19. Lover's Quarrel

"Armida, puwede bang tigilan mo na 'tong kung ano mang binabalak mo?" inis na sinabi ni Josef pagkasarang-pagkasara ng pinto ng bahay nila.

Nagtuloy-tuloy lang si Armida sa kitchen area at nagbukas ng ref. Ni hindi man lang inimik si Josef. Kumuha lang siya ng isang bote roon ng pineapple juice at uminom.

"I don't want you to get into trouble again," pagpapatuloy ni Josef na tumayo lang sa harapan ng counter habang sinesermunan ang asawa niya. "Hindi ka na bata na lagi kang sasawayin sa lahat ng kalokohang ginagawa mo."

Nagbaba ng boteng ininuman si Armida at nagbuntonghininga. Napatingin na lang siya sa bintana at napansing lumubog na pala ang araw at papadilim na.

"Armida, nakikinig ka ba?" inis na tanong ni Josef.

"Ano ba'ng problema mo?" inis ding tanong ni Armida.

"You're on it again! That's my problem!" galit na sigaw ni Josef. "You kept on doing stupid, reckless things kaya ka napapahamak!"

"Huh!" Hindi naman makapaniwala si Armida sa narinig kay Josef. "Ako? Mapapahamak? Kanino?" Itinuro niya ang direksiyon ng pintuan. "Sa mga taong 'yon?"

Napahilamos dahil sa inis si Josef at napakagat ng labi sabay pamaywang. Hindi na niya alam kung paano pagsasabihan ang asawa niyang pagkatigas-tigas ng ulo.

"Armida, kailan ba dadating yung araw na hindi mo 'ko bibigyan ng sakit ng ulo?"

Nagkrus agad ng mga braso si Armida at nakataas pa ang kilay nang tingnan ang lalaki. "Bakit ba lahat na lang ng ginagawa ko, pinakikialaman mo?"

Si Josef naman ang hindi makapaniwala sa sinabi ng asawa niya. At ang lakas pa nitong magtanong kung bakit niya pinakikialaman ang mga ginagawa nito.

"Naririnig mo ba 'yang sarili mo, hmm?" tanong pa ni Josef. "Nasa bakasyon tayo! Pinagbakasyon tayo dahil sa kagagawan mo! Wala si Cas ngayon dahil sa ginawa mo! Will you stay and behave kahit ngayon lang, ha? Pinapahamak mo ang sarili mo, pati na ang ibang tao! Gano'n ba kasaya para sa 'yo ang gumawa ng ikasasama ng loob ng iba?"

Ibinalibag ni Armida ang hawak niyang bote sa lababo at inis na tiningnan si Josef. "Ano ba'ng pinagpuputok ng butsi mo, ha?" Itinuro na naman niya ang pinto. "Na ano? Na sumama ako kina Miethy?"

"Armida, hindi ako ipinanganak kahapon. At alam kong hindi ka tanga!" Itinuro na rin ni Josef ang direksiyon ng pintuan. "Tingin mo, di ko mapapansing sinasadya nilang paghiwalayin tayo kanina, hmm?"

"Ano ba'ng ikinakatakot mo?!"

Marahas ang buga ni Josef ng hininga at napaiwas ng tingin. Naiinis siya at hindi niya masagot ang tanong na iyon ni Armida.

Ano nga ba ang ikinakatakot niya? Samantalang mga ordinaryong tao lang naman sina Miethy para katakutan niya.

"Alam mo, Josef, napapraning ka na," sabi pa ni Armida at umikot sa center isle paalis sa kusina. "Why do you always think na lagi akong gumagawa ng problema, ha? Na kahit yung simpleng pamimili lang namin nina Miethy, pinagdududahan mo pa!"

"Masyado namang obvious na may hidden agenda 'yang Miethy na 'yan kaya 'yan nandito palagi! And you're letting her!" malakas na sinabi pa ni Josef na pinanatili ang tingin sa labas ng bintana. "Wala ka bang ibang dadalhin dito kundi problema, ha? Kailan ba 'ko magigising at matutulog sa isang araw na hindi ko naririnig o nalalamang nagkakaproblema ka?"

"I'm a walking streak of problem, Josef! The moment you knew who I was and what I am right now, you should know the answer to that question!" inis na sinabi ni Armida at dinuro pa ang ibaba niya. "And if you can't handle my worst, then quit!" Mabilis siyang lumakad papunta sa pinto dahil sa pagkainis.

Galit na nilingon ni Josef ang asawa niyang mag-wa-walkout na naman.

Hahawakan na ni Amida ang doorknob nang magsalita si Josef.

"Subukan mo lang lumabas sa pintong 'yan—"

Hindi na naituloy pa ni Josef ang sinasabi dahil ayaw niyang pagsisihan ang susunod na sasabihin.

"You don't know how to handle me, Richard Zach. I guess that's the reason why I always win even when you're right."

Binuksan na ni Armida ang pinto at tuloy-tuloy na lumabas. Dire-diretso lang ang tingin niya sa daan.

Hindi na rin niya napansin si Miethy na nandoon sa may gilid ng pinto habang tinatakpan ang mukha ng paso na may tanim na euphorbia. Nagtatago raw siya, kaya ganoon.

"Araykunamen." Ibinaba na agad niya ang hawak na paso at pinunasan ang pisngi niyang natinik ng halaman.

Lumapit pa siya sa pinto at idinikot doon ang tainga niya.

"Ano ba, Josef, habulin mo si Armida," bulong niya sa pintuan.

Naghintay siya kung lalabas ba si Josef.

Ilang segundo pa pero walang lumabas.

"Ano ba 'yan, Josef!" Napailing na lang siya at tumakbo papunta sa rest house nila. Manghihingi siya ng tulong kay JC para hanapin si Armida. Nag-aalala siya dahil gabi na at maraming nag-iinuman sa direksiyon na tinungo nito.

"Jessie Chris! JC!" Nagsisisigaw si Miethy habang hinahanap ang asawa niya.

"O, Mie! 'Nyare?" tanong ni Nikki na may dalang pineapple juice.

"Si Jace?" tanong ni Miethy.

"Sa terrace, why?"

Hindi na sumagot pa si Miethy, sa halip ay kumaripas ito ng takbo papunta doon sa terrace.

"JC!"

Naabutan ni Miethy sina JC, Earl, at John doon sa may terrace at nag-iinuman.

"O, may sunog ba at kung makasigaw ka, wagas?" tanong ni JC.

Nagsulputan na rin sina Nikki at Nicole sa terrace para makitsismis kay Miethy at sa sasabihin niya.

"Tulungan n'yo 'ko! Sundan natin si Armida!"

"Si Armida?" sabay-sabay pa nilang sinabi. "Bakit? Ano na namang problema?"

"E kasi ganito 'yon . . ." paliwanag ni Miethy sa mas kalmadong tono. "Nagpunta kasi ako sa kanila para ayain silang mag-dinner kaso naabutan kong nagsisigawan yung dalawa kaya hindi na 'ko tumuloy sa loob. Nag-away sila e. Hindi ko alam ang gagawin ko kasi tuloy-tuloy lang si Armida palabas ng bahay nila. Tulungan n'yo na lang akong habulin siya kasi baka madampot ng mga lasing!"

Nag-pa-panic na talaga si Miethy at parang pusang hindi matae na paikot-ikot sa kinatatayuan nya.

"Hindi ba siya hinabol ni Josef?" tanong pa ni Nicole.

"Hindi nga e!" inis pang sinabi ni Miethy.

"Alam mo, 'yang Josef na 'yan, 'yan talaga yung may problema sa kanilang dalawa e," mapagdudang sinabi ni JC. Itinuro pa niya ang daan. "Alam na ngang gabi na, hinayaan lang yung asawa niyang umalis mag-isa? Paano kung mapahamak 'yon?"

"Hanapin n'yo na lang!" utos pa ni Miethy.

"O, sige na, sige na. Hahanapin na namin," tinatamad na sinabi ni JC.

Tumayo na agad ang mga lalaki.

"Mag-stay na lang kayo rito at kami na lang ang maghahanap," sabi ni John at tumayo na rin.

"Baka kung sumama pa kayo at kayo naman ang matiyempuhan, aysos." Nag-ayos na rin si Eral para makaalis na sila.

Tumango na lang sila at pinanood sina JC na bumaba sa pinakamalapit na hagdan sa terrace.

Ang hindi nila alam, nakatago sa may hallway sa gilid lang nila si Fovicate at dinig na dinig ang lahat ng sinabi ni Miethy.

"Nag-away sila," pag-uulitsi Fovi sa narinig. "Kawawa naman si Josef. Kailangan niya ng shoulder to cryon." Nag-giggle pa siya sa sobrang kilig. "Fovicate, it's your time to get him."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top