20. You Got The Wrong Wife, Dude

Nakaupo si Armida sa tabing-dagat. Tamang dama lang siya ng malamig na hangin ng nalalapit na Kapaskuhan. Maraming maiingay sa di-kalayuan, ang dami kasing bukas na bar at resto sa direksyon ng kaliwa niya. Sa katunayan, malapit lang siya sa rest house nila. Lumiko lang siya sa labas ng pinaka-village at naglakad nang kaunti sa buhanginan. Sampung metro nga lang ang layo niya sa may veranda nila. Palalamigin muna niya ang ulo niya pati na ng asawa niya.

Lagi naman silang nag-aaway, lagi rin naman silang nagbabati. Hindi na big deal ang away nila ngayon.

Ang iniisip niya sa mga oras na iyon ay kung ano ang gagawin ni Alex sa ginawa niya. Malamang sa mga oras na ito, ongoing na ang restructuring kung talagang tinanggap na ni Alex ang posisyon.

Magandang offer para tulungan si Alex at ang mga Viernes na makabawi sa utang nila kay Fovi. Maliit na bagay kung tutuusin, hindi rin naman siya makasisigurado kung marunong humawak ng pera si Alex.

At kung sakaling marunong kumontrol si Alex ng kapangyarihan, advantage ni Fovi iyon dahil mag-asawa sila. Pero kung lulunurin si Alex ng pagkaganid, ito na mismo ang sisira sa buhay ni Fovi.

Pero kahit na ano'ng mangyari, isa lang ang sigurado. Magsisisi si Fovi na t-in-ake for granted niya si Alex. Iyon naman talaga ang main focus niya.

At dahil masyado nang obvious ang ginagawa nina Miethy—na malamang ay utos na rin ni Fovi—alam niyang gumagawa ito ng paraan para makuha si Josef.

Iniisip pa lang niya, natatawa na siya.

Sa dinami-rami ng lalaki sa sanlibutan, si Josef pa ang napili ni Fovi na asaming makuha. As if namang napakadaling akitin ni Josef.

At kahit na maghubad pa si Fovi sa harapan ni Josef, hindi nito maaakit ang asawa niyang mukhang sanay na sanay na nakakakita ng katawan ng babae.

For all they know, trained si Shadow para hindi basta maapektuhan ng kung anong makamundong pang-aakit. At kung maging gentleman man siya sa ibang babae, ewan na lang kung tangkain pa niyang maghanap ng iba, lalo pa, si Armida ang asawa niya.

Nahiga na lang siya sa pinong buhangin sa tabing-dagat at nilasap ang malamig na hangin. Nakatingin siya sa mga bituin sa langit. Ang gandang tingnan ng mga bituin kasi malinis ang langit. Ang solemn lang. Nakakapayapa ng isipan.

Nagpalipas siya roon nang ilang minuto, pagkatapos ay tumayo na siya dahil alam niyang lumalalim na ang gabi. Siguro naman, okay na si Josef kapag nakabalik na siya.

Pinagpag na niya ang damit niya at naglakad na papunta sa bahay nila.

Napahinto siya nang biglang makaramdam ng hindi maganda sa dibdib niya.

"Agh—!" Napakuyom siya sa suot na puting dress dahil sumasakit ang dibdib niya kapag humihinga siya.

Kinagat niya ang labi sa sobrang sakit. Para bang pinipiga ang baga at puso niya. Hindi siya makahinga.

Masyado siyang napuwersa at hindi niya alam ang dahilan.

Nakaramdam siya noong nakaraang gabi ng pananakit ng dibdib pero binalewala lang niya. Kahapon pa noong nangyari ang insidente sa motor na pinalipad niya sa isang sipa lang. Malamang na iyon ang dahilan kung bakit ngayon lang nag-re-react ang katawan niya.

Unti-unting nanlabo ang paningin niya at bigla na lang siyang bumagsak sa buhanginan.

At nagkataon pang naglalakad-lakad sa may beach si Alex matapos siyang palayasin ni Fovi sa rest house nila. Napansin niya agad ang isang babaeng bigla na lang bumagsak sa di-kalayuan. Nilapitan niya agad ito para tulungan.

"Miss? Miss, okay k—Armida?" Nagulat siya dahil pagtingin niya sa babae ay si Armida pala ang nahimatay.

"Armida, Armida, naririnig mo ba 'ko?" tanong ni Alex habang tinatapik-tapik ang pisngi ni Armida.

"Josef . . ."

"Armida, makakalakad ka pa ba?"

Hindi na ito sumagot. Tuluyan na ngang nawalan ng malay.

"Oh sh—"

Hindi alam ni Alex ang gagawin niya kaya binuhat niya agad si Armida para ibalik sa bahay nito. Malamang na nandoon si Josef at matutulungan nito ang asawang nahimatay. Doon na rin sila tatawag ng doktor dahil medyo malayo ang ospital sa location nila.



Samantala . . .



Naglalakad ngayon si Fovicate papunta sa bahay nina Josef sa katapat na maliit na rest house. Nakailang hawi siya sa suot na white satin slip dress na madaling hubarin at sexy lingerie.

Oh come on.

Wagas ang ngiti niya habang naglalakad at pina-practice ang sasabihin kay Josef once na makarating siya sa bahay nila.

"Josef, I can feel you. Josef, you can cry on me. Josef, I love you. Ohmaayghaaad!" Napahawak siya sa pisngi at parang timang na nagpapadiyak sa kinatatayuan. Kinikilig siyang ini-imagine ang magiging setup nila ni Josef kapag nandoon na siya.

Hawak-hawak pa niya ang laylayan ng dress at paikot-ikot pa.

"Oh, Josef. Please be mine."

Nakarating na siya sa bahay sa kabilang kalsada. Nasa tapat na siya ng pinto at kakatok na . . .

Tok! Tok! Tok!

Nag-ayos pa ng kanyang wavy hair si Fovi at medyo ginulo niya nang kaunti para may kaunting volume at drama.

Walang nagbukas ng pinto.

Kakatok sana siya ulit pero mas minabuti pa niyang pumasok na lang nang tuloy-tuloy sa loob.

Pagbukas niya ng pinto, nakasara ang mga ilaw, pero nakita niya ang pinto sa banyo na may liwanag kaya napalunok na lang siya.

Nagsisimula nang bumilis ang pagtibok ng puso niya. Nanlalamig na rin ang mga kamay niya.

Biglang bumukas ang pinto ng banyo.

Lumabas doon si Josef na tumutulo pa ang tubig sa buhok. Naka-towel lang ito at mukhang malungkot.

Napakagat ng labi si Fovi dahil sobrang hot tingnan ni Josef habang nasa ganoong ayos.

"J-Josef. I-I'm here be-because—" Nauutal na nga siya, hindi pa niya maituloy ang sinasabi dahil naglalakad na palapit sa kanya si Josef.

"I-I'm here because . . . Ah!" Nagulat siya dahil biglang hinaltak ni Josef ang dress niya at pinalapit siya nito sa hot and wet and oh-so-yummy sexy body ng lalaki.

"Why are you here . . . ?" Josef said in his very husky, sexy, seductive voice.

"I-I'm he-here b-b-because . . . Oh my god." Pinadulas ni Josef ang kamay niya sa pisngi ni Fovi pababa sa balikat nito.

Namilipit bigla si Fovi habang unti-unting bumababa ang kamay ni Josef sa balikat niya pababa sa kamay.

Dumodoble ang heartbeat niya at pinagpapawisan na rin siya. Nakakaramdam siya ng kakaibang init sa loob.

"J-Joseeef . . ." pag-ungol niya.

Biglang hinalikan ni Josef ang leeg ni Fovi.

"Oh God . . ." Nararamdaman ni Fovi ang labi ni Josef na gumagapang sa leeg niya.

Napahawak siya sa batok ni Josef habang pinagpapatuloy nito ang paghalik sa leeg niya.

Bumibigat ang paghinga niya at napapikit na lang siya sa sobrang sarap.

Tumigil na rin si Josef sa paghalik sa leeg ni Fovi at saka niya ito itinulak sa may kama

"Josef . . . I'm yours. Do what pleases you."

Pumatong na sa kanya si Josef at pinunit nito ang suot niyang dress at lingerie.

Wala pa mang ginagawa si Josef hinihingal na si Fovi.

Hinalikan ulit ni Josef ang leeg ni Fovi. Hinawakan naman ni Fovi ang batok ng lalaki para itulak ito lalo sa leeg niya.

Habang tinutuloy ni Josef ang paghalik sa leeg ni Fovi, gumagapang naman ang kamay nito papunta sa dibdib niya.

"Aaahh . . . more . . ." napaungol na lang ulit si Fovi dahil talagang tuwang-tuwa siya sa ginagawa ni Josef.

Nakaabot na ang kamay ni Josef sa kanang dibdib niya.

"Yes, God. Hmf!" Hinawakan ni Fovi ang kamay ni Josef na lumalamas sa kanang dibdib niya.

Bumaba ang halik ni Josef papunta si kaliwang dibdib ni Fovi at talagang enjoy na enjoy si Fovi sa nangyayari sa kanya.

"Mmmm . . . Joseeef . . . Aaahh. Harder. Yes . . . More. Oh God."

"Ehem." Pagtikhim sa harapan na ikinamulat ng mga mata ni Fovi.

Tumambad sa harapan niya si Josef na nakataas ang kilay sa kanya at pinapanood siyang manyakin ang sarili niya.

"What the hell are you doing?" tanong pa ni Josef habang nakapamaywang.

"A-a-ano . . .J-Josef . . ." Pinamulahan agad ng mukha si Fovi at napalunok.

Sa lahat ng nangyari, lahat ng iyon gawa lang sobrang wild na wild na imagination niya.

"Ginagawa mo rito?" iritang tanong ni Josef.

"A-Ah! Ano . . . b-baka kasi . . . malungkot ka," nahihiyang sinabi ni Fovi sabay ipit ng buhok niya sa tainga.

"Saang banda?" tanong pa ni Josef at walang pakundangang hinawi si Fovi para makadaan siya. "Lumayas ka nga sa daan ko. Naiirita 'ko sa 'yo."

"W-What?!" di-makapaniwalang sinabi ni Fovi at tiningnan ang balikat niyang itinulak ni Josef. Palipat-lipat sa balikat niya at kay Josef na nagsasara ng pinto ng bahay ang tingin niya. "How dare you!"

Hinarap na ni Josef si Fovi at dinuro ito sa mukha. "Pakitimo nga 'to sa utak mo: AYOKO SA 'YO."

Naglakad na rin siya paalis para hanapin na ang asawa niya.

"Josef! Where are you going?!" sigaw ng naiinis na si Fovi.

Hindi siya sinagot ni Josef sa halip ay tuloy-tuloy lang ito sa paglakad. At dahil desperada na talaga siya, nakitakbo na rin siya para maabutan si Josef.

"Josef!"

"Go home!" sigaw sa kanya ni Josef habang nililingon nito ang paligid.

"Where are you going?!"

"I said go home! 'Wag mo 'kong sundan!"

Nakaabot ang dalawa sa may kalsada na papunta sa tiangge na pinanggalingan nila kaninang hapon.

"Armida!"

Sumisigaw pa rin si Josef habang nililingon ang tiangge na medyo kakaunti na lang ang tao dahil mas maraming tao sa mga bars at restos na nasa kabilang direksyon kung nasaan sila.

"Why are you finding her? She doesn't love you!" sigaw ni Fovi habang nakabuntot pa rin kay Josef.

"Shut up!" sigaw ni Josef sa kanya. "Armida!"

"Alam mo ba ang sinabi ni Alex sa 'kin kanina! Ang sabi niya, gusto niya si Armida! Actually, mas bagay nga sila e!"

Napahinto si Josef sa sinabi ni Fovi. Napaisip siya sandali. Napatingin tuloy siya kay Fovi na halos hingalin kakasunod sa kanya.

Wala namang kaso sa kanya kung sino mang demonyo ang magkagusto sa asawa niya. Ang inaalala niya ay kung hanggang saan magkakalkal ang mga ito ng detalye sa kung sino ba si Armida.

"I told you, Josef," hinihingal na sinabi ni Fovi. "Pabayaan mo na si Armida. Hindi kayo bagay!"

"You better stop following me, Fovicate. Wala kang mapapala sa 'kin," matigas na sinabi ni Josef at nagpatuloy na sa main road na kahapong tinahak nila.

"Armida!" sigaw na naman ni Josef. Huminto siya at nilingon ang crossing. Hindi niya alam kung saan dadaan, sa kaliwa, sa kanan, o sa harap.

"And you know what!" malakas na sinabi ni Fovi mahihimatay na dahil sa pagod kakasunod kay Josef. "Binigyan daw siya ng trabaho ni Armida! CEO pa!"

"That's stupid!" sagot pa ni Josef at patawid na sa kalsada. Hindi na halos makahabol sa kanya si Fovi na napalakad na lang habang hinihingal.

"Kausap ni Alex kanina yung abogado n'ong Erajin Hill-Miller whatever, I don't care, bahala siya." Huminto na rin si Fovi at nagpamaywang habang nasa gitna pa siya ng kalsada. Nakatingin lang siya sa taas at iniisip ang bagay na iyon. "But, look into it . . . Bakit nga ba niya bibigyan ng trabaho si Alex kung hindi siya gusto ng asawa mo?"

Napahinto si Josef nang biglang mabanggit ang pangalan ni Erajin Hill-Miller. Tumalikod na siya para tingnan si Fovi na may tatlong dipa ang layo sa kanya.

"Did you say Erajin Hill-Miller?" tanong ni Josef na kunot ang noo.

Napalingon si Josef sa kanang direksyon ng kalsada at naroon naman ang tunog ng mabilis ang pagpapatakbo ng motor.

Napalingon din doon si Fovi na nanlaki lang ang mga mata at hindi na nakakilos pa.

"RUN!" sigaw ni Josef sa babae.

Napatingin lang si Fovi roon sa motor na tinutukan siya ng headlights. Hindi siya makagalaw sa sobrang takot.

Napatakbo tuloy si Josef sa kanya para iligtas siya.

Isang metro na lang ang layo ng motor nang hawakan ni Fovi ang magkabilang tainga niya at napasigaw na lang siya sa sobrang takot.

"ALEX!"

Bago pa siya masagasaan. Nakuha na agad siya ni Josef. Tumilapon silang dalawa sa may gutter ng kalsada.

Ni hindi man lang huminto ang driver ng motor at tuloy-tuloy lang sa pagpapatakbo.

"Wala ka bang utak, ha?!" sigaw ni Josef kay Fovi.

Ang galit na mukha ni Josef ay napalitan ng takot dahil wala nang malay si Fovi.

"Hoy! Fovicate Hernandez! Wake up! Naririnig mo ba 'ko?!" Tinapik-tapik pa ni Josef ang pisngi ni Fovi para magising.

Ang kaso, hindi na ito magising dahil sa sobrang shock.

"Fuck!"

Binuhat agad siya ni Josef para ibalik doon sa rest house ng mga ito. Doon na rin siya tatawag ng doktor dahil hindi niya alam kung saan ang pinakamalapit na clinic o ospital sa lugar.



Sa kabilang banda . . .



"Nakita n'yo?"

"Hindi e."

Naghahanap pa rin sina JC kung nasaan si Armida. Nilibot na nila ang lahat ng mga bar and resto na puwedeng mapuntahan sa lugar nila. Kahit yung ilang mga kainan at mga tagong lugar.

Hindi pa sila nakakapaghanap sa may beach dahil sa direksiyong itinuro ni Miethy, maging sa mga pinaliwanag nito na baka nagwalwal si Armida dahil brokenhearted daw.

Alas-otso pasado na ng gabi at hindi na nila alam kung saan pa maghahanap.

"Ano ba kasi'ng ginawa ng Josef na 'yon at inaway niya yung asawa niya?" inis na sinabi ni John.

"Armida!" sigaw nila.

Bzzt! Bzzt!

Kinuha ni JC ang phone niya sa bulsa. Tumatawag si Miethy.

"Hello, Mahal?"

"Nakita n'yo na?"

"Hindi pa nga e."

"Bumalik na lang muna kayo rito. I-report na lang natin sa mga pulis para matulungan tayo sa paghahanap."

"Sige, bye."

"Ano, JC? Ano'ng sinabi ni Miethy?" tanong ni John.

"Mag-report na lang daw tayo sa mga pulis," sagot ni JC habang tinitingnan ang phone niya at ang paligid.

"Mas mabuti pa nga. Napapagod na 'ko e, hindi naman 'to yung ipinunta ko rito," reklamo pa ni Earl.

Sa rest house ng magbabarkada . . .

Nag-aabang sa labas ng rest house ang mga babae. Hinihintay nila na baka biglang bumalik si Armida. Kinatok nila ang bahay pero wala rin si Josef kaya malamang na naghahanap na rin iyon sa mga oras na iyon.

"Mie!"

Napalingon sila sa sumigaw.

Lumapit agad sina JC sa kanila.

"Tara na sa police station!" aya ni Nicole.

"Sino'ng maiiwan dito?" tanong ni John.

"Kami na lang ni Nikki," sagot agad ni Earl.

"Sige. Tara na," sabi ni Miethy.

Lalakad na sana sina Miethy sa kaliwang direksiyon nang biglang sumulpot sa may entrance ng village sa di-kalayuan sa si Josef na buhat-buhat ang walang malay na si Fovicate.

"T-t-teka. Si Josef!" Itinuro agad ni Miethy ang lalaki.

Nagulat silang lahat dahil buhat-buhat nito si Fovi.

"Bakit buhat niya si Fovi?" takang tanong pa ni Nikki.

"Girl, naka-crop top kanina si Fovi, di ba?" nagtataka ring tanong ni Nicole. "Bakit nag-dress si Gaga?"

"Uh, guys," pagtawag ni John. Nagtinginan tuloy sila sa kanya, kasunod sa tinuturo nito sa kabilang direksyon naman ng kalsada.

"Holy shit."

Halos bumagsak ang mga panga nina Nikki habang nakatingin sa itinuturo ni John.

"Nakita na pala ni Alex si Armida," kalmadong sinabi ni JC.

Napalingon ulit sila kay Josef at doon na napansin ang kakaibang ayos ng dalawang lalaki.

Kanina pa kasing umaga naka-white shirt si Josef at black pants. Naka-white dress din si Armida kaya napuna nilang parang may wedding pictorial ang dalawa.

Hindi na tuloy nila alam kung matatawa ba sila o maiiyak dahil um-attend nga raw ng sandaling online meeting si Alex kaya kailangan nitong magsuot ng casual formal attire na white shirt at and black pants. Malay ba nilang may kung anong kalokohang ginawa si Fovi at nag-white satin dress din ito.

Naghalo-halo na ang emosyon sa mga babae. Nagulat, nalungkot, kinikilig, naiiyak—napaluha na lang si Nikki nang walang solidong dahilan kung bakit.

Masama ang tingin ni Josef kay Alex nang mapahinto sa paglalakad. Ganoon din si Alex sa kanya.

Pumagitan sina Josef at Alex at gitna ng kalsada.

"Oh my gosh," mahinang nasabi ni Nicole at hindi na alam kung sino ang titingnan sa dalawang pares.

Bumaba ang tingin ni Josef sa bisig ni Alex. Napahugot siya ng hininga dahil hawak ng ibang lalaki ang asawa niyang walang malay.

Ganoon din si Alex at pinaningkitan ng mata ang kaharap. Hawak lang naman ni Josef ang asawa niyang wala ring malay at hindi niya alam ang dahilan.

"You've got the wrong wife, dude," seryosong sinabi ni Alex kay Josef.

Tinapatan naman ni Josef ang pagkaseryoso ni Alex.

"Tell that to yourselffirst."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top