14. The Wive's Evil Plan

"Uhm."

Napadilat agad si Armida dahil naramdaman niyang may dumagan sa binti niya.

Sinubukan niyang ipahinga ang sarili nang ibagsak ang sarili sa kama. Pakiramdam niya, kinuha ni Josef ang lahat ng lakas niya sa katawan matapos ang ginawa nitong hindi niya alam kung paano. And that was a lesson for her dahil nakalimutan niyang si Shadow pala ang kausap niya—ang isa sa pinakamahirap tantiyahin ang ego sa lahat ng nakilala niya.

Hindi niya namalayang nakatulog pala siya nang malalim sa sobrang pagod-pagod na hindi niya alam kung gawa ba ng isang linggo niyang pagkamatay o gawa ng pagkapikon ni Josef sa kanya. Tiningnan niya ang glow-in-the-dark wall clock nasa dingding na malapit sa pintuan ng kuwarto. 7:34. Patay ang lahat ng ilaw at wala siyang ibang nakikitang liwanag kundi ang liwanag galing sa beach na pumapasok mula sa floor-to-ceiling na bintana.

Tiningnan niya ang tabi niya. Yung magaling niyang asawang pikunin, nakalingkis sa kanya. Nakadantay ang kanang braso sa tiyan niya at bahagyang nakapatong ang kanang binti nito sa hita niya. Bahagya itong nakadapa na nakatagilid paharap sa kanya. Tulog.

Biglang naningkit ang mata niya at inisip na sakalin si Josef. Makaganti man lang sa ginawa nito sa kanya kanina.

Kaso . . .

"Pikon," sabi niya rito at akmang sasampalin sana pero nahuli agad nito ang kamay niya at ibinaba iyon.

"Galit ka?" tanong pa ni Josef pero hindi pa rin dumidilat.

"Kanina ka pa gising?" tanong ni Armida at pumaling pa lalo patagilid para harapin ang asawa niyang nakapikit pa rin.

Hindi siya sinagot ni Josef sa halip ay ipinalibot na naman ang braso nito sa kanya at hinigpitan lang nito ang pagkakayakap.

"Hoy, may atraso ka pa sa 'kin, ha," inis na sinabi ni Armida.

"It's your fault. And I don't want to argue. Wala ka sa lugar."

Nanlaki agad ang mga mata ni Armida at halos itulak ang asawa niya palayo. "Alam mo, napaka-antipatiko mo. I really don't see why she liked you a lot."

Doon na napadilat si Josef at bahagyang bumangon. Itinukod niya ang kaliwang siko sa kama at ipinatong sa kinuyom na kamao ang ulo.

"Don't look at me like that," banta pa ni Armida habang nakataas ang kilay.

"Linaw naman ng mata mo."

"Nakikita kita kahit madilim. Baka nakakalimutan mo kung sino 'ko."

Napangiti na lang si Josef at dinampian ng marahang halik sa labi ang asawa. "I'm sorry for what I did earlier."

"So, you think, that's enough for a peace offering?"

Bumuga ng hangin si Josef at bumangon na rin sa kama. Tumayo lang siya sa gilid ng higaan. "Ano'ng gusto mong pagkain, milady?" tinatamad niyang sinabi at yumukod pa gaya ng kilos ng mga guardian sa Citadel kapag tinatanong sila.

Agad ang lapad ng ngisi ni Armida at bumangon na rin. Nag-indian seat pa siya habang pinagtatawanan ang asawa niyang nagbibigay-galang. "Ano kayang sasabihin ng mga taga-association kapag nalaman nilang niyuyukuran ng Fuhrer si RYJO hahaha! Bitch, that was fucking heavy!"

"Hindi counted ang pagiging Fuhrer ko ngayon at pagiging si RYJO mo, excuse me," mayabang pang sinabi ni Josef at kinuha ang magkabilang kamay ng asawa niya. "Tara, bumangon ka na diyan, Mrs. Zach."

"Aw, Mrs. Zach." Natatawa na naman si Armida at nagpaubaya naman kay Josef para ibangon siya.

"Gusto mo ng steak?" tanong pa ni Josef nang makatapak na ang asawa niya sa sahig. Hawak pa rin niya ang magkabilang kamay nito at pinagsalikop doon ang mga daliri sa pagitan ng mga daliri nito. "Ano'ng gusto mong kainin?"

Lalong lumapad ang ngisi ni Armida nang tagpuin ang tingin ng asawa niya.

"Aside from me," mabilis na sagot ni Josef.

"HAHAHA!" ang lakas agad ng tawa ni Armida dahil nabasa pa ni Josef ang tingin niya. "You can't take good jokes, Mr. Zach."

Tumingkayad pa siya para abutin ang labi ni Josef. Akma na sana niyang hahalikan ang asawa nang biglang . . .

"ARMIDAAAAAA!"

Natigilan siya at sabay pa sila ni Josef na napalingon sa kaliwa.

"Who the hell is that?" tanong pa ni Armida at dali-dali silang lumabas ng kuwarto.

"Aw, shoot!" Napatakip agad ng mata si Josef nang biglang bumukas ang puting LED light na nasa itaas lang nila.

"JOSEF!" sigaw na naman nito.

"Miethy?" tanong ni Armida. "Ano'ng gina-"

"Besh! Tara na! Late na tayo, ano ba?!"

"Whoah, wait!"

Biglang hinigit ni Miethy ang braso ni Armida at buong lakas siya nitong hinigit palabas ng bahay mismo nila.

"Oh, damn," bulong ni Josef at wala nang nagawa kundi habulin ang asawa niyang tinangay ni Miethy.






Litong-lito ang mag-asawa habang nilalakad nila ang dinaanan papuntang convention nitong umaga lang. Nakailang himas ng sentido si Josef habang nakatingin sa suot ng asawa niyang naka-strappy sando lang na pula at maikling denim shorts. Mabuti at nakapag-flipflops pa ito bago makaladkad sa kalsada.

"Saan ba tayo pupunta?" usisa niya kay Miethy na kanina pa nagdadaldal ng direksyon.

"Oh! Oo nga pala!" gulat pa nitong sinabi na parang noon lang na-realize ang dahilan ng pagtangay sa kanila. "At dahil kayo ang pumalit kina Jas! Required kayo para sa Couple's Night na kasama sa event ng Couple's Convention! Oh yeah!" Nginitian niya nang sobrang lapad si Armida. "Nakalimutan naming sabihin sa inyo kanina! Buti nalaman namin kung saan kayo naka-stay ngayon!"

Patuloy lang silang naglakad sa kalsadang may magagandang rest house. Marami ring mga nagkikislapang mga parol at mga Christmas lights. November na at malapit na ring mag-Pasko.

Hindi nila napapansin ang araw.

Magka-holding hands na naman sina Miethy at Armida. Nakapamulsa lang ang kanang kamay ni Armida habang diretso ang tindig. Talo pa ang lalaking pinapasyal ang ka-date niya.

"Dito tayo, guys!" malakas na namang sinabi ni Miethy at itinuro ang kaliwa ng reception area kung saan sila huling kumain.

Nakaabot sila sa malaking pavilion na maraming mga tao. At lahat ng mga naroon ay kasama sa Couple's Convention na ginanap nitong umaga lang.

"Hello, people!" sigaw ni Miethy at hinatak ulit si Armida palapit sa kaninang grupo nila.

Noon lang napansin ng mag-asawa na lahat ng babae, naka-dress. At lahat ng lalaki, naka-shirt at pants. May mga nagsasayaw rin dahil sa tugtog.

"Ano ba'ng gagawin natin dito?" tanong ni Armida kay Miethy.

"Ah! Mag-e-enjoy tayo!" Kumuha si Miethy ng dalawang wine sa wine server na naglilibot-libot para mamahagi ng alak. Ibinigay niya ang dalawang glass sa mag-asawa. "Libre 'to, guys! Kuha lang kayo pati ng foods!"

Nagkatinginan lang ang dalawa at binigyan ang isa't isa ng 'why not' shrug. Sumama na si Miethy sa asawa niya at nagkanya-kanya na.

Tiningnan ni Armida si Josef. Itinaas lang nito ang hawak na wine para makipag-cheers. Ginaya naman siya ni Armida at nag-smile silang pareho.

Pumuwesto sila sa may railings na pinakabakod ng pavilion at doon sumandal habang pinanonood ang iba na nagkukuwentuhan at nagsasaya.

"Kagigising lang natin, alak agad," sabi ni Armida habang iniinom ang wine.

Pinamulsahan lang ni Josef ang kanang kamay sa suot na cotton shorts na pambahay. Ipinatong naman ni Armida ang kaliwang siko sa hand rails.

Casual lang ang kilos ng dalawa. Si Armida lang ang mukhang napadaan sa lugar. Malamig ang simoy ng hanging dumaraan sa pavilion na bahagyang nagpapalipad ng buhok niyang kahit wala pang suklay ay hindi naman magulo.

"Girl, you're every woman in the world to me . . ."

"You're my fantasy and my reality," mahinang kanta ni Josef na sinasabayan niya ng mabagal na pag-sway ng ulo.

"You sing?" tanong pa ni Armida at binigyan ng sincere na titig ang asawa niya.

"Hindi masyado," nakangiting sagot ni Josef at humigop ng wine.

"Your voice is good." Inilipat ni Armida ang tingin sa harapan nila. "You sing, you dance, you cook, you're rich, you're handsome. For the love of God, the mortal world doesn't deserve you."

Natawa nang mahina si Josef sa narinig sa asawa niya. "Coming from the perfectly-made human living on Earth right now."

Itinapat ni Armida ang ilong niya sa baso para amuyin ang wine. Napakunot siya ng noo dahil may naaamoy siyang mabango pero hindi iyon sa iniinom niya.

"Do you smell that?" tanong pa niya kay Josef. Naitapat tuloy ng lalaki ang iniinom sa bandang ilong niya para amuyin ang tinutukoy ni Armida.

"Wine?"

"No," tanggi agad ni Armida at sinundan ang amoy na naaamoy niya. Napakatamis na mas matamis pa sa alak pero may kahawig ang amoy sa alak. Dinala siya ng pang-amoy sa braso ni Josef at naitapat ang mukha sa mukha nito.

"What?" takang tanong agad ni Josef habang pinandidilatan ang asawa niyang parang aso kung makasinghot sa kanya.

"Ikaw 'yon."

"A-ako?" Mabilis ang pag-amoy ni Josef sa damit niya. "Kakaligo ko lang bago kita tabihan."

"Hindi." Umiling pa si Armida. "Amoy-alak ka."

"Ah," Nagtaas agad si Josef ng wine na iniinom niya para depensahan ang sarili. "It's the wine. At hindi ko pa ubos 'to."

"No. 'Yan din yung amoy mo kaninang hapon. After you trapped me sa kitchen. Pati ro'n sa maingay na condo ni Neneng Puti."

"Wh . . . at?" Lalong nagtaka si Josef sa ikinikilos ng asawa niya.

"Ang bango ng pawis mo."

Napaurong agad si Josef sa narinig sa asawa niya. "Ha?"

"JOSEEEEF!"

At sumulpot na naman ang mag-best friend na sina Nicole at Nikki na nakasuot ng magagandang floral maxi dress.

"Tara, sayaw tayo!" sabay pa silang dalawa. Hinablot nila ang wine glass na hawak ni Josef at ipinatong sa tray ng dumaang server. Kinuha nila pagkatapos ang magkabilang kamay ni Josef at hinatak.

"T-t-teka! Teka lang!" Nilingon ni Josef ang asawa niya. Nakangiti lang ito sa kanya at sinesenyasan siya ng 'Sige, sumama ka na, okay lang.'

Mukhang good mood si Armida ngayon at hinayaan niya ang asawang hatak-hatakin lang ng mag-best friend na may crush dito.

Naiwan siyang mag-isa roon at nakangiting tinitingnan ang lahat ng mga nagsasayaw sa gitna ng pavilion.

Nagbago na ang kanta.

"Mag-isa ka yata."

Napatingin siya sa nagsalita.

"O, Alex."

Sumandal na rin ito sa railings, sa may tabi niya.

"Nasaan si Fovicate?" tanong ni Armida.

"Ewan ko. Sumasayaw lang siguro 'yon somewhere." Tiningnan ni Alex si Armida. "E ikaw, nasaan ang asawa mo?"

"Hinatak ng mag-best friend." Tumawa naman nang mahina si Alex sa sinabi niya.

"Pasensya na, ha? Gano'n talaga yung mag-best friend na 'yon. Kapag nakakakita ng guwapo, nagiging single. But don't worry, hindi sila yung tipong nang-aagaw at naninira ng buhay."

"Nahihirapan ka ba sa asawa mo? Hindi ka matanggap?" pagbabago ng usapan ni Armida.

"Natural lang 'yon. Matagal ko na siyang kilala at alam kong imposibleng magustuhan niya 'ko." Matipid ang naging ngiti ni Alex at humigop sa baso niya. "Masuwerte si Josef dahil natanggap mo siya agad."

"You know what, 'yang si Josef, hindi 'yan ganyan no'ng una kaming magkita sa first wedding. Ang pamilya niya yung may utang sa 'kin, pero kung tratuhin niya 'ko, akala mo naman, ako ang may atraso sa kanya."

Kumunot ang noo ni Alex at kapansin-pansing nagkainteres sa ikinukuwento ni Armida. "Really?"

"She used to shout at me. It took me a lot of effort to catch his attention." Sinulyapan niya si Alex. "Isipin mo si Fovicate ang nasa posisyon ng asawa ko."

Yung mukha naman ni Alex, halatang hindi makapaniwala. Paano ba naman, parang baliktad kasi. Base sa kuwento ni Armida, iba ang nakikita nila ngayon. Parang si Armida ang mas istrikto sa kanilang dalawa ng asawa niya.

"Akala mo, mabait 'yang asawa ko dahil ganyan lang 'yan," pagpapatuloy ni Armida. "May pagkakataong nakakatakot 'yan, 'wag lang 'yang magseryoso."

"Guess, looks can be deceiving," sabi pa ni Alex at nagbalik ang tingin sa mga nagsasayaw sa gitna. "Pero imposibleng maging gaya kami ninyong dalawa."

"Your wife doesn't have any idea of your worth. May oras na magigising siya sa katotohanang hindi ka dapat tini-take for granted."

Yumuko lang si Alex at inisip na sana tama nga si Armida.

"I like you, Alex."

Nanlaki ang mga mata ni Alex sa narinig at napatingin kay Armida na nakatingin sa mga nagsasayaw.

"I-I love my wife, Armida. Hindi ko siya kayang lokohin kahit gano'n siya," nag-aalalang sinabi ni Alex sa kanya.

"'Wag mong lagyan ng malisya ang sinabi ko, 'wag kang ambisyoso," seryosong sinabi ni Armida sabay taas ng kilay.

"T-teka. E bakit mo-?"

"Di ko alam kung paano ipapaliwanag pero I like you as a person. Nakikita kong may potential ka. Anyway, gusto mong mabayaran ang utang mo sa asawa mo?"

"Ha?" Isang malaking question mark ang mababakas sa mukha ni Alex dahil sa sinabi niya.

"May business proposal ako sa 'yo."

Nagpakita na naman ang evil grin ni Armida habang takang-taka siyang tinitingnan ni Alex.


Samantala . . .


Nasa kabilang ibayo si Josef, nakasandal din sa railings ng malaking pavilion, inoobserbahan ang asawa niya at si Alex.

Hindi siya sigurado kung magseselos ba siya o kakabahan dahil walang emosyon si Armida habang nagsasalita tapos nakatingin lang sa mga nagsasayaw si Alex. Pero magkasama ang dalawa.

Alam ni Josef na hindi romantic at malanding babae ang asawa niya. Kung may dapat man siyang ikatakot, malamang ay kung mag-alok na naman ito ng kung anong kabaliwan sa Alex na iyon.

"Bagay sila, 'no?" Biglang sulpot ni Fovi sa tabi ni Josef. Inabutan siya nito ng wine pero tinanggihan niya. Kapag wala siyang tiwala sa tao, hindi talaga siya tumatanggap ng kahit ano.

Inubos lang ni Fovi ang isa niyang hawak at saka ibinato sa kung saan ang baso. Sumandal siya sa may railings, sa tabi ni Josef.

"Why are you here? Bakit wala ka sa tabi ng asawa mo, hmm?" tanong ni Fovi.

"E ikaw? Bakit wala ka sa tabi ng asawa mo?" tinatamad na sinabi ni Josef habang nakatingin pa rin sa asawa niyang nababasa niya ang bibig. At tama nga ang hinala niya, may pinaplano nga ito.

"I hate him. Mas pipiliin ko pang makasama ang driver ko kaysa sa kanya," mataray na sinabi ni Fovi.

Napailing na lang si Josef at nagbuntonghininga. Hindi niya talaga gusto si Fovi kaya naaasiwa siya.

"Magkano ang utang mo sa wife mo? Gusto mo, bayaran ko for you?" nakangiting alok ni Fovi.

Nagulat si Josef sa sinabi ni Fovi kaya napatingin agad siya rito. Kitang-kita niya ang brat smile nito at basang-basa niya ang nasa isipan nito.

Bad news.

"I like you, Josef."

Naningkit agad ang mga mata ni Josef sa narinig kay Fovi.

"I love my wife, Fovicate. Tanga lang ang magtatangkang lokohin si Armida," seryosong sinabi ni Josef.

Ininom lang ni Fovi ang wine niya at inisip na wala siyang narinig kay Josef.

"Sabihin mo lang kung gusto mo ng tulong ko. Bukas ang kuwarto ko para sa 'yo," alok ni Fovi habang pinadudulas ang hintuturo niya sa pisngi ni Josef pababa sa chin nito.

Hinuli agad ni Josef ang kamay niya at tiningnan siya nang masama.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo. Mas gugustuhin ko pang isangla ang kaluluwa ko sa demonyo kaysa patulan ang alok mo," mariing sinabi ni Josef at padabog na binitiwan ang kamay ni Fovi.

Dali-dali siyang naglakad palapit kay Armida na pinanonood na lang ang mga nagsasayaw.

"O, bakit ganyan ang mukha mo?" poker-face na tanong ni Armida sa asawa niyang nakabusangot.

"Alexander, tama?" seryosong tanong agad ni Josef sa lalaking kasama ng asawa niya. "Lalaki ka. I-handle mo nang maayos ang asawa mo." Kinuha niya agad ang kamay ni Armida at hinatak paalis sa pavilion.

"Teka nga, ano ba'ng nangyari?" nalilitong tanong ni Armida.

"Ayoko talaga sa Fovicate na 'yon," sabi ni Josef habang nakatingin lang nang diretso sa dinadaanan niya.

"May nangyari ba?"

"Hindi ko gugustuhing may mangyari kaya mas mabuting umuwi na tayo."

"Wait." Napahinto si Armida at siya naman ang nanghatak sa kamay ni Josef. "Ano'ng ginawa sa 'yo ni Fovi?"

Marahas ang buga ng hininga ni Josef at saka umiling.

"Don't tell me, you unconsciously seduced her."

Napaikot ng mata si Josef at napailing na naman.

"Oh, come on! Hahaha!" Natawa na naman si Armida at tinapik sa balikat si Josef. "Okay, I'll admit it. Your Art of Seduction is not useless. I am reaaaally sorry for dragging that one off. Let me guess, the famous Richard Zach got another indecent proposal from a lady."

"Stop it!" banta pa ni Josef dahil naiirita na siya. "It's not funny!"

"HAHAHA! No shit! I was right!" Kinagat agad ni Armida ang labi niya para pigilan ang pagtawa. Nakahalata na siya at mukhang may idea na siya kung bakit nagkakaganoon ang asawa niya.

"Leave them alone, okay!" utos ni Josef sa kanya. "Whatever that is you're planning, just don't!"

Tinawanan lang niya iyon. Para bang walang narinig na inis sa tono ng asawa niya. Nakaisip na tuloy siya ng magandang plano para turuan ng leksiyon si Fovi at tulungan si Alex.

Gagamitin niya si Josef at Alex para matuloy ang pinaplano niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top