaga?" naiiritang sinabi ni Josef.

Natawa nang mahina si Armida at inilagay na lang niya ang kamay sa balikat ni Josef.

"Naku naman . . . ginawa pang punasan ng kamay ang T-shirt ko. Naman talaga, oo." Lalo lang naiirita si Josef sa ginagawa ni Armida.

"Hahaha!" Lalo lang tuloy natutuwa si Armida sa pagkainis sa kanya ng asawa niya. Ipinalibot na lang niya ang braso niya sa may batok nito at idinikit ang pisngi niya sa pisngi ni Josef. "Oo nga, basa nga." Naramdaman kasi niyang basa ang pisngi ng asawa niya.

Ilang minuto rin silang ganoon ang posisyon.

Walang imikan.

Tahimik lang na nagpapakiramdaman.

Hindi na tuloy alam ni Josef kung pinagtitripan lang siya ni Armida, naglalambing lang ba, o pinalalamig lang ang mainit niyang ulo.

Kung ano man ang dahilan, wala na siyang pakialam. Wala na, parang yelong natunaw ang pagkainis niya.

"Promise me na hindi ka na makikipag-usap sa magbabarkadang 'yon," mahinahong sinabi ni Josef.

"Uhm . . ." Gumilid agad ang mata ni Armida. Kilos na ang ibig sabihin ay ayoko nga. "I'll try."

Kumunot agad ang noo ni Josef at hinawakan si Armida sa balikat para ilayo sa kanya nang kaunti. Gusto niyang makita ang mukha nito para malaman kung ano ang kailangan niyang problemahin. Na naman.

"Don't try. Do it."

Nag-pout lang si Armida at iginilid ulit ang tingin.

"Armida . . ."

"Okay," mabilis nitong sagot. Tinapik lang niya nang dalawang beses ang balikat ng asawa.

"I will," depende sa mangyayari ngayon "I'll avoid them" kapag hindi pumunta rito si Miethy para ipasundo tayo ng lukaret na Fovi na 'yon "Yung position ni Alex, babawiin ko" pagkatapos mangyari ang gusto ko "And, titigilan ko na rin si Fovicate Hernandez" kapag nasiraan na siya ng bait at naging miserable na ang buhay niya. "I'll do that for you. Para naman hindi ka na magalit sa 'kin."

At gaya nga ng sinabi ni Jin, magkaiba ang hindi pagsasabi ng totoo at hindi pagsasabi ng buong katotohanan. Mas mabuti kung limitado lang ang alam ni Josef. Ito naman kasi talaga ang tatapos sa lahat ng gusto niyang mangyari, kung alam lang nito.

Kinurot niya nang mahina ang pisngi ng asawa at hinalikan niya ito nang mabilis sa labi sabay smile.

"I don't trust that Cheshire cat smile of yours, Armida," sabi ni Josef habang poker-face lang na nakatingin sa asawa niyang nakangisi.

"Oh, come on." Itinaas na lang ni Armida ang kamay niya para sumuko. "Sige, panalo ka na. Iiwas na ko hangga't maaari."

"I still don't trust your words."

"Much better. Don't trust my words, I may swallow it later. Smile ka na. Sige na. Eeee, ngingiti na 'yan," pang-aasar ni Armida. "Saka 'wag mong intindihin si Alex. I didn't paved my way for years to get you para lang ipagpalit ka."

Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Armida sa asawa niya.

Napabuntonghininga na lang si Josef habang nakatingin sa nakangiting asawa niya.

Unti-unti nang tumataas ang araw, lalo lang gumaganda ang loob ng rest house.

"Smile ka na. Na-miss ko smile mo," pakiusap na naman ni Armida habang kinukulit siya.

Pinilit niyang ngumiti sabay hawi ng buhok ni Armida na nasa mukha nito.

"Ayoko ng ganyang smile mo, mukha kang constipated," panlalait ni Armida. "Gusto ko yung ganito mong smile. Eeee . . ." at dinemonstrate pa niya na nakangiti nang malapad at labas ang mga ngipin.

Kusa na lang nagpakita ang killer smile ni Josef na nagpapakita ng mapuputi niyang ngipin dahil sa ginagawa ni Armida.

Minsan lang siya kulitin ng asawa niya, at ewan ba niya. Pakiramdam niya, nawawala ang pagiging delikadong tao nito sa mga ganoong pagkakataon.

"'Yan ganyan, mas guwapo ka kapag ganyan."

Napa-smirk na lang si Josef pagkatapos. "Enough to get your attention?"

"You already have all my attention, what more can I give?"

Biglang umaliwalas ang mukha ni Josef na parang may napanalunang laro at doon na naman nagpakita ang ngiti niya.

Walang pasabi, bigla niyangkinagat ang naka-expose na balikat ng asawa niya. "Haay, nanggigigil ako sa'yo." Tinapik na rin niya ito sa hita para paalisin na sa kandungan niya. "Tara, labas tayo. Mamaya, puntahan ka pa rito ni Miethy, hindi ka na naman makahindi."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top