15. The Dare
Sanay namang nagigising nang maaga ang mag-asawa. Wala pa ngang alas-sais, gising na si Josef. Si Armida lang ang tulog pa, marahil ay bumabawi ng pahinga matapos ang nangyari noong nakaraang isang linggong hindi man lang ito humihinga.
Ang kaso, hindi pa man nakakapag-almusal ang dalawa, sinugod na naman agad sila ni Miethy sa bahay at kinaladkad na naman si Armida sa kung saan.
Nag-rent daw ng private swimming pool ang magbabarkada, at naka-reserve sa sampung tao ang lugar. At dahil kulang ang grupo ng dalawang tao, wala tuloy magawa sina Armida kundi makisama na lang. Doon na rin sila nakalibre ng breakfast kaya hindi na sila nakapagreklamo.
"Sure ba kayo rito?" tanong pa ni Josef sa mga katabi niya.
Nasa mahabang wooden bench a.k.a. HUSBAND'S CORNER silang lima. Si Alex sa kanang dulo, katabi niya si JC, tapos si Josef na katabi si Armida, at si Earl sa dulong gilid na may hawak ng SLR. Si John naman ang nasa gilid ng pool at nag-aasikaso sa sounds.
"P're, 'sensya na, hobby talaga nila 'yan," pasintabi sa kanya ni JC na humigop pa ng hawak na orange juice pagkatapos. "Ganito talaga kami 'pag may outing."
At dahil swimming, wala silang mahanapan ng may suot na relo kaya malay nila kung ano'ng eksaktong oras na ba maliban sa alam nilang tanghali na.
"Alam mo, dapat sumali ka diyan e," sabi pa ni Josef sa asawa niyang prenteng-prenteng naka-de-kuwatro sa inuupuan habang nakakrus ang mga braso.
"Mukha ba 'kong belong?" sarcastic pang sinabi ni Armida habang turo-turo ang damit niyang white peasant dress na hanggang binti ang haba. "Ikaw palayungin ko nang nakaganito, gusto mo?
Malay naman kasi nilang may swimming palang magaganap. Ang alam lang nila, breakfast lang. Kahit si Josef, naka-white T-shirt na manipis lang din at maluwang na gray cotton shorts. Samantalang yung mga katabi nila, mga naka-swimming trunks.
May pa-sound trip ang magbabarkada, biglang tumugtog ang malakas na Low ni Flo Rida sa kanang gilid nila.
"Aw, yeaaaah!" Agad na nabuhayan si Armida at napaurong paharap habang kinukumpas ang mga kamay sa hangin na parang nasa club lang.
Saglit na nagulat si Josef sa asawa niya at natawa na lang dahil hindi siya makapaniwalang mukhang mag-e-enjoy ang asawa niya sa nangyayari.
At talagang pinaghandaan ng mga babae ang swimming na iyon. Kanya-kanya na silang pasikat sa mga suot nilang swimsuit.
"Good morning, boys!" malakas na sabi ni Miethy with matching pa-kaway kaway pa na pang-beauty queen sa dulo ng pool.
Nahahati pa naman ang pool sa dalawang panig. Pang-adult sa kaliwa at kiddie pool naman sa kanan, at may aisle sa gitna. Sakto, may pagrarampahan ang mga babae kapag sinimulan na ang mga pakulo nila.
Naglabasan na rin sila galing sa shower room at pumila na parang may nagaganap na bikini open.
Kanya-kanyang sipol ang mga asawa nila para i-cheer sila. Nakisipol na rin si Armida at naki-cheer.
"Ano, inggit ka na?" tanong pa ni Josef sa asawa niya.
Tiningnan naman ni Armida ang suot niya. "ASA!" Tumawa na lang ito at umindak na naman sa malakas na tugtog.
"You seem to enjoy this one, huh?" di-makapaniwalang tanong ni Josef.
"Yeah, I do!" nakangiting sinabi ni Armida na panay ang sabay sa beat.
Rumampa na sa paligid ng pool ang mga candidate slash mga member ng Wives' club para ipangalandakan ang kani-kanilang mga katawan.
Pumuwesto si Miethy sa may kabilang dulo ng pool para mag-host kuno. May hawak pa siyang bote ng mineral water na may laman para gawing kunwaring microphone.
"Contestant number one! Ang mestisang lakwatsera ng Santa Isabel! 25 years old, Nicole Nestine Perez-Watts!" sigaw ni Miethy para marinig nilang lahat.
Rumampa naman si Nicole sa may kabila ng pool, katapat ng kung saan nakapwesto ang mga lalaki. Huminto siya sa gitna at nag-hand wave na pang-beauty queen.
Nagpalakpakan naman ang mga lalaki, at nakipalakpak din sina Armida.
"Good morning, ladies and gentlemen! Nasa inyong harapan ang pinaka-cute na babae sa balat ng lupa! Ako si Nicole, at ako po ay naniniwala sa kasabihang: 'Wag kang maglalagay ng pinto sa harap ng isa pang pinto, dahil pagpasok mo, nasa labas ka ulit! Tengkyaw!"
Nasa 5'2" lang ang taas ni Nicole at medyo chubby nang kaunti. Lalo pa siyang naging cute tingnan sa suot niyang blue bikini na nagpaangat ng pagiging mestisa niya.
"Ano'ng score n'yo, guys?" sigaw ni Miethy sa mga lalaki.
"Perfect 10!" sigaw ni John sa kabilang panig ng pool na sumisipol pa para sa asawa niya.
"10!" si Alex.
"10!" si Earl na nagsisimula nang kumuha ng shots at umalis na sa bench.
"10" si JC.
"10!" pag-cheer ni Josef habang pumapalakpak pa.
"100!" sigaw ni Armida with matching WHOOH! pa.
Nagtawanan naman ang mga nasa Husband's corner.
Pumunta na sa kabilang dulo ng pool si Nicole at nag-pose doon. Rumampa rin siya sa aisle ng swimming pool para makabalik sa pinanggalingan nila kanina.
"Contestant Number 2!" pagsigaw na naman ni Miethy. "Ang Sadako ng Millionaire's! 27 years old! Nikki Evol Sy- Miranda!"
Lumapit agad si Josef kay Armida para bumulong. "Buti, hindi pa napapatiran ng litid sa leeg si Miethy."
"Bad," natatawang sinabi ni Armida at tinampal sa sentido ang asawa niya para tumahimik.
At rumampa na rin si Nikki with matching paikot-ikot pa. Tumingin-tingin din siya sa paligid na akala mo, may hinahanap, iyon pala, part daw ng modelling niya.
Huminto siya sa gitna at nag-hand wave.
"Magandang magandang maganda ako sa inyong lahat! Ako si Nikki Evol Miranda na naniniwalang hindi lahat ng maganda ay babae. Yung iba, malamang sa alamang, dati mong kumpare! Maraming salamat po!" Nag-bow pa siya nang bigay na bigay dahil halos paabutin niya ang dulo ng buhok sa tiles ng pool bago hinampas sa hangin pagdiretso ulit ng tayô.
Nasa 5'6" ang height niya at super skinny. Maputi rin at nagmumukha siyang matangkad dahil sa pagiging payat, dagdag pa ang buhok niyang mahaba at pina-straight. Tama nga ang pagtawag sa kanya ng Sadako ni Miethy dahil sa itsura. Bumagay naman sa kanya ang suot niyang red one-piece swimsuit.
"O! Ano'ng score n'yo, guys?!" sigaw na naman ni Miethy. At ininom na rin ang laman ng hawak niyang mineral water dahil sumakit na ang lalamunan.
"10!" sigaw ni John.
"ASAWA KO 'YAN! WAN TAWSAN! WHOOH!" sabi ni Earl at halos dumapa na sa sahig ng pool para lang picture-an nang maganda ang asawa niya.
"10!" masaya ring score ni Alex at nagtaas-taas na ng kamay.
"10!" malakas na sinabi ni JC at sumipol pa.
"10!" dagdag ni Josef.
"100! Mayaman ako sa score! Whooh!" Kumampay pa ang mga braso niya sa ere para maki-cheer, kahit na puro naman sila 10 sa mga babae.
At naghagalpakan na naman ng tawa ang mga nasa Husbands' corner.
Sunod na pumasok si Fovicate.
Akala ng mag-asawa, hindi siya ang tipong sumasakay sa mga ganoong kalokohan, pero sinakyan pa rin talaga niya.
Kompara sa naunang dalawa, naglakad lang siya. Pero kapansin-pansin na may finesse ang paglalakad niya na talo pa ang mga supermodel na rumarampa sa cat walk. Natural na natural ang poise. Lahat tuloy sila, serious-mode na.
Huminto siya sa gitna at tinaasan silang lahat ng kilay. Umikot siya para ipakita ang katawan niyang halatang mine-maintain. Nasa 5'10" ang height niya. Halatang may Hispanic blood dahil sa natural na kaputian. Coca-cola body rin at talagang may maipagmamalaki. Ang sexy niyang tingnan sa pink bandeau top at short shorts na bukas ang butones para ipakita ang kulay light blue na nasa ilalim niyon.
"Contestant Number 3! Ang Señorita ng La Villena! 27 years old, Fovicate Viernes-Hernandez! Ano'ng score n'yo?!"
"10!" sigaw ni John na hindi na bakas ang tuwa.
"10!" malakas na sinabi ni Earl na parang pilit din. At sinubukan pang pumuwesto sa pool para sa mas magandang shot kompara sa sarili niyang asawa.
"10!" kahit si Alex, parang napipilitan lang.
"10!" sigaw rin ni JC na mukhang takot pa.
" . . ." Hindi na nagsalita si Josef.
"Ipanalo n'yo na 'yan!" sigaw ni Armida. "Baka umiyak pa!"
Nagtakip naman ng mga mukha ang mga nasa Husband's corner. Yari sila kapag humagalpak sila ng tawa. Si Fovicate pa naman ang pinag-uusapan.
Mabilis na tinakpan ni Josef ang buong mukha ng asawa niya sabay "Sshh! Bibig mo!"
Natawa na lang din ang ibang mga babae, pero tinanggal agad nila ang tawa. Snob na lang si Fovicate sabay taas ng kilay. Pakialam niya. Basta siya, maganda, sexy, at mayaman, TAPOS!
Sumunod at huling rumampa si Miethy.
Kakaiba ang modelling walk niya, parang lasing na higad. Para bang lahat ng kanto ng katawan niya, umaalon, kaya wala siyang diretsong lakad. Kinabog silang lahat. At yung ngiti niya, pang-cheer leader na naka-nganga.
Mabuti at walang nagkamaling langaw na pumasok sa bibig niya para sirain ang ngiti niyang bukang-buka.
Morena siya at nasa 5'7" ang tindig. Maganda ang shape ng katawan niya at bagay na bagay ang suot niyang polka dots two-piece na may ruffles pa. Wavy ang hair at mukhang laging rumarampa sa mga beauty pageant.
Nag-pose siya nang bongga sa gitna at inubos ang laman ng mineral water na hawak. Pagkatapos ay nag-flying kiss pa sa asawa niya at waging-wagi na nginitian na naman silang lahat.
"Contestant Number 4! Ang Diyosa ng Seaside! 26 years old! Seksing-seksi, smile pa lang, ulam na! Anne Miethy Villena-Guevarra! At naniniwala ako . . . sa kanilang kasabihan! Ano'ng score n'yo!"
Walang nag-score sa kanya. Sinipulan lang at nagsitawanan ang mga lalaki.
"'Wag nang iskoran 'yan! Panalo na 'yan! WHOOH!" sigaw ni Armida at kinumpas-kumpas na naman ang mga braso sa hangin kasabay sa beat ng Like a G6.
Umagang-umaga pero parang mga lasing ang mga nasa Husband's corner. Dagdag pa si Armida na kung makakilos, para matagal na silang magkaka-tropa.
"So, pa'no ba 'to. Panalo na si Miethy. Akin na mga pera n'yo. Dali," sabi pa ni Armida habang sinisingil ang mga lalaking katabi niya.
"Oy, teka! Bakit mo kami sinisingil?" nagtatakang tanong ni JC.
"Wala bang pustahan 'to? Panalo yung bata ko a! Pera, bilis!" sabi ni Armida na talagang seryoso sa paniningil niya.
"Diyos ko, Armida, tigilan mo nga 'yan!" pag-awat agad ni Josef at tinakpan agad ang mata ng asawa niya gamit ang kaliwang palad. "Pasensya na rito sa asawa ko, kinulang lang 'to sa sugar." Pilit naman ang naging ngiti ni Josef kina JC sabay tampal nang mahina sa gilid ng noo ng asawa niya.
"Problema mo?" tanong agad ni Armida habang pinandidilatan si Josef.
"Ikaw," diretsong sagot ng lalaki.
"Tss!" Mabilis na tumayo si Armida at nagpagpag ng suot na dress. "Nakakainggit tuloy sila."
"O, saan ka pupunta?" usisa ni Josef.
"Parang naiinitan ako sa suot ko," sabi ni Armida sabay kindat. "Wait for me."
Saglit na hindi nakaimik si Josef. Hindi niya alam ang ibig sabihin ng kindat na iyon.
Naiinitan daw si Armida sa suot nito.
Dahan-dahan, napatango na lang siya. Parang alam na niya kung ano ang ibig nitong sabihin.
Nagsimula na sa pag-s-swimming ang mga babae, samantalang yung mga lalaki, nakaupo pa rin at pinanonood ang mga asawa nilang mag-swimming. Patuloy lang din sa pagkuha ng picture si Earl. Si JC, inaasikaso pa rin ang sounds.
Makalipas ang ilang minuto, dumating na si Armida.
"Uh, wait," nasabi ni Alex at napatayo.
Kanya-kanya silang tingin sa kaliwang direksyon ng pool habang sinusundan ng tingin si Armida na rumarampa sa gilid papalapit sa kanila.
"What the hell . . ." mahinang nasabi ni Josef habang nakatitig sa asawa niya.
"ARMIDAAAA!" malakas na tili ni Miethy at umahon bigla sa pool.
"A-akala ko . . ." utal na sinabi ni Josef habang hinahaguran ng tingin ang asawa niya.
"Uhm, why?" tanong pa ni Armida pagkatapos humigop sa dala niyang isang buong buko na nilagyan lang ng straw.
"Akala ko, magpapalit ka," litong sabi ni Josef. "Sabi mo naiinitan ka . . ."
"Oo nga," tumango pa si Armida sabay pakita ng dalang buko. "Kaya nga bumili ako ng buko juice."
"Armida, saan mo binili!" tili na naman ni Miethy, mukhang nainggit kasi may pa-buko si Armida.
"Gusto mo?" alok pa niya kay Miethy na malugod naman nitong tinanggap at nakiinom na rin.
"Wow, saraaap!" sabi pa ni Miethy na nakapikit. "Mahal, bili mo 'ko nito!"
"Oh, God." Napatakip na lang ng mukha si Josef dahil akala niya, nagpalit nga ang asawa niya ng pang-swimming.
Hinayaan na ni Armida ang buko kay Miethy dahil mukhang tuwang-tuwa ito sa inumin. Bumalik na lang siya sa pagkakaupo sa bench katabi ang asawa niyang dismayado.
"Akala ko, nagpalit ng swimsuit," dismayadong sinabi ni Josef.
"Bakit ako magpapalit?" takang sagot ni Armida.
"At talagang bumili ka ng buko sa labas?"
"E mainit nga! Wala ka namang dinalang inumin natin!"
Napaurong na lang sa pagkakaupo si Josef at napataas ang magkabilang kamay na hindi na rin alam kung ano pa ang dapat sabihin.
Nagsilanguyan na rin ang mga lalaki at silang mag-asawa na lang ang natirang nakaupo sa bench.
Ilang beses na silang inaya pero halatang wala silang ganang makisama. Pareho lang silang naka-de-kuwatro at nakahalukipkip.
Ilang minuto rin silang nakatingin sa mga nasa pool nang mapansin nilang nagtitipon-tipon ang mga ito sa gitna.
"Nalalaro ba sila?" takang tanong ni Armida nang mapansin ang nangyayari.
"Might be," sagot ni Josef.
Ilang sandali pa, naghiwa-hiwalay na rin sila at umahon na ang iba.
"Uy, walang KJ dito, ha!" nakangiting sinabi ni Miethy at hinatak na naman si Armida.
Kahit si Josef at nahatak din nina JC at Earl.
"Saglit! Saglit, Armida!" malakas na pagtawag ni Josef. Wala namang kaso sa kanya kung siya ang ibabato sa pool, pero ang asawa niya?
"W-wait! Hey!" Nakaladkad na naman ni Miethy si Armida papalapit sa pool. "Miethy, naka-dress ako!"
"Wala kaming pakialam!" malakas na sinabi ni Fovi at walang habas na sinipa sa likod si Armida na ikinagulat nilang lahat.
Splaaash!
"HAHAHA!" Ang lakas ng halakhak ni Fovi nang tumilapon sa pool si Armida dahil sa ginawa niya.
Kanya-kanya silang tahimik at si Fovi lang ang dinig ang malakas na tawa.
"Oh no," sabi ni Miethy na nanlalaki ang mga mata.
"Shit!" Malakas na kinabig ni Josef ang dalawang kamay na maluwag na nakahawak sa kanya at nilipad na ang pool para sagipin ang asawa niya.
O, hindi sagipin. Para awatin.
"Armida! Armida!" Nag-aalala siyang hinatak si Armida mula sa ilalim ng pool.
"Josef, okay lang ba si Armida?!" narinig niyang tanong ng isa sa mga babae-hindi siya sigurado kung kay Nikki ba o kay Nicole na boses. Pareho kasing matinis.
Nakaahon si Armida dahil sa pagkakahatak ni Josef. Pinunasan agad niya ang mukha para matanggal ang mga tubig. Hinawi rin niya ang buhok niya sa mukha at naghabol ng hininga.
"Armida? Armida, are you alright?" nag-aalalang tanong ni Josef.
"Ano, Josef! Okay lang ba si Armida?" tanong ni JC.
Halos lumabas na ang puso ni Josef sa sobrang kaba. Maraming dahilan para kabahan siya, kung alam lang nila. Huwag sanang mapikon si Armida, paulit-ulit iyang sinasabi ni Josef sa isipan niya. Hindi maganda kung magagalit ngayon si Armida dahil hindi niya alam kung mapipigilan niya ito oras na magwala dahil sa galit.
"Ang KJ n'yo naman kasi!" buyo pa ni Fovi.
"Girl, uy!" pag-awat ni Miethy.
"Don't take everything seriously, okay?" Hawak ni Josef si Armida sa pisngi at tinitingnan kung ano ba ang reaction nito sa nangyari. "Say 'yes, I won't.' Armida, say yes, I won't to me."
At hindi na naman sumagot si Armida. Nakapikit lang ito at humihinga nang malalim.
"Armida, katuwaan lang 'to," paalala ulit ni Josef na mas lalong kinabahan sa pananahimik ng asawa niya.
Itinulak lang ni Armida ang sarili palayo kay Josef at lumangoy papunta sa hagdan ng pool.
"Oh, fuck. Armida!" Lumangoy na si Josef para sundan ang asawa niya.
Nagkatinginan ang mga kasama nilang naroon maliban kay Fovi na halatang tuwang-tuwa sa ginawa niya.
"Ooops!" nakangising sinabi ni Fovi at kita sa reaction niya na mukhang may napikon.
Umahon na silang dalawa. Nakasunod lang si Josef kay Armida. Hindi iyon oras para sa biro kaya naka-attack mode na siya para labanan ang asawa niya. Masyadong delikado lalo pa't walang imik si Armida. Alam niyang siya lang ang may pag-asang makapigil sa asawa niya sa mga oras na iyon. At kahit sa pagpigil na parte, parang hindi pa siya sigurado.
Huminga nang malalim si Armida bago siya humarap sa mga babaeng sumipa sa kaniya papunta sa pool. Kahit sa mga sandaling iyon, dama pa niya ang sakit sa likod gawa ng malakas na puwersang tumama roon.
Mabilis na naghubad ng basang dress si Armida na dumoble ang bigat dahil sa tubig. Inihagis niya agad iyon sa kung saan at seryosong tiningnan ang direksyon nina Miethy-partikular na si Fovi.
"Armida," pag-awat ni Josef. Nagtaas lang ng kanang kamay ang asawa niya para patigilin siya.
Kapag umaabot sila sa mga sandaling iyon, kusa nang lumalabas ang mga aura nilang nararamdaman lang kapag handa na silang lumaban nang patayan.
At masyadong mababaw ang dahilan para nga sa ganoong pagkakataon.
Napanganga na lang sina Miethy dahil hindi nila alam kung sino sa mag-asawa ang titingnan.
Parang naging see-through ang manipis na T-shirt ni Josef sa kanya kaya bakat na bakat dito ang matipunong katawan ng lalaki. Halos bilangin nila ang abs ni Josef na nagpalaki ng mata ng mag-best friend. Pag-angat nila ng tingin, mas lalong naging guwapo sa paningin nila si Josef na naghawi ng basang buhok. Kumikislap na parang diyamante sa mukha nito ang bawat patak ng tubig habang nakatayo pa ang dalawa sa puwesto kung saan nasisinagan pa sila ng tanghaling araw.
Naglakad na papalapit si Armida sa kanila.
Halos mapaatras sila dahil ang ganda ng lakad nito-chin up at tiger look-damay pa ang katawan nitong sobrang kinis at sobrang puti-o putla. Napakakitid din ng baywang nito at may malusog na dibdib na itinatago ng itim na bra. Proportion sa balakang nitong kapansin-pansin dahil sa suot nitong itim ding ladies' boxer.
Hindi nila maipaliwanag kung bakit abot-langit ang kabang nararamdaman nila habang nakatingin dito. Ni hindi na nila namalayang ang layo na nila kay Fovi kakaatras dahil sa nerbyos.
"A-Armida . . ." Napalunok na lang sina Miethy habang nakatitig sa kanya.
"You think that's funny?" seryosong tanong ni Armida sa kanilang lahat. Lalapit na sana siya sa puwesto ng apat na couple pero ipinalibot agad ni Josef ang braso nito sa baywang niya para pigilan siya.
"Don't do something bad, please," paalala ni Josef. Pinipilit niyang pigilan si Armida sa kung ano mang masama nitong magagawa. "Simpleng mga tao lang 'yan."
"I won't do anything bad, Josef. Worry not," maangas niyang sinabi at inalis na ang braso ni Josef sa baywang niya. Lumapit siya sa kanila at pumuwesto sa harapan mismo ni Fovi. Siya naman ngayon ang nanghagod ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Nandito kayo para makisama," mataray pang paalala ni Fovi. "Pasalamat ka nga, sinasama pa namin kayo."
"Huh!" Hindi makapaniwala si Armida sa narinig. Na parang utang na loob pa niya na binubulabog sila sa bakasyon nilang mag-asawa. "Kaya ba sinipa mo 'ko?"
"Ayoko ng namimilit ng tao," sagot pa ni Fovi sabay krus ng mga braso at taas ng kilay.
"Ah, okay." Tumango pa si Armida. "Kaya siguro ipinagsisiksikan mo ang sarili mo sa asawa ko kagabi."
Kumunot ang noo ni Fovi sabay nandilat ng mata sa kaharap. Mababasa sa mukha niya ang pagtataka kung saan iyon nakuha ni Armida.
"Hindi ko ipinagsisiksikan ang sarili ko. Pareho lang tayo, Armida. Pera lang din ang katapat ng asawa mo."
Natawa nang mahina si Armida at tumango na naman. "Gusto mong malaman kung gaano kadaling makuha si Josef?" Lumapit siya kay Fovi para bumulong. "Binibigyan na kita ng permisong makuha ang asawa ko hanggang sa huling araw namin sa islang 'to." Umurong na rin siya paatras at nagtaas na naman ng tingin. "Kapag nagawa mo 'yon, kalilimutan ko nang sinira mo ngayon ang araw ko."
Nagtuloy-tuloy lang sa paglakad si Armida at malakas pang binangga sa balikat si Fovi nang lampasan niya ito.
***
Nakahinga nang maluwag si Josef dahil mukhang kalmado na ang asawa niya nang makaalis sila sa pool. Pero tahimik pa rin ito kaya hindi niya alam kung kakausapin na ba niya o hindi pa.
Ilang segundo pa ang pinalipas ni Josef bago nagsalita. "Armida, ayos ka lang?"
Nagbuga ng hininga si Armida at pilit ang ngiting ibinigay nito sa kanya nang lingunin siya. Ang kakaiba, wala itong sinabi.
"Alam mo, kapag ganyan ang reaksiyon mo, mas lalo akong kinakabahan," sabi pa ni Josef. "Ano na namang sinabi mo sa Fovicate na 'yon?"
"Gusto ko lang siyang matuto ng leksiyon niya."
"Ah, not again!" Napaikot ng mata si Josef at napailing. "Armida, nasa bakasyon tayo."
"Gusto ko lang ma-realize niya yung worth ni Alex, okay?" katwiran ni Armida at nagpatiuna na siyang maglakad at patalikod na naglakad. "Mas mag-worry ka kapag may dugo nang involve."
Agad na nagusot ang mukha ni Josef dahil alam niyang may punto ang sinabi ng asawa niya. Pero dahil asawa niya ang nagsabi, mas lalong dapat siyang mag-alala.
Bumaba ang tingin ni Josef sa katawan ng asawa niya. Kasunod ay ang paligid nila kung saan may mga nakakasabay silang maglakad. Nagbuntonghininga at mabilis na hinubad ang T-shirt niyang malapit nang matuyo gawa ng hangin.
"Isuot mo nga 'to," sabi ni Josef at inalok ang damit.
Tinasaan lang ng kilay ni Armida ang T-shirt at tiningnan ang paligid. May mga naka-bikini rin naman silang nakakasabay.
"I can walk like this, wala namang may pake," katwiran ni Armida.
"Ako, may pake," masungit pang sinabi ni Josef at hinatak na niya si Armida papalapit sa kanya. "Wear this. Ako ang naiilang sa 'yo." At sapilitan niyang isinuot sa leeg ni Armida ang T-shirt.
"Malapit na tayo, pinasuot mo pa!" reklamo ni Armida at napilitan na lang ding isuot nang maayos ang damit ni Josef.
"Ako lang ang dapat nakakakita niyan!" sabi ni Josef sabay tulak ng noo ng asawa niya. "Kaya 'wag kang magreklamo."
"Tss! Arte mo."
-----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top